Islamic Da'wah Volunteers

Islamic Da'wah Volunteers islamic da'wah para sa lahat ng mga tao

Ang kahigitan at kabutihan ng Salâtul Fajr ١ . أن أداء صلاة الفجر في وقتها مع الجماعة من صفات المؤمنين . 1. Ang pagtaguy...
21/07/2024

Ang kahigitan at kabutihan ng Salâtul Fajr

١ . أن أداء صلاة الفجر في وقتها مع الجماعة من صفات المؤمنين .

1. Ang pagtaguyod ng Fajr Prayer (Salâtul Fajr) sa oras nito kamasa ang Jamâ’ah (grupo) ay katangian ng isang mananampalataya.

٢ . أن أداءها مع الجماعة مع صلاة العشاء يعدل قيام الليل قال رسول الله ﷺ : ❞ من صلى العشاء في جماعة فكأنما قام نصف الليل ، ومن صلى الصبح في جماعة فكأنما صلى الليل كله ❝ رواه مسلم

2. Ang pagtaguyod ng Salâtul Fajr kasama ang Salâtul Ishâa na Jamâ’ah (grupo) katumbas ng Qiyâmullayl (dasal sa gabi) sinabi ng Sugo ng Allâh (ﷺ): ❝Ang sinuman ang magSalâh ng Salâtul Ishâa kasama ang Jamâ’ah (grupo) para siyang parang nagSalâh ng kalahating gabi, at sinuman ang magSalâh ng Salâtul Fajr kasama ang Jamâ’ah (grupo) para siyang nagSalâh ng buong gabi.❞ Muslim

٣ . أن من صلى الفجر فهو في ذمة الله – أي في حفظ الله ، قال رسول الله ﷺ : ❞ من صلى الصبح فهو في ذمة الله ❝ رواه مسلم

3. Katotohanan, ang sinuman magSalâh ng Salâtul Fajr napapaloob siya ng pangangalaga ng Allâh, Sinabi ng Sugo ng Allâh (ﷺ): ❝Ang sinuman magSalâh ng Salâtul Fajr siya ay sa pangangalaga ng Allâh.❞ Muslim

٤ . أن المسلم إذا استيقظ من نومه فذكر الله وتوضأ وصلى أصبح نشيطاً طيب النفس وإلا أصبح خبيث النفس كسلان .

4. Katotohanan, ang Muslim kapag nakagising mula sa kanyang pagtulog naala-ala niya ang Allâh magsagawa ng Wudhu at magSalâh, siya ay maliksi at may malinis na pangangatawan. Pag hindi siya nakapagSalâh ng Salâtul Fajr makakagising siya may marumi na pangangatawan at tamad.

٥ . أن أداءها في وقتها مع الجماعة من أسباب دخول الجنة والنجاة من النار مع أداء صلاة العصر ، قال رسول الله ﷺ : ❞ من صلى البردين دخل الجنة ❝ متفق عليه “ والبردان: الصبح والعصر “

5. Katotohanan, ang pagtaguyod ng Salâtul Fajr at Salâtul Asr sa oras nito kamasa ang Jamâ’ah (grupo) maging dahilan upang makakapasok sa Paraiso at ligtas mula sa Impiyernong-Apoy. Sinabi ng Sugo ng Allâh (ﷺ): ❝Ang sinuman magSalâh ng Bardayin (Salâtul Fajr at Salâtul Asr) ay makakapasok sa Paraiso.❞ Bukhari at Muslim “Bardayin: Fajr at Asr Prayer”

٦ . حضور اجتماع الملائكة في صلاة الصبح وصلاة العصر . قال رسول الله ﷺ : ❞ يتعاقبون فيكم ملائكة بالليل وملائكة بالنهار ويجتمعون في صلاة الصبح وصلاة العصر ثم يعرج الذين باتوا فيكم فيسألهم الله – وهو أعلم بهم – كيف تركتم عبادي ؟ فيقولون تركناهم وهو يصلون ❝ متفق عليه

6. Ang mga Anghel ay mag-ipun-ipon sila sa Salâtul Fajr at Salâtul Asr. Sinabi ng Sugo ng Allâh (ﷺ): ❝Magpapalitan ang mga Anghel sa gabi at mga Anghel sa araw sila ay mag-ipun-ipon sa Salâtul Fajr at Salâtul Asr at sila ay aakyat muli sa langit at magreport tatanungin sila ng Allâh - ang Siyang higit na Nakakaalam - paano ninyo iniwan ang Aking mga alipin? Sila ay magsasabi iniwan namin sila ay nagsaSalâh.❞ Bukhari at Muslim

____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)

Kung may hayop na dumating sa iyo na naghahanap ng pagkain, huwag mo itong itaboy o palayasin.Ito ay pumunta lamang sa i...
21/07/2024

Kung may hayop na dumating sa iyo na naghahanap ng pagkain, huwag mo itong itaboy o palayasin.
Ito ay pumunta lamang sa iyo upang alisin ang ilan sa iyong mga kasalanan.

Sinabi ng Propeta ﷺ
في كل ذاتِ كبِدٍ رطبةٍ أجرٌ
[sa pinaka malapit nitong kahulugan]
“Ang lahat ng may buhay ay may napapaloob dito na gantimpala”
[Sahih Bukhari] 2466

ibig sabihin ay ang pakitunguhan mo ng maganda ang mga nilalang na may buhay ay magkakaroon ka ng gantimpala..

