03/03/2023
ANO BA TALAGA?
Cong. Pantaleon Alvarez, nung unang sesyon ng Committee on Dangerous Drugs para sa panukala mong HB 6783, mariin mong sinabi na dapat tanggalin ang Ma*****na sa listahan ng Dangerous Drugs ng Pilipinas at sa halip, gawin itong legal upang gawin itong export product at magsisilbing tulay upang mabayaran ng Pilipinas ang mga utang nito dulot ng Pandemic. sa makatwid, hindi lang pala sa Pilipinas balak mong magpakalat ng Ma*****na, kundi sa buong mundo pa!
Ngunit sa mga huling panayam mo sa media, tila nag huhugas kamay ka pa at sinasabing "for medicinal purpose" only ang iyong balak para ipagsalegal ang naturang droga. Huli ka na balbon!
"Ma*****na exportation, solusyon sa Rice Smuggling."
Ito ang sinabi ni Cong. Pantaleon Alvarez sa sesyon ng Committee on Dangerous Drugs, kung saan di na nya naipaliwanag kung ano ang koneksyon ng Rice Smuggling at Ma*****na exportation. Tila ba nadulas ang congresista, kung magiging Legal ba ang pag eexport ng Ma*****na, ibig sabihin na titigilan na nya ang kanyang Rice Smuggling business?
Cong. Alvarez, Master analyst
Ginawang basehan ni Alvarez ang papel na isinulat ng mga Doctor sa Harvard T.H Chan School of Public health noong 2017 kung saan ipinaliwanag nila na wala o kulang sa ebidensya na sumosuporta o pabulaanan ang mga kamatayan na sanhi ng pag gamit ng ma*****na.
Tila ba nakalimutan ni Alvarez ang katagang "puro natural, walang halong kemikal", isa itong linya na madalas marinig sa lansangan mula sa mga gumagamit ng Ma*****na, pero ang papel na isinulat ng mga doctor na iyon ay hindi binibigyang halaga ang mga kamatayan na naidulot ng mga taong gumagamit ng naturang droga. Ang taong sabog sa Ma*****na ay maaring makasira, makapanakit at makapatay ng ibang tao, ngunit hindi nila ito isinasama sa kanilang mga pablikasyon upang itago ang masamang epekto ng Ma*****na, hindi lamang sa isang tao kundi para sa buong kumonidad.