Radyo Pilipinas Naga

Radyo Pilipinas Naga Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Presidential Broadcast Service

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na normal lamang at walang bago sa isinasagawang Command Conference sa ...
04/07/2024

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na normal lamang at walang bago sa isinasagawang Command Conference sa hanay ng militar ngayong araw. | ulat ni Jaymark Dagala

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na normal lamang at walang bago sa isinasagawang Command Conference sa hanay ng militar ngayong araw. Ito ang pahayag ni AFP Spokesperson, Col. Francel Padilla kasunod ng ginagawang pulong ng mga military official kasama si Pangulong Ferdinand R. Marc...

04/07/2024

ATM | In response to President Ferdinand R. Marcos Jr.’s call for a whole-of-government approach towards a ‘Bagong Pilipinas,’ the Department of Justice (DOJ) hosts the ‘Bagong Pilipinas DOJ Town Hall’ at the Dasmariñas Arena in Dasmariñas, Cavite on July 4, 2024.

04/07/2024

l July 4, 2024

𝐏𝟐𝟕 𝐁𝐢𝐥𝐲𝐨𝐧, 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚𝐛𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐃𝐁𝐌 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐫𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐮𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐭𝐢𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐄𝐦𝐞𝐫𝐠𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐀𝐥𝐥𝐨𝐰𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐜𝐥𝐚𝐢𝐦𝐬 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐡𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡𝐜𝐚𝐫...
04/07/2024

𝐏𝟐𝟕 𝐁𝐢𝐥𝐲𝐨𝐧, 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚𝐛𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐃𝐁𝐌 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐫𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐮𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐭𝐢𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐄𝐦𝐞𝐫𝐠𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐀𝐥𝐥𝐨𝐰𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐜𝐥𝐚𝐢𝐦𝐬 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐡𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡𝐜𝐚𝐫𝐞 𝐰𝐨𝐫𝐤𝐞𝐫𝐬

Bilang pagtupad sa direktiba ni Pangulong Ferdinand In Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na mabayaran na ng buo ang lahat ng unpaid arrears para sa Health Emergency Allowance (HEA) ng ating mga healthcare workers, inanunsyo ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah "Mina" F. Pangandaman na nakatakda nang i-release ng DBM ang P27 bilyon para sa nasabing programa sa Biyernes, 05 July 2024.

Matatandaang noong Mayo ng taong ito, opisyal na hiniling ng Department of Health (DOH) ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) at Notice of Cash Allocation (NCA) na nagkakahalaga ng P27.453 bilyon para masakop ang bayad na 5,039,926. natitirang validated na hindi nabayarang HEA at 4,283 COVID-10 Sickness and Death Compensation claims ng mga kwalipikadong healthcare at non-healthcare na manggagawa.

Ang parehong halaga ay iniharap sa Senado sa pagdinig noong Mayo 20 at iminungkahi din ng DOH para isama sa kanilang FY 2025 National Expenditure Program.

"Bilang pagtupad po sa direktiba ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos, we will release the additional P27 billion requested by DOH for the settlement of unpaid HEA claims of our healthcare workers by Friday, July 5, 2024. This is a promise fulfilled. Kahit sa 2025 pa ito hinihiling ng DOH, sinikap po ng DBM na mas maaga itong tuparin, dahil deserve po ito ng ating mga manggagawa sa health sector," pagtitiyak ni Secretary Mina.

Sa kasalukuyan, inilabas ng DBM ang P91.283 bilyon sa DOH para sa Public Health Emergency Benefits and Allowances (PHEBA), na sumasaklaw sa lahat ng benepisyo para sa mga healthcare worker mula 2021 hanggang 2023. Sa halagang ito, P73.261 bilyon ang inilaan partikular para sa HEA.

Kabilang sa PHEBA ang Special Risk Allowance (SRA), kompensasyon para sa COVID-19 sickness at death, at karagdagang benepisyo tulad ng meals, accommodation, at transportation allowances para sa mga healthcare worker.