At sinabi ng Allah ﷻ
إِنَّ ٱلۡحَسَنَٰتِ يُذۡهِبۡنَ ٱلسَّيِّـَٔاتِۚ
“Katotohanan, ang mga mabubuting gawa ay nakapapawi ng mga masasamang gawa”

Hud | Qur'an Chapter 11

Note :
Di lang po sa pusa na dapat maging mabait o mabuti tayo kundi sa lahat ng nilikha ng Allah , wag lang naman siguro yung makamandag na hayop o kaya sa mga alam natin na pinagbabawal. ☺️

و الله تعالى أعلم

✍🏼Mujtaba Ibn Muhammad

Ang pinakamainam na Salâh ay ang Salâtul Fajr sa Araw ng Biyernes Ulat mula kay Abdullah Bin Umar (kalugdan nawa silang ...
19/07/2024

Ang pinakamainam na Salâh ay ang Salâtul Fajr sa Araw ng Biyernes

Ulat mula kay Abdullah Bin Umar (kalugdan nawa silang dalawa ng Allâh), ang Propeta Muhammad ‫ﷺ‬ ay nagsabi: ‪❝‬Pinakamainam na mga Salâh sa Allâh ay ang Salâtul Fajr sa Araw ng Biyernes na Jamâ’ah (congregational prayer).‪❞‬ Hadith Saheeh

عَنِ ابْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا ، عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ ، قَالَ : ‪❞‬ أَفْضَلُ الصَّلَوَاتِ عِنْدَ اللَّـهِ صَلاةُ الصُّبْحِ يَوْمَ الْجُمُعَةِ فِي جَمَاعَةٍ ‪❝‬ صححه الألباني ( السلسلة الصحيحة ٤/٩١ )

Katotohanan, ang Salâtul Fajr ito ay isang pagsusulit kung gaano katotoo ang iyong katapatan sa Allâh. Kaya mo bang iwanan ang masarap mong tulog, ang malambot mong higaan at makapal mong kumot para itayo at itaguyod ang SALÂTUL FAJR? Tunay na ang makakagawa lang nito ay yaong may tunay na takot lamang sa Allâh at may katapatan lamang sa Kanya.

Samantala ang mga Munâfiq (mapagkunwari/hipokrito) ito ang pinakamabigat na Salâh sa kanila. Allâhul Must’ân

Nawa’y patnubayan nawa tayo ng Allâh at patatagin nawa Niya tayo sa Islam hanggang sa makaharap natin Siya sa Araw ng muling Pagkabuhay. Âmeen !!!

____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)

PAGSUBOK SA MANANAMPALATAYA AT PARUSA SA GUMAGAWA NG MASAMA❗❗❗❗👉 Ang sakuna o kalamidad ay isang pagsubok sa mananampala...
13/07/2024

PAGSUBOK SA MANANAMPALATAYA AT PARUSA SA GUMAGAWA NG MASAMA❗❗❗❗

👉 Ang sakuna o kalamidad ay isang pagsubok sa mananampalataya upang dalisayin mula sa kanyang kasalanan, iangat ang kalagayan at dodoblehin ang gantimpala ng kanyang mabuting gawa.

👉Sinabi ng Mahal na Propeta: "Mananatili ang pagsubok sa isang Muslim na lalaki at babae mula sa sarili, sa kanyang anak at sa kanyang kayamanan hanggang sa makasalamuha niya si Allah na ang lahat ng kanyang kasalanan ay pinatawad”

👉👉 MAGANDANG DULOT NG PAGSUBOK:

a-Bilang paalaala upang manumbalik sila sa Allah at maging matuwid

Sinabi ni Allah: “Hindi namin ipinapadala ang mga tandang ito (katulad ng sakuna o kalamidad) maliban sa ito ay isang babala” Al-isra 59

b-Pagdalisay sa kasalanan

c-Lalaganap ang pagpapayuhan sa isa't isa

d-Pagtutulungan at pagdadamayan

👉 ANG KALAMIDAD AY MAAARING PARUSA SA MAKASALANAN

👉 Sinabi ng Sugo ni Allah: “Mangyayari sa aking Ummah ang pagguho, pagkasira ng anyo at pagsabog”

Sinabi ng isang lalaki: “O Sugo ni Allah! Kailan ito nangyayari? Siya ay nagwika: “Kapag naging hayag na ang paggamit ng awit, instrumenong musika at ang pag-inom ng alak” Authentic ayon kay Albani

Note: Nakakalungkot isipin na ang iba may video sa pagbaha ngunit ang background ay MUSIC❌❌❌

👉👉 Ikaw na hinahabol ng sakuna (baha) magbago kana❗❗❗

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

حديث: "ما يزال البلاء بالمؤمن والمؤمنة في نفسه وولده وماله حتى يلقى الله و ما عليه خطيئة " وصححه الألباني في صحيح الجامع

حديث: : ( فِي هَذِهِ الْأُمَّةِ خَسْفٌ وَمَسْخٌ وَقَذْفٌ . فَقَالَ رَجُلٌ مِنْ الْمُسْلِمِينَ : يَا رَسُولَ اللَّهِ ، وَمَتَى ذَاكَ ؟ قَالَ : إِذَا ظَهَرَتْ الْقَيْنَاتُ وَالْمَعَازِفُ وَشُرِبَتْ الْخُمُورُ ) صححه الألباني في صحيح الترمذي (2212) .

👉 Zulameen Sarento Puti

'HUKOM NG UTANG PAG NAMATAY KA NA DI-NABAYARAN' 👇(خطورة أمر الدَّيْن)Ang Islam ay nagbigay babala kung gaanu ka kritikal...
13/07/2024

'HUKOM NG UTANG PAG NAMATAY KA NA DI-NABAYARAN' 👇
(خطورة أمر الدَّيْن)
Ang Islam ay nagbigay babala kung gaanu ka kritikal ang pagkakaroon ng utang, lalu na kapag ito ay hindi nabayaran.
Ayun sa Hadith na mula kay A'isha (ra)

فعن عائشة رضي الله عنها أن النبي صلى الله عليه وسلم كان يدعو في الصلاة :
اللَّهُمَّ إِنِّي أَعُوذُ بِكَ مِنَ الْمَأْثَمِ وَالْمَغْرَمِ . فَقَالَ لَهُ قَائِلٌ : مَا أَكْثَرَ مَا تَسْتَعِيذُ مِنَ الْمَغْرَمِ ؟! فَقَالَ : إِنَّ الرَّجُلَ إِذَا غَرِمَ [أي : استدان] حَدَّثَ فَكَذَبَ ، وَوَعَدَ فَأَخْلَفَ.
رواه البخاري 832 و مسلم 589

-Sinabi ni Aisha (ra) na ang RASULULLAH (saw) ay nag dua sa nung siya ay nag salah ng:

-(Allaahumma inni a'oodhi bika min al-ma'tham wa'l-maghram).

