18/08/2022
𝘜𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘪𝘣𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘬𝘪𝘭𝘢𝘯𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪, 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘭𝘢𝘬𝘪𝘱 𝘴𝘢 𝘦𝘥𝘶𝘬𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘳𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘬𝘢 𝘢𝘵 𝘬𝘶𝘭𝘵𝘶𝘳𝘢.✊
Sa pangunguna ng 𝘼𝙨𝙞 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙞𝙚𝙨 𝘾𝙚𝙣𝙩𝙚𝙧 𝙛𝙤𝙧 𝘾𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙚 𝙖𝙣𝙙 𝙩𝙝𝙚 𝘼𝙧𝙩𝙨 (𝘼𝙎𝘾𝘾𝘼) at pakikipagtulungan nito sa 𝙍𝙤𝙢𝙗𝙡𝙤𝙣 𝙎𝙩𝙖𝙩𝙚 𝙐𝙣𝙞𝙫𝙚𝙧𝙨𝙞𝙩𝙮 (𝙍𝙎𝙐) 𝙎𝙪𝙥𝙧𝙚𝙢𝙚 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩 𝘾𝙤𝙪𝙣𝙘𝙞𝙡 (𝙎𝙎𝘾), inihahatid ang kauna-unahang Lesson Planning Workshop para sa mga g**o at mag-aaral sa darating na 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟮𝟯-𝟮𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟮.
Bahagi ang kapaganapang ito sa pagdiriwang ng Buwan ng Mga Wika na may temang, "𝘍𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘵𝘶𝘵𝘶𝘣𝘰𝘯𝘨 𝘞𝘪𝘬𝘢: 𝘒𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘗𝘢𝘨𝘵𝘶𝘬𝘭𝘢𝘴 𝘢𝘵 𝘗𝘢𝘨𝘭𝘪𝘭𝘪𝘬𝘩𝘢."
Nilalayon ng inisyatibang ito na makabuo ng hiwalay na banghay o kurso na nakatuon sa pagtuturo ng kahalagan ng mga wika at kultura ng Romblon sa mga mag-aaral sa unang taon ng kolehiyo.
Layunin ng komprehensibang banghay na ito na imulat ang kabataang Romblomanon ng kahalagan ng kanilang mga sariling wika at pagtibayin ang kanilang pag-unawa at pagmamahal para sa kanilang mga kultura.
Pangungunahan ng mga eksperto sa wika, kultura, at pag-aaral ang Lesson Planning Workshop na ito. Kasama dito ay sina:
𝗗𝗿. 𝗥𝗶𝗰𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗠𝗮. 𝗡𝗼𝗹𝗮𝘀𝗰𝗼, 𝗣𝗵.𝗗 - Department of Linguistics, Univeristy of the Philippines Diliman, Retired Linguistics Professor and Proponent of the MTBMLE program
𝗣𝗿𝗼𝗳𝗲𝘀𝘀𝗼𝗿 𝗣𝗮𝘂𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗠𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮 𝗠𝗮𝗻𝗴𝘂𝗹𝗮𝗯𝗻𝗮𝗻.𝗗 - National Institute of Technology, Fukui College, Japan, Assistant Professor
𝗗𝗿. 𝗠𝗲𝗻𝗰𝗵𝗶𝗲 𝗚𝗮𝗱𝗼𝗻, 𝗠𝗔𝗘𝗱 - College of Education, Romblon State University (RSU), Faculty
Tayo na at sabay-sabay matuto sa makabuluhang ganap na ito!
Magparehistro sa:
https://tinyurl.com/Lesson-planning-workshop
https://tinyurl.com/Lesson-planning-workshop
https://tinyurl.com/Lesson-planning-workshop
Aasahan namin ang inyong pagdalo, kasimanwa!