TITO DUDUT

TITO DUDUT Childhood Memories

for business and Collab👇👇
📧[email protected]
(13)

Meron pa naman nito hanggang ngayon, pero di na masyadong ma appreciate ng mga bata ngayon.
18/01/2025

Meron pa naman nito hanggang ngayon, pero di na masyadong ma appreciate ng mga bata ngayon.

Hindi talaga pwedeng walang pagsubok no?Masaya na ko noon magkaron ng 500-1k views.Pero syempre pinangarap ko din magkar...
15/01/2025

Hindi talaga pwedeng walang pagsubok no?

Masaya na ko noon magkaron ng 500-1k views.
Pero syempre pinangarap ko din magkaron ng maraming views.

Fast forward, monetized na tong page nagkakaron na ng million views,kumikita na ng matino.

Hanggang sa nagkaron ng restriction, na demonetize, nawalan ng kita, nawalan ng views unti unting nababawasan followers.

Ngayon nagsisimulang buhayin ulit tong page.
Literal na bagong simula.

Ganto nalang views natin after ng restriction.
Nakakalungkot kasi nasanay tayo sa maraming views.

Hindi talaga pwedeng walang pagsubok.
Hindi talaga palaging patag ang daan.

Pero bigla ko naisip na dati yung gantong views pinapangarap ko lang.Bigla ko naisip na dapat pala maging grateful pa din sa kung anong meron ako ngayon.

Kasi dati pangarap ko lang to ngayon nandito na ako gagalingan ko nalang!

Swerte ng mga bata ngayon namulat sa mga advance na gadget. Samantalang kami noon Brick game na nga lang ang gadget hind...
12/01/2025

Swerte ng mga bata ngayon namulat sa mga advance na gadget. Samantalang kami noon Brick game na nga lang ang gadget hindi pa lahat meron.

Kadalasan kung sino lang ang medyo may kaya sa buhay sila lang ang meron ng brick game. Naalala ko noon merong ganto yung best friend ko (nasa abroad tatay nya). Madalas ako makilaro sakanya. Swerte pag dalawa lang kami mag sasalit salitan sa brick game pero madalas madami kami kasama ibang kalaro namin.

Hindi naman ganun kamahal ang brick game noon kung ikukumpara mo sa presyo ng cellphone ngayon.Pero makunat ang mga magulang noon di ka basta basta bibilhan kahit maglumpasay kapa sa kakaiyak.

Swerte ng mga bata ngayon tig iisang cellphone/tablet.Hindi nila mararanasang mag intay na matapos muna maglaro ang isa bago sila makalaro.

Pero mas ma swerte nga ba sila na hindi nila mararanasan yung galak, pag sila na ang sususnod na maglalaro? Mas ma swerte nga ba na halos nakatali na ang mga kamay sa cellphone at nilamon na ng teknolohiya?

Moderno na ang panahon, kailangan nating sumabay. Pero sana mas madalas nilang maranasang makapag laro sa labas. Mapagpagpawisan, mapagod, madapa at madungisan.

Sana maranasang nilang magpaka bata.

12/01/2025

Nokia era.

11/01/2025

Batang 90's/00's

After 90 days nawala na restriction ng page.Sa dami ng page natin nalito na kayo no? Pati ako din eh di ko na alam san m...
11/01/2025

After 90 days nawala na restriction ng page.

Sa dami ng page natin nalito na kayo no? Pati ako din eh di ko na alam san mag popost😅. Anyway, Nawala na restriction ng page natin so focus na ulit tayo dito sa main page.

Maraming salamat sa mga nagaabang pa din.
Maraming salamat sa mga di nangiwan🫡
Salamat ah🙏

Let's keep going!!!!

Shout out sa ka childhood natin na na spottan ako ngayon dito sa SM Fairview☺️
08/01/2025

Shout out sa ka childhood natin na na spottan ako ngayon dito sa SM Fairview☺️

"One cellphone per family"Kami lang ba o kayo din? Isang cellphone lang gamit naming buong pamilya noon.Madalas lang nas...
06/01/2025

"One cellphone per family"

Kami lang ba o kayo din? Isang cellphone lang gamit naming buong pamilya noon.

Madalas lang nasa sala naka display ang cellphone, hindi mo pwedeng galiwin hanggat walang nagttext o tumatawag. Okaya palaging nakay erpat lang ang phone,di pwedeng hiramin kung di importante.

Di ko na maalala eksaktong taon kung kailan unang nagka cellphone pamilya namin, siguro 2002 or 2003.Basta una naming cellphone PHILIPS na may antenna, maliit ang screen dalawang line ng text lang ang kasya (2 liner kung tawagin).

Ito yung mga panahon na sobrang mahal magka cellphone. Mahal ang sim card, mahal ang load.
piso per text, di pa uso unlitxt at unlicall.
DROP CALL ang diskarte para may makausap ka ng libre.

