𝐀𝐓𝐓𝐘. 𝐆𝐈𝐆𝐈 𝐀𝐆𝐆𝐀𝐁𝐀𝐎, 𝐈𝐍𝐄𝐍𝐃𝐎𝐑𝐒𝐎 𝐒𝐈 𝐎𝐓𝐄𝐏 𝐌𝐈𝐑𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀-𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑
Sa isinagawang press briefing at Facebook Live ni Atty. Gigi B. Aggabao, pormal niyang inendorso si Otep Miranda sa pagka-alkalde ng ating lungsod.
Ayon kay Atty. Aggabao, marami ang nagtatanong sa kanya kung sino ang kanyang i-eendorso matapos siyang hindi payagan ng COMELEC na tumakbo bilang alkalde ng lungsod.
Isa sa naging pinakamataas na pamantayan niya sa pagpili ng nararapat na lingkod bayan sa ating Lungsod ay dapat isang Pilipino na nararamdaman at alam kung ano ang pangangailangan ng isang Santiageño.
Ayon kay Atty. Aggabao, Chinese at hindi totoong Pilipino ang mayoralty candidate na si Cong. Sheena Tan-Dy dahil ang kaniyang ama at ina ay parehong Intsik na nabigong iparehistro ang kanilang pagka-Pilipino. Sa katunayab, may nakabinbing kaso sa Kongreso laban kay Cong. Sheena Tan-Dy tungkol sa nationality nito.
Dagdag pa niya, kinakailangan ang isang lider na uupo sa ating lungsod ay walang bahid na katiwalian at kasalanan lalo na sa pag gamit ng goons, baril at salapi upang makamtan lamang ang tagumpay.
Ipinaliwanag din niya ang kinasangkutan ni Congresswoman Sheena Tan-Dy na ayon mismo kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay isa sa pinaka korap na Kongresista sa buong bansa. Malaking kahihiyan din umano ito sa ating Lungsod dahil sa unang termino pa lang niya ay nasangkot na ito sa iba't ibang maling gawain tulad ng korapsyon.
Nanawagan din si Atty Gigi Aggabao sa kanyang mga taga-suporta na wag i-boycot ang pagboto sa posisyon ng Mayor bagkus iboto si Otep Miranda na nakikita niyang malaki ang pagbabago at pag-asenso ng lungsod sa kanyang magiging pamumuno.
Nagpaalala rin si Atty. Aggabao na wag maniniwala sa pananakot ng kabilang kampo na malalaman nila kung sino ang kanilang ibinoto. Wala umanong kakayahan at hindi papayagan ng COMELEC
𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡: 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗟𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡 𝗧𝗥𝗔𝗗𝗘 𝗙𝗔𝗜𝗥
Tinupok ng apoy kaninang madaling araw ang mga stalls sa Balamban Trade Fair.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, kapabayaan ng mga organizer ang pinagmulan ng sunog dahil sa mga octopus connection ng mga kuryente na hindi kinaya ng mga extension ng mga stall owner.
Marami tuloy sa mga store owners ang nalungkot dahil bukod sa wala silang naisalbang mga produkto na kanilang binebenta sa trade fair ay luging lugi sila sa taas ng upa sa pwesto.
Nanawagan din ang ilang mga stall owners ng tulong mula sa Pamahalaang Lungsod ng Santiago sa pangunguna ni Mayor Joseph Tan ngunit ayon sa mga tauhan ng cityhall ay wala si Mayor Tan sa Santiago at nangangampanya sa Jones.
Hindi tuloy maiwasang tanungin ng ibang stall owners kung P300M ang budget ng Balamban Trade Fair bakit hindi man lang inayos ng organizers ang lugar. Halata raw kasing tinipid at di pinaghandaan.
𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡: Lantarang vote-buying nga Team Kaisa Ka sa pangunguna ni Mayor Joseph Tan at Congresswoman Sheena Tan-Dy huling-huli sa video.
