16/01/2025
Lahat ng bagay may kaayusan kung ang pakikipagusap ay may magandang pag papaliwanag,
Kung ang pakikipag usap ng may pag sumbat, wag mong asahan na magiging maayos ang lahat,
Tignan mo ang nakaraan dahil hindi lang ikaw ang dumaan sa kahirapan, ilang taon din ang nakalipas dahil sa pag tulong sa inyo hindi nagawang tulungan ang sarili para paghandaan ang kasalukuyan,
Kaya wag manumbat, hindi lang ikaw ang nahirapan, bakit hindi mo alalahanin nung panahong ikaw yung walang wala sino ba ang nag poprovide ng inyong pangarawaraw at bayad sa bahay,...
Puro kayo pangako wala naman natupad,
Nung may COVID nasaan ka nasa bahay lang naman at nag hihintay ng biyaya, pero ako nasaan nung panahon na yun,?
Nasa kalsada 24/7 lumalaban kahit na may sakuna may mabigay lang sainyo para hindi kayo mahirapan,..
Dumating pa sa punto na ipangutang ko ang pangbayad ng bahay pag panggastos sa araw na yun ...
Nung nasa SD ako nasan ka nun, nasa lugar nag hihintay sa wala, kaninong tulong yung nakapag bigay nung panahon nayun, diba dapat alam nyo yun, pero nagreklamo ba ako kahit angdami kong plano para sa sarili ko, hindi ko nabigay sa sarili ko yun dahil nakatuon ako sa pag tulong sainyo...
Tapos ngayon lahat ng kilos gusto mo ikaw ang sundin, sa diskarte gusto mo yung gusto mo ang masunod, e wala naman kayong diskarte na maayos, tignan mo hanggang ngayon wala manlang kayong plano. Puro buhay ng iba ang pinapakealaman nyo pinag uusapan nyo, tapos yung asa sa anak nyo padin,
Oo alam ko nadapat kami tumulong pero sana naisip nyo na kaylangan namin tulungan sarili namin para yung tulong nagusto nyo mabigay namin, hindi yung gusto nyo buong buhay namin itulong sainyo
Ngayong wala akong trabaho, ano na, ayan na ang sinasabi ko, binigyan kayo ng negosyo saan nyo nilaan, wala
Akala nyo kasi lagi kayong tama, bawal sumagot kasi magulang kayo, ano yun, tanggalan ako ng karapatan sa mga tamang desisyon ko...
Isipin nyo din nakaraan ko,
Sana nakapag ipon ako, pero tinuro nyo bayon?
Hindi!!!
Dahil gusto nyo itulong ko sainyo ituon ko sa pag tulong sainyo nasana kahit papaano tinuro nyo na dapat kami mag ipon,...
Kahit ginusto ko hindi ko nagawa dahil sa kagustuhan kong tumulong sainyo, pero may sumbat ba kayo narinig.
Ang problema hindi naman talaga yun yung problema,
Dahil ang problema yun yung inyong reaksyon... !!!
-unknown