PANUORIN: Ibinaba na ang mga district flag sa grand arena sa campsite sa San Antonio, Zambales bilang hudyat ng pagtatapos ng 37th Provincial Scout Jamboree
PANUORIN: Sitwasyon ngayon sa campsite habang tinatapos na ng mga scouts ang kanilang mga pagsasanay sa activity area
PANUORIN: Itinuro sa mga scouts ang Commando Crawl. Ito ay isa sa pitong obstacle na kailangan nilang daanan sa Baryo Paghamon.
Ang Baryo Paghamon ay isa sa apat na baryo sa campsite ng 37th Provincial Scout Jamboree kung saan hinuhubog ang Survival Skills ng mga scouts.
PANUORIN: Bilang parte ng kanilang Obstacle Journey sa Baryo Paghamon ay tumatawid ang mga scouts sa Monkey bridge.
Sa Baryo Paghamon hinuhubog ang survival skills ng mga scouts, mula sa paggamit ng mapa at compass, pag akyat ng bundok, pagtawid sa ilog, paggapang sa mga makikipot na lugar at marami pang iba.
Tila walang kapaguran ang mga scouts at kitang-kita ang kagustuhan nilang matuto sa lahat ng mga aktibidad sa 37th Provincial Scout Jamboree
PANUORIN: Kitang-kita ang diskarte ng mga scouts sa pagpapadingas ng apoy. Ito ay isa sa mga natutunan nila sa Survival Skills Training nila sa Baryo Paghamon.
Ngayon ang ikalawang araw ng pagsasanay ng mga scouts sa campsite ng 37th Provincial Scout Jamboree
ICYMI: Pagtatalaga kay Former San Antonio Mayor Jose Garcia Jr. bilang Camp Chief ng Provincial Jamboree ngayong taon
Panuorin: Mahigit 2,000 delegado mula sa iba’t ibang paaralan sa probinsiya ng Zambales ang dumalo sa 37th Provincial Scout Jamboree
Ang mga delegado ay sasabak sa limang araw na pagsasanay sa campsite sa bayan ng San Antonio.
Ito ang unang beses na muling isinagawa ang Provincial Jamboree matapos itong matigil ng tatlong taon dahil sa COVID-19 pandemic.
37th Provincial Scout Jamboree Grand Opening
37th Provincial Scout Jamboree Grand Opening
37th Provincial Scout Jamboree Grand Opening
PANUORIN: Sitwasyon ngayon dito sa campsite sa San Antonio, Zambales habang patuloy ang pagdating ng mga delegado para sa 37th Provincial Scout Jamboree
TINGNAN: Ang 'walk-through design sa planong pagsasaayos ng Subic Fish Port o mas kilalang 'Bulungan' sa Zambales.
Maliban sa community hospital ay nais din iprayoridad ni Subic Mayoral Aspirant Ranil Maningding ang pagsasaayos at pagkakaroon ng mas sistematikong pamamalakad sa isdaang-pambayan na siyang sentro ng ekonomiya ng Subic.
Ani Maningding, lalagyan niya ng mini gas station ang lugar upang mapadali ang sitwasyon ng mga mangingisdang Subiqueño sa pagbili ng krudo para sa kanilang mga bangka.
🎥 AIM High Subic
GOVERNMENT HOSPITAL PLANONG IPATAYO SA SUBIC
Dahil sa kakulangan ng mga pampublikong ospital sa probinsiya ng Zambales, pinaplanong ipatayo ang isang community hospital sa bayan ng Subic.
Ayon kay Subic Mayoral Aspirant, Ranil Maningding, kabilang sa kanyang plataporma ang paglalaan ng 85 million na pondo upang maipatayo ang Subic Community Hospital.
Ang 37.5 million ay sa architectural at furnishing, 30.7 million sa structural, 7.7 million sa electrical, 6.2 million sa plumbing at 2.9 million sa mga general requirements upang mapatayo ang ospital.
Ani Maningding nais niyang bigyang prayoridad ang healthcare sa bayan ng Subic na pangunahing pangangailangan lalo na ngayong may pandemya.
Matatandaang noong kasagsagan ng madaming kaso ng COVID-19 ay napuno ang ilang mga ospital sa probinsiya kung kaya't nais pagtuunan ng pansin nina Maningding kasama ang buong AIM high Subic team ang nasabing proyekto.
🎥 AIM High Subic
POLICE DETAINEES WELFARE PROGRAM ISINAGAWA SA ZAMBALES
FEEDING PROGRAM, BIBLE SHARING ISINAGAWA SA SUBIC, ZAMBALES
JAMBOREE BALITA WITH BSP PRES. ROBERTO PAGDANGANAN, BSP NATL. SCOUT COMMISSIONER CEDRICK TRAIN AND BSP SEC. GEN. ROGER VILLA JR.
JAMBOREE UPDATE WITH RAMON LACBAIN II