TINGNAN | Ginagawang AFP Command  Conference sa Kampo Aguinaldo na pinangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.M...
04/07/2024

TINGNAN | Ginagawang AFP Command Conference sa Kampo Aguinaldo na pinangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Makikita din sa pulong sina Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, Executive Secretary Lucas Bersamin, Defense Secretary Gilbert Teodoro at Afp Chief of Staff Gen. Romeo Brawner. | via Alvin Baltazar


𝗕𝗘𝗘𝗞𝗘𝗘𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗡𝗔𝗧𝗨𝗥𝗔𝗟 𝗣𝗢𝗟𝗟𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗡𝗘𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚 𝗞𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗖𝗢𝗟Ipinahayag ni Joshua Mijares ...
04/07/2024

𝗕𝗘𝗘𝗞𝗘𝗘𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗡𝗔𝗧𝗨𝗥𝗔𝗟 𝗣𝗢𝗟𝗟𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗡𝗘𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚 𝗞𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗖𝗢𝗟

Ipinahayag ni Joshua Mijares Ros, may ari ng Black J Enterprise na pinili niya ang beekeeping business dahil malaki ang kita lalo na ang European bees na pinili niyang alagaan dahil pwedeng umabot ng 20 hanggang 30 kilos per colony ang magiging harvest nito kumpara sa stingless bee na umaabot lang mula isa hanggang dalawang kilo per colony. Ang kanyang European beekeeping business ay umabot na ng apat na taon. Isang beses din lang ang harvest ng bee production hindi tulad ng ibang pagsasaka na buwan-buwan ang harvest season.

Subalit kaakibat aniya ng magandang pag aalaga ng mga bubuyog ay ang “downside effect” nito lalo na kung hindi maaalagaan ng maayos ay magreresulta para malugi ang magsasaka. Hindi rin maiiwasang hindi gumamit ng pestisidyo ang ibang mga magsasaka kaya pwedeng madamay ang bee colony. Kailangang kausapin ang ibang magsasaka kung kelan gagamit ng pestisidyo .

Ito rin ang dahilan kung bakit gumagawa sila ng pesticide management. Bago gumamit ng pestisidyo ang ilang magsasaka ay kailangang makipag-ugnayan muna sa kanya para may pagkakataon siyang isara muna ang bukana o entrance ng bee colony para ligtas sa epekto ng pestisidyo. Ito ay magtatagal ng tatlong araw.

Ang Black J Enterprise ay dumadalo rin sa mga aktibidad na sponsored ng Kagawaran ng Agrikultura tulad ng agri summit, trade fair at exhibit, kung saan nagkakaroon sila ng pagkakataon na maipakita sa publiko ang kanyang mga produkto kasama na ang bee colony. Naibabahagi rin niya sa kapwa niya magsasaka ang kahalagahan ng pag-aalaga ng bubuyog. Maliban sa pure honey may iba pa siyang produkto tulad ng honey hotdog, garlic, turmeric honey, pili nut glazed with honey at iba pa. Nagiging mas masarap ang pagkain kung hahaluan aniya ito ng honey.

Napakalaki aniya ng tulong ng Department of Agriculture (DA) sa kanyang negosyo tulad ng marketing, networking, training, grants at iba pa. Hinikayat niya ang mga magsaska sa Bicol na lumapit at humingi ng tulong sa kagawaran dahil all support ang ibibigay ng D.A. at aagapay hanggang sa lumago ang kanilang negosyo.

Si Mijares ay isang minimalist, black J ang pinili niyang pangalan sa kanyang negosyo dahil paborito niya ang kulay itim at ang “J” ay ang simulang letra ng kanyang pangalan. Nagsimula siya ng negosyo noong 2020 pagkatapos ng pandemic. Second year college siya nang mag-isip ng negosyo. Bilang isang nature lover pinili niya ang kursong Agriculture. Plano niyang magtayo ng negosyo pagkatapos ng graduation subalit may oportunidad na dumating kaya ito na aniya ang oras para isulong ang negosyo lalo pa at modern na rin ang teknolohiya.

