Fundraising for Lucas Treatment- Spinal Muscular Atrophy Type 1

Fundraising for Lucas Treatment- Spinal Muscular Atrophy Type 1 Lucas is 6 months old. It’s a fight against time. Your help and donation is a big help for Lucas Kaven Gungon Malig.
(6)

Thank you so much Ryu & Miyu Koizumi Mission Hazel Koizumi and Sir John Koizumi sa palaging pagbibigay ng mga supplies k...
30/10/2024

Thank you so much Ryu & Miyu Koizumi Mission Hazel Koizumi and Sir John Koizumi sa palaging pagbibigay ng mga supplies kay Lucas. Alam niyo na yon kung gaano kami ka thankful sa inyo. May God bless you more and more. Ingat po kayo palagi diyan. ❤️❤️❤️

Thank you Hands of God Charity Works, Ma'am Beth and Nicole Peralta for my diaper. God bless you always. ❤️Love,Lucas 💙
20/10/2024

Thank you Hands of God Charity Works, Ma'am Beth and Nicole Peralta for my diaper. God bless you always. ❤️

Love,
Lucas 💙

Thank you po Ate Jenica and Kuya Kenny Ibong for my diaper. ❤️ May God bless you always and more and more. 🥰Love, Lucas ...
20/10/2024

Thank you po Ate Jenica and Kuya Kenny Ibong for my diaper. ❤️ May God bless you always and more and more. 🥰

Love,
Lucas 💙

Hi everyone, I would like to share to each and everyone one of you how happy I am being a Mom of Lucas. ❤️July 1st befor...
01/10/2024

Hi everyone, I would like to share to each and everyone one of you how happy I am being a Mom of Lucas. ❤️

July 1st before his christening, in-ER namin siya dahil nung morning of that day nagdedesat siya at sobrang taas ng heart rate. Kahit anong gawin namin neb, suction inambubag na namin but saglit lang nagging okay o2 nya tas baba nanaman sa 88. Kaya napagpasyahan na namin na dalhin siya sa ER (PCMC). And that day, for the first time niya ma-intubate at first sobrang hesitant pa ko but the doctor said need iintubate dahil hindi talaga tumataas o2 niya and I said "sige po Doc, if yun po makakabuti kay Lucas" and yun naintubate siya. Nagging okay lahat nagnormal o2 niya but for observation siya dahil nakita sa lab at XRlray nya may infection and Atelectasis siya. 5 days kaming na sa ER, and July 6 inakyat siya sa SICU para mas maobserve siya at maalagan ng maigi.

First day nya sa SICU, siya favorite ng mga Doctor and Nurse kasi super cute daw ni Lucas. Sobrang daming nangyari, walang katapusang lagnat, Pneumonia and infection, nandon na rin yung nagkapressure ulcer siya bandang head and nagkasugat siya dahil sa IV Line and tape. Some of the Doctors hindi alam yung lifetime sakit niya which is SPINAL MUSCULAR ATROPHY TYPE 1, may time na ako yung nageexplain kung ano yung rare disease nya na yon. As the time goes by, nagdecide na kami ng family ko IPATRACHE and GTUBE siya, honestly, almost ng patient ng SMA nakaganon talaga. Thankfully, 10 moths kinaya ni Lucas ng walang ganon but I don't have a choice, dumating na talaga sa time na yon.

July 26, 2024- na-surgery si Lucas for Tracheostomy and Gtube and I'm so happy sa decision nagawa namin kahit yes syempre iba sa inyo why niyo pinagganyan or what, but for us yun ang pinakamaganda naming nagawa for Lucas. Nakita ko yung improvement and hindi na siya nahihirapan. Halos 2 months kong hindi narinig boses niya dahil sa intubation. Kaya sobrang happy ko na nung na-trach siya narinig ko na ulit voice nya. Nagulat pa nga yung ibang Doctor bakit daw may voice si Lucas e nakatrach daw. Sobrang pasasalamat ko kay God sa lahat, sinubok niya lang ako ng ilang bwan but binawian niya naman ako ng sobrang saya after lahat ng nangyari kay Lucas. 11 months lang si Lucas pero sobrang dami niya ng napagdaanan alam kong hindi matatapos yon kasi Lifetime na siya nakaganon at yung sakit niya. Sobrang tapang ng Anak ko, wala akong karapatan para mapagod at sumuko. Totoo nga sabi ng mga nakakatanda, lahat basta para sa Anak mo gagawin mo. Basta ako simula nung may Lucas na ko, pinangako ko sa sarili ko na hanggang huli ng buhay ko ibibigay at gagawin ang lahat para sakanya.

