22/08/2025
MAKULAY NA IPINAGDIWANG NG PANDAN BAY INSTITUTE ANG BUWAN NG WIKA
Agosto 22, 2025 – Ipinagdiwang ng mga mag-aaral, g**o, at mga magulang ng Pandan Bay Institute ang makulay na pagdiriwang ng Buwan ng Wika na ginanap sa main campus ng paaralan.
Pinangunahan nina G. Pepe Casabuena at Bb. Andelyn Barrientos Sarcilla ang panimulang bahagi ng programa, samantalang si Gng. Rebecca C. Ytuzaita ang nagbigay ng pambungad na pananalita. Sa pagsisimula ng programa, kumanta muna ang isa sa mga mag-aaral ng K6 Department na si Maxine Fay Peralta, kasabay ng ilan pang mag-aaral na naghandog ng awitin.
Bago pa man pormal na nagsimula ang programa, ipinakilala muna ang mga hurado para sa mga patimpalak gaya ng Dagliang Talumpati, Talumpati, OPM Solo, at OPM Duet. Ipinakita ng mga mag-aaral ng PBI ang kanilang kahusayan sa pag-awit, pagsasalita ng talumpati, at pagbibigay ng kasagutan sa mga tanong na nagbigay-pugay sa mga hurado at g**o.
Bilang bahagi ng kasiyahan, itinampok din ang “Kainan sa Nayon” kung saan sama-samang nagsalu-salo ang mga g**o, mag-aaral, at magulang. Nagkaroon ng iba’t ibang lutuing Pilipino gaya ng adobo, pancit, p**o, at iba pang tradisyonal na pagkain na lalong nagpasigla sa diwa ng bayanihan at pagkakaisa.
Kasabay nito ang parada ng mga modelo mula K6 hanggang College Department na nagpakita ng makukulay at tradisyonal na kasuotan. Ipinagmamalaki ng bawat baitang ang kani-kanilang galing sa pagrampa at pagpapakita ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng kanilang mga kasuotan.
Pagkatapos ng mga pagtatanghal, isinagawa ang iba’t ibang paligsahan na nagbigay-diin sa talino at galing ng mga mag-aaral. Sa Dagliang Talumpati, nagwagi si ika-anim na kalahok bilang unang puwesto, sinundan ni ika-tatlo na kalahok sa ikalawang puwesto, at ika-apat na kalahok sa ikatlong puwesto. Sa Talumpati, si ika-limang kalahok ang nagkamit ng unang puwesto, si ika-anim na kalahok naman ang ikalawa, at ika-tatlong kalahok ang ikatlo.
Sa OPM Solo, nagwagi si ika-anim na kalahok bilang unang puwesto, si pangalawang kalahok naman ay bilang ikalawa, at si unang kalahok ang bilang ikatlo. Sa Sanaysay, itinanghal na kampeon si Carley Evans A. Villanueva (G12–Fr. Dionela), sinundan ni Rowie R. Dela Cruz (BSIT-3, College Department) sa ikalawang puwesto, at ni Kythe Yvonne V. Miguel (G12–Fr. Dionela) sa ikatlong puwesto.
Sa Tula, nakamit ni Rheign Arriane Dela Torre ang unang puwesto, sinundan ni Heiba Vanna N. Montero bilang ikalawa, at ni Kimberly Ann A. Maglantay bilang ikatlo. Sa OPM Duet naman, itinanghal na unang puwesto ang unang kalahok, ikalawa ang ikalawang kalahok, at ikatlo ang ika-anim na kalahok
Sa panapos na pananalita ni Gng. Ma. Evelyn M. Verano muling pinaalalahanan ang lahat sa kahalagahan ng Wikang Filipino bilang instrumento ng pagkakaisa at pagkakakilanlan ng bansa. Ang buong selebrasyon ay nagbigay-diin sa pagmamahal sa sariling wika at kulturang Pilipino.
✍️: Kate Mazel Kirong
📸: Shanhia Shunthell Ausan & Chrystine Ferreria