Inutang pa niya ang perang pitong raang pisong pambayad ng koryente. Ang kanyang panimulang kapital sa negosyo ay ginamit niya sa paggawa ng coconut jam hanggang sa lumago ang kanyang capital at nakabili na siya ng bee colony mula isa hanggang dumami na ang colony na umabot na sa mahigit 100. Aabot na sana ng 1,000 ang colony subalit kailangan din ang pagbebenta nito. Si Mijares, isang agripreneur ay nanalo rin sa Young Farmer’s Challeng. | via Myra Revilla | RP1 Naga



04/07/2024

| July 4, 2024

Ang Philippine Republic Day, na kilala rin bilang Philippine–American Friendship Day, ay dating opisyal na holiday na it...
04/07/2024

Ang Philippine Republic Day, na kilala rin bilang Philippine–American Friendship Day, ay dating opisyal na holiday na itinalaga bilang Araw ng Kalayaan, na ipinagdiriwang ang paglagda ng Treaty of Manila, na nagbigay ng kalayaan ng Pilipinas mula sa United States of America noong 1946.


Inaasahang aabot sa ₱2.6-trillion ang papasok sa Pilipinas kada taon kung mag-a-adopt ang mga negosyo ng Artificial  Int...
04/07/2024

Inaasahang aabot sa ₱2.6-trillion ang papasok sa Pilipinas kada taon kung mag-a-adopt ang mga negosyo ng Artificial Intelligence (AI) Powered Solutions.

Ito ang inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) kasunod ng muling pagtitiyak ng kanilang suporta sa paglulunsad ng National AI Strategy Roadmap 2.0 gayundin ng Center for AI Research (CAIR). | ulat ni Jaymark Dagala

Inaasahang aabot sa ₱2.6-trillion ang papasok sa Pilipinas kada taon kung mag-a-adopt ang mga negosyo ng Artificial  Intelligence (AI) Powered Solutions. Ito ang inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) kasunod ng muling pagtitiyak ng kanilang suporta sa paglulunsad ng Natio...

BREAKING |  PBBM’s promise fulfilled𝐃𝐁𝐌 𝐭𝐨 𝐫𝐞𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐏𝟐𝟕 𝐁𝐢𝐥𝐥𝐢𝐨𝐧 𝐟𝐨𝐫 𝐩𝐚𝐲𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐫𝐞𝐦𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐄𝐦𝐞𝐫𝐠𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐀𝐥𝐥𝐨𝐰𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐜𝐥𝐚𝐢𝐦...
04/07/2024

BREAKING | PBBM’s promise fulfilled

𝐃𝐁𝐌 𝐭𝐨 𝐫𝐞𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐏𝟐𝟕 𝐁𝐢𝐥𝐥𝐢𝐨𝐧 𝐟𝐨𝐫 𝐩𝐚𝐲𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐫𝐞𝐦𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐄𝐦𝐞𝐫𝐠𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐀𝐥𝐥𝐨𝐰𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐜𝐥𝐚𝐢𝐦𝐬

In adherence with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to settle all unpaid arrears for the Health Emergency Allowance (HEA) of healthcare workers, Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah "Mina" F. Pangandaman announced that around P27 billion shall be released by the DBM for the purpose by Friday, 05 July 2024.

It can be recalled that in May this year, the Department of Health (DOH) officially requested for the issuance of a Special Allotment Release Order (SARO) and Notice of Cash Allocation (NCA) amounting to P27.453 billion to cover payment of 5,039,926 remaining validated unpaid HEA and 4,283 COVID-10 Sickness and Death Compensation claims of eligible healthcare and non-healthcare workers.

The same amount was represented to the Senate during the May 20 hearing and likewise proposed by the DOH for inclusion in their FY 2025 National Expenditure Program.

"Bilang pagtupad po sa direktiba ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos, we will release the additional P27 billion requested by DOH for the settlement of unpaid HEA claims of our healthcare workers by Friday, July 5, 2024. This is a promise fulfilled. Kahit sa 2025 pa ito hinihiling ng DOH, sinikap po ng DBM na mas maaga itong tuparin, dahil deserve po ito ng ating mga manggagawa sa health sector," Secretary Mina assured.

To date, the DBM has released P91.283 billion to the DOH for the Public Health Emergency Benefits and Allowances (PHEBA), covering all benefits for healthcare workers from 2021 to 2023. Of this amount, P73.261 billion has been allocated specifically for HEA.