Kitang kita ang ilang mga empleyado pa mismo ng cityhall ang nagbibigay paalala sa mga botante kung ano ang gagawin sa darating na eleksyon.
Kitang kita din ang lantarang vote-buying na isinasagawa nila upang mapanatili sa pwesto ang mandarambong na mag tiyuhing sina Mayor Joseph Tan at Congresswoman Sheena Tan-Dy.
Matatandaang ilang beses pinaulit-ulit ni President Rodrigo Duterte ang pangalan ni Congresswoman Sheena Tan-Dy na pinaka corrupt na kongresista sa buong bansa.
𝐏𝐀𝐍𝐎𝐎𝐑𝐈𝐍: 𝐕𝐎𝐓𝐄 𝐁𝐔𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐋𝐎𝐎𝐁 𝐌𝐈𝐒𝐌𝐎 𝐍𝐆 𝐁𝐑𝐎𝐒𝐓𝐀𝐍 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐎𝐔𝐍𝐃
Nahagip ng isang aerial survey ng media company ang naganap na vote-buying sa loob mismo ng Brostan Compound na pagmamay-ari ni incumbent Mayor Joseph S. Tan.
Kitang-kita sa video ang dalawang bus, isang closed van at dalawang L300 na ginamit sa panghahakot ng tao para sa bilihan ng boto.
Mapapansin din na nandoon ang sasakayan ni Mayor Joseph Tan na kasama pa ang isang mobile ng ating kapulisan.
Isang impormasyon naman ang isiniwalat ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV na animnapung bus ang magsisilbing panghakot ng sinasabing "flying voters" mula sa kalapit na bayan at lugar sa ating lungsod.
Anim na bodega din umano ang magsisilbing kanlungan ng mga ito kasama ang bodega ni Sherman Miguel sa Petron Baluarte, Edwin Cabanos Woodside Resort sa Echague at iba't ibang resort sa Santiago, Echague at Cauayan.
Paalala din ng PPCRV, huwag iboto ang mga bumibili ng boto dahil siguradong babawiin nila iyan kapag sila ay nakaupo na. Nilinaw din ng PPCRV na hindi totoong malalaman ng mga kandidato kung sino ang ibinoto ng isang residente dahil ito ay sikreto at walang paraan para makuha nila ang impormasyong iyon.
Nanawagan din ang iba't ibang religious groups sa ating Lungsod na huwag magpagamit sa mga pulitikong dinadaan sa pera ang halalan dahil hindi serbisyo kungdi perwisyo ang dadalhin niyan.
"Isipin po ninyo, yang perang makukuha ninyo ngayon wala pa yan sa perang kaya nilang nakawin kapag sila ay muling makaupo. Baon na po sa utang ang Santiago na wala namang nakitang kongkretong programa at proyekto na pati yung mga apo natin ay obligadong bayaran ang perang inutang nila. Maawa po kayo," pahayag ng representate ng mga religious groups.
𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗧𝗔𝗡𝗔𝗪
PANOORIN: Halos isang taon na mula ngayon ng pangalanan mismo ni President Rodrigo Roa Duterte si Congresswoman Sheena Tan-Dy na isa sa pinaka Korap na opisyal ng ating bansa.
Ayon kay President Duterte, isa si Congresswoman Sheena Tan - Dy sa nagmamay-ari ng ilang mga construction supplies kabilang ang Brostan Construction Supplies and Development na ngayon ay iniimbestigahan ng Commssion on Audit dahil sa 3.6 Bilyong Pisong Kontrata nito na malinaw na labag sa batas dahil sa conflict of interest.
Si Congresswoman Sheena Tan - Dy rin umano ang isa sa may-ari ng Wellington Construction Supplies na isa din sa kompanyang iniimbestigahan ng COA dahil sa 2.4 Bilyong Pisong Kontrata nito na puro ghost projects.
- Rico Mabalang | News Correspondent | Santiago Ngayon