August 30, 2024- FINALLY, Nadischarge kami, after kasi matrach ni Lucas nagging okay lahat ng findings sa lab niya and yung Doctor nya pinursiging makauwi kami para hindi na siya mahawa ng infection sa ivang patient. 🥰 Nakahospital set-up po kami sa house.

Maraming maraming salamat sa lahat Panginoon sa pagsubok na binigay at ibibigay mo, mas naging strong akong Mother.
Maraming maraming salamat sa lahat ng tumulong samin para sa mga need ni Lucas, sa Tracheostomy and Gastrostomy tube nya na mga nagdonate. Kung hindi dahil sa inyo hindi kami makakabuy ng maaga sa mga gamit ni Lucas. Sa mga nagdodonate ng supplies and monetary samin sobrang laki niyo ding help samin. Hindi ko na kayo iisa isahin, pinagppray ko nalang kayo sa kabutihang loob na binigay niyo samin. Lahat ng yon si God na ang magbabalik sa inyo. :)

Sana po patuloy niyo pa rin kaming suportahan and help, hindi natatapos ang pangangailangan at yung gamot ni Lucas for SMA na nagccost ng 200k per bottle and he needs this meds for life. Where kami makakahanap every month ng ganong kalaking money? 🥺 Lahat naman ginagawa namin, we sell anything na pwede ma-sell. Wag po kayong magsawang tulungan at ipagpray si Lucas. SOBRANG THANK YOU PO SA INYONG LAHAT, HINDI KO ALAM PAANO MAGPAPASALAMAT SA INYO PERO SOBRANG SWERTE NAMIN DAHIL MAHAL NIYO SI LUCAS. ❤️

________________________________________________________

For those who wants to extend help, you can send through our bank accounts:
MARIA REGINA GUNGON
GCASH: 09082642128
BDO ACCOUNT: 002370897070
BPI ACCOUNT: 3979512311
GOTYME ACCOUNT: 013307120483

Paypal: https://www.paypal.me/mariareginagungon
GoFundMe: https://www.gofundme.com/f/help-lucas-to-receive-risdiplam-treatment?utm_campaign=p_cp+fundraiser-sidebar&utm_medium=copy_link_all&utm_source=customer

゚viral

24/08/2024
JULY 13, 20249th day in SICU...Hi, Love... Why ka naman nagccry kanina nung visit ni Mommy :(Medyo mataas heart rate mo ...
13/07/2024

JULY 13, 2024
9th day in SICU...
Hi, Love... Why ka naman nagccry kanina nung visit ni Mommy :(
Medyo mataas heart rate mo kanina. You're not comfortable sa position mo? But yan pwede position mo kasi may bed sore ka. I told din sa mga nurse always ka iturn turn. Si Mommy na rin nagsuction kanina sayo, hinayaan na ko ng nga nurse. Wala ka na rin fever and good to know yon. Pagaling ka na ha? Icheck yung urinalysis mo, tignan if may infection ka. Hindi kasi matutuloy ang operation mo hangga't may infection ka. Hindi pa makabili si Mommy ng pang Gastrostomy mo kasi ang mahal at dalawa size need bilin. Wag ka magalala gagawa kami paraan ha? Lahat gagawin at kakayanin para sayo. Mahal na mahal kita sobra. 🥺