-(YA ALLAH, AKO AY NAGPAPA KUPKOP SAYU LABAN SA MGA KASALANAN AT MALAKING PAGKAKA UTANG)

-May nag sabi: gaanu kadalas ka nag papakupkop laban sa mabigat na pagkaka utang? !At ang sagot ng rasulullah: kapag ang tao ay pumasok sa pagkaka utang, siya ay mag sasabi o mag sasalita na ng puro kasinungalingan, at gagawa siya ng kasunduan ngunit ito ay sisirain lamang.
Bukhaari (832) and Muslim (589)
Ayun sa shari'a ang tao na nagka utang ay parang isang bilanggo, at ayun ito sa sinabi ng propeta muhammad (saw):
إن صاحبكم مأسور بدينه. - رواه أبو داود 3341 #

-Ang aking mga kasamahan ay mapipigil (gantung) dahil sa kanyang utang"
Sa isapang hadith na naiulat ni Tirmidhi, mula kay abu hurayrah (ra) na sinabi ng rasulullah (saw)
نفس المؤمن معلقة بدينه حتى يقضى عنه
رواه الترمذي 1078
Ang kaluluwa ng isang muslim ay suspendidu hanggang sa di nababayaran ang kanyang utang"
Sinabi ni Al-Mubaarakfoori sa kitab na Tuhfat al-Ahwadhi (4/164):
Ang ibig sabihin ng suspendidu ay kahit na dumating pa ang araw ng paghuhukom ay hindi siya mapapabilang sa mga tao na lilitisin ang mga gawa, di nya malalaman kung siya ba ay mkakapasok sa paraiso o sa imperno hanggang sa di makabayad ng kanyang utang
ANG PROPETA MUHAMMAD (saw) ay iniwasan din niyang bigyan ng salatul janaza ang tao na namatay na di naka bayad ng utang.
Sinabi ng propeta (saw) ayun sa hadith ni muslim:
يغفر للشهيد كل ذنب إلا الدين

-Pinapatawad ng Allah swt ang pagkakasala ng isang Shaheed maliban lamang sa utang".

وقد ترك النبي صلى الله عليه وسلم الصلاة على من مات وعليه ديناران ، حتى تكفل بسدادهما أبو قتادة رضي الله عنه ، فلما رآه من الغد وقال له قد قضيتها ، قال صلى الله عليه وسلم : ( الْآنَ بَرَدَتْ عَلَيْهِ جِلْدُهُ )
مسند أحمد (3/629) وحسنه النووي في "الخلاصة" (2/931) وابن مفلح في "الآداب الشرعية" (1/104) وحسنه محققو مسند أحمد .
قال الحافظ ابن حجر رحمه الله في "فتح الباري" (4/547)

Ayun sa hadith na ito, may isang lalaki na nagka utang at na SHAHEED ito sa pakikipag laban sa mga mushrik, ngunit ang RASULULLAH ay iniwasan niyang mag salah ng janaza sa tao na ito, kahit na ito pa ay nagkaka halaga lamang ng dalawang Dinar ang utang, hanggang sa si ABU QATAADA ay nag promise na siya ang babayad sa utang ng na shaheed na yun.
Nung magkita si Abu Qataada at ang Rasuulullah (saw) ilang araw makalipas, sinabi niyang ang utang ng tao na yun na nashaheed ay nabayaran ko na, at ang sabi ng rasulullah: -ngayun ang kanyang mga balat ay malamig na sa kanyang pakiramdam.

CTTO.

HATOL SA PAGSAGAWA NG WUDU SA LOOB NG CR (Palikuran)❗❗👉 Hangga't maaari ay isasagawa ang Wudu sa labas ng CR (palikuran)...
09/07/2024

HATOL SA PAGSAGAWA NG WUDU SA LOOB NG CR (Palikuran)❗❗

👉 Hangga't maaari ay isasagawa ang Wudu sa labas ng CR (palikuran) dahil ito ay ang pinaka mainam at ganap, Ngunit kung kinakailangan isagawa ang Wudu sa loob ng CR ay wala namang pagbabawal hinggil dito, Bagkus kung ito ay naisagawa sa loob ng CR, ang Wudu ay ganap at tanggap ayon sa Fatwa ng mga Ulama ng Permanent Committee ng Saudi Arabia, gayundin ang Fatwa ni Shaikh Ibn Bazz, Ibn Uthaimeen at iba pang mga pantas❗❗

- KUNG SAKALI ISAGAWA ANG WUDU SA LOOB NG CR, MAAARI BANG BANGGITIN SA LOOB ANG "BISMILLAH"?

Ang mainam sa lahat ay bago pumasok sa CR ay banggitin ang Bismilllah. Kung sakali nakalimutan ang pagsambit nito bago pumasok ay maaari ring banggitin kahit nasa loob na at walang pagbabawal hinggil dito.

👉Ayon kay Shaikh Uthaimeen: "Maaaaring basahin ang Bismillah sa pamamagitan ng iyong puso"

👉Ayon kay Shaikh Ibn Bazz: " Maaaaring basahin ang Bismillah kahit sa pamamagitan ng pagsambit ng dila dahil ang pagsambit nito ay kinakailangan at walang Makruh sa kalagayan ng pangangailangan"

-Ang mainam na pananaw ay kung kaya rin isagawa bago pumasok sa loob ng palikuran ay siyang mainam sa lahat.

Hinggil naman sa pagbasa ng SHAHADA (dua pagkatapos ng Wudu) ay isasagawa nalang sa labas ng CR na na hindi na kailangan itaas ng hintuturo o ang mga kamay.

