Bagong Nancamarinan - OneNancamarinan

Bagong Nancamarinan - OneNancamarinan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bagong Nancamarinan - OneNancamarinan, Digital creator, Barangay Nancamarinan, Paniqui.

08/01/2025

Mr. ROMEO DE VERA punta po kayo mamayang 9:30am sa brgy hall darating po ang D.A. para po sa C.I. ng inyong nasiramg pananim.

Salamat

Ops... another problem, solved...Problema sa right of way, kaya yan!!! salamat po kap Tony Salvador Facun sa tulong mo s...
06/01/2025

Ops... another problem, solved...

Problema sa right of way, kaya yan!!! salamat po kap Tony Salvador Facun sa tulong mo sa ating mga kabarangay, problemang legal pati financial andyan po kayo para umalalay.

Thank you din kagawad Jayson Delos Santos for the special participation para maayos ang problema.

Mabuhay po kayo.




06/01/2025

Panawagan,

Pakiusap po sa mga magulang, pagsabihan po natin ang ating mga anak na magtanggal na ng mga wabwab na tambutso, tapos na po ang salubong sa bagong taon, para matahimik na po ang ating Barangay.

Kapag nahuli po sila ng ating mga tanod gamit ang maingay na motor, automatic po na kokonpiskahin ang kanilang mga tambutso at sisirain.

Maraming salamat,

02/01/2025

Masaganang Bagong Taon!

Sa ating mga minamahal na magsasaka na nais mag-apply at mag-update ng kanilang mga bukirin, magsisimula po sa Lunes ang aming pagtanggap ng inyong aplikasyon.

See you po mga ka-SAKA!

02/01/2025

Paalala!!!

Bagong taon, bagong Cedula po ang kailangan natin sa pagkuha ng mga clearance and certificates.

*No Cedula, No issuance
*Senior Citizen and students hindi na po kailangang kumuha ng cedula

Pabatid!!!Ngayong tapos na ang selebrasyon sa pagsalubong sa Bagong Taon, Mahigpit na pong ipatutupad ang panghuhuli sa ...
01/01/2025

Pabatid!!!

Ngayong tapos na ang selebrasyon sa pagsalubong sa Bagong Taon, Mahigpit na pong ipatutupad ang panghuhuli sa mga nakaopen pipe at nakamodified muffler na motorsiklo dito sa ating Barangay.

*Para sa lahat ng mga mahuhuling lalabag ay magkakaroon ng karampatang parusa.

Maraming salamat

24/12/2024

"Wishing you a holiday season filled with love, laughter, and cherished moments with family"

Happy holidays
❤️❤️❤️

19/12/2024

Okey na po yung gripo sa centro uno, gumagana na po ulit... magsalok na po kayo para marami na naman kaming makupit 😅😅🤣 gaya ng binibintang nila.. iba ka talaga kap Tony Salvador Facun basta ikaw ang kumilos laging may resulta, Special thanks para sa ating Brgy Electrician ang "Mr. Do it all" ng Brgy Nancamarinan Rommel Gutierrez.

Para po sa kaalaman ng lahat,Pinapaayos po ung gripo sa centro 1 nagkataon lang na ayaw magrespond sa mga message ung gu...
19/12/2024

Para po sa kaalaman ng lahat,

Pinapaayos po ung gripo sa centro 1 nagkataon lang na ayaw magrespond sa mga message ung gumawa, chat at tawag kami magfollow-up. Kung meron po kayo masasuggest na pwede gumawa p**isabi magpunta nalang sa Barangay para maayos na niya agad.

Kagawad Antonio Facun p**i nalang ikaw na mag explain sa mga kasamahan mo kung ano ang totoong nangyayari...

15/12/2024

Announcement!!!

May clinic po tayo bukas 8 to 11 am.

*Check-up po ng mga buntis at sa mga naka schedule na vaccine ng mga bata.

Maraming salamat

10/12/2024

Para po sa mga gustong magpalista para sa registration ng National i.d. magpunta lamang sa ating Brgy. hall Lunes hanggang byernes 9am to 5pm. Mangangalap lamang po tayo ng sapat na bilang ng mga gustong magkaroon ng national I.D. para makapagrequest na po tayo ng schedule sa PSA for satelite registration dito sa ating Barangay

Maraming salamat

Finally... Isang pangako ang binitiwan at tinupad ng ating mahal na Mayor Gov. Max Roxas at ng ating susunod na Mayor VM...
07/12/2024

Finally...