Please, always include my son to your prayer. ❤️

Please kindly share this post.
_____________________________________________________________________________
For those who wants to extend help, you can send through our bank accounts:
MARIA REGINA GUNGON
GCASH: 09082642128
BDO ACCOUNT: 002370897070
BPI ACCOUNT: 3979512311
GOTYME ACCOUNT: 013307120483

Paypal: https://www.paypal.me/mariareginagungon
GoFundMe: https://www.gofundme.com/f/help-lucas-to-receive-risdiplam-treatment?utm_campaign=p_cp+fundraiser-sidebar&utm_medium=copy_link_all&utm_source=customer

゚viral

JULY 12, 20248th day in SICU...Hi, Love... Always happy to see you kahit for a very short time. Nilalagnat ka nanaman an...
13/07/2024

JULY 12, 2024
8th day in SICU...
Hi, Love... Always happy to see you kahit for a very short time. Nilalagnat ka nanaman and syempre si Mommy punas nanaman and lagay towel sa forehead mo. Happy si Mommy kasi kahit may yayay ka masigla ka ngayon and nakapagpic tayong dalawa ng patago 😅 Lagi nating pray diba ang gumaling ka na? Kaya magpagaling at magpastrong ka pa lalo ha? Mahal na mahal ka ni Mommy. See you tomorrow my Love. 😘

Please, always include my son to your prayer. ❤️

Please kindly share this post.
_____________________________________________________________________________
For those who wants to extend help, you can send through our bank accounts:
MARIA REGINA GUNGON
GCASH: 09082642128
BDO ACCOUNT: 002370897070
BPI ACCOUNT: 3979512311
GOTYME ACCOUNT: 013307120483

Paypal: https://www.paypal.me/mariareginagungon
GoFundMe: https://www.gofundme.com/f/help-lucas-to-receive-risdiplam-treatment?utm_campaign=p_cp+fundraiser-sidebar&utm_medium=copy_link_all&utm_source=customer

゚viral

JULY 11, 20247th day in SICU...Hi, Love... Daddy and Mommy visited you kanina, may fever ka nanaman kaya pinunasan kita ...
13/07/2024

JULY 11, 2024
7th day in SICU...
Hi, Love... Daddy and Mommy visited you kanina, may fever ka nanaman kaya pinunasan kita agad at naglagay ng towel sa forehead mo. (38.1°c) I'm sorry wala si Mommy sa tabi mo ngayong may sakit ka ☹️ Lagi kita pinagppray, Anak, na sana magging okay ka na. Mas lalo ako nahihirapan ngayon kasi ganyan ka nanaman tapos hindi pa kita kasama. ☹️

I asked earlier kung ano results sa Esophagogram mo, wala pa daw pero sabi ng nurse may GERD Reflux ka daw. Magpagaling ka na, Anak sobrang hirap ng ganito hindi kita kasama. Nasa bahay nga ko pero yung puso at isip ko nandyan sa Hospital. Mahal na mahal at miss na miss na kita, Anak. Kahit may oras ang pagkikita natin araw-araw hindi sapat para kay Mommy yon. Kaya ang lagi kong dasal magging okay na ang lahat para magkasama na tayo nila Daddy. I love you, Love. 🥺❤️

Please, always include my son to your prayer. ❤️

Please kindly share this post.
_____________________________________________________________________________
For those who wants to extend help, you can send through our bank accounts:
MARIA REGINA GUNGON
GCASH: 09082642128
BDO ACCOUNT: 002370897070
BPI ACCOUNT: 3979512311
GOTYME ACCOUNT: 013307120483

Paypal: https://www.paypal.me/mariareginagungon
GoFundMe: https://www.gofundme.com/f/help-lucas-to-receive-risdiplam-treatment?utm_campaign=p_cp+fundraiser-sidebar&utm_medium=copy_link_all&utm_source=customer

゚viral

JULY 10, 20246th day in SICU...Hi, Love... Naabutan ka na ni Mommy sa Xray room and ang ginagawa sayo ay Esophagogram.An...
13/07/2024

JULY 10, 2024
6th day in SICU...
Hi, Love... Naabutan ka na ni Mommy sa Xray room and ang ginagawa sayo ay Esophagogram.
An esophagram (sometimes called an esophagogram or esophagography) is an X-ray exam of your esophagus. This type of X-ray exam doesn’t just take still pictures. The esophagram is a fluoroscopic X-ray exam, which means it takes X-rays as a live video. This way, healthcare providers can see your esophagus in action while you swallow. Your healthcare provider might suggest an esophagram to investigate problems in your esophagus, such as swallowing problems or reflux.

