07/02/2022
CREATIVES BILL - APPROVED!
SB No. 2455 – An Act to Develop and Promote The Creative Industries of the Philippines has passed its 2nd reading! Definitely good news for Digital creators, artists, designers, writers, directors, visual artists, print service and multi media arts, cultural workers, recording artists and people working in the creative sector as it has numerous benefits for this industry. Salute to Senator Migz Zubiri!
Credits to: Senator Migz Zubiri
https://web.facebook.com/migzzubiri/posts/479611570203155
Creatives Bill pasado na!! Para sa lahat ng Digital creators, artists, designers, writers, directors, visual artists, print service and multi media arts, cultural workers, recording artists at sa lahat ng nasa creatives sector. GOOD NEWS! 😃
Ipinasa rin po ng Senado sa Second Reading kahapon ang SB No. 2455 – An Act to Develop and Promote The Creative Industries of the Philippines”. Ang panukalang batas po na ito ay naglalayong palaganapin at palakasin pa ang Creative Industries sa bansa na kinabibilangan ng audiovisual media; digital interactive media; creative services; design; publishing at printed media; performing arts; visual arts; traditional cultural expressions at cultural sites.
Magbibigay din po ng tulong at suporta ang gobyerno sa mga programa ng creative undustries tulad ng mga sumusunod: infrastructure support sa ilalim ng Shared Service Facilities ng Department of Trade and Industry (DTI); research and development support program ng Department of Science and Technology (DOST); access to digital services and digital training platforms; access to credit and financial instruments; creative vouchers which entitle creative industries to receive the support, aid, and incentives from the various government agencies; fiscal incentives sa ilalim ng Republic Act No. 11534 (CREATE Law) at non-fiscal support na nakapaloob sa Strategic Investment Priority Plan.
Tinatatag din ng panukalang batas ang Creative Industries Development Council na pangunahing ahensya na magpapatupad ng batas, gayundin ang pagtatalaga ng Local Culture and Art Council (LCAC) sa lahat ng local government units (LGUs) sa buong bansa. Malaki ang maitutulong ng batas na ito sa mga nagtatrabaho at negosyo sa creative industries sector sa buong bansa. 🇵🇭🇵🇭🇵🇭