PAALAALA:

♦️Ang pagsagawa ng Wudu na hindi natatakpan ang Awrah sa loob ng CR ay walang pagbabawal at ang Wudu sa ganitong kalagayan ay tanggap at tama, Ngunit kung ito ay kanyang takpan ay siyang mainam!

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

"إذا تيسر له الوضوء خارج الحمام فالأكمل أن يتوضأ خارجه مع مراعاة التسمية أوله، وإلا توضأ داخل الحمام وتحفظ مما قد يكون فيه من نجاسة." فتاوى اللجنة الدائمة رقم الفتوى: 5602

✍ Zulameen Sarento Puti

HUWAG IKAHIYA ANG UBAN (GRAY HAIR)Sinabi ng Sugo ni Allaah :Huwag tatanggalin ang uban sapagkat ito ay magsisilbing liwa...
09/07/2024

HUWAG IKAHIYA ANG UBAN (GRAY HAIR)

Sinabi ng Sugo ni Allaah :

Huwag tatanggalin ang uban sapagkat ito ay magsisilbing liwanag sa araw ng muling pagkabuhay, sinuman ang magkaroon ng uban sa Islam (nanatiling matapat na muslim) ay magkakamit ng hasanah (biyaya) sa bawat uban at iaangat ang (kanyang) antas sa pamamagitan nito."

عن أبي هريرة رضي الله عنه أن النبي صلى الله عليه وسلم قال : ( لا تنتفوا الشيب , فإنه نور يوم القيامة , من شاب شيبة في الإسلام كانت له بكل شيبة حسنة , ورفع بها درجة ) رواه ابن حبان , قال الألباني في سلسلة الأحاديث الصحيحة ( 3/247) : إسناده حسن .
Ctto

BAWAL (Makruh) MAGPATUNOG NG DARILI SA PANAHON NG PAGDARASAL "Salah"❗❗❗👉 Kung ikaw ay nasa loob ng Masjid (bahay dasalan...
09/07/2024

BAWAL (Makruh) MAGPATUNOG NG DARILI SA PANAHON NG PAGDARASAL "Salah"❗❗❗

👉 Kung ikaw ay nasa loob ng Masjid (bahay dasalan) ikaw man ay nagsasagawa ng pagdarasal o hindi ay iwasan magpatunog ng iyong daliri (ayon sa larawan) DAHIL ITO AY HINDI KANAIS-NAIS (MAKRUH)❗

Ang mga bagay na ito ay ipinagbawal ng Mahal na Propeta ayon sa kanyang binanggit sa Hadith

👉 Binanggit ni Ibn Abbas na Makruh (hindi kanais-nais) ang pagpapatunog sa mga kamay sa loob ng Masjid o sa panahon ng pagdarasal.

-Ang pagbabawal na ito ay hindi lamang natatangi sa pagpapatunog ng daliri ng kamay, kundi sakop din ng pagbabawal ang pagpapatunog sa daliri ng paa.

- Gayundin ipinagbawal ang pagpapasok ng mga kanang daliri sa kaliwang daliri..

Ganito rin ang inilabas ng Fatwa ng mga ulama na membro ng Permanent Committee ng Saudi Arabia.

Paalaala: Ang pagpapatunog nito sa labas ng Masjid ay walang pagbabawal.

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

قالت اللجنة الدائمة للإفتاء الفتوى رقم (21349): لقد نهى النبي صلى الله عليه وسلم عن تشبيك الأصابع في المسجد ،" " نص جمع من أهل العلم على أن فرقعة الأصابع مكروهة في المسجد ، إلحاقا لها بالتشبيك ؛ لأنهما من العبث ".انتهى من"فتاوى اللجنة الدائمة - 2 " (5/ 266) .

✍️ Zulameen Sarento Puti

- Ang babaeng matigas ang Ulo ➡️ sinisira niya ang kanyang bahay (Pamilya) ng hindi niya namamalayan.- Ang babaeng pabay...
09/07/2024

- Ang babaeng matigas ang Ulo ➡️ sinisira niya ang kanyang bahay (Pamilya) ng hindi niya namamalayan.

- Ang babaeng pabaya ➡️ tinutulak niya ang kanyang Asawa na tumingin o maghanap ng iba.

- Ang babaeng believe sa sarili (masungit) ➡️ ginawa niyang magsawa ang kanyang Asawang lalaki sa kanya.

- Ang babaeng palaaway strikta pangit ang ugali ➡️ ginawa niyang kainisan kasuklaman siyang makita ng kanyang Asawang lalaki.

- Ang babaeng mayabang ➡️ ginagawa o tinutulak niya ang kanyang Husband na ipahiya siya.

Kabaliktaran naman:

➡️ Ang simpling babae - inaangat siya ng kanyang Asawang lalaki na parang Princessa.
➡️ Ang babaeng mapagkumbaba - ay inaangat o pinagmamalaki siya ng kanyang Asawa kahit wala siya.
➡️ Ang babaeng palangiti (masayahin) - ay namimiss siya ng kanyang Asawa.
➡️ Ang babaeng malambot ang Puso (mapagbigay) - lahat ng secreto ng kanyang Asawa ay alam niya.

- kaya ikaw na lalaki o babae piliin mo ng husto ang maging katuwang mo sa buhay hindi maging kaaway sa buhay. Upang ang biyaya ay magtatagumpay sa inyong bahay.

✍️ Abubassam Muhaymin

HATOL NG MGA BAKERY DITO SA PILIPINAS Nais ko itong talakayin (kahit mahaba) dahil maraming nagtatanong sa Atin hinggil ...
09/07/2024

HATOL NG MGA BAKERY DITO SA PILIPINAS

Nais ko itong talakayin (kahit mahaba) dahil maraming nagtatanong sa Atin hinggil dito na nag-aalinlangan sanhi ng ilang kamusliman na nagrerecord ng video sa kanilang pagpunta sa bakery at tinatanong nila ang hinggil sa "Lard" na ginagamit ng isang Bakery.

