Kusinerong Mayor

Kusinerong Mayor I’m Yvan the chef behind Kusinerong Mayor.
(2)

From being the youngest chief cook on ships to a viral vlogger featured on “Dapat Alam Mo!” with Kuya Kim, now an international student and chef in Australia, I share my culinary adventures and life experiences.

required ba talaga ang pasalubong kapag umuuwi ng pinas? 🤔🤦🏻‍♂️
31/08/2024

required ba talaga ang pasalubong kapag umuuwi ng pinas? 🤔🤦🏻‍♂️

30/08/2024

sabi nila madali lang maging kusinero luto-luto lang yan, weh? sige nga try mo nga magkusina tapos sabihon mo ulit saken kung gaano kadali ang mag trabaho sa kusina😅✌️

kaya mabuhay ang mga mandirigma ng kusina saan man panig ng mundo👨‍🍳💪🇵🇭

29/08/2024

Nung nasa bahay yung 8hrs parang isang oras ka lang nagselpon 🤦🏻‍♂️

bat nung nasa trabaho na yung 8hrs pakiramdam ko, dalawang linggo na ang nakalipas 🤔

Thank you so much Suppress Co.  🙏napaka presko at comfy ng tshirts nyo. solid 🤙🔥💯📸 Kian Pol
28/08/2024

Thank you so much Suppress Co. 🙏

napaka presko at comfy ng tshirts nyo. solid 🤙🔥💯

📸 Kian Pol

27/08/2024

Hindi man naging sapat ang dalawang linggo na makasama ko ang mga anak ko pero sinigurado ko naman na walang araw na hindi sinulit kasama sila.

Ang mga anak ko ang aking kahinaan at ang aking lakas, darating din ang araw na sabay sabay tayong pupuntang australia.

konting tiis lang muna dahil hindi pa natin kaya lalo na sa bulsa pero malapit na🙏💪

fans

Balik eskwela at hanap buhay na ulit ang inyong lingkod 🇵🇭✈️🇦🇺👨‍🍳
26/08/2024

Balik eskwela at hanap buhay na ulit ang inyong lingkod 🇵🇭✈️🇦🇺👨‍🍳

22/08/2024

Ang Vegemite ay isang sikat na spread o jam sa Australia na gawa sa yeast extract.

May maalat at medyo mapait na lasa ito, karaniwang ipinapahid sa tinapay o crackers, at bahagi na ng kulturang Australiano.

Bago ako umuwing bicol naisipan ko magdala ng vegemite para ipasubok sa mga kamag anak ko sa bicol. kaya alamin natin kung ano ang magiging reaksyon nila at nagustohan rin ba nila katulad ng mga Australian ang Vegemite.

fans

“ Gintong Alaala ng pagbabarko “ Mapalad ako kahit papano dahil sa dinami-daming nangangarap makasampa ng barko ay isa a...
20/08/2024

“ Gintong Alaala ng pagbabarko “

Mapalad ako kahit papano dahil sa dinami-daming nangangarap makasampa ng barko ay isa ako sa nabigyan ng pagkakataon na maranasan ang mundo ng paglalayag, mabuhay sa gitna ng karagatan at makarating sa ibat-ibang bansa ng libre.

Marami akong baon na alaala sa pagbabarko ko masaya man o malungkot. masasabi ko na sa barko talagang nahubog ang aking kakayahan bilang isang kusinero na hanggang ngayon ay dala-dala ko parin.

Sa barko natuto akong maging inventor ng mga putahe dahil hindi lahat ng mga sangkap ay makukuha mo sa loob ng kusina, natuto akong maging malikhain at naging madiskarte sa pagkukusina dahil kung kusinero ka sa barko at wala kang ganyan, siguradong aayaw ka lang sa bandang huli.

sa barko ko rin unang naranasan ang ibat-ibang kultura at pag uugali ng bawat lahi ng mga tripulante.

Ngayon? mananatiling “ gintong alaala “ ang aking mga karanasan sa dambuhalang bakal na lumulutang sa dagat na kung tawagin ay BARKO.

📸 John Paolo Agpalo Peñaflor

fans

17/08/2024

Di talaga maiiwasan sa isang nasa abroad na kung minsan ay makatanggap ng di magandang balita mula sa mahal natin sa buhay sa pinas.

kaya kahit wala sa plano ayun umuwi ng biglaan.

07/08/2024

Picnic pakatapos ng klase para makapag relax ng konti at makapag kwentohan kasama ang mga kapwa pinoy na kaklase.

buhay International Student nga naman masaya pero nakakapagod at mahirap. 🇦🇺👨‍🍳💯👌

fans

College life in Sydney feels like;
07/08/2024

College life in Sydney feels like;

Throwback to my last day at Capella, Sydney a year ago! What an incredible experience it was to work in such a prestigio...
05/08/2024

Throwback to my last day at Capella, Sydney a year ago!

What an incredible experience it was to work in such a prestigious five-star hotel. Forever grateful for the amazing memories and the invaluable lessons learned.

Ang aking huling araw bilang isang Chef sa isang 5 star hotel dito sa Sydney..

sobrang malaking karangalan ko ang makaranas na makapag trabaho sa building na to. sadyang my mga opportunity na dumadating satin na mahirap tanggihan.

Abangan ang aking panibagong makikipag sapalaran dito sa sydney 🇦🇺💪

04/08/2024

masaya talaga gumawa ng content sa barko pero sadyang nangibabaw yung kagustohan ko na huminto na sa pagbabarko.