Habang ginagawa xray mo nagdistress at retractions ka na naman. You have a lots of secretion. Kaya pagdating natin sa room ng ICU pinasuction na kita agad, bumababa rin kasi o2 sat mo 88-91 lang kaya talagang pinasuction kita ng pinasuction. Hindi ka iniwan ni Mommy hanggang hindi ka stable, biruin mo yon naka-2hours ako nakastay diko na namalayan kasi inaasikaso kita, kahit alam kong nakukulitan na sakin mga nurse talagang pinassuction kita kasi yun ang need mo talaga. I told them to take care of you specially sa pagsuction, sweat, turn and yung bed sore mo sa head. Hindi ko rin alam bakit kasi hanggang ngayon napakainit pa rin sa room ng ICU may aircon pero walang lamig, nagsuggest na rin ako if pwede lagyan ng e-fan kasi sobrang pawisin mo nga at sobrang init pero bawal daw kasi magccirculate sa air yung mga bacteria daw. Hay nako, pasensya ka na anak lahat naman ng para sa ikakabuti mo diyan sinasabi ko sakanila. Ayaw naman nilang ako magstay diyan para ako nakatutok sayo. Lagi kong pinagppray na sana everyday at everytime okay ka lang dyan at hindi napapabayaan...

Dear Lord God, always guide and watch Lucas, hindi ko po kasi siya nakikita at nababantayan 24/7 kayo na po ang bahala sa kanya at sa mga tao sa ICU. Sinusurrender ko na po sa inyo ang lahat. Please heal my son... In jesus name, Amen.

Please, always include my son to your prayer. ❤️

Please kindly share this post.
_____________________________________________________________________________
For those who wants to extend help, you can send through our bank accounts:
MARIA REGINA GUNGON
GCASH: 09082642128
BDO ACCOUNT: 002370897070
BPI ACCOUNT: 3979512311
GOTYME ACCOUNT: 013307120483

Paypal: https://www.paypal.me/mariareginagungon
GoFundMe: https://www.gofundme.com/f/help-lucas-to-receive-risdiplam-treatment?utm_campaign=p_cp+fundraiser-sidebar&utm_medium=copy_link_all&utm_source=customer

゚viral

JULY 9, 20245th day in SICU...Hi, Love... pagdating ni Mommy nakatali na yung right hand mo kasi sobrang likot mo daw na...
13/07/2024

JULY 9, 2024
5th day in SICU...
Hi, Love... pagdating ni Mommy nakatali na yung right hand mo kasi sobrang likot mo daw nasasagi mo daw yung tube mo. 😅
Okay lang kahit na-postponed yung Surgery mo. Nagkafever ka kasi the day before ng Surgery mo and syempre hindi naman pwede yon. Mas mahalaga kasi na wala kang infection before ka maoperahan. Mas mahalaga din sa akin na magging maayos ka muna bago ang lahat. At oo nga pala, isasabay na ang Gastrostomy at Tracheostomy mo. Medjo narelief si Mommy para isang Anesthesiahan nalang. 🙂 Basta tandaan mo nandito lang si Mommy, Daddy and lahat kami sa laban mo. Hinding-hindi kita pababayaan at hinding-hindi kita iiwan, Anak.
Hinding-hindi ako magsasawa na sabihin sayo at ibulong sayo palagi na mahal na mahal kita. Sobrang miss na miss na kita, Anak. Fight lang ha? Alam kong sobrang strong mo. Ikaw rin nagbibigay ng strength sakin. I love you so much.
See you tomorrow, Anak.

