30/09/2022
PTPA.
BIR UPDATE!!
GUMAMIT KA PA BA NG LUMANG "ASK FOR RECEIPT" SIGN?
Puwes! May hangang JUNE 30,2023 na lang ikaw para magamit ito dahil pag dating JULY 1,2023 dapat gamit mo na ang BAGONG "Notice to Issue Receipt/Invoice" (NIRI).
Bakit ito kailangan mapalitan?
Dahil kapag hindimo ito napalitan pagdating July 1,2023 at natyempuhan ka ng Tax Mapping Team ayun Php 1,000 na multa.
Paano ito mo mapapalitan?
May binigay na schedule base sa last digit ng iyong Tax Identification Number (TIN) at procedure si BIR sa Revenue Memorandum Order 43-2022. P**i basa na lang
Pero bakit ba nila isipan palitan? (opinyon lang naman namin)
Dahil marami daw matatalinong negosyante dati na hindi nag iisue ng resibo/invoice dahil di naman daw NANGHIHIGI si customer. Tama nga naman kaya nga ASK FOR RECEIPT e (talino dut,i ba)
So si BIR, matalino din!
Ngayon, nilgay na nya MUST ISSUE so obligado ka na magbigay ng resibo/invoice humingi man o hindi si customer
May penalty ba ang hindi pag issue ng resibo?
Meron!
Ang HINDI (Failure) pag issue ng resibo/invoice ay may multa na Php 10,000 sa first offense at Php 20,000 sa second offense
Ang PAGTANGGI (Refusal) na bigyan ng resibo/invoice ay may multa na Php 25,000 sa first offense at Php 50,000 sa second offense.
Mag kaiba ang HINDI pag issue at ang PAGTANGGI na mag issue ng resibo/invoice. MAS malaki yung multa pag tinanggihan mo o di mo binigyan ang isang customer kahit nanghingi na sayo ito.
So ano pa hinihintay mo. Palit na!