05/02/2024
Sa mga bago tulad ko na gusto mag participate sa mga pa airdrop
Mining man o testnet
Basic tools muna pero (pinaka importante)
Syempre gadget/s
Cp pwede na kung nag uumpisa palang tsaka ka na bumili upgraded cp mo o laptop pag pumaldo na😅
Wallets at exchanger/s
Metamask, phantom wallet, trust wallet, binance mexc, okx, bybit, bitget, bitmart etc. Ito
💥kasi madalas nagagamit (ko o ng iba) lalo na sa konek konek at pag withdraw or deposits at sa mga to din madalas una nag papalist (listing) yung projects na sinasalihan natin.
Social medias and browsers
Facebook, twitter, discord, telegram, medium, instagram, youtube, tiktok,zealy, galxe.
💥Madalas need din mga to kasi kadalasan sa mga testnets need mo i connect talaga mga social media mo na gingamit so better gawa kayo ng dummy na account nyo din para if maka trouble eh di madamay mga main nyo
Kiwi browser, misses, google.
💥so far ito palang talaga nagagamit ko mga mam/sir. Dito sa mga to kasi madalas na icoconect natin mga wallets like metamask at trust wallets para din to pag confirm sa mga nangyayaring transaction.
Money at time
💥Gets nyo na yan haha
Money minsan need natin talaga mag pasok ng maliit na halaga para sa mga gasfee.
Fb group and gc's(group chat)
Sali kayo sa mga legit fb group para marami kayo makuha info at malaking tulong talaga kapag may guide kayo at magkaroon ng idea sa mga upcoming projects.
Group chat- malaking tulong to kasi ung mga minsan di mo magets na post sa fb group pwede mo itanong sa group chats.
Nga pala mejo risky din ang group chat kaya beware sa mga sasalihan nyo madalas may nag ttake advantage sa mga newbie isasali kayo sa gc tapos scammin kayo kaya maging responsable sa pag masid.
Pinaka importante
Attitude at disiplina
Maging mabait at mapag unawa sa iba maging pala kaibigan sa mundo ng crypto mas madami ka legit na magiging kaibigan mas madami ka matutunan at mas malaki chansa mo maka angat dahil sa pagtutulungan ninyo.
Ehe share ko lang po ehe sana makatulong sa mga newbie tulad ko. Salmaat mga boss
Happy earnings sa lahat.