Please, always include my son to your prayer. ❤️

Please kindly share this post.
_____________________________________________________________________________
For those who wants to extend help, you can send through our bank accounts:
MARIA REGINA GUNGON
GCASH: 09082642128
BDO ACCOUNT: 002370897070
BPI ACCOUNT: 3979512311
GOTYME ACCOUNT: 013307120483

Paypal: https://www.paypal.me/mariareginagungon
GoFundMe: https://www.gofundme.com/f/help-lucas-to-receive-risdiplam-treatment?utm_campaign=p_cp+fundraiser-sidebar&utm_medium=copy_link_all&utm_source=customer

゚viral

JULY 8, 20244th day in SICU...Hi, Love. I am happy because naabutan ka ng mommy ng gising at okay. Nilalagnat ka, pero n...
13/07/2024

JULY 8, 2024
4th day in SICU...
Hi, Love. I am happy because naabutan ka ng mommy ng gising at okay. Nilalagnat ka, pero nakakasmile ka kay mommy kanina.
Kahit 10mins lang kita nakita okay na rin yon atleast nakita kita at nakita kitang much better compare previously. Kulang yon pero walang magagawa si Mommy, atleast I saw you. I love you, Anak.
Bukas na ang Operation mo for Tracheostomy, magdadasal kami na sana wag kang makaramdam ng sakit at successful ang operation mo. Sobrang daming naglolove sayo, Anak. Marami kaming magdadasal para gumaling at magging okay ka. Mahal na mahal kita, mahal na mahal ka naming lahat at ni Lord.

Please, pagpray po natin si Lucas Kaven para sa kanyang operation and fast healing. Thank you so much po. ❤️

Please share this post.
_____________________________________________________________________________
For those who wants to extend help, you can send through our bank accounts:
MARIA REGINA GUNGON
GCASH: 09082642128
BDO ACCOUNT: 002370897070
BPI ACCOUNT: 3979512311
GOTYME ACCOUNT: 013307120483

Paypal: https://www.paypal.me/mariareginagungon
GoFundMe: https://www.gofundme.com/f/help-lucas-to-receive-risdiplam-treatment?utm_campaign=p_cp+fundraiser-sidebar&utm_medium=copy_link_all&utm_source=customer

゚viral

JULY 7, 20243rd day in SICU...Diba I told you, lagi mag-visit si Mommy.Kahit 10, 20 or 30 minutes lang para makita ka ok...
13/07/2024

JULY 7, 2024
3rd day in SICU...
Diba I told you, lagi mag-visit si Mommy.
Kahit 10, 20 or 30 minutes lang para makita ka okay lang kahit hindi pa sapat yon sa sakit na araw-araw na hindi kita kasama 24/7. 🥺
Malapit na operation mo for Tracheostomy and sana masabay na rin ang Gastrostomy para isang anesthesiahan lang. 🙏🙏🙏
Wala pang oras pero sa July 9 na ang operation mo, lagi nagdadasal si Mommy for your fast healing and successful operation. Mahal na mahal kita, Anak sobra sobra lahat gagawin ni Mommy para sayo. Nandito lang lagi si Mommy.
Please, include Lucas sa mga prayers niyo.
God bless you and Thank you so much.

Please share this post.
_____________________________________________________________________________
For those who wants to extend help, you can send through our bank accounts:
MARIA REGINA GUNGON
GCASH: 09082642128
BDO ACCOUNT: 002370897070
BPI ACCOUNT: 3979512311
GOTYME ACCOUNT: 013307120483

Paypal: https://www.paypal.me/mariareginagungon
GoFundMe: https://www.gofundme.com/f/help-lucas-to-receive-risdiplam-treatment?utm_campaign=p_cp+fundraiser-sidebar&utm_medium=copy_link_all&utm_source=customer

゚viral

Address

Navotas

Telephone

+639082642128

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Fundraising for Lucas Treatment- Spinal Muscular Atrophy Type 1 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Fundraising for Lucas Treatment- Spinal Muscular Atrophy Type 1:

Videos

Share

Nearby media companies


Other Digital creator in Navotas

Show All