11/02/2025
Printer Mo, Bangungot Mo: The Story of Every Low-Budget Printing Business Owner
(How to escape it)
CHAPTER 1: The Dream That Turned Into a Nightmare
Isang umaga, natanggap mo ang pinakamatagal mo nang hinihintay na mensahe:
"Magkano po pa-print ng invitation?"
Sa wakas! May inquiry!
Mabilis mong chineck ang message at sinagot nang may energy:
"Hello po! Ano pong design ang gusto nyo?"
Nagpadala sila ng sample. Gumawa ka ng mockup. Inabot ka ng isang oras.
Sinend mo ang presyo.
Tapos... wala na silang reply.
Seen.
..
Nagkamot ka ng ulo. Bumuntong-hininga. Pero okay lang, baka busy lang sila.
Ilang oras ang lumipas. Wala pa rin.
Ilang araw ang lumipas. Wala pa rin.
At nang mag-scroll ka sa Facebook…
Nakita mong nagpa-print sila sa iba.
At hindi lang ‘yon—mas mahal pa sa presyo mo!
Parang binuhusan ka ng malamig na tubig.
"Bakit sila pa ang pinili? Hindi naman ako mahal! Mas mura nga ako, ah!"
Sinubukan mong kalimutan. Pero nung sumunod na inquiry, ganun ulit ang nangyari.
At sa pangatlong inquiry, ganun ulit.
CHAPTER 2: The Hard Truth You Don’t Want to Admit
Sa totoo lang… hindi ka nila binalikan, hindi dahil mahal ka.
At hindi rin dahil mas maganda ang gawa ng iba.
Hindi ka nila binalikan kasi hindi ka nila naalala.
At masakit ‘yun.
Masakit malaman na hindi mo iniwan ang impact na dapat mong iniwan.
Nagpuyat ka, nag-effort ka, nagbigay ka ng mababang presyo… pero hindi ka pa rin nila pinili.
BAKIT?!
Ito ang gusto mong sagot:
"Kasi walang pera mga customer ngayon."
"Kasi hindi pa sila sure."
"Kasi mahal pa rin ako kahit bagsak-presyo na."
Pero ang totoo?
Kasi hindi mo alam paano bumuo ng isang business na hindi lang "murang printing."
Kasi hindi mo alam paano magbenta nang hindi ka mukhang desperate.
Kasi hindi mo pa naiintindihan ang isang sikreto na hindi sinasabi ng ibang printing business owners.
CHAPTER 3: The Secret That Printing Business Gurus Won’t Tell You
Lahat tayo, sinabihan na:
"Gumawa ka ng magandang design."
"Gamitin mo ang tamang printer."
"Maging mas mura kaysa sa iba."
Pero anong nangyari?
Maganda na ang design mo, pero hindi ka pa rin nababalikan.
Maganda na ang printer mo, pero hindi pa rin sapat ang kita mo.
Mura ka na nga, pero wala pa ring orders.
Alam mo kung bakit?
Kasi wala kang "Positioning."
📌 Hindi ka lang basta printer.
📌 Hindi ka lang basta murang alternative.
📌 Dapat ikaw ang unang naiisip nila tuwing kailangan nila ng printing.
Ang tanong: Paano?
CHAPTER 4: How to Escape the "Invisible Business" Trap
Para makalabas sa cycle ng "seenzone business," kailangan mong:
1️⃣ STOP SELLING PRINTING START SELLING A TRANSFORMATION.
Mali: “Nagpi-print po kami ng invitations.”
Tama: “Ginagawa naming mas espesyal ang invitations mo para hindi ito itapon ng guests mo.”
2️⃣ STOP COMPETING ON PRICE—START COMPETING ON PERCEPTION.
Mali: “Mas mura po kami kaysa sa iba!”
Tama: “Kami lang ang may guaranteed waterproof & scratch-resistant prints.”
3️⃣ STOP WORKING HARDER—START WORKING SMARTER.
Mali: Buong araw kang nagpi-print pero ang kita mo, parang wala.
Tama: Gumamit ka ng system para mas mabilis, mas efficient, at mas profitable ka.
CHAPTER 5: The Shortcut to a REAL Printing Business
Ngayon alam mo na ang sikreto anong gagawin mo?
👉 Pwede kang magpatuloy sa cycle ng "piso-piso business" at umasang gaganda ang takbo nito balang araw.
👉 O pwede mong gawin ang unang hakbang papunta sa isang mas profitable at stress-free na printing business.
Gusto mo bang malaman kung paano?
crtz, ✨💎