30/10/2024
πππ ππππππππ. πππ ππππππππ. πππ ππππ. π«£
For so long, I am into being right and winning an argument. I have to always prove my point.
I always want everyone to understand me and my ways. I want them to see things MY way.
Yun kasi ang paniniwala ko e. Na ang buhay palaging meron right way at palaging may wrong way at depende yun sa perspektibo ng tao. Kaya ako ilalaban ko palagi perspektibo ko.
Sa pinag daanan ko, sa lahat ng pagka dapa, pag bangon, pag tindig, pag laban, at lalo na sa mga nakaraan pinagdaanan ko. In and out works sa buhay mentalidad, puso, ispiritual, madami akong natutunan at realizations.
Ang buhay hindi pala siya left or right, tama o mali, dito o doon. Ang buhay pala nasa isang malaking spectrum siya na halo-halo ang lahat. Naglalabo-labo ang tama at mali, mga direksyon na kanan at kaliwa, mga kagustuhan doon o dito.
Lumaki ako sa mga taong simbahan. They always told me na βANNOUNCE YOUR PLANSβ, so that more people can pray for you on your goals. GANON KA HOLISTIC yun culture ko sa probinsya.
Pagdating sa syudad, meron silang classic culture advice. Magka salungat sa holistic advice sa probinsya. Sa syudad βDONβT ANNOUNCE YOUR PLANSβ, gawin mo na lang. Kasi sa syudad mas madaming inggit at mapanira, kaya mayabang ka sa kanila kapag nagsalita ka ng mga BIG PLANS mo. They would want you to see going hard about it. (hindi natin nilalahat ha)
SOBRANG MAGKAIBA DI BA?
But, I wanted to live my life the holistic way.
Sa probinsya, yun big dream mo, maririnig mo sa mga tao ang βANG GALING NG PANGARAP MO! TAMA YAN, TIBAYAN MO LOOB MO! MAKAKAYA MO YAN!β
Sa syudad βMAPANGAHAS. ANG YABANG. WALA PA INA-ANNOUNCE NA!β
So alin ang tama?
πππ«π¨π§ πππ²π¨π§π π π«ππ² ππ«ππ π§π π€ππ’π₯ππ§π ππ§ ππ’π π§ππ§.
On my realizations while processing everything about my life with the help of my counselor during my therapy sessions and my kinakapatid / best friend for more than 20 years:
π―In life, we wait for things to happen. We wait for the people. We wait for love. Malaking realization ko is the βthe family in the houseβ theory. Magsasabi ang Tatay na late siya uuwi, sasabihan si Nanay na huwag na siya antayin. Pero si Nanay, maghihintay, manonood ng TV para di makatulog, gagawa ng mga gawain bahay. Ending pagod, mababadtrip kay Tatay kasi inumaga na umuwi.
π‘With that situation is the wisdom of the theory. Sa buhay, kung may hinihintay tayo, pwede naman isarado natin na yun pinto ng bahay. Mag pahinga na. Matulog. Kasi kung gusto naman natin papasukin yun darating, kahit gaano pa ka late o katagal dumating, kapag kumatok, pag bubuksan naman natin di ba? Lesson doon at least naka pahinga ka. Naghihintay ka pero may sapat kang lakas para sa susunod na araw.
π―Dumating ako sa point na tumutulong ako sa iba kahit hirap na din ako. Sabi ng malapit sa akin, tulungan ko din naman sarili ko. Bakit ako tumutulong sa iba kung hirap na din ako? Malaking bagay sa akin kasi yun sinabi ni Mother Theresa. It is not the full essence of giving if what you give to others are just excess or extras of you.
π‘Sa buhay ngayon, lagi natin maririnig na, bago ka tumulong, dapat meron munang sapat para saβyo. βI cannot give what I do not have.β Pano ka tutulong kung kulang din saβyo? Pero that is the wisdom of giving kasi. Kung alam mong hindi na sapat saβyo, pero alam mong mas kailangan ng kapwa mo, kaya tutulungan mo siya kahit ikaw mismo ay mahihirapan ka. Many would not agree for sure. Ikalma lang natin muna.
π‘π‘What do I mean by those examples? All our mindsets are valid. Contrasting POVs or situations are both right ββ but can only be true, valid, and right at different times.
Ang hirap no? Sa bawat tama mo, nasa tamang panahon ka ng desisyon na ginawa mo, sa bawat mali mo, nasa maling panahon ka ng desisyon na ginawa mo?
Sa lahat ng ito, ano ang mahalaga? Ang makilala mo ang mga tamang tao sa buhay mo. Dahil ang mga tamang tao sa buhay mo, kapag nagkamali ka, ang iisipin nila, hindi ikaw yun. Dahil nakita nila at na experience nila yun mabuting ikaw. Kaya ang mga tamang tao, mananatili at tutulungan kang makabawi sa mga pagkakamali mo.