DXCO Radyo Pilipino Cagayan De Oro

DXCO Radyo Pilipino Cagayan De Oro This is the Official Page of DXCO Radyo Pilipino Cagayan De Oro. We believe that we are an inspiratio

30/12/2025

ANNOUNCEMENT

To accommodate the requests of coaches and teams, we will process team registrations manually.

To register your teams, please contact:

Eds Alba +639271581964 (text or viber)

or

NGVL Facebook Messenger

SECURE YOUR TRAVEL DATES! 🗓🏖TINGNAN | Inilabas na ng Malacañang ang opisyal na listahan ng mga regular at special non-wo...
30/12/2025

SECURE YOUR TRAVEL DATES! 🗓🏖

TINGNAN | Inilabas na ng Malacañang ang opisyal na listahan ng mga regular at special non-working holidays para sa taong 2026, kung saan kabilang dito ang inaasahang walong long weekends. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

30/12/2025

HAPPY NEW YEAR, MGA KABAHAGI 🎆🎇

Nawa’y sa pagpasok ng bagong taon, malagpasan natin ang lahat ng hamon at pagsubok na ating kinaharap. Hiling namin na maging puno ng pag-asa, kasiyahan, at magagandang oportunidad ang bawat araw ng 2026.

Sama-sama nating salubungin ang bagong taon nang may positibong pananaw at determinasyon para sa mas maunlad na kinabukasan.

Maligayang pasko at manigong bagong taon, mga Kabahagi mula kay Ben Paypon ng Pulsong Pinoy.

HOLIDAY BROADCAST ADVISORY! 📢This is to inform our listeners and viewers that Radyo Pilipino national programs, Serbisyo...
30/12/2025

HOLIDAY BROADCAST ADVISORY! 📢

This is to inform our listeners and viewers that Radyo Pilipino national programs, Serbisyo Todo-todo & Pulsong Pinoy, will be off air on December 31, 2025 and January 1, 2026.

Regular programming will resume on January 2, 2026.

We thank you for your understanding and wish everyone a joyful and safe holiday season! 🎄✨

30/12/2025

Patuloy na pagbaba ng trust ratings ng pangulo. Ano ang reaksyon mo kaugnay rito?

With Special Guest:
Atty. Edward Chico
Political Analyst and Litigation Lawyer

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika, negosyo, at kalusugan.

Pulsuhan natin yan!

Pulsong Pinoy. Kasama ang kabahagi mo, Ben Paypon.




30/12/2025

Mga natamong sugat sa firecracker incidents, paano mapapangalagaan?

With Special Guest:
Zed Cantuba

Ngayong Martes, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon — serbisyo’t kaalaman, diretso sa punto!


2 DAYS BEFORE 2026! 🎆🎇Huling hirit na sa pag-aayos ng mga prutas at handa para sa countdown! 🍍🍇 |
30/12/2025

2 DAYS BEFORE 2026! 🎆🎇

Huling hirit na sa pag-aayos ng mga prutas at handa para sa countdown! 🍍🍇 |

PAGGUNITA SA PAMBANSANG BAYANI 🇵🇭Sa paggunita ng ika-129 Araw ng Kamatayan ni Dr. Jose Rizal, muling ipinapaalala sa ati...
30/12/2025

PAGGUNITA SA PAMBANSANG BAYANI 🇵🇭

Sa paggunita ng ika-129 Araw ng Kamatayan ni Dr. Jose Rizal, muling ipinapaalala sa atin ang kanyang matatag na paninindigan, malalim na karunungan, at wagas na pagmamahal para sa bayan.

Ang kanyang mga isinulat at ipinaglaban ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon upang pahalagahan ang edukasyon, katotohanan, at makabuluhang paglilingkod sa sambayanan. Nawa’y magsilbi ang kanyang buhay at sakripisyo bilang matibay na gabay tungo sa mas makatarungan, maunlad, at nagkakaisang bansa. |

MORNING PRAYER 🙏 | December 30, 2025
29/12/2025

MORNING PRAYER 🙏 | December 30, 2025

29/12/2025

'HINDI BA COUNTED YUN? UMABOT NAMAN SA DULO E' 😭😆

PANOORIN | Kinagiliwan online ang video ng isang lalaki at ng kanyang pamilya habang nagsasaya sa isang Christmas party game, na may mechanics na kailangan patayin ang kandila mula simula hanggang dulo. Lalo itong pinatawa ng mga netizens nang natanggal ang pustiso ng lalaki sa kanyang unang blow.