PHEBA includes Special Risk Allowance (SRA), compensation for COVID-19 sickness and death, and additional benefits like meals, accommodation, and transportation allowances for healthcare workers.

𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 Pinaalalahanan ni Gabriel B. Atole, Regional Officer, Fertilizer and Pesticide Authority - Regional ...
04/07/2024

𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔

Pinaalalahanan ni Gabriel B. Atole, Regional Officer, Fertilizer and Pesticide Authority - Regional Field Unit V (FPA Bicol) ang mga magsasaka na huwang bumili ng hindi rehistradong abono at pestisidyo dahil kumakalat na rin aniya sa online platform ang pagbebenta ng mga hindi rehistradong produkto.

Hinikayat naman ni Atole ang publiko na kaagad ireport sa kanilang opisina ang mga hindi lisensyadong online business na nagbebenta ng mga hindi rehistradong produkto.



𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 Ibinahagi ni Joshua Mijares Ros, Owner ng Black J Enterprise at Young Farmers Challenge Regional Awa...
04/07/2024

𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔

Ibinahagi ni Joshua Mijares Ros, Owner ng Black J Enterprise at Young Farmers Challenge Regional Awardee 2023, na malaki ang naitulong ng Department of Agriculture Bicol sa paglago ng kanyang negosyong beekeeping/apiculture.

Sa tulong ng kagawaran, nabigyan aniya siyang maayos na trainings at napalawak ang marketing ng kanyang negosyo.



04/07/2024

hook-up l July 4, 2024

𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 Ayon kay Gabriel B. Atole, Regional Officer, Fertilizer and Pesticide Authority - Regional Field Uni...
04/07/2024

𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔

Ayon kay Gabriel B. Atole, Regional Officer, Fertilizer and Pesticide Authority - Regional Field Unit V (FPA Bicol) na sinisiguro ng kanilang ahensya na ang mga ginagamit na abono at pestisidyo ng mga magsasaka ay ligtas, epektibo at dekalidad.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng lisensya, rehistro at permit sa mga indibidwal o kumpanya na nais pasukin ang fertilizer and pesticide industry.



𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 Kabilang aniya sa mandato ng Fertilizer and Pesticide Authority ang pagtiyak sa sektor ng agrikultur...
04/07/2024

𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔

Kabilang aniya sa mandato ng Fertilizer and Pesticide Authority ang pagtiyak sa sektor ng agrikultura ang sapat na suplay ng abono at pestisidyo sa makatwirang presyo.

Gayundin ang pagprotekta sa publiko mula sa mga panganib na likas sa paggamit ng mga pestisidyo at ang pagtuturo sa tamang paggamit nito.



TINGNAN | Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga magsasaka at mang...
04/07/2024

TINGNAN | Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño sa lalawigan ng Leyte, Southern Leyte at Biliran ngayong araw Hulyo 4, 2024 nga gaganapin sa Leyte Academic Center, Palo, Leyte.

Kabilang din sa ipamamahagi ngayong araw ang cash assistance at TUPAD mula sa DOLE at DSWD, farm inputs and machineries mula D.A. at bigas mula sa Office of the House Speaker. I via Gevic Epiz | RP1 Sogod


04/07/2024

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Expenditure Program ng Department of Budget and Management para sa Fiscal Year 2025 sa ginanap na 17th Cabinet Meeting sa Malacañang nitong July 2.

𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗙𝗣𝗔 𝗕𝗜𝗖𝗢𝗟 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗕𝗢𝗡𝗢 𝗔𝗧 𝗣𝗘...
04/07/2024

𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗙𝗣𝗔 𝗕𝗜𝗖𝗢𝗟 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗕𝗢𝗡𝗢 𝗔𝗧 𝗣𝗘𝗦𝗧𝗜𝗦𝗜𝗗𝗬𝗢

Nagsasagawa umano ang Fertilizer and Pesticide Authority - Regional Field Unit V ng regular na inspeksyon upang matiyak ang pagsunod sa mga regulasyon sa pagbebenta ng mga abono at pestisidyo sa rehiyon.

