26/11/2024
IN-SET 2024, SINIMULAN
Sinimulan ang School-based In-Service Training (IN-SET) and Workshop para sa mga g**o ng Norzagaray National High School ngayong Lunes, Nobyembre 25, 2024.
Matagumpay na isinagawa ang unang araw ng INSET na nagsimula sa pag-awit ng Lupang Hinirang na kinumpasan ni Ma'am Ma. Jeanette Guzman, na sinundan ng panalangin sa pangunguna ni Ma'am Vernadette Cruz na isang Values Teacher.
Sinundan naman ito ng pagtalakay ni Dr. Luisito V. De Guzman sa mga dapat ayusin at baguhin sa paaralan, mga issues at concern sa DepEd.
Kasunod nito, isa isang nagsalita ang mga head teachers kada departamento upang magbigay ng report tungkol sa kanilang mga programa, proyekto, aktibidad, at achievements nitong nakaraang school year.
Sinimulan ito ni Sir Francis P. Legaspi, head teacher ng Filipino department, sa pagpapakilala ng kaniyang mga katuwang na g**o.
Ibinahagi niya rin ang solusyon na ginagawa ng mga g**o upang matugunan ang problema sa pagbabasa ng mga bata. Pinokusan dito ang mga estudyante sa baitang 7 at 8 kung saan ginagabayan nila sa regular na pagbabasa ng mga libro.
Sa kabila ito ng pagsubok na hinarap ng mga g**o at estudyante noong panahon ng pandemya.
"Hindi makakamit ng mga bata ang tagumpay, kung hindi dahil sa achievements ng mga g**o or trainer," ani ng Filipino head teacher.
Kinilala rin niya ang mga karangalang dala ng Journalism, paghuhurado sa ibang dibisyon at pagsasanay sa NorzWest at NorEast ng SPA ng NNHS na si Gng. Angelita C. Bau at Sir Allan Roy C. Bau.
Gayundin, si Gng. Ria H. Molanda sa mga nanalo sa Read-athon nakaraan.
Nabanggit din ang pakitang turo nina Ma'am Romileen San Pedro at Sir Edison Payumo.
Ibinahagi naman ni Ma'am Victoria Ignacio ang mga accomplishments, achievements at planning para sa Technology and Livelihood Education (TLE) Department.
Sinimulan ni Ma'am Ignacio ang pagbabahagi ng mga planning sa Feeding Program na kinabibilangan ng 73 estudyante mula Grade 7 hanggang Senior High School na pinili sa pamamagitan ng Body Mass Index (BMI) Results.
Pagdating naman sa Technolympics kinabibilangan ito ng Information and Communication Technologies (ICT) Contests na last year ay hindi nasalihan ng NNHS dahil sa isang memorandum.
Pinahapyawan din ang agenda tungkol sa School Waste Management Program, at Matatag Curriculum.
Tinalakay rin ni Ma'am Vicky ang mga proyekto sa 3Ps, sa ilalim ni Ma'am Maribeth San Gabriel, SWMP, pati na rin ang Matatag Curriculum.
Binigyang pansin din ang request tungkol sa kawalan ng opisyal na laboratoryo para sa TLE Club.
"Lalong humina ang mga bata sa matematika noong panahon ng pandemic," iyan ang itinuran ng Mathematics head na si Ma'am Nympha C. Gabriel.
Nilalayon ng Math department na magkaroon ng action planning para maturuan ang mga estudyante na pagtibayin ang 4 Fundamental Operations lalo na ang multiplication, ang magtalaga ng club sa bawat klase at pangkalahatan na makakasama ng mga g**o sa pagpaplano upang mas matutukan pa ang mga batang mahina dito.
Dagdag pa ang seminars at training, at lab section kung saan nagkakaroon ng collab ideas at update sa mga gawain, at ang panghihikayat sa mga estudyante na lumahok sa School-based Mathematics Contest na susundan ng EDDIS at Division Level.
Tinalakay naman sa English Department sa pamumuno ni Ma'am Ma. Socoro Jocelyn Opay ang mga layunin ng kanilang departamento.
Nasabing ang layunin ng English Department ay mas pataasin ang performance ng mga estudyante sa pamamagitan ng diagnostic and quarterly tests. Layon din nito na mas palaguin mga kakayanan sa reading habits, critical thinking, reading comprehension, at speaking.
Dagdag pa, nilalayon ng nasabing departamento ang winning comprehension skills at pagbuo ng winning habits sa bawat mag-aaral.
"Laging nag-uuwi ang ating school ng mga trophies sa journalism sa pamumuno nila Mr. & Mrs. Bau, isa 'yan sa ating winning comprehension," saad ni Ma'am Opay.
Sa kabilang dako, ibinahagi naman ni Ma'am Myrna C. Cruz ang plano, proyekto and achievements ng Science Department.
Ipinakita niya sa mga g**o ang miyembro ng Science Department, at Science Club na pinangungunahan ni Ma'am Nancy Pangilinan, habang kasabay nitong ibinunyag ang Youth for Environment in School - Organization (YES-O) Club officers ni Ma'am Jennifer Labian.
Pinuri rin ni Ma'am Myrna ang matiwasay na Science Technology Engineering (STE) Program na tumatagal na ng pitong taon, inaanyayahan niya pa na mas dumami ang mag a-apply ng test para dito sa NNHS-Main. Binati rin ni Ma'am Cruz ang tuloy-tuloy na pakitang gilas ng talino ng mga estudyante sa STEMamazing na nagkamit ng second place ang 9 - Galilei.