Agad itong nag-viral sa TikTok, na umani ng 3.5 million views at 260k hearts. |

Video Courtesy: /Tiktok

Mayroon ka bang nakatutuwang kwento, larawan, o video na nais ibahagi? Ipadala lamang sa aming email account: [email protected] o sa aming Facebook Account na Radyo Pilipino.

‘A LOVE STORY OVER 20 YEARS IN THE MAKING’ 🤍Ibinahagi ng aktres na si Carla Abellana sa social media ang kanyang heartfe...
29/12/2025

‘A LOVE STORY OVER 20 YEARS IN THE MAKING’ 🤍

Ibinahagi ng aktres na si Carla Abellana sa social media ang kanyang heartfelt wedding vows para sa kanyang asawa ngayon na si Dr. Reginald Santos, bilang pagdiriwang ng isang romansa na nagtagumpay matapos ang dalawang dekada. |

Para sa iba pang balita siguraduhing naka LIKE at FOLLOW sa Radyo Pilipino.

‘I CANNOT SUPPORT A BUDGET RIDDLED WITH UNANSWERED QUESTIONS, UNEVEN ALLOCATIONS, QUESTIONABLE INSERTIONS’ “No” ang boto...
29/12/2025

‘I CANNOT SUPPORT A BUDGET RIDDLED WITH UNANSWERED QUESTIONS, UNEVEN ALLOCATIONS, QUESTIONABLE INSERTIONS’

“No” ang boto ni Davao City 1st District Rep. Pulong Duterte sa ratipikasyon ng Kamara sa Bicameral Conference Committee report para sa 2026 national budget.

"A national budget should serve the people, not reward impunity. Transparency must come before approval, not after public outrage," bahagi ng pahayag ng kongresista.

"My vote is not against development — it is for transparency, fairness, and responsibility." dagdag pa nito.

Niratipikahan na ng Kamara ang Bicam report sa 2026 budget sa pamamagitan ng viva voce o voice voting. |

16/10/2025

Department of Agriculture, inanusyong hindi muna mag-aangkat ang bansa ng imported na asukal ng hanggang kalagitnaanng 2026

With Special Guest:
Mr. Pablo Luis Azcona
Administrator and Chief Executive Officer of the Sugar Regulatory Administration (SRA)

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika at iba pang mga usapin.

Pulsuhan natin yan!


16/10/2025

Calamity Loan Program na hatid ng SSS, alamin!

With Special guests:
Mr. Carlo Villacorta
Vice President for Public Affairs and Special Events Division, Social Security System

Problema mo, bibigyang pansin!
Mga isyu sa komunidad, isinasapubliko!

Huwebes Serbisyo, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon sa Serbisyo Todo-Todo!

, ,

15/10/2025

PULSUHAN NATIN YAN:

Pinagbawalan ng International Criminal Court (ICC) appeals judges na lumahok si chief prosecutor Karim Khan sa pagdinig sa kasong crimes against humanity na kinakaharap ni dating Pang. Rodrigo Duterte. Sa ulat ng Reuters, dahil umano ito sa posibleng conflict of interest. Ano ang reaksyon mo kaugnay rito?

With Special Guest:
Atty. Gilbert Andres
Executive Director,
Center For International Law, Philippines

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika, negosyo, at kalusugan.

Pulsuhan natin yan!

Pulsong Pinoy. Kasama ang kabahagi mo, Ben Paypon.




15/10/2025
15/10/2025

Influenza-like illness: Ano nga ba ito at ano ang sintomas nito?

With Special Guests:
Dr. Rey Salinel
Infectious Disease Specialist

And

Dr. Ed Vizmonte
Urologist, De Los Santos Medical Center

Wellness Wednesday, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon sa Serbisyo Todo-Todo!



MALINIS NA KAMAY, MALUSOG NA BUHAY! 🧼Ngayong Global Handwashing Day, paalala sa ating lahat na ang simpleng paghuhugas n...
15/10/2025

MALINIS NA KAMAY, MALUSOG NA BUHAY! 🧼

Ngayong Global Handwashing Day, paalala sa ating lahat na ang simpleng paghuhugas ng kamay ay sandata laban sa sakit!

