Ang Naguenian

Ang Naguenian Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Naga City Science High School

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Sinimulan na ang Phase 2 ng Modified Division Schools Press Conference (MDSPC) ngayon, Enero 17, sa Concepcion ...
17/01/2025

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Sinimulan na ang Phase 2 ng Modified Division Schools Press Conference (MDSPC) ngayon, Enero 17, sa Concepcion Grande Elementary School.

Sasabak sa individual contests ang mga campus journalists na nakapasok sa Top 5 upang tuluyang makausad sa Regional Schools Press Conference (RSPC) na gaganapin sa Enero 28-31.

Mga Salita ni Serra Hidalgo
Mga Litrato nina Joel Jr. Reginales at Reese Monasterio

๐†๐š๐ญ๐๐ฎ๐ฅ๐š ๐ก๐ฎ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฐ ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ž๐ค๐ฐ๐จ๐ง๐๐จ ๐๐จ๐จ๐ฆ๐ฌ๐š๐ž ๐๐€๐๐’๐’๐€๐€ โ€˜๐Ÿ๐Ÿ“, ๐š๐š๐›๐š๐ง๐ญ๐ž ๐ฌ๐š ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐Œ๐ž๐ž๐ญNagpakitang-gilas si Carla Gatdula mula Naga City ...
13/01/2025

๐†๐š๐ญ๐๐ฎ๐ฅ๐š ๐ก๐ฎ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฐ ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ž๐ค๐ฐ๐จ๐ง๐๐จ ๐๐จ๐จ๐ฆ๐ฌ๐š๐ž ๐๐€๐๐’๐’๐€๐€ โ€˜๐Ÿ๐Ÿ“, ๐š๐š๐›๐š๐ง๐ญ๐ž ๐ฌ๐š ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ

Nagpakitang-gilas si Carla Gatdula mula Naga City Science High School (NCSHS) matapos ibida ang mabangis na galawan sa Girlsโ€™ Taekwondo Poomsae upang masungkit ang ginto sa Naga Public Secondary Schools Athletic Association (NAPSSAA) sa Naga City School of Arts and Trades (NCSAT) Covered Court nitong Enero 3.

Sinimulan ng NCSHS jin ang kaniyang pagpapamalas ng talento sa pamamagitan ng kalmadong junbi, o ready stance, na sinundan ng maangas na galawan.

Nagpakawala rin si Gatdula ng matalim na front kick, kasabay ng straight punch upang gawin pang pulido ang kaniyang stance.

Bagaman nagkaroon ng errors sa kaniyang mga sumunod na pag-apak, hindi nagpatinag ang NCSHS jin at patuloy siyang nagpakita ng kumpiyansa sa kaniyang sumunod na form.

Ayon kay Gatdula na suki na sa ibaโ€™t ibang patimpalak, kinakabahan pa rin siya sa mga kompetisyong kaniyang sinasalihan, ngunit sinisigurado niyang hindi mawawala sa kaniyang isipan ang pagkakaroon ng pokus para sa kaniyang pangarap.

โ€œStick po [ako] sa goal ko. Madalas kinakabahan pa rin po [ako] sa bawat kompetisyon, subalit bumabalik ako sa reyalisasyon kung bakit ko po ito lahat ginagawa. Lalo na itong district meet, hindi po naging madali ang pagsali ko dahil muntik na po akong hindi makasama,โ€ aniya.

Inaasahang sasabak muli si Gatdula sa Palarong Panlungsod 2025 sa Pebrero.

Mga Salita ni Mary Anthonette Lorin
Mga Litrato ni Iyah Ventura

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Kasalukuyang nagsasagupaan ang Naga City Science High School (NCSHS) Pythons Girls Volleyball Team kontra Sta. ...
04/01/2025

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Kasalukuyang nagsasagupaan ang Naga City Science High School (NCSHS) Pythons Girls Volleyball Team kontra Sta. Cruz National High School (SNHS) sa ikalawang araw ng Naga Public Secondary Schools Athletic Association (NAPSSAA) sa Naga City School of Arts and Trades (NCSAT) Covered Court ngayong Enero 4, 2025.

Inaasahang masusungkit ng NCSHS ang kauna-unahan nilang panalo sa NAPSSAA โ€˜25 matapos bigong maungusan ang San Isidro National High School (SINHS) kahapon.