Samantala, inilista din ang mga project ng STE na Science Fare at Cleanup Drive.
Dagdag pa ng g**o, ang mga benepisyo na natatanggap ng mga estudayante dahil nahahasa ang kanilang critical and analytical skills nito tulad na lamang ng Research 1 sa Grade 9 at Research 2 sa Grade 10.
Inihayag naman sa Araling Panlipunan Department sa pamumuno ni Ma'am Abelina Dela Cruz ang mga proyekto ng nasabing departamento.
Nasabing isa sa mga proyekto ng Araling Panlipunan Department ang Research Hub. Naitalang ang NNHS ang kauna-unahang batch na nagbukas ng Research Hub.
Matagumpay ring ginanap ang isa pa sa proyekto ng departamento sa pamumuno ni Ma'am Mary Ann Operario 79th Celebration of United Nations na nilahukan ng mga grade 7-10.
Isinaad din na ang Supreme Secondary Learners Government (SSLG) na pinamumunuan ni Ma'am Agnes Cinco ay mayroon pang maraming proyekto na under approval ng principal.
Samantala, patuloy pa ring inilulungsad ang proyekto ng SSLG na kalinisan sa silid-aralan.
Ituturo naman sa grade 7-10 once a month ang mga learning sheets ng NNHS para sa matatag curriculum.
Ibinida naman ni Ma'am Rufina Z. Trinidad, head teacher ng MAPEH, ang aktibong paglahok ng mga estudyante sa sining, isports, at scouting.
Ilan dito ang pagpartisipasyon ng paaralan sa National Arts Month na ginugunita tuwing Pebrero; sa iba't ibang sports meet katulad ng Intramurals, District Meet, EDDIS Meet, Provincial Meet, Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet, Batang Pinoy at Palarong Pambansa; jamboree kagaya ng National Scout Jamboree na ginanap sa Passi City, Iloilo at iba pang scouting activities tulad ng Tree Planting sa Angat Rainforest Watershed na nilahukan ng 70 Senior Scouts.
Pinagmalaki niya rito ang anim na qualifiers na nakarating sa CLRAA 2024, at mga parangal na natanggap ng NNHS Senior Scouts katulad ng Silver Achiever Awardee kung saan nag Rank 6 out of 110 school, at Outstanding Performance in Potential kung saan Rank 11 ang ating paaralan.
Binahagi niya rin ang patuloy na Membership, Advancement patungong Explorer at Pathfinder, at paglahok ng mga g**o s Basic Training Course (BTC) at Advanced Training Course (ATC). Ibinalita niya rin ang pagpartisipasyon ng Senior Scouts sa paparating Regional Jamboree na gaganapin sa Bataan sa Disyembre 11-15.
Ibinahagi ni Ma'am Donnabelle G. Cruz ang Department ng Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) kung saan ipinagmalaki niya ang kanilang mga programs, projects, activities at achievements.
Magalak na pinarangalan ni Ma'am Donna ang ginanap na career guidance day na nagsusulong na ideretso ang pangarap ng mga estudyante sa kanilang mga strands.
Kabilang sa pahayag ng g**o ang pagbati niya sa mga unsung heroes ng eskwelahan tulad ni Sct. Reuben Maningas at ni Ronaldo Ramirezo "Kuya Ron" Ramirez.
Iniulat niya rin ang isinagawang orientation sa lahat na kalapit na elementary school ng bayan para sa mga upcoming high school students. Pati na rin ang strand orientation sa Grade 10.
Pinuri rin ni Ma'am Donna sina Ma'am Maricel Udtuhan sa kanyang ginawang exam at si Ma'am Vernadette Cruz na gumawa ng pitong modyul kada quarter na ginamit ng Schools Division Office (SDO).
Dagdag pa rito, nagbahagi ng kaalaman sina Ma'am Donna at Ma'am Sheila Angelli Gaile B. Cacabelos sa Values Education: Teacher Instruction, Pedagogy and Strategy (VE TIPS) seminar na ginanap sa Pulilan, Bulacan noong Nobyembre 13-15.
Ipinagmalaki pa ng g**o ang accomplishments ng SHS sa kanilang close gate policy, checking of bags, work immersion para sa Grade 12, at sa matagumpay na programa ng Alternative Learning System (ALS). Bukod pa rito, ang pagkamit ng NNHS ng 100% passing rate sa NCII at NCIII, at sa pagngangasiwa ng Norzagaray sa ginanap na 21st Provincial Scouts Jamboree.
Sa huling bahagi, ipinakita ni Sir Gene Gener sa mga g**o kung paano mag produce ng training passport at ang kahalagahan ng access sa google gmail at registration kung saan maayos na nirerecord ang kanilang mga seminar.
Tinalakay rin sa bawat g**o ang proseso sa paggawa ng booklet at kaniyang ipinakita ang tamang pag sign in at pag-generate ng soft copy and hard copy gamit ang PDF.
๐ธYuna Faye TorrecampoRichmund Quinn Davis CorreaJet Correa Udtuhan
Caption- Edlyn Robea Aiseah Cyrene Pascual, Elle Miguel Santos, Krista Mae Perez