Ito yung mga panahon na pag naka NOKIA 3310 ka
astig kana.Pagandahan ng housing, backlight, papalagyan pa ng acetate para mas sosyal.Pero mas sosyal pag may ring back tone.Tatawag ka kahit walang kailangan marinig lang yung kanta.

Nung nag binata/dalaga kaming magkakapatid hiraman lang talaga kami ng cellphone (3310 na phone namin non).Syempre kung sino nagpaload sya lang ang gagamit.

Mas mura na ang load.Nauso na ang ALL TXT/UNLITXT.Nauso na dun ang clan.JEJEMON days
Mapapatakbo ka talaga sa tindahan pag nag CHECK OPERATOR na.

Exciting magkipag textm8 dati, as in hindi mo alam itsura ng kausap mo.Malalaman mo nalang pag nakipag eyeball na. Syempre uunahan mo sya sa meeting place,magsasama ka ng tropa mo. Sisipatin mo muna kung maganda/gwapo ba sya.
At pag di mo type di mo na sisiputin.

Ngayon naman pinadali ang lahat dahil sa social media.Di mo na kailangang manghula kung sinong kausap mo,may picture na eh.Dati para malaman mo itsura rereplyan mo muna.Ngayon aalamin mo muna itsura bago mo replyan.

Halos lahat ngayon may cellphone na, dala dalawa pa nga sa iba.At kahit bata meron na din.Mas konti na tuloy naglalaro sa labas.

Ganun talaga eh sinakop na tayo ng teknolohiya.
Kailangan nating sumabay sa agos.
Kung sasalungat ka, baka ka malunod.

gagawa ng patibong sa gabi🤭
05/01/2025

gagawa ng patibong sa gabi🤭

04/01/2025

Namiss ko yung handa sana pala dinamihan ko kain nung New Year

28/12/2024

May spaghetti pa kayo no?🤭😅

Shout out sa ka Childhood natin na staff ng ESPLANADE SJDM  na spottan nya ako kagabi☺️
20/12/2024

Shout out sa ka Childhood natin na staff ng ESPLANADE SJDM na spottan nya ako kagabi☺️

Shout out sa mga ka Childhood natin na na spottan ako sa kung saan saan🤭
06/12/2024

Shout out sa mga ka Childhood natin na na spottan ako sa kung saan saan🤭

29/11/2024

busy na sa kanya kanyang buhay

Shout out sa ka childhood nating taga Cabalen SM Tungko,nagkasalubong kami sa CR namukaan nya ako🤭
23/11/2024

Shout out sa ka childhood nating taga Cabalen SM Tungko,nagkasalubong kami sa CR namukaan nya ako🤭

Di tayo masyadong active ngayon dahil sa violation,Nakakatuwa naman may nakakakilala pa din satin kahit papano.Shout out...
14/11/2024

Di tayo masyadong active ngayon dahil sa violation,
Nakakatuwa naman may nakakakilala pa din satin kahit papano.Shout out sa kachildhood natin salamat parin sa suporta at pagaabang kung may bagong video.Taympers lang muna tayo saglit pangako di tayo titigil🙏

Ang taba ko na pala😅

"di mo na ramdam"1996 or 1997 ata tong pic na to NEW YEARS EVEdi ko masyadong na enjoy pagsalubong ng bagong taon may sa...
08/11/2024

"di mo na ramdam"

1996 or 1997 ata tong pic na to NEW YEARS EVE
di ko masyadong na enjoy pagsalubong ng bagong taon may sakit kasi ako nun.

Pero sariwang sariwa pa sa alaala ko mga panahon na yon.Pag pasok palang ng September kabi-kabila na ang mga batang nag papaput*k.

Syempre Isa ako sa mga batang yon. 5 star, pop it, watusi, baby racket, name it! siguradong pinaglaruan ko yan dati.

Ito yung mga panahon na walang pang bawal na paput*k.Mang hihingi ka ng piso sa nanay/tatay mo sasabihin mo ibibili mo ng biscuit pero bibili ka lang pala ng watusi.

Astig ka pag kaya mong kalugin ang watusi. Astig ka pag kaya mong I mask rider black ang watusi (dapat pawis kamay mo para umusok watusi)

Ito yung mga panahon na mejo safe pa at na eenjoy pa ng mga bata ang papatut*k. Hindi ko alam kung safe ba talaga o mas malulupit lang talaga tayo dati kasi di tayo basta basta na bibiktima ng basic na firecrackers hahahha

Pero ngayon mas safe na daw.Marami ng bawal.
Mas safe na daw ngayon...

November na pero di mo pa ramdam no?
Tumanda ba tayo o nag bago lang ang panahon?



Parang di naman pang horror make up ko😅Wilcon days 2019
01/11/2024

Parang di naman pang horror make up ko😅
Wilcon days 2019

Address

Norzagaray

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TITO DUDUT posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to TITO DUDUT:

Videos

Share

Category