Maraming salamat parin sa suporta at pagmamahal nung nasa barko pa ako 🫡💯

“Ang bawat pagsubok sa ating buhay ay maaring magpapait o magpagaling sa atin. Ang bawat problema ay dumarating upang pa...
03/08/2024

“Ang bawat pagsubok sa ating buhay ay maaring magpapait o magpagaling sa atin.

Ang bawat problema ay dumarating upang patatagin o sirain tayo. Nasa atin ang pagpili kung magiging biktima o magwawagi tayo.”

01/08/2024

Ito ay based lamang sa aking personal na karanasan at opinion.

Ang pagpili kung magtatrabaho sa barko o land-based ay depende sa iyong personal na kalagayan, prayoridad, at plano sa buhay.

Mahalaga na timbangin ang mga pros at cons ng bawat isa bago magdesisyon.

30/07/2024

First time ko gumawa ng cassava cake at dito pa talaga sa Australia 😅

my mga kunting error din pero okay na rin dahil di ko naman to ibebenta.

When you’re in charge of the kitchen and things get a bit out of hand:Team: Chef, it’s on fire! Me: That’s called ‘addin...
29/07/2024

When you’re in charge of the kitchen and things get a bit out of hand:

Team: Chef, it’s on fire!

Me: That’s called ‘adding a smoky flavor’.

Dating seaman na naglandbased sa Canada, gustong bumalik sa pagbabarko‼️kung ikaw ay isang seaman na gustong maglandbase...
25/07/2024

Dating seaman na naglandbased sa Canada, gustong bumalik sa pagbabarko‼️

kung ikaw ay isang seaman na gustong maglandbased unang-unang kailangan mo muna tanongin ang sarili mo kung handa kaba sa mga pagbabago at isakripisyo ang malaki mong kinikita sa barko?

pangatlawa, kailangan mo alamin kung ano nga ba talaga ang priority at goal mo sa buhay?

pangatlo, kung nakapag desisyon kana na mag lalandbased kana kailangan mong ihanda ang sarili mo sa kung ano mang pagsubok dahil back to zero ka sa lupa, kung baga expect the worst.

at panghuli, tanongin mo ang sarili mo kung san ka talaga magiging masaya para iwas pagsisisi sa huli.

Anyways, lagi ko ngang sinasabi na meron tayong kanya-kanyang plano at gusto na maabot sa buhay, kaya respeto sa bawat isa ang kailangan. wag mapaghusga at mapang maliit sa kapwa 🫰🏼💯

24/07/2024

Buhay International Student dito sa Sydney, Australia 🇦🇺💯

Pangalawang kurso ko na ngayon kaso nga lang face to face na rin kami 🤦🏻‍♂️

pero kahit papano ay masaya naman kahit papano kasi usually ang ginawa ko nung online class pa kami kunwari nakikinig pero ang totoo natutulog lang naman talaga ako naka off lang yung camera ng laptop, sekreto lang natin to 😅

pero kahit face to face na ay ilang oras lang naman kasi 9am to 1pm lang yung klase namin at once a week lang bukod pa dyan sobrang chill pa, walang recitation, walang minor subject na kung umusta ay major subject at higit sa lahat walang quiz.

kaso nga lang umuulan naman ng assessment.

23/07/2024

Nag simula sa pagbabarko bilang isang kusinero hanggang naisipan nya mag retiro ng maaga sa pagbabarko at nag International Student sa Australia.

Ngayon, Isa na syang Head Chef at Permanent Resident ng Australia.

Panoorin ang aking panayam kay Chef Christian

Naglagay ng willing to learn sa Resume pero… Galit naman kapag tinuturoan na 🤦🏻‍♂️👨‍🍳💯
20/07/2024

Naglagay ng willing to learn sa Resume pero…

Galit naman kapag tinuturoan na 🤦🏻‍♂️👨‍🍳💯

Pakatapos ng klase nagkayayaan yung mga classmate ko na mga pinoy na kumain sa labas. napadpad kami sa isang thai resto ...
17/07/2024

Pakatapos ng klase nagkayayaan yung mga classmate ko na mga pinoy na kumain sa labas.

napadpad kami sa isang thai resto para mag lunch 👌

Feeling ko nga parang nasa Pinas lang ako dahil karamihan sa mga kaklase ko mga pinoy kaya parang college life lang sa pinas 😅🇵🇭🇦🇺

Shout out sa mga classmates ko dyan, alam nyo na kung sino kayo 💪💯

Abangan ang aking Interview sa isang kabaro na  kusinero sa barko, naging International Student dito Australia, nag trab...
16/07/2024

Abangan ang aking Interview sa isang kabaro na kusinero sa barko, naging International Student dito Australia, nag trabaho sa kusina hanggang sa naging Head Chef..

At ngayon, Isa ng Permanent Resident dito sa Australia o mas tinatawag na “PR na! “👨‍🍳🇦🇺👌

14/07/2024

Alas tres ng umaga nabulabog ang buong building ng tinitirhan namin ng biglang tumunog ang emergency alarm. Lahat ay nagising dahil sa lakas ng alarm at halos lahat ay lumabas ng building. agad din rumespunde yung mga fireman kasi akala meron sunog. ang kinalabasan ay isang false alarm lang pala at ang nakakainis kasi naabala ang lahat pero infairness ang bilis umaksyon ng mga fireman. akalain mo yan wala naman sunod pero dumating sila agad agad. panoorin ang video para sa mga nangyari.

14/07/2024

sunday ang paborito ko 👨‍🍳👌

Address

Naga

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kusinerong Mayor posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Kusinerong Mayor:

Videos

Share

Category

Nearby media companies


Other Video Creators in Naga

Show All

You may also like