Tayo'y nagtanong sa Ating mga kapatid na muslim na nakasubok na ng negosyong Bakery. At ang ilan pa sa kanila ay mismong mga Ustadh at Ulama. At tayo din ay nag-research hinggil sa bagay na ito.

At napagtanto ko na ang gumagawa ng Video na nagtatanong sa mga bakery ay mayroon silang kunting hindi nauunawaan hinggil sa or na ginagamit ng mga panadero (Baker) panghalo sa tinapay na syang nagiging sanhi ng pagbibigay nila ng maling Information, at sa totoo lang, nakakagawa pa sila ng "Dhulm" o kawalan ng katarungan sa ilang bakery sapagkat nilalahat nila ang bakery.

Kaya minabuti nating talakayin ang hinggil sa bagay na ito para mawala ang pag-aalinlangan ng karamihan.

• PAGLILINAW:

Pag-ibahin po Natin ang tinatawag na Lard at ang Shortening.

: ito'y ginagamit at hinahalo sa paggawa ng tinapay na nagmula sa taba ng Hayop, pero kadalasan ay mula sa taba ng Baboy. Halos lahat ngayon ay kapag sinabing Lard ay taba/mantika (Pork Fat) ng baboy.

: gayun din na ito'y ginagamit ng panadero at hinahalo sa paggawa ng tinapay pero ito'y nagmula sa taba ng gulay (Vegetable Fat).

: Walang pag-aalinlangan na ang Lard ay Haram dahil ito'y nagmula sa taba ng Baboy. Samantalang, ang Shortening ay pwede o Halal dahil nagmula ito sa gulay (vegetable Fat).

👉 Subalit, mayron lang tayong dapat maunawaan hinggil dito.

:

Sa Ating pagtatanong at pagreresearch ay napagtanto Natin na ang mga Bakery o ang mga panadero ay ginagamit nila ang salitang "Lard at Shortening" bilang iisa (as one). Pareho sa kanila ang dalawa bilang pinanghahalo sa tinapay.

Ibig sabihin, maaaring may tanungin ka na isang Bakery kung gumagamit ba sila ng Lard, at sasabihing "oo" pero maaaring ang tinutukoy nya ay .

Sa kadahilanang, Ang karamihan ay ginagamit ang Lard o Shortening bilang iisa.

At kadalasan sa mga panadero, tinatawag nila ang Shortening (vegetable Fat) bilang lard o vegetable lard. Ibig sabihin, pareho sakanila ang Lard at Shortening.

👉 Kaya, nagkakamali ang ilang nagpupunta sa isang bakery at ang tinatanong ay ganito lang:

GUMAGAMIT PO BA KAYO NG "LARD" ?!?

Pagkatapos ay aalis na at sasabihing Haram samantalang hindi pala nya sinigurado ang pagtatanong hinggil sa ginagamit ng mga bakery kung ito ba ay lard (Pork fat) or Shortening (Vegetable Fat).

👉 Hindi maipagkakaila at walang pag-aalinlangan na may mga bakery na ang ginagamit talaga ay Lard (pork fat), pero ang sa akin lang ay mas mainam siguraduhin muna natin ang pagtatanong para di tayo makagawa ng Dhulm o kawalan ng katarungan sa ilang bakery.

Gaya ng isang nakita kong Post na taga na kanyang ipinost na may napagtanungan daw syang isang Bakery doon, at sinabing Lard ang ginagamit nila, pagkatapos ay ipinost, at idinagdag nya sa post na daw ng bakery sa Iligan ay gumagamit ng lard.

Kaya ako'y nag-Doubt, dahil Impossible na ang lahat ng Bakery sa Iligan ay Lard ang ginagamit, samantalang ayon sa isang Ulama' na nakasubok na ng Negosyong Bakery ay sinabi na "Ang karamihan ay Shortening (Vegetable Lard) ang ginagamit dahil mas mura ito kaysa sa Lard (Pork Fat).

Ang aral na makukuha rito ay dahil sa kawalan ng pang-unawa hinggil sa mga ginagamit ng mga bakery (Lard/Shortening) at ang hindi paninigurado sa pagtatanong ay nagiging sanhi ng pagpapakalat ng maling information, at napapaharam natin ang ilang halal, at nakakagawa tayo ng dhulm o pandaraya (kawalang katarungan sa ilang negosyo).
______________

👉 ANG TANONG: USTADH, ANO PO ANG TAMANG KATANUNGAN NA DAPAT ITANONG SA ISANG BAKERY PARA MAKASIGURADO AT MASABI NATIN NA HARAM O HALAL ?!?

• KASAGUTAN:

Mas mainam nga na tayo'y magtanong sa Bakery na lagi tayo rito bumibili ng tinapay para tayo'y makasigurado.

At ang tamang paraan ng mga katanungan na dapat nating itanong ay ganito:

• Ano po ang ginagamit niyo; Lard (Pork fat) po ba or Shortening (Vegetable shortening) ?!?

• O di kaya'y ganito: Ano pong brand ng lard (Shortening) ang ginagamit nyo, at may Halal sign po ba ito ?!?

Itanong natin ito dahil may mga Brand tulad ng Spring at Freeto na pure vegetable shortening at may tatak pang .

Kung kaya nilang ipakita ay mas mainam para makasigurado.

Sana po'y maliwanag at naunawaan.

Allahu A'lam Bissawab.

ILAYO NAWA TAYO NI ALLAH SA MGA PAGKAING HARAM.

Ámeen Ya Rabb.

✍ (Abu Haneen) Nasruddin Ibn Abdullah

KARAPATAN NG BWAT MUSLIM SA KANYANG KAPWA❗❗❗👉NARITO ANG IILAN SA KARAPATAN NG MUSLIM SA KANYANG KAPWA:1) Babatiin niya n...
08/07/2024

KARAPATAN NG BWAT MUSLIM SA KANYANG KAPWA❗❗❗

👉NARITO ANG IILAN SA KARAPATAN NG MUSLIM SA KANYANG KAPWA:

1) Babatiin niya ng Salam sa tuwing sila ay magkita.

