24/08/2025
๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐'๐ฒ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐ข๐ง, ๐๐๐ซ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง ๐๐ฒ ๐ญ๐๐ง๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐ข๐ค๐ข๐ง
๐๐๐๐๐พ ๐พ๐๐๐โMatagumpay na nagtapos na makulay at masiglang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa St. Aloysius Institute of Technology Inc. (SAIT) noong Agosto 22, 2025, na may temang โPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayang Pagkakaisa ng Bansaโ, ginanap sa Cedano Sports Complex (Cogon Gym). Ang selebrasyon ng Buwan ng Wika ay nagtagumpay sa layuning ipamalas ang talento ng mga estudyante ng SAIT sa pamamagitan ng iba't ibang presentasyon at kompetisyon na nagbigay-pugay sa ating wika at kultura. Ipinamalas ng mga batang Aloysiano ang kanilang galing sa larangan ng pag- awit, pagmamalas ng talino, pag guhit, pagsulat, pagbahagi ng talento sa Spoken Poetry at higit sa lahat ang pagiging malikhain sa paggawa ng mga kubo o booth para sa Pista sa Nayon.
Nakilahok ang mga estudyante mula sa iba't ibang larang upang makibahagi sa
pagdiriwang ng St. Aloysius Institute of Technology, Inc. sa Buwan ng Wika na may temang, โPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansaโ. Ang nasabing pagdiriwang ay ginanap sa araw ng Biyernes, Agosto 22, 2025 simula 10:20AM hanggang 4:30 PM ng hapon sa Brgy. Cogon, Gymnasium, Ormoc City.
Ang Tagisan sa Pagkanta ay binubuo ng labing tatlong (13) mga kalahok na galing sa iba't-ibang larang at inanunsyo ang mga estudyanteng nanalo at binigyan ng sertipiko ng pagkakakilanlan sa pagpatak ng 1:40PM at ito ay sinaโ
๐ฅ โ BB. MARYKATE SHEREE D. ADUCA
๐ฅ โ BB. RHEA JANE CONSTANTINO
๐ฅ โ BB. JAHARA HABEL
Nagpamalas naman ng galing at talas ng memorya ang mga kalahok ng talumpati, isa sa mga patimpalak na parte ng selebrasyon. Sa kabila ng kakulangan sa oras ng preperasyon ay matagumpay namang naiparating ng mga kalahok ang kanilang mensahe at ipakita ang husay sa pagbigkas ng talumpati. At tatlo sa mga kalahok ang mas nangibabaw. Ito ay sina:
๐ฅ โ G. ERIKO BALEJON
๐ฅ โ G. JACOB TAMPUS
๐ฅ โ BB. SHAIRA DOMINGUITO
Kaalaman sa Wika at Lahi, Katalinuhan ay ibahagi. Nanaig si BB. SHAMHEL SIAY, na galing sa larang na Science, Technology, Engineering & Mathematics (STEM) sa ika-12 baitang STEM-A, sa tagisan ng talino na iginawad ngayong ika-22 ng Agosto. Ang patimpalak na ito ay kalahok sa pagdiriwang. At ito ay paraan, upang maipakita at malinang ng bawat mag-aaral ang kanilang talas sa isipan, at utak na puno ng kaalaman.
Ideya'y ibigkas, damdamin ay ipalabas.
Naging malikhain ang mga mag-aaral na galing sa iba't-ibang larang na may siyam(9) na kalahok. Kung saan may mga mag-aaral na galing sa Batch 1 at Batch 2. Ngunit tatlo lamang sa kanila ang pinalad na makatungtong sa tatlong pwestong magagawaran ng sertipiko. Ang mga mag-aaral na nagwagi, ay sina:
๐ฅโ G. WARREN GALO
(STEM, BATCH 1)
๐ฅโ G. PAUL FALLORE
(STEM, BATCH 2)
๐ฅโ G. JUSTINE MONARES
(HUMSS, BATCH 2)
Pista sa Nayon: Makulay na Kulturang Pilipino
Muling ipinamalas ng mga mag-aaral ng SAIT ang kanilang husay at talento sa patimpalak ng Pista sa Nayon.
Bawat strand sa SAIT ay nagpakitang gilas sa ginawang kubo na may kasamang mga pagkaing pinoy bilang handa sa paligsahang Pista sa Nayon, at nagbahagi din ang mga kalahok na strand ng mga aktibong presentasyon para sa mga hurado.
Nagwagi sa patimpalak sa Pista sa Nayon ang HUMSS na larang bilang unang pwesto na nakakuha ng pinakamataas na puntos galing sa mga hurado.
๐ฅ โ HUMSS
๐ฅ โ ABM
๐ฅ โ TVL-ICT
4TH โ STEM
5TH โ TVL-CAREGIVING & HOUSEKEEPING
6TH โ TVL EIM
"Pinakamagarbo, Pinakamaganda: Sinu-sino Sila?"
Isa sa mga highlight ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay ang pagkilala sa "Pinaka Magarbo at Magarang Kasuotan" sa kategorya ng estudyante, nagningning sina:
G. Rey Angelo Estrera Benegas
G. Justin Monares
Habang nagpakitang-gilas din sa hanay ng mga g**o sina:
G. Gio Covero Ylagan
Bb. Mea Ann V. Relente
Sa huli, ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang isang kaganapan kundi isang pagpapatunay sa diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa sariling atin. Mula sa makulay na presentasyon hanggang sa masiglang kompetisyon at pagkilala sa mga nagwagi, ang Buwan ng Wika sa SAIT ay nag-iwan ng bakas ng pagpapahalaga sa ating pambansang identidad at kultura sa puso ng bawat Aloysian.
โ: Nash Dadis, Llyel Joy Amacna, Rhiyan Mae Agusto, Shamhel Siay, Shaira Dominguto, Warren Abalo, Jherwin Horca, Princess Mendoza, Angela Lucero & Qhesyha Baรฑez |๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐๐ฃ๐ฉ๐
๐ธ: Noel Taneo |๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐๐ฃ๐ฉ๐