20/10/2025
"AGOS NG BATIS"
Agos ng tubig sa batis ay lumalagaslas
Sa Tabi ng Bato ito'y humahampas
Tubig na walang tigil, sa pag-agos na kung saan Marami ang nabubuhay, marami ring namamatay.
KORO:
Agos ng batis sa buhay ng tao
Tumatakbong sabay nito
Sa dagat na wagas ang tungo
Buhay natin sa Diyos nanggaling
Sa Diyos mo rin itagubilin
Gamitin mong pagpapala
Sa buhay ng iyong kapwa.
Ang buhay ng mga tao dito sa mundo
Ay tulad ng isang batis umaagos nang kay bilis
Mahirap man kung iisipin ngunit sa Diyos itagubilin
Gamitin mong pagpapala sa buhay ng iyong kapwa.
( ULITIN ANG KORO )
ng