2) Sabihin ang “Yarhamokallah na ang kahulugan ay: "kahabagan ka ni Allah” kapag siya ay magbahin pagkatapos bigkasin ng nagbahin ang: “Alhamdulillah”

3) Bisitahin niya ito kapag siya ay nagkasakit at kanya itong ipapanalangin.

4) Ihahatid niya sa kanyang libingan kapag siya ay pumanaw.

5) Kapag humingi ng payo, kanya itong papayuhan.

6) Mahalin siya gaya ng pagmamahal sa sarili.

7) Tulungan niya at huwag niyang maliitin.

8) Huwag niyang alipustahin o insultuhin

9) Huwag maging mayabang at mapagmataas sa kanyang kapwa

10) Huwag niyang tatalikuran na lalagpas ng tatlong araw

11) Huwag niyang kutyahin.

12) Huwag niyang lilibakin o ipagkalat ang masamang bagay tungkol sa kanya.

13) Huwag niyang murahin sa panahon na siya ay nabubuhay o sa panahon na siya ay pumanaw na

14) Paunlakan ang kanyang paanyaya (sa isang pagtitipon) maliban lamang kung may mabigat na dahilanan katulad ng pagtitipon na magkahalo ang babae at lalaki o may musika o ang pagtitipon ay gawaing Bid’ah)

NARITO ANG MGA DALEEL:

1- Hadith: Sinabi ng Propeta:
“Walang sinumang dalawang Muslim na nagkasalubong at sila ay nagkamayan maliban sa patatawarin ang kanilang mga kasalanan bago sila magkahiwalay” (Iniulat ni Imam Abu Daud)
حديث: ”ما من مسلمين يلتقيان فيتصافحان إلا غفر لهما قبل أن يتفرقا“ أبو داود

2- Hadith: Sinabi ng Propeta:
“Kapag nagbahin ang isa sa inyo ay sasabihin ng kanyang kapatid ang ‘YARHAMUKALLAH’.
At sasabihin naman ng una sa huli ay ‘YAHDEEKUMOLLAHO WA YUSLIH BAALAKOM” (Iniulat ni Imam AlBukhari)
حديث: ” إذا عطس أحدكم فليقل له أخوه: يرحمك الله, فليقل له:يهديكم الله و يصلح بالكم“

3- Hadith:
“Karapatan ng Muslim sa kapwa Muslim ay lima:……. Pagbisita niya sa panahon na nagkasakit….” (Iniulat ni Imam AlBukhari & Muslim)
حديث: ”حق المسلم على المسلم خمس:.....و عيادة المريض....“

4- Hadith:
“Kasama sa karapatan ng Muslim sa kapwa niya Muslim ay ang paghahatid nito sa kanyang libingan kapag ito ay pumanaw na.” (Iniulat ni Imam AlBukhari&Muslim)
حديث: حق المسلم على المسلم خمس:.........واتباع الجنائز...“ متفق عليه

5- Hadith:
“Kapag humingi ng payo ang inyong kapatid ay inyo itong payuhan.” (Iniulat ni Imam AlBukhari)
حديث: ”إذا استنصح أحدكم أخاه فلينصح له“ البخاري

6- Hadith:
“Hindi pa tunay na mananampalataya ang isa sa inyo hangga’t hindi niya mamahalin ang kanyang kapatid na katulad ng pagmamahal niya sa kanyang sarili.” (Iniulat ni Imam AlBukhari & Muslim)
حديث: ”لا يومن أحدكم حتى يحب لأخيه ما يحب لنفسه“ متفق عليه

7- Hadith:
“Tulungan mo ang iyong kapatid na nilinlang at luminlang.
Tinanong ang Propeta: ‘Paano ang pagtulong sa luminlang?’ Sinabi ng Propeta:
“Ipabalik mo sa kanya ang mga bagay na kanyang nilinlang.’ ”( Iniulat ni Imam Muslim)
حديث: ”انصر أخاك ظالما أو مظلوما“

8- Hadith:
“Ang tunay na Mananampalataya ay ang sinumang maalagaan niya ang sama ng kanyang dila at kamay sa kapwa mananampalataya”
(Iniulat ni Imam AlBukhari & Muslim)
حديث: ” المسلم من سلم المسلمون من لسانه ويده“ متفق عليه

9- Sinabi ni Allah:
“Katotohang si Allah ay hindi nagmamahal sa mga mayayabang na batbat ng pagmamataas”
حديث: ”إن الله لا يحب كل مختال فخور“

10- “Hindi nararapat sa isang mananampalataya na tatalikuran niya ng kanyang kapatid na lalagpas ng 3 araw. At 'pag sila ay nagkita ay parehong lilingon sa kabila. Ang pinaka- mainam sa kanila ay ang sinumang naunang bumati.” (Iniulat ni Imam AlBukhari & Muslim
حديث: ”لا يحل لمسلم أن يهجر أخاه فوق ثلاث,فيعرض هذا و يعرض هذا, و خيرهما الذي يبدأ بالسلام“ متفق عليه

11- Sinabi ni Allah:
“Huwag hayaan ang isang pangkat sa inyo na mangutya sa ibang pangkat. Maaaring ang huli ay higit na mainam kaysa sa una…”
قال تعالى: ( يا أيها الذين آمنوا لا يسخر قوم من قوم عسى أن يكونوا خيرا منهم....)

