22/04/2024
๐ง๐๐ ๐ ๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ฆ๐ง๐๐๐๐ก, ๐๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐๐ง๐ข๐ง๐ข๐๐๐ก๐๐ก
Ang ScienceKonek ay nakikiisa paggunita sa , ang taunang pandaigdigang aktbidad tuwing Abril 22 na naglalayong paigtingin ang panawagang umaksyon para sa kalikasan na nagsimula noong 1970.
Bagamat ang punong tema ngayong 2024 ay patungkol sa problema ng plastic pollution, ating palawigin ang mensahe sa pangkabuuhan at hamunin ang ating sarili na:
[๐ญ] ๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฏ๐๐๐ถ๐๐ถ ๐๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ ๐บ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ด ๐ผ๐ฝ๐ถ๐ป๐๐ผ๐ป.
Tama ba ang impormasyon na ating pinopost? Alam ba natin ang konteksto ng nangyayari bago umaksyon? Madaling magsalita, magpost, at magkomento, lalo pa kung ang nakikita ay akma sa kung ano ang gustong paniwalaan. Ngunit, mas malaking hamon sa atin na paangatin pa ang antas ng diskusyon at siguraduhing tama at akma sa agham ang ating mga pinagbabasehang impormasyon. Bakit? Ito ay upang masigurado na ang ating mga hakbangin ay tunay ngang nakakatulong at hindi mas lalong nakakapahamak sa ating kapwa at sa kapaligiran sa pangmatagalang perspektibo.
[๐ฎ] ๐ ๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐ต๐ผ๐ธ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฑ๐ถ๐๐ธ๐๐๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ธ๐๐ถ๐ฏ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ธ๐ผ๐บ๐๐ป๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ.
Kilala ba natin ang ating sariling bayan? Alam ba natin ang mga hakbanging pangkalikasan sa sariling paaralan at barangay? Ngayong Earth Day at sa mga susunond pang mga araw, ating hamunin ang sarili na maging aktibo sa pakikilahok sa mga diskusyon at proyekto sa ating sariling mga komunidad, paaralan, at bayan. Hindi naman masamang tumulong sa malalayong komunidad, ngunit mahalaga ring malaman ang mga isyung pangkapaligiran na ating nadadaan-daanan lang sa araw-araw. Imbes na hanggang pagsambit na lang ng "sana all" sa ibang mga lugar, tayo ay gumawa ng aksyon upang maisaayos rin ang ating komunidad.
[๐ฏ] ๐๐๐ฏ๐๐ด๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐บ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐๐บ๐ฎ๐ธ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ป๐ด '๐ฐ๐น๐ผ๐๐' ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐บ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฎ.
Walang masama sa pagpost ng mga gawaing pangkalikasan sa social media, ngunit hindi dapat doon nagtatapos ang ating pagtingin sa mga aktibidad. Hindi dapat gawing sukatan ang pagiging "insta-worthy" ng lugar, hayop, o halaman, upang maisipan itong pangalagaan. Hindi rin dapat ikulong ang pananaw at mga aktibidad sa kung ano ang 'required' para sa grado o compliance at sa mga nakikita na mga trending online. Sa paggawa ng mga aktibidad upang makatulong sa kalikasan, huwag unahin ang pansariling interes na sumikat, makitang makakalikasan, at makahakot ng likes and shares, bagkus ay magfocus lamang sa kung ano ang dapat na maisagawa ng tama. Hindi sa lahat ng bagay ay papalakpakan at susuportahan tayo ng mga kakilala sa ating pagsunod sa prinsipyo, ngunit hindi iyon dapat maging malaking balakid sa ating paggawa ng tama.
Ngayong Earth Day, isapuso nating mga kabataan ang tatlong pagninilay at sabay-sabay na hubugin ang pagkatao tungo sa makakalikasang pamumuhay na hindi lamang nakabase sa kung ano ang uso. Kasama po ninyo ang ScienceKonek sa paglalakbay na ito!
๐ฅ๐ฎ๐น๐ฝ๐ต ๐๐ฏ๐ฎ๐ถ๐ป๐๐ฎ
ScienceKonek Founder
22 Abril 2024