20/08/2025
Mali ang kanilang ginawa.
Pero sana maisa katuparan din ang magna carta for Pilipino Seafarers.
-Patas na pasahud
-Sapat na pagkain onboard
-Complete PPE supplies.
-----------------------------
KAPITAN at 6 na Crew sa inter island Hinuli.
Pitong empleyado ng isang shipping company na nakabase sa Barangay San Isidro sa lungsod ng Talisay ang naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Office 7, kasama ang kanilang Ship Captain, Chief Mate, Chief Engineer at 3rd Engineer matapos magnakaw ng krudo sa barko bandang 12:10 ng hapon, Miyerkules, Agosto 20, 2025.
Ang mga suspek ay nakilala lamang sa mga alyas ng CIDG-7 bilang sina alyas Dem, 57, Chief Mate, na taga-lungsod ng Toledo, Cris, 46, 3rd Engineer, taga Marikina City, Al, 59, Chief Engineer, taga Caloocan City, Noe, 24, Oiler, taga Bacolod City, Khay, 32, Oiler, taga Talamban Cebu City, Leo, 67, Ship Captain na taga Iloilo City at Sano, 35, 3rd Mate, taga Siquijor.
Ang CIDG-7 ay nakatanggap ng reklamo mula sa mga opisyal ng Keywest Shipping Corporation dahil ang kanilang krudo ay mabilis na nauubos na nakaapekto sa kanilang operasyon. Naniniwala ang pamunuan na ito ay isinagawa ng kanilang empleyado kaya humingi sila ng tulong upang madakip ang mga suspek. Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng CIDG kasama ang mga opisyal ng shipping company at nadatnan ang pitong suspek na nagnanakaw ng krudo sa kanilang barko. Kasalukuyan silang nasa kustodiya ng CIDG 7 habang sumasailalim sa imbestigasyon. Ang mga suspek ay ibinigay sa pamunuan ng CIDG para sa paghahain ng kasong Qualified Theft .