12- Hadith:
“Alam ba ninyo ang ibig sabihin ng Geebah? Sinabi ng mga Sahabah: “si Allah at ang kanyang Sugo ang mas higit na nakakaalam’.
Sinabi niya: ‘Ang Geebah ay ang pagbanggit sa mga bagay sa iyong kapatid na hindi niya nagugustuhan.’ ” (Iniulat ni Imam Muslim)
حديث: ”أتدرون ما الغيبة؟ قالوا الله و رسوله أعلم. قال: ذكرك أخاك بما يكره“مسلم

13- Hadith:
Sinabi ng Propeta:
“Ang pagmumura sa isang Muslim ay isang masamang gawain” (Iniulat ni Imam AlBukhari & Muslim)
حديث: ”سباب المسم فسوق“ متفق عليه

14- Hadith: “Kapag niyaya ng isa sa inyo ng kanyang kapatid (sa isang kainan) ay nararapat niya itong paunlakan, ito man ay isang kasalan o maliban pa rito” Iniulat ni Imam Muslim
حديث: "إذا دعا أحدُكم أخاه فلْيُجبْ ، عُرْسًا كان أو نحوه"
أخرجه مسلم (1429)

✍️ Zulameen Sarento Puti

KABILANG SA MGA DAHILAN NG BARAKAHIsinalaysay ni Anas ibn Malik (RA) kanyang sinabi: sinabi sa akin ng Sugo ng Allah (SA...
07/07/2024

KABILANG SA MGA DAHILAN NG BARAKAH

Isinalaysay ni Anas ibn Malik (RA) kanyang sinabi: sinabi sa akin ng Sugo ng Allah (SAW):

“O aking anak! Kapag ikaw ay dumating o pumasok sa iyong pamilya ay magpaabot ng Salaam, sa paraang iyon ay magkakaroon ng barakah sa iyo at sa iyong pamilya”.

📚Sahih Targib at Tarhib (1608)
Hasan Ligayrihi

✍️isinalin ng 𝐀𝐓-𝐓𝐀𝐖𝐅𝐈𝐐 - التوفيق

ANO ANG GAGAWIN SA NATAGPUAN O NAPULOT" NA PERA (Lost & Found)?❗❗👉 Kapag may natagpuang bagay na nawawala (lost and foun...
06/07/2024

ANO ANG GAGAWIN SA NATAGPUAN O NAPULOT" NA PERA (Lost & Found)?❗❗

👉 Kapag may natagpuang bagay na nawawala (lost and found) sa mga daanan o pampublikong lugar katulad ng ginto, pera etc… ay nararapat itong kunin o pulutin upang pangalagaan dahil ang pangangalaga sa kayamanan ay tungkulin ng bawat isa❗

👉 Tinanong ang Sugo ni Allah (sumakanya ang kapayapaan) hinggil sa mga bagay na nawawala (ginto at pilak), kanyang sinabi:
"Alamin mo ang pinaglagyan at pinagtalian nito (alamin ang bagay na napapaloob hinggil dito), muli ay kanya itong ipabalita (ihayag) sa loob ng isang taon.

☆ Kung walang umangkin pagkalipas nito (isang taon) ay maaari itong gamitin, ngunit mananatili itong tiwala at kapag dumating ang may-ari nito isang araw ay nararapat itong ibigay sa kanya" Mula sa Hadith ni Imam Muslim

☆☆ KALAGAYAN NG MGA BAGAY NA NAWAWALA AY MGA SUMUSUNOD:

1-BAGAY NA WALANG HALAGA (walang value)
Tulad ng: lapis, tungkod, tinapay o pera na halos walang value tulad ng limang peso etc..

-Ang hatol sa bagay na ito ay: Maaaring pakinabangan ng nakapulot at hindi na kailangan ipabatid sa publiko.

👉 Isinalaysay ni Jaber na kanyang sinabi:
"Nagbigay ang Sugo ni Allah (sumakanya ang kapayapaan) ng pahintulot na angkinin ng isang tao ang bagay na nawawala katulad ng tungkod, latigo o tali" Iniulat ni Imam Abu Dawood

2-BAGAY NA MAY HALAGA
Tulad ng ginto, pera o malaking halaga ng kayamanan, Hayop etc.. ay nararapat itong pangalagaan ng taong nakapulot at mananatili itong tiwala at nararapat itong ipabatid sa publiko alinsunod sa Hadith na ating nabanggit sa itaas.

👉👉 ANG GAGAWIN NIYA AY:

♦️-Alamin niya ang buong detalye ng bagay na nawawala (lost and found)

♦️-Ipabatid ito sa publiko sa loob ng isang taon (newspaper, palengke, sa labas ng masjid o pampublikong kapahayagan "Bulletin board" etc..)

♦️-Kapag lumipas ang isang taon at walang umangkin ay maaari itong gamitin ngunit ito ay mananatiling tiwala at kapag dumating ang totoong may-ari nito ayon sa eksaktong pagkadetalye (lost and found) ay obligado itong ibalik sa kanya gaano man ito katagal.

Kung ito ay kanyang nagamit ay papalitan niya ito.
Kung sakali ito ay nawala o napinsala na hindi sinadya ay wala siyang pananagutan rito.

DAGDAG KAALAMAN:

☆ -Anumang natagpuang nawala sa loob ng Makkah at Madinah ay hindi ito maaaring angkinin bagkus nararapat itong ipabatid sa publiko ng madalas o di kaya ay ibigay sa kinauukulan.

☆ -Kabilang sa turo ng Islam ay pangalagaan ang kayamanan mula sa pagkapinsala nito ito man ay iyong pagmama-ari o pagmamay-ari ng iba bilang paggawa ng kabutihan at pagtutulungan sa isa't isa!

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

حديث: "سُئِلَ رَسولُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عليه وَسَلَّمَ عَنِ اللُّقَطَةِ، الذَّهَبِ، أَوِ الوَرِقِ؟ فَقالَ: اعْرِفْ وِكَاءَهَا وَعِفَاصَهَا، ثُمَّ عَرِّفْهَا سَنَةً، فإنْ لَمْ تَعْرِفْ فَاسْتَنْفِقْهَا، وَلْتَكُنْ وَدِيعَةً عِنْدَكَ، فإنْ جَاءَ طَالِبُهَا يَوْمًا مِنَ الدَّهْرِ فأدِّهَا إلَيْهِ" صحيح مسلم
عن جابر قال : ( رخص رسول الله صلى الله عليه وسلم في العصا والسوط والحبل يلتقطه الرجل ) رواه أبو داود

✍️ Zulameen Sarento Puti

ISANG TAON NA KASALANAN AY MAPAPATAWAD SA PAG-FASTING SA ARAW NG ASHOORAH (July 16, 2024)👉 Sinabi ng Mahal na Propeta (s...
06/07/2024

ISANG TAON NA KASALANAN AY MAPAPATAWAD SA PAG-FASTING SA ARAW NG ASHOORAH (July 16, 2024)

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan):

“...At Ang pag-aayuno sa araw ng Ashoorah ay Umaasa ako na mapatawad ang isang taon na kasalanan na nagawa bago pa ang taong ito" Iniulat ni Imam Muslim 1162

PAALAALA:

♦️ Sikapin mag-ayuno dahil napakalaki ang gantimpala at hindi natin alam na baka ito na ang Huling Ashoora natin!!!