Sa Usapang Agrikultura, sinabi ni Gabriel B. Atole, Regional Officer, Fertilizer and Pesticide Authority-Regional Field Unit V, na bawat lalawigan mayroong mga Provincial Officer ang FPA na nagsasagawa ng monitoring sa mga tindahan at establisyemento na nagbebenta ng mga abono at pestisidyo.

Kabilang sa kanilang mga tinitingnan ay kung rehistrado sa FPA ang mga ibinibentang produkto, pagkuha ng sample ng abono na ipinapadala sa laboratoryo upang makita ang kalidad nito at ang pagsuri sa label at expiration ng mga ibinibentang pestisidyo.

Kung ang isang tindahan ay wala umanong lisensya, ayon kay Atole, nag-i-issue ang FPA ng notice of violation, sa Bicol, simula January to June 2024, nakapag-issue na sila ng 33 Notice of Violation sa rehiyon.

Binigyang diin ni Atole na bago makapagtinda ng mga abono at pestisidyo, kinakailangang dumaan ang mga ito sa dalawang araw na training o ang tinatawag na accredited safety dispenser training.

Ito ay upang maturuan sila ng tamang paghandle ng mga pesticide at kayang maipaliwanag sa mga magsasaka na bibili sa kanilang kung papaano ang tamang paggamit ng mga pestisidyo.

Sa oras na matapos na ang training, maaari na ang mga itong makapag-apply ng lisensya. | via Vanessa Nieva | RP1 Naga



𝗠𝗔𝗡𝗗𝗔𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗙𝗘𝗥𝗧𝗜𝗟𝗜𝗭𝗘𝗥 𝗔𝗡𝗗 𝗣𝗘𝗦𝗧𝗜𝗖𝗜𝗗𝗘 𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗜𝗪𝗔𝗡𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗙𝗣𝗔 𝗕𝗜𝗖𝗢𝗟Ipinaliwanag ng Fertilizer and Pesticide Authori...
04/07/2024

𝗠𝗔𝗡𝗗𝗔𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗙𝗘𝗥𝗧𝗜𝗟𝗜𝗭𝗘𝗥 𝗔𝗡𝗗 𝗣𝗘𝗦𝗧𝗜𝗖𝗜𝗗𝗘 𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗜𝗪𝗔𝗡𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗙𝗣𝗔 𝗕𝗜𝗖𝗢𝗟

Ipinaliwanag ng Fertilizer and Pesticide Authority - Regional Field Unit V ang mga mandato ng kanilang ahensya sa Bicol.

Sa Usapang Agrikultura, sinabi ni Gabriel B. Atole, Regional Officer, Fertilizer and Pesticide Authority-Regional Field Unit V na kabilang sa kanilang mandato ang pagtiyak na sa sektor ng agrikultura, sapat ang suplay ng pataba at pestisidyo sa makatwirang presyo at ang pagprotekta sa publiko mula sa panganib na likas sa paggamit ng pestisidyo.

Tinuturuan din aniya ng kanilang ahensya ang mga nasa sektor ng agrikultura sa tamang paggamit ng abono at pestisidyo.

Dagdag pa ni Atole, sinisiguro ng FPA na ang ginagamit na abono at pestisidyo ng mga magsasaka ay ligtas, epektibo at dekalidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng lisensya, rehistro at permit sa mga indibidwal o kompanya na nagnanais pumasok sa fertilizer at pesticide industry.

Samantala, ayon kay Atole, maaaring kumuha ng rehistro ng produkto at lisensya ang indibidwal o kumpanya na nagnanais na magnegosyo ng abono at pestisidyo.

Binigyang diin ni Atole na kung walang lisensya mula sa FPA itinuturing na iligal ang kanilang pagbebenta alinsunod na rin ito sa Presidential Decree No. 1144. | via Vanessa Nieva | RP1 Naga



𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 Ayon kay Gabriel B. Atole, Regional Officer, Fertilizer and Pesticide Authority - Regional Field Uni...
04/07/2024

𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔

Ayon kay Gabriel B. Atole, Regional Officer, Fertilizer and Pesticide Authority - Regional Field Unit V (FPA Bicol) na nagsasagawa sila kasama ang mga FPA Provincial Officer ng regular na inspeksyon sa mga tindahan at establisyemiento na nagbebenta ng mga fertilizer at pesticide.