Mga Salita ni Joaquin Sarcilla
Mga Litrato ni Joel Jr. Reginales, Reese Monasterio, Ruzzel Orosco, at Ysabelle De Lima

๐๐ฒ๐ญ๐ก๐จ๐ง๐ฌ ๐•๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ฒ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐“๐ž๐š๐ฆ ๐ฎ๐ฆ๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐๐š ๐ฌ๐š ๐๐€๐๐’๐’๐€๐€ โ€˜๐Ÿ๐Ÿ“ ๐ƒ๐š๐ฒ ๐ŸMaaksiyon na tinapos ng Naga City Science High School (NCSHS) Py...
04/01/2025

๐๐ฒ๐ญ๐ก๐จ๐ง๐ฌ ๐•๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ฒ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐“๐ž๐š๐ฆ ๐ฎ๐ฆ๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐๐š ๐ฌ๐š ๐๐€๐๐’๐’๐€๐€ โ€˜๐Ÿ๐Ÿ“ ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ

Maaksiyon na tinapos ng Naga City Science High School (NCSHS) Pythons Volleyball Boys and Girls Team ang unang araw ng Naga Public Secondary Schools Athletic Association (NAPSAA) 2025 matapos makipagbakbakan kontra tatlong paaralan sa Naga City School of Arts and Trades (NCSAT) Covered Court kahapon, Enero 3, 2025.

Bumida ang mga mababangis na wallops ng Pythons Volleyball Boys kung saan umuwi sila nang may may 2-0 record.

Inungusan ng lalaking koponan ang Leon Q. Mercado High School (LQMHS) sa unang laro sa dikit na 26-24, 25-23, nang ipinamalas ni middle blocker Gerald Verdadero ang kaniyang mababangis na spikes.

Matapos naman mapayuko sa unang set ng ikalawa nilang laro kontra Balatas National High School (BNHS), agad namang rumesbak ang Pythons Boys matapos manaig ang service aces nina Joerge Bien Gonzales, middle blocker, at Verdadero dahilan para magtala sila ng iskor na 21-25, 25-12, at 25-17.

Ayon kay Lander Sto. Domingo, kapitan ng Pythons Volleyball Team Boys, ang pagkakaroon ng magandang first ball ang naging susi ng kanilang gantimpala kontra BNHS sa pagsapit ng ikalawang set.

โ€œGumanda ang first ball namin tapos maganda pa โ€˜yung atake namin, unlike nung first set na wala kaming receive. So, hindi rin kami nakakaattack and less errors na sa serve,โ€ wika niya.

Dagdag pa ni Sto. Domingo, balak nilang kontrolin pa ang agos ng kanilang paglalaro sa susunod na araw upang mas matiyak pa ang kanilang pagkapanalo.

Sa kabilang dako, bigo namang makasungkit ng gantimpala sa unang araw ang Girls Python Volleyball Team matapos silang ungusan ng San Isidro National High School (SINHS), 25-4, 24-26, 22-25.

Pinilit bumawi ni Alyssa Roblas, open spiker, para sa kaniyang koponan matapos magtala ng 4-0 run at dalhin sa deuce ang huling sandali ng ikalawang set, na siyang winakasan ng SINHS, 24-26.

Hindi na nawala ang momentum ng mga taga-San Isidro sa pagpitik ng ikatlong set kung saan sila ay nagpakawala ng come-from-behind na 6-0 run mula 22-19 dahilan upang tuluyan na nilang masungkit ang gantimpala.

Ayon kay Atasha Bongiad, kapitan ng Girls Pythons Volleyball Team, na-pressure ang koponan kung kayaโ€™t silaโ€™y nagka-error sa kanilang laban.

โ€œWe had a great start sana, kaso nagkaproblem na lang talaga sa way ng team sa paghandle ng pressure kaya na-overwhelm [kami], which resulted sa more errors like services and miscommunications,โ€ aniya.

Makikipagsagupaan pa Pythons Girls kontra Sta. Cruz National High School habang haharapin naman ng Pythons Boys ang Carolina National High School sa pagbubukas ng ikalawang araw ng NAPSSAA ngayong Enero 4.