♦️ Ang Fasting (pag-ayuno) sa araw ng Ashoora (July 16) lamang ay Ipinahintulot at walang pagbabawal hinggil dito,

Ngunit mas mainam ay isali narin ang araw ng Lunes (July 15) alinsunod sa paghahangad ng Mahal na Propeta na pag-ayunuhan ito.

♦️ Ang pagpaparami ng ayuno sa buwan ng Muharram ay isang mainam na Sunnah ng Mahal na Propeta.

👉 Sinabi ng Mahal ng Propeta (sumakaya ang biyaya at kapayapaan):
"Ang pinaka mainam na pag-aayuno pagkatapos ng obligadong pag-aayuno ay sa buwan ng Allah na tinatawag na Muharram" Inulat ni Imam Muslim

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

-حديث: "فضل الصيام بعد الفريضة شهر الله الذي تسمونه المحرم" أخرجَه مسلمٌ في صحيحه.
-حديث: "....وَصِيَامُ يَوْمِ عَاشُورَاءَ أَحْتَسِبُ عَلَى اللَّهِ أَنْ يُكَفِّرَ السَّنَةَ الَّتِي قَبْلَهُ " رواه مسلم 1162.
✍ Zulameen Sarento Puti

Maraming dahilan kung bakit may mga Muslim na kilala ang Allah ngunit hindi nagsasagawa ng salah o limang beses na pagda...
05/07/2024

Maraming dahilan kung bakit may mga Muslim na kilala ang Allah ngunit hindi nagsasagawa ng salah o limang beses na pagdarasal. Narito ang dalawang halimbawa ng mga posibleng dahilan at ang mga kaugnay na parusa ayon sa Quran at Hadith:

# # # Mga Halimbawa at Dahilan

1. **Kakulangan sa Kaalaman at Pagkakaunawa**
- **Halimbawa:** Ang isang Muslim na lumaki sa isang komunidad kung saan hindi masyadong binibigyang diin ang kahalagahan ng salah ay maaaring hindi ganap na nauunawaan ang importansya nito.
- **Dahilan:** Maaaring kulang sa tamang edukasyon tungkol sa Islam at mga obligasyon nito. Hindi niya lubos na nauunawaan ang mga espiritwal na benepisyo at mga kahihinatnan ng hindi pagsasagawa ng salah.

2. **Pagiging Abala o Katamaran**
- **Halimbawa:** Isang Muslim na abala sa kanyang trabaho o iba pang gawain, at nagiging tamad o nakakalimot na magsagawa ng salah.
- **Dahilan:** Ang labis na abala sa makamundong mga bagay o kakulangan sa disiplina sa oras ay maaaring magdulot ng kawalan ng regular na pagdarasal.

# # # Parusa sa Hindi Pagsasagawa ng Salah

# # # # Sa Mundong Ito
- **Hadith:** Sinabi ni Propeta Muhammad [Sumakanya Ang Kapayapaan At Pagpapala Ng Allah]: "Ang kasunduan sa pagitan natin at ng kanila (mga hindi Muslim) ay ang salah. Ang sinumang hindi magsagawa nito ay itinuturing na tumalikod (sa pananampalataya)." (Sahih Muslim, Hadith 82)
- **Parusa:** Ang isang Muslim na hindi nagsasagawa ng salah ay maaaring mawalan ng mga biyaya sa kanyang buhay at harapin ang mga pagsubok bilang tanda ng pagkaligaw sa tuwid na landas.

# # # # Sa Kabilang Buhay
- **Quran:** "Ngunit nang dumating sa kanila ang kanilang mga tagasunod, sinabi nila: 'Saan kayo?'" Sinabi nila: "Kami ay hindi kabilang sa mga nagsasagawa ng salah." (Surah Al-Muddathir, 74:42-43)
- **Hadith:** Sinabi ni Propeta Muhammad [Sumakanya Ang Kapayapaan At Pagpapala Ng Allah]: "Sa Araw ng Pagkabuhay, ang unang itatanong sa isang alipin sa kanyang mga gawa ay ang salah. Kung ito ay maganda, siya ay matagumpay; kung ito ay hindi maganda, siya ay mapapahamak." (Sunan al-Tirmidhi, Hadith 413)
- **Parusa:** Ang isang Muslim na hindi nagsasagawa ng salah ay maaaring magdusa ng mabigat na parusa sa kabilang buhay, kabilang ang posibleng pagpasok sa Impiyerno (Jahannam).

# # # Konklusyon

Ang pagsasagawa ng salah ay isang pangunahing obligasyon sa Islam na hindi dapat pabayaan. Ang mga Muslim na hindi nagsasagawa nito ay nakakaranas ng mga negatibong epekto sa kanilang espiritwal at temporal na buhay, at maaaring humarap sa mabigat na parusa sa kabilang buhay. Ang mga edukasyon at disiplina ay mahalaga upang matiyak na ang salah ay nagiging bahagi ng araw-araw na buhay ng isang Muslim.

Address

Purok Rambutan Datu Abdul Dadia Panabo City Davao Del Norte
Panabo
8105

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Islamic Da'wah Volunteers posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Islamic Da'wah Volunteers:

Videos

Share


Other Gaming Video Creators in Panabo

Show All

You may also like