Tito dudut official

Tito dudut official 2nd page natin to mga kaCHILDHOOD! For business and collab
📧[email protected]
(1)

Shout out sa kachildhood natin na na spottan ako sa Puregold. Pag nagkasalubong nyo ako wag kayo mahiyang tawagin ako di...
03/02/2025

Shout out sa kachildhood natin na na spottan ako sa Puregold. Pag nagkasalubong nyo ako wag kayo mahiyang tawagin ako di naman ako suplado hehehe

03/02/2025

Maraming salamat at paalam, Sanchai🕊️

01/02/2025

Cutting pa🤣

01/02/2025

Magic temple ☺️

31/01/2025

Si lumen☺️

31/01/2025

Ultimate tsinelas ng mga batang 90s🤭

30/01/2025

Parusang 90s😁

30/01/2025

Kawawa mga pasaway sa clearance🤣

"Brick game"Swerte ng mga bata ngayon namulat sa mga advance na gadget. Samantalang kami noon Brick game na nga lang ang...
23/01/2025

"Brick game"

Swerte ng mga bata ngayon namulat sa mga advance na gadget. Samantalang kami noon Brick game na nga lang ang gadget hindi pa lahat meron.

Kadalasan kung sino lang ang medyo may kaya sa buhay sila lang ang meron ng brick game. Naalala ko noon merong ganto yung best friend ko (nasa abroad tatay nya). Madalas ako makilaro sakanya. Swerte pag dalawa lang kami mag sasalit salitan sa brick game pero madalas madami kami kasama ibang kalaro namin.

Hindi naman ganun kamahal ang brick game noon kung ikukumpara mo sa presyo ng cellphone ngayon.Pero makunat ang mga magulang noon di ka basta basta bibilhan kahit maglumpasay kapa sa kakaiyak.

Swerte ng mga bata ngayon tig iisang cellphone/tablet.Hindi nila mararanasang mag intay na matapos muna maglaro ang isa bago sila makalaro.

Pero mas ma swerte nga ba sila na hindi nila mararanasan yung galak, pag sila na ang sususnod na maglalaro? Mas ma swerte nga ba na halos nakatali na ang mga kamay sa cellphone at nilamon na ng teknolohiya?

Moderno na ang panahon, kailangan nating sumabay. Pero sana mas madalas nilang maranasang makapag laro sa labas. Mapagpagpawisan, mapagod, madapa at madungisan.

Sana maranasang nilang magpaka bata.

23/01/2025

SIAKOL

22/01/2025

VIDEO CITY

21/01/2025

Elementary best friend

19/01/2025

Sino ba naman ang makakalimot kay BABALU..

18/01/2025

Natatandaan nyo paba to?

09/01/2025

Nasaan na ang "The Moffatts" ngayon?

Medyo nabitin tayo ng konti nitong nagdaang taon.May mga sablay, naging madamot ang tadhana pero hindi ang tagumpay.Ano ...
31/12/2024

Medyo nabitin tayo ng konti nitong nagdaang taon.May mga sablay, naging madamot ang tadhana pero hindi ang tagumpay.

Ano nga ba kahulugan ng tagumpay?
Depende sa pagkakaunawa mo.

Para sakin, yung magising ka lang araw araw Isang malaking tagumpay na yun, eh naitawid mo pa ng Isang taon edi napaka laking tagumpay na yun!

Cheers para sa nagdaang taon at sa mga paparating pa!!!!

HAPPY NEW YEAR mga kaCHILDHOOD!!!

"Mas matanda pa sa Inyo Yan!"Habang nag hahanda para sa paparating na bagong taon,biglang pinahanap ni mama yung bowl na...
31/12/2024

"Mas matanda pa sa Inyo Yan!"

Habang nag hahanda para sa paparating na bagong taon,biglang pinahanap ni mama yung bowl na yan sa tambakan ng gamit.Syempre nagulat ako ng makita ko tong bowl.Sa isip isip ko,"Buhay pa pala to ang tibay ah".

Mas matanda pa sayo yan! Regalo samin yan nung kasal namin.Sabi ni mama.Pangatlo ako saming magkakapatid (bunso).So imagine kung gaano na katagal tong bowl na to.

Ilang handaan na pinagdaan nyan.
Sya ang best kapartner ng SUNNY ORANGE.
Yung lasang gamot pag napasobra ka ng timpla.
Di uso ang soft drinks sa handaan noon kasi mahal.

Yung SUNNY ORANGE at tong Bowl na to ang palatandaan na may espesyal na okasyon.
Dun na din maglalabasan mga plato at baso na tuwing may okasyon lang nagagamit.

At pagka hindi ka maingat sa pag gamit ng mga yan ito madidinig mo.

"Dahan dahan sa paghawak pag yan nabasag tatamaan ka sakin! Mas matanda pa sayo yan!"

Address

Norzagaray
3013

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tito dudut official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share