BULKANG KANLAON, PUMUTOK 🌋
TINGNAN: Pumutok kaninang alas-3:03 ng hapon ang Bulkang Kanlaon, ayon sa PHIVOLCS.
Nagbuga ito ng plume na umabot sa 3,000 metro ang taas patungong kanluran timog-kanluran.
Itinaas na sa Alert Level Status 3 ang bulkan.
Source: PHIVOLCS-DOST/FACEBOOK
#GoPhilippines
ILANG KABAHAYAN, IPINAPAKO AT TINALI PARA MASALBA
ILANG KABAHAYAN, IPINAPAKO AT TINALI PARA MASALBA
TINGNAN: Ilang mga kabahayan ang ipinako at itinali ng mga residente upang mailigtas sa bagsik ng Bagyong Ofel sa Gonzaga, Cagayan.
Sa video ni Mark Anthony Flores Maballo Artis, isa itong paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong "Ofel".
Source: Mark Anthony Flores Maballo Artis/FACEBOOK
#GoPhilippines
BULKANG KANLAON AT THE MOMENT 🌋
BULKANG KANLAON AT THE MOMENT 🌋
TINGNAN: Patuloy pa rin na naglalabas ng abo ang Bulkang Kanlaon ngayong araw.
May taas itong 500-meter na patungong hilaga. Nananatili sa Alert Level 2 ang estado ng Bulkang Kanlaon.
Source: PHIVOLCS-DOST
#GoPhilippines
'HINDI ITO YATE. BUS ITO, GUYS' 😰
PANOORIN: Lakas-loob na sinuong ng bus na ito ang mataas na tubig-baha sa kalsadang sakop ng Brgy. Balangibang, Polangui, Albay noong nagdaang Martes, Oktubre 22, 2024.
"Dirediretso po kasi no chance to go back. Galing nung driver at di talaga nahintuan ng makina," komento ng uploader.
🎥 Jay Mar (Facebook)
#GoPhilippines #KristinePH #Albay
"TULONG!"
PANOORIN: Maririnig ang paghingi ng saklolo ng mga residenteng na-stranded sa lampas-taong baha sa Brgy. Triangulo sa Naga City sa gitna ng pananalasa ng bagyong #KristinePH nitong Martes ng gabi, Oktubre 22, 2024.
🎥 Gio Robles; ONE News (Facebook)
#GoPhilippines
"BAKIT SA IBA SWEET, AKO TINAWANAN?!" 🤣💍
PANOORIN: Marami ang kinilig at naaliw sa 'epic fail' na wedding proposal video na ibinahagi ni Cryz Morito kamakailan.
Ayon kay Cryz, dala dala niya ang singsing sa buong travel nila ng kaniyang girlfriend na si Jai at nagkataon na sila lamang dalawa ang nasa taas ng bundok kung saan sila nag-hike kaya naman naisipan niyang dito na lamang mag-propose.
Sa pagmamadaling makaluhod bago pa lumingon ang kaniyang girlfriend, hindi namalayan ni Cryz na baliktad pala ang box ng singsing nang binuksan at iniharap niya ito kay Jai.
Dahil dito, napahagalpak na lamang ng tawa si Jai.
Syempre, kahit naging katawa-tawa man ang dapat ay nakakakilig na proposal, nasungkit naman ni Cryz ang matamis na "Oo!" ni Jai.
Sa ngayon ay mayroon nang 7.9 million views ang nakakaaliw na wedding proposal.
🎥 Cryz Morito (Facebook)
#GoPhilippines
BUWIS-BUHAY NA PAGTAWID SA RUMARAGASANG TUBIG-BAHA 🙁🙏
BUWIS-BUHAY NA PAGTAWID SA RUMARAGASANG TUBIG-BAHA 🙁🙏
TINGNAN: Mapanganib at halos buhay na ang nakataya sa pagtawid ng mga residenteng ito sa mga pira-pirasong kahoy na tulay makalikas lamang sa kanilang mga nasalantang bahay.
Isa itong tulay na tinatawag na Kigas Bridge sa Barbaza, Antique.
Makikita na habang patuloy na rumaragasa ang tubig ay walang takot na tinatahak ng mga residente ang delikadong tulay.
Source: Raquel Herman Thalia/FACEBOOK
#GoPhilippines
KIDLAT, TUMAMA SA WIRE NG LRT 2 ⛈
KIDLAT, TUMAMA SA WIRE NG LRT 2 ⛈
TINGNAN: Nakuha sa CCTV ang pagtama ng kidlat kagabi sa catenary wire ng LRT line 2 sa istasyon ng Gilmore kasunod ng malakas na pag-ulan.
Agad naman itong kinumpuni kahit hindi naging madali ang pagsasaayos nito dahil sa sunod-sunod na pagkidlat.
Sa ngayon, naayos na ito at balik-normal na ang operasyon ng tren papunta at pabalik ng Antipolo hanggang Recto station.
Source: LRTA; RADYO PILIPINAS
#GoPhilippines
KALMA, KANLAON 🙏🏼
PANOORIN: Inilabas ng PHIVOLCS ang thermal camera footage kung saan makikita ang pagbuga ng Bulkang Kanlaon ng sulfur dioxide bandang alas-10:35 kagabi, Setyembre 9, hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ngayong Martes, Setyembre 10.
Ayon sa ulat ng PHIVOLCS kagabi, nagkaroon ng pagtaas ng seismic activity ang Bulkang Kanlaon kung saan naitala ang 25 volcanic-tectonic or VT earthquakes simula 8:32 ng umaga at 22 naman simula 10:35 ng gabi.
Ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 4-km permanent danger zone at ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.
Inaabisuhan naman ang mga residenteng naninirahan malapit sa bulkan na maging handa at alerto.
Sa ngayon ay nananatili sa alert level 2 ang Kanlaon.
Source: PHIVOLCS-DOST
#GoPhilippines
WELCOME TO EARTH! ☄
WELCOME TO EARTH! ☄
TINGNAN: Isang maliit na Asteroid 2024 RW1 ang tumama sa Earth atmosphere nitong Huwebes ng madaling araw, kung saan naobserbahan sa kapuluan ng Luzon, 12:46 ng umaga, oras sa Pilipinas.
May sukat na halos isang metro ang laki ng bulalakaw, ayon sa ulat ng European Space Agency.
Wala naman itong mapanganib na epekto at hindi nakakapinsala, kung saan hindi naman nabigo ang ilang mga pinoy na masaksihan ang pambihirang celestial event na nasaksihan sa bansa.
📷: Marvin Coloma
#GoPhilippines
BARKO SA NAVOTAS CENTENNIAL PARK, NASUSUNOG
PANOORIN: Isang barko na nakaangkla sa Navotas Centennial Park ang nasusunog ngayong araw, Setyembre 2, sa kabila ng malakas na hangin at pag-ulang dala ng bagyong #EntengPH.
Source: GMA News
#GoPhilippines
MALALAKAS NA HAMPAS NG ALON!
TUBIG-DAGAT SA BASECO COMPOUND, TONDO, UMAPAW!
TINGNAN: Makikita ang malalakas na hampas ng alon ng tubig-dagat sa seawall ng Baseco Compound, Tondo, Manila ngayong umaga.
Sa kasalukuyan, nakararanas ng malakas na hangin at walang tigil na pag-ulan ang Manila, na dulot ni Bagyong Enteng.
Source: Radyo Pilipinas/FACEBOOK
#GoPhilippines #EntengPH