02/08/2024
Minsan, hindi man ako palaging makatulong financially, hindi ibig sabihin nun na hindi ako maaasahan o madamot. May sarili din akong responsibilities, mga bayarin na kailangan bayaran, bills, at mga pangarap na gustong matupad.
Isang toxic Filipino trait ang assumption na kapag hindi ka nakatulong financially, hindi ka na supportive, nagbago ka na, o yumabang ka na. May pinagdadaanan din ako at minsan, talagang hindi lang kaya ng sitwasyon. Pero tandaan, nandito pa rin ako para sa'yo sa lahat ng ibang paraan na kaya ko. Hindi laging pera ang sukatan.