Isang pangako ang binitiwan at tinupad ng ating mahal na Mayor Gov. Max Roxas at ng ating susunod na Mayor VM Bien Roxas, sa wakas nagliwanag na din ang Sitio "Tubod" na antagal ding nakalimutan ng mga dating nakaupong opisyal.

Thank you very much po Capt. Konsi Paul Gaña sa tulong, donation na solar lights sa aming munting sitio. Nag iwan kana ng bakas na hinding hindi makakalimutan ng mga taga Sitio Tubod, Makakaasa po kayo sa aming suporta..

Sa aming mga Brgy official sa pangunguna po ating kapitan Tony Salvador Facun, at mga konsehal Albert Baguistan Tolentino Romy Bajadi Lardizabal at sa aming district Kagawad Jayson Delos Santos maraming salamat po sa suporta niyo, hindi po maisasakatuparan ang lahat ng ito kung hindi dahil sa inyo...

Mabuhay po kayo.



Maraming salamat po Mayor Max Roxas at VM Bien Roxas sa napakalaking tulong na inyong ipinagkaloob sa pamilya Malgana ng...
04/12/2024

Maraming salamat po Mayor Max Roxas at VM Bien Roxas sa napakalaking tulong na inyong ipinagkaloob sa pamilya Malgana ng Sitio Apalang, mula sa gastusin sa hospital hanggang sa funeral service kayo po ay naka alalay. Salamat din po sa aming kapitan ang nag iisang "Action Man" Tony Salvador Facun sa pagsama sa ating mga Kabarangay sa oras ng pangangailangan.

Mabuhay po kami


02/12/2024

PABATID SA PUBLIKO!

Magsisimula muli ang aming pagtanggap ng aplikasyon sa RSBSA ngayong araw para sa mga bagong aplikante at updating hanggang December 13, 2024.

See po you mga ka-SAKA. 🌾

𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐌𝐎𝐁𝐈𝐋𝐄 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 ngayong Martes December 03, 2024, para sa mga kabaranggay nating hindi pa nakapagparehistro ng ...
01/12/2024

𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐌𝐎𝐁𝐈𝐋𝐄 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 ngayong Martes December 03, 2024, para sa mga kabaranggay nating hindi pa nakapagparehistro ng kanilang Birth Certificate handog sa atin ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating Mayor Max Roxas, Vice Mayor Bien Roxas at Local Civil Registry Office katuwang ang Philippine Statistic Authority. Sila na po ang pupunta sa inyong barangay upang mas lalong mapadali ang inyong pagrehistro.

𝐑𝐄𝐐𝐔𝐈𝐑𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐒 𝐅𝐎𝐑 𝐃𝐄𝐋𝐀𝐘𝐄𝐃 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐁𝐈𝐑𝐓𝐇 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐂𝐀𝐓𝐄.
1. 2X2 ID Picture (4) Pieces (Child)
2. One (1) year old and above need to secure Negative Result from PSA
3. Mandatory National ID of parents and child
4. Brgy. Certification of Birth and Residency
5. Baptismal Certificate if available
6. School Record
7. ID of parents (photocopy 3 copies each)
8. Marriage contract if married
9. If not married - personal appearance of both parents for signature
10. Affidavit to use the surname of the father-executed by the mother
11. Affidavit of 2 disinterested persons
12. Affidavit of Applicant
13. Community Tax Certificate

Huwag na pong magpahuli. Magparehistro na! ❤️💙

Maraming salamat po Mayor Max Roxas at VM Bien Roxas sa agarang pagpapaayos ng aming kalsada sa Sitio Manquinto. Isang p...
26/11/2024

Maraming salamat po Mayor Max Roxas at VM Bien Roxas sa agarang pagpapaayos ng aming kalsada sa Sitio Manquinto. Isang patunay ng maayos na serbisyo publiko at mahusay na lingkod bayan.


Para po sa mga iilan lamang na bumabatikos at pumupuna, nagsasabing gawa-gawa at pansariling desisyon lamang ang pagpapa...
19/11/2024

Para po sa mga iilan lamang na bumabatikos at pumupuna, nagsasabing gawa-gawa at pansariling desisyon lamang ang pagpapatupad ng checkpoint sa ating Barangay, hayan po at malinaw na pati myembro ng PNP Paniqui sinamahan po tayo para maipatupad ng maayos at tama ang ordinansa.

Address

Barangay Nancamarinan
Paniqui
2307

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639300722210

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bagong Nancamarinan - OneNancamarinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Bagong Nancamarinan - OneNancamarinan:

Videos

Share