09/12/2024
βBABAYARAN KO NA LAHAT YUNG UTANG MONG β±100,000β
ito ang paglalahad ni Vice Ganda. Marami ang labis na humanga kay Meme Vice dahil sa kabutihang loob na kaniyang ipinamalas sa isang contestant.
"Kasi sa ngayon [ang] utang niya mahigit P100,000 na. 'Di ba? [...] Ang Showtime bibigyan ka ng P10,000, magdadagdag ako ng P20,000," saad ni Vice.
"Hindi na ako nakakatulog, nakakapag-isip nang normal, kasi ngayon lang po malalaman nila mama't papa na minsan 'yung mga binibigay ko po sa kanila is inuutang ko," wika naman ni Michael.
"Kailangan mabayaran kasi 'yung utang eh kasi sigurado ako may mga pangangailangan din 'yung mga tumulong sa 'yo't nagpautang," wika ni Vice.
"May show pala 'ko mamaya sa Candon, [...] so na-realize ko may concert ako. So kikita ako mamaya. Babayaran ko na lahat 'yung utang mong P100,000," dagdag pa niya.
"Thank you po. Thank you po," pagpapasalamat naman ni Michael.
"Ang sakit sa ulo ng may utang! [...] Kasi natatandaan ko dati nung nag-usap kami ni Madam Leni Robredo, sabi niya, 'Kung mayroon kang itatanong sa akin, bilang isang pangkaraniwang Pilipino, ano itatanong mo?' Sabi ko, kung ako, pangkaraniwang Pilipino, itatanong ko sa 'yo, 'Ma'am Leni, pa'no niyo po ba kami matutulungan magbayad ng utang?' Kasi 'yan ang problema ng napakaraming Pilipino, 'Paano kami makakabayad ng utang?'
At alam ko 'yung pinagdadaanan mo, nagdaan din ako sa ganyan. Nagkautang din ako. Alam ko 'yung pakiramdam na may kumakatok tapos nakakakaba. 'Yung may magte-text ta's maninigil tapos nakakataranta.
Tinatanggal niyan ang kapayapaan ng araw mo, ang ngiti ng mukha mo. Kaya hindi ko man masolusyunan lahat ng iba mo pang problema, at least 'yung utang matulungan kita for now, " saad pa ni Vice.
Ctto YouTube/ABS-CBN It's Showtime β β