Kasama aniya sa kanilang tinitingnan kung ang ibinibentang produkto ay rehistrado, sinusuri rin aniya ang kalidad ng mga abono at inspeksyon sa label ng mga pesticides.



𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 Inabisuhan ni Gabriel B. Atole, Regional Officer, Fertilizer and Pesticide Authority - Regional Fiel...
04/07/2024

𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔

Inabisuhan ni Gabriel B. Atole, Regional Officer, Fertilizer and Pesticide Authority - Regional Field Unit V (FPA Bicol) ang mga magsasaka na huwang bumili ng mga hindi rehistradong abono at pesticides dahil kumakalat na aniya sa mga online platform ang pagbebenta ng mga hindi lisensyadong produkto.

Hinikayat naman ni Atole ang publiko na kaagad na ireport sa kanilang tanggapan ang mga hindi lisensyadong online business na nagbebenta ng mga hindi rehistradong produkto.



𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 Ibinahagi ni Gabriel B. Atole, Regional Officer, Fertilizer and Pesticide Authority - Regional Field...
04/07/2024

𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔

Ibinahagi ni Gabriel B. Atole, Regional Officer, Fertilizer and Pesticide Authority - Regional Field Unit V (FPA Bicol) na maaaring makita ng publiko ang listahan ng mga rehistradong produkto at lisensyadong tindahan sa kanilang website www.fpa.da.gov.ph o makipag-ugnayan sa kanilang opisina sa pamamagitan ng email address na [email protected] o tumawag sa (054) 881-9815.



03/07/2024

l July 4, 2024

03/07/2024

| July 4, 2024

Kasama si Alan Allanigue.

03/07/2024

l July 4, 2024

03/07/2024

| July 4, 2024

Kasama sina Lorenz Tanjoco at Michael Rogas.

03/07/2024

Bicol | July 4, 2024 Kasama ang Radyo Pilipinas Virac, Naga at Albay

ABANGAN sa 𝑼𝒔𝒂𝒑𝒂𝒏𝒈 𝑨𝒈𝒓𝒊𝒌𝒖𝒍𝒕𝒖𝒓𝒂 ngayong Huwebes, simula alas-5 hanggang alas-6 ng umaga.Makakasama natin sina;𝐆𝐚𝐛𝐫𝐢𝐞𝐥 𝐁. ...
03/07/2024

ABANGAN sa 𝑼𝒔𝒂𝒑𝒂𝒏𝒈 𝑨𝒈𝒓𝒊𝒌𝒖𝒍𝒕𝒖𝒓𝒂 ngayong Huwebes, simula alas-5 hanggang alas-6 ng umaga.

Makakasama natin sina;
𝐆𝐚𝐛𝐫𝐢𝐞𝐥 𝐁. 𝐀𝐭𝐨𝐥𝐞, Regional Officer ng Fertilizer and Pesticide Authority-Regional Field Unit V
DA-RFO5 Compound, San Agustin, Pili, Camarines Sur

at 𝐉𝐨𝐬𝐡𝐮𝐚 𝐌𝐢𝐣𝐚𝐫𝐞𝐬 𝐑𝐨𝐬, Owner ng Black J mula Ligao City, Albay

Mapapanuod ang "Usapang Agrikultura" ng live sa official page ng;
Radyo Pilipinas Albay
Radyo Pilipinas Virac Catanduanes
Radyo Pilipinas Naga

Gayundin, mapapanuod sa Official page ng Department of Agriculture - Bicol



03/07/2024

| July 3, 2024

Kasama sina Nords Maguindanao at Princess Habiba Sarip-Paudac

03/07/2024

July 3, 2024

Address

Civic Center Compound, Taal Avenue
Naga City
4400

Opening Hours

Monday 6am - 6:30pm
Tuesday 6am - 7pm
Wednesday 6am - 7pm
Thursday 6am - 7pm
Friday 6am - 7pm
Saturday 6am - 4pm

Telephone

+639178138429

Website

https://radyopilipinas.ph/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo Pilipinas Naga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Radyo Pilipinas Naga:

Videos

Share

Nearby media companies


Other Broadcasting & media production in Naga City

Show All