Ugaliing maghugas ng kamay para laging fresh, safe at ready sa bawat araw! |

14/10/2025

Handa umanong magbahagi ng kaniyang nalalaman si dating House Speaker Martin Romualdez para matulungan ang ICI. Ano ang reaksyon mo kaugnay rito?

With Special Guest:
Prof. Dennis Coronacion
Chairman, UST Department of Political Science

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika at iba pang mga usapin.

Pulsuhan natin yan!


14/10/2025

Chismis 101: Kung lagi kang pinaparatangan ng hindi totoo (tsismis o paninira), pwede ba itong kasuhan?

With Special Guest:
Atty. April Carelo
Litigation Lawyer

Legal na usapin, legal na solusyon!

Kung may tanong ka sa batas, sagot ka namin tuwing Martes!

Legal Tuesday, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon — serbisyo’t kaalaman, diretso sa punto!



2026 NATIONAL BUDGET, LUSOT NA SA KAMARASa botong 287 pabor, 12 tutol, at 2 abstain, inaprubahan ng House of Representat...
14/10/2025

2026 NATIONAL BUDGET, LUSOT NA SA KAMARA

Sa botong 287 pabor, 12 tutol, at 2 abstain, inaprubahan ng House of Representatives sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang ₱6.793-trilyong National Budget para sa 2026, ang may pinakamataas na bilang ng negatibong boto sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Ayon kay House Appropriations Committee Chairperson Mika Suansing, tinanggal sa panukalang badyet ang alokasyon para sa mga flood control projects, at inilipat ang ₱255 bilyon sa edukasyon, kalusugan, at agrikultura.

Tinanggihan din ng mga mambabatas ang ₱170-milyong dagdag pondo para sa Office of the Vice President dahil sa kawalan ng partisipasyon ni Vice President Sara Duterte sa budget deliberations habang nanatili naman ang ₱200 bilyong unprogrammed appropriations, na binatikos ng ilang mambabatas dahil umano sa banta ng katiwalian.

Isusumite na sa Senado ang panukalang 2026 General Appropriations Bill at tiniyak ni House Majority Leader Sandro Marcos na patuloy na isusulong ng Kamara ang mas transparent na proseso ng pagtalakay sa badyet. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

13/10/2025

Ginamitan ng water cannon at sinadyang banggain ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa bisinidad ng Pag-asa Island

With Special Guest:
Dr. Clarita Carlos
Former National Security Adviser

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika at iba pang mga usapin.

Pulsuhan natin yan!


50% NG MGA PILIPINO GUSTONG PANAGUTIN SI DUTERTE SA DRUG WARBatay sa Third Quarter 2025 survey ng Social Weather Station...
13/10/2025

50% NG MGA PILIPINO GUSTONG PANAGUTIN SI DUTERTE SA DRUG WAR

Batay sa Third Quarter 2025 survey ng Social Weather Stations (SWS) na kinomisyon ng Stratbase Group, 50% ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat managot si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pagpatay na may kaugnayan sa war-on-drug sa panahon ng kanyang administrasyon, habang 32% ang hindi sang-ayon, 15% ang undecided, at 4% ang nagsabing kulang ang impormasyon upang makasagot.

Ayon sa SWS, pinakamataas ang suporta para sa pananagutan sa Visayas, Metro Manila, at Balance Luzon, habang pinakamababa sa Mindanao. Isinagawa ang survey mula Setyembre 24–30, 2025 sa 1,500 respondents.

Lumabas ito kasabay ng pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa apela ni Duterte para sa pansamantalang paglaya, sa gitna ng mga kasong kaugnay ng war-on-drugs na umano’y kumitil ng libu-libong buhay. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

13/10/2025

Human Milk Bank Association of the Philippines, namigay ng donated breastmilk sa mga sanggol na nasalanta ng lindol sa Cebu

With Special Guest:
Dr. Estrella Olonan Jusi
President, Human Milk Bank Association of the Philippines

Simulan ang linggo sa talakayang walang mintis, mula presyo ng bilihin, sweldo, hanggang sa mga diskarte sa pagtitipid!

DisCASHion tuwing Lunes, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon sa Serbisyo Todo Todo!


Address

Igpit
Opol
9200

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DXCO Radyo Pilipino Cagayan De Oro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DXCO Radyo Pilipino Cagayan De Oro:

Share

Category