![NEWS UPDATE: Inaprubahan ng Senado nitong Lunes, Pebrero 3 sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 10926, na nagl...](https://img4.medioq.com/449/781/944324194497816.jpg)
03/02/2025
NEWS UPDATE: Inaprubahan ng Senado nitong Lunes, Pebrero 3 sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 10926, na naglalayong palawigin ang prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco) ng karagdagang 25 taon.
Hindi bababa sa 18 senador ang bumoto pabor sa panukala, habang isang senador lamang — si Senator Risa Hontiveros — ang bumoto laban dito. Wala namang mga senador ang nag-abstain sa pagboto.
Sa ilalim ng House Bill No. 10926, ang Meralco ay papayagang magpatuloy sa pagtatayo, pagpapatakbo, at pagpapanatili ng mga sistema ng pamamahagi ng kuryente nito sa mga lugar tulad ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Quezon, Pampanga, Batangas, at Rizal.
Sundan: https://tnt.abante.com.ph/