Mga Salita ni Joaquin Sarcilla
Mga Litrato nina Joel Jr. Reginales at Reese Monasterio

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Sa pag-asang makamtan ang gantimpala, ipinamalas ni Carla Elaine Gatdula ang kaniyang husay sa pagsuntok at pag...
03/01/2025

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Sa pag-asang makamtan ang gantimpala, ipinamalas ni Carla Elaine Gatdula ang kaniyang husay sa pagsuntok at pagsipa sa Naga Public Secondary Schools Athletic Association (NAPSSAA) Taekwondo Poomsae na ginanap sa Naga City School of Arts and Trades (NCSAT) kanina, Enero 3, 2025.

Mga Salita ni Mary Anthonette Lorin
Mga Litrato ni Iyah Ventura

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Pursigidong makausad sa Palarong Panlunsod 2025, kasalukuyang nakikipagbakbakan ang Naga City Science High Scho...
03/01/2025

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Pursigidong makausad sa Palarong Panlunsod 2025, kasalukuyang nakikipagbakbakan ang Naga City Science High School (NCSHS) Pythons kontra Leon Q. Mercado High School (LQMHS) sa Naga Public Secondary Schools Athletic Association (NAPSSAA) Volleyball Team Boys sa Naga City School of Arts and Trades (NCSAT) Covered Court ngayong Enero 3, 2025.

Gaganapin din ngayong hapon ang laro ng Pythons Volleyball Team Girls.

Mga Salita ni Joaquin Sarcilla
Mga Litrato ni Reese Monasterio

Binabati ng Ang Naguenian si Serra Acacia Hidalgo, ang aming Patnugot ng Balita, ng maligayang kaarawan. Salamat sa patu...
30/12/2024

Binabati ng Ang Naguenian si Serra Acacia Hidalgo, ang aming Patnugot ng Balita, ng maligayang kaarawan. Salamat sa patuloy mong pagbabahagi ng balita sa ating publikasyon. Patuloy kang magsilbing inspirasyon sa tapat na pamamahayag. โœ๏ธโš–๏ธ

Nawa'y mapuno ng kasiyahan ang iyong kaarawan at bakasyon. Muli, maligayang kaarawan, Serra! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚

25/12/2024

๐ŸŽ™๏ธ| Christmas Concert, Ginanap Sa NCSHS

News by LJ Triviรฑo
Video by Karl Faurillo and Sef Aleck Angeles

๐€๐ญ๐ซ๐š๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐ฎ๐ฆ ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฒ๐ฎ๐ค๐จ ๐š๐ง๐  ๐๐ฅ๐ฎ๐ž ๐๐จ๐ฅ๐ญ๐ณ, ๐ซ๐ฎ๐ฆ๐š๐ญ๐ฌ๐š๐๐š ๐ฌ๐š ๐๐€๐๐‹ ๐’๐Ÿ“ ๐…๐ข๐ง๐š๐ฅ๐ฌBinalot ng kadiliman ng  Atramentum ang Blue Boltz matapo...
23/12/2024

๐€๐ญ๐ซ๐š๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐ฎ๐ฆ ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฒ๐ฎ๐ค๐จ ๐š๐ง๐  ๐๐ฅ๐ฎ๐ž ๐๐จ๐ฅ๐ญ๐ณ, ๐ซ๐ฎ๐ฆ๐š๐ญ๐ฌ๐š๐๐š ๐ฌ๐š ๐๐€๐๐‹ ๐’๐Ÿ“ ๐…๐ข๐ง๐š๐ฅ๐ฌ

Binalot ng kadiliman ng Atramentum ang Blue Boltz matapos magpakitang-gilas ng malupit na chemistry at mapanlinlang na fast breaks, 53-48, para mapasakamay ang korona sa Championship Match ng Naguenian Alumni Basketball League (NABL) sa Trishot Basketball Court, Balatas, Naga City, nitong Disyembre 7.

Ibinida ni Player of the Game (POG) Mar Reburiano ang mababangis niyang putback shots sa loob ng paint at kumamada ng pitong puntos at 15 rebounds upang ibandera ang Atramentum sa kampeonato.

Mainit na binuksan ni Arvin Pado ang simula ng engkuwentro nang agad itong nagtala ng back-to-back fast break upang kontrolin ang sagupaan.

Rumesbak naman ang matitinding Blue Boltz matapos mag-drive papasok sa paint at pumoste ng swabeng finger roll si Darren Avestruz, 8-10.

