29/10/2022
'REALITY HITS SO DIFFERENT TODAY'
Bumuhos ang emosyon ng mga netizens sa nakaka-antig damdamin na litratong ibinahagi ni Anthony Piedad Jugo kung saan tampok ang isang stray dog na malayong naka-tingin sa isang grupo ng mga a*o na kasama ang kanilang mga amo.
Ayon kay Anthony, nasa-set daw siya umano ng debut photoshoot nang makita ang a*o.
"I was on set po for a debut photoshoot that day, photographer po kasi ako. Then as we took a break I noticed this pup po staring dun sa group ng husky. He stayed their for almost a minute siguro so I took a photo of him using my phone," kwento niya.
"I wonder what the lucky ones felt? Because Heβs alone, hungry, sad, scared and wondering what it feels to be like them. Reality hits so different today. Unfair at its finest. That's life," saad nito sa kaniyang Facebook post.
Dagdag pa niya, nang makita ang eksenang ito ay nalungkot din umano siya.
"Dog lover kasi ako at dami ko na rin rescue dog sa bahay. Syempre nalungkot po. Then naisip ko kunan nang pic kasi gusto ko gawan ng post sa FB. Never thought na mag viviral," pahayag niya.
Dahil dito, napagpasyahan ni Anthony na i-adopt ang a*o.
"Binalikan ko nun Monday sa location para pakainin pero I decided na kunin nalang at ako na mag aadopt," dagdag pa nito.
Pinangalan niya itong "Hopper", mula sa salitang "hope". (Facebook/Anthony Piedad Jugo)