18/01/2023
Sa mga nagdaang taon, may ilan nang mga mambabatas ang nagtangkang magpanukala ng batas patungkol sa pagsasaayos ng sweldo ng barangay workers, partikular na ang mga tanod.
Ito ay para mabigyan ng tamang sweldo ang mga maliliit na manggagawa, tulad ng mga tanod at barangay health workers na laging nakakalimutan bagama't masalimuot ang kanilang ginagampanang tungkulin.
Sa ngayon, karamihan sa mga tanod at barangay health workers ay sumasahod lamang ng 2,500 pesos kada buwan o mas mababa pa.
Hindi sapat ang halagang ito para bumuhay ng isang pamilya at lalong hindi ito makatarungan dahil ang ginagampanang trabaho ng mga tanod sa araw araw nilang duty ay mapanganib. Rumoronda sila sa kasuluk-sulukan ng barangay para masiguro ang katahimikan at kaligtasan ng mga residenteng kanilang nasasakupan.
Ilan na sa mga tanod ang napabalitang nasaktan, nadisgrasya at nagbuwis ng buhay sa tawag ng tungkulin. Ilan na rin sa mga barangay health workers ang nagbuwis din ng buhay noong panahon ng pandemya. Dahil sa pagganap nila sa kanilang tungkulin, sila ay napasama sa mga naging biktima ng COVID-19.
Sa pagkakataon na ito, masigasig na makikipagtulungan si Sen. Idol Raffy Tulfo sa lahat ng mga mambabatas upang tuluyan nang maipasa ang panukalang batas sa kanyang termino.
Manatiling updated kay Senator Idol! iLike at iFollow ang ating mga official social media accounts:
FB: facebook.com/IdolRaffyTulfoOfficial
facebook.com/raffytulfoinaction
TW: twitter.com/IdolRaffyTulfo
YT: youtube.com/RaffyTulfoVlogs
youtube.com/RaffyTulfoInAction
TikTok: tiktok.com/