Ikinandado na ng Antramentum ang unang kwarter matapos kumawala ng putback shot si Reburiano dahilan maungusan ang Blue Boltz sa dikit na 11-10.

Bumawi naman ang forward ng Blue Boltz na si EJ Ballebar nang magpakawala ng back-to-back layups upang iangat ang koponan sa 15-18.

Sinelyuhan na ng Boltz ang ikalawang kuwarter nang magtala pa ng maangas na and-one si Avestruz matapos ma-foul ng kampo ng Atramentum, 19-23.

Subalit, hindi pumayag ang puwersa ng Atramentum na sila ay madehado nang magpaulan si Bryan Candano ng mga three-point mula downtown para ipalasap ang kanilang pagbawi kontra Blue Boltz sa second half.

Determinadong masungkit ang korona, muling nangibabaw ang mababangis na fast breaks ni Pado dahilan para kanilang mapasakamay ang ikatlong kuwarter sa malaking agwat na 42-34.

Ngunit, nakapagtala ng mabilisang layups sa huling bahagi ng kuwarter ang Blue Boltz matapos nilang ipamalas ang paghuhulog ng 5-0 run sa pangunguna ni Ballebar, 47-45.

Nagpakawala naman ng game-winning steal si Reburiano upang masakamay ang kampeonato, 53-48.
Ayon kay Regan Redita, kapitan ng Atramentum, naging susi ang pagtitiwala niya sa kaniyang mga kakampi upang bumawi sa second half ng laro.

โ€œNagpahinga ako ng ilang minuto [pagkatapos ng second quarter] tapos pinasa ko muna โ€˜yung bola at pinagkatiwalaan ko ang mga ka-team ko tapos โ€˜yun na โ€˜yun. Pumutok na kami nung second half. Nakinig din ako kay Chok (John Ceron Antioquia II)โ€” โ€™yung injured naming star player kasi alam ko, kuha niya ang laro namin, โ€ aniya.

Matapos ang pagwawakas ng Naguenian Alumni League Basketball Season 5, darating naman ang NABL Blacktop Tournament ng NCSHS Alumni Sports Association sa larong 3x3 ngayong Disyembre 21.

Mga Salita ni Joaquin Sarcilla
Mga Litrato ni Venice Niosco

Malugod na binabati ng Lupon ng Patnugutan ng Ang Naguenian ang sumusunod na dyornong nag-uwi ng mga gantimpala sa kakat...
15/12/2024

Malugod na binabati ng Lupon ng Patnugutan ng Ang Naguenian ang sumusunod na dyornong nag-uwi ng mga gantimpala sa kakatapos pa lamang na Modified Division Schools Press Conference (MDSPC) sa Naga City Science High School (NCSHS) nitong Disyembre 12 at 13.

MGA NAKAPASOK SA TOP 5, INDIVIDUAL EVENTS

๐ŸŽ–๏ธPagsulat ng Lathalain: Hans Xavier Templonuevo

๐ŸŽ–๏ธ Pagsulat ng Editoryal: Rhiane Sta. Isabel

๐ŸŽ–๏ธ Pagsulat ng Kolum: Wayne Segovia

๐ŸŽ–๏ธ Paglalarawang Tudling: Vincent Anthony Prades

๐ŸŽ–๏ธ Pagsulat ng Balitang Isports: Chantal Chloe De Guzman

๐ŸŽ–๏ธ Pagsulat ng Agham at Teknolohiya: Jasmine Visaya

๐ŸŽ–๏ธ Pagkuha ng Larawang Pampahayagan: Joel Jr. Reginales

๐ŸŽ–๏ธ Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita: Kim Niobe Jaena

GROUP EVENTS

๐Ÿฅ‡Unang Gantimpala, Collaborative Desktop Publishing (Filipino): Jay Anne Francine Sibulo, Serra Acacia Hidago, Joaquin Sarcilla, Gwyneth Sophie Cledera, Andrea Jewel Tapay, Gianlyra Maria Tapia, at Rain Belando

๐Ÿฅ‡Unang Gantimpala, Brodkast Panradyo at Pagsulat ng Iskrip: Veyron Timothy Abengoza, Jan Grace Caceres, Mary Antonette Ellevera, Jay Jay Mila, James Marlon Borais, James Raphael Olarte, at Marian Joy Maumay

๐Ÿฅ‡Unang Gantimpala, Best Anchor: Veyron Timothy Abengoza
๐Ÿฅ‡Unang Gantimpala, Best News Presenter: James Raphael Olarte
๐Ÿฅ‡Unang Gantimpala, Best Technical Application: Marian Joy Maumay
๐Ÿฅ‡Unang Gantimpala, Best Infomercial
๐ŸฅˆIkalawang Gantimpala, Best Script

๐Ÿฅ‡Unang Gantimpala, Brodkast Pantelebisyon at Pagsulat ng Iskrip: Mary Thea Paris Mampo, Hans Micheal Elopre, Iana Oporto, Leanna Jasmine Triviรฑo, Jason Regaspi, Sef Aleck Angeles, at Karl Edward Faurillo

๐Ÿฅ‡Unang Gantimpala, Best TV Anchor: Mary Thea Paris Mampo
๐Ÿฅ‡Unang Gantimpala, Best News Presenter: Iana Oporto
๐Ÿฅ‡Unang Gantimpala, Best Director: Sef Aleck Angeles
๐Ÿฅ‡Unang Gantimpala, Best Development Communication
๐Ÿฅ‡Unang Gantimpala, Best Technical Application
๐ŸฅˆIkalawang Gantimpala, Best News Presenter: Leanna Jasmine Triviรฑo
๐ŸฅˆIkalawang Gantimpala, Best TV Anchor: Hans Elopre
๐Ÿฅ‰Ikatlong Gantimpala, Best News Presenter: Jason Regaspi

๐ŸฅˆIkalawang Gantimpala, Collaborative Online Publishing (Filipino): Josef Rhian Funtanares, Bianca Dawn Nicole Gonzaga, Jon Roland Vasquez, Henric Bona, at Giuliene Leigh Clarete

Tagapayo: Liezl C. Lazo

Sa kabuoan, 17 na mag-aaral mula NCSHS ang sasalang sa ikalawang yugto ng MDSPC kung saan sila ay muling makikipagtunggali para sa puwesto nila sa RSPC.

Dalawampu't apat naman na mga mag-aaral ang sigurado ng kakatawan sa RSPC kabilang na ang mga nanalong dyorno sa The Naguenian.

Muli, pagbati mga mamamahayag!

๐Š๐š๐ค๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐จ๐ญ๐š๐ง๐ญ๐ž ๐ฌ๐š ๐๐‚๐’๐‡๐’ โ€˜๐Ÿ๐Ÿ’ ๐‚๐ฅ๐ฎ๐› ๐„๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐ง๐š๐จ๐›๐ฌ๐ž๐ซ๐›๐š๐ก๐š๐ง, ๐ซ๐ž-๐ž๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐šMatapos ang apat na taong pags...
02/12/2024

๐Š๐š๐ค๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐จ๐ญ๐š๐ง๐ญ๐ž ๐ฌ๐š ๐๐‚๐’๐‡๐’ โ€˜๐Ÿ๐Ÿ’ ๐‚๐ฅ๐ฎ๐› ๐„๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐ง๐š๐จ๐›๐ฌ๐ž๐ซ๐›๐š๐ก๐š๐ง, ๐ซ๐ž-๐ž๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š

Matapos ang apat na taong pagsasagawa ng digital elections ng ibaโ€™t ibang clubs sa Naga City Science High School (NCSHS), napansin ng NCSHS Youth Commission on Elections and Appointments (COMEA) ang kakulangan ng mga botante sa manual Club Elections nitong Nobyembre 27 hanggang 29.

Ayon kay Meiyoki Orea, tagapangulo ng COMEA, hindi naging matagumpay ang club elections sapagkat kulang sa partisipasyon ang mga estudyante at inumpisahan ang halalan pagkatapos ng klase.

โ€œSa tingin namin ang problema talaga rito ay ang initiative ng bawat student na isagawa ang kanilang part at responsibilidad bilang mga miyembro ng bawat club,โ€ aniya.

Apat mula sa 22 na clubs ang nagkaroon ng re-elections dahil sa kaunting numero ng mga estudyante na bumoto sa orihinal na takdang araw nila ng pagboto.

Upang maiwasan ang mga nangyari sa susunod na club elections, layunin ng COMEA na magtakda ng minimum na bilang ng mga estudyanteng kailangang bumoto at simulan ang halalan sa mas maagang oras.

Mga Salita ni Ashley Apilado
Mga Litrato nina Ruzzel Orosco, Stephanie Blanquera, at Yhui Regmalos

๐“๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง: ๐๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ฆ๐›๐ž๐ง๐ฌi๐ฒ๐จ๐งSa bawat tahanan ay malaki ang kontribusyon ng telebisyon bilang libangan at midyum s...
21/11/2024

๐“๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง: ๐๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ฆ๐›๐ž๐ง๐ฌi๐ฒ๐จ๐ง

Sa bawat tahanan ay malaki ang kontribusyon ng telebisyon bilang libangan at midyum sa paghahatid ng impormasyon sa mga nangyayari sa bawat sulok ng mundo. Hindi natin maitatatwa na mahalaga ang papel nito sa ating buhayโ€” mula sa mga balita hanggang sa mga palabas na ating sinusubaybayan na nagdudulot ng samot-saring emosyon.

Ang pag-usbong ng telebisyon ay naging mahalagang kasangkapan sa pagiging mulat natin sa katotohanan. Mula sa paghahatid nito ng maiinit na balita, pagtuturo ng mga bagong kaalaman, pag-uulat ng panahon, at iba pang mga pangyayari na nagaganap sa daigdig ay nabubuksan ang ating isipan sa realidad. Dahil sa teknolohiyang ito, tayo ay nagigising sa ibaโ€™t ibang isyu sa lipunan na nagtutulak sa atin upang mas lumawak ang ating kamalayan, at nag-uudyok upang tayo ay kumilos.

Bukod sa pagiging midyum nito sa paghahatid ng impormasyon at kaalaman, ang telebisyon ay bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng tao dahil nagsisilbi itong libangan. Nagbibigay-aliw sa mga tao ang ibaโ€™t ibang programa na mapapanood, lalo yaong mga palabas na sinusubaybayan. Hindi maikakaila na sa mga panahon na napapagod tayo at nakadarama ng kalungkutan, ang panonood ng telebisyon ang isa sa agarang takbuhan na tumutugon sa ating pangangailangan. Sa pamamagitan nito, kahit papaano ay panandaliang nakakalimutan ang mga problema.

Kaya ngayong araw, Nobyembre 21, bilang pag-alala sa kauna-unahang World Television Forum noong 1996, at sa pagtalaga ng United Nations General Assembly sa araw na ito bilang World Television Day, patuloy nating kilalanin at pahalagahan ang kontribusyon ng makapangyarihang teknolohiyang ito, hindi lamang bilang libangan kundi higit sa lahat ay sa paghahatid ng impormasyon, kaalaman at kamalayan sa mga pangyayari sa mundong ating ginagalawan. Patuloy man na umuunlad ang teknolohiya, isa pa rin ang telebisyon sa mga namamayaning imbensiyon, noon hanggang sa kasalukuyang panahon.

Mga Salita ni Mary Grace Gabuya
Pubmat ni Gwyneth Sophie Cledera

Binabati ng Ang Naguenian si Karl Faurillo, ang Pinuno ng Pamahayagang Pantelebisyon ng Ang Naguenian, ng maligayang kaa...
20/11/2024

Binabati ng Ang Naguenian si Karl Faurillo, ang Pinuno ng Pamahayagang Pantelebisyon ng Ang Naguenian, ng maligayang kaarawan!๐Ÿฅณ

Ang iyong talento ay kahanga-hanga at nagsisilbing inspirasyon sa lahat. Patuloy kang maging huwaran ng kasipagan at kahusayan.

Nawaโ€™y maging masaya ang iyong kaarawan. Sa dami ng puso na iyong napukaw at tagumpay na iyong naabot, karapat-dapat ka sa bawat biyayang darating sa iyo. Muli, maligayang kaarawan, Karl!

Binabati ng buong Ang Naguenian si Ma'am Liezl C. Lazo, ang aming napakahusay, napakabait, napakaresponsable, at napakag...
17/11/2024

Binabati ng buong Ang Naguenian si Ma'am Liezl C. Lazo, ang aming napakahusay, napakabait, napakaresponsable, at napakagandang Tagapayo, ng maligayang kaarawan! Salamat sa walang sawang paggabay at pagbibigay ng inspirasyon sa aming lahat. Hindi lang sa pagsulat, pagguhit, pamamahayag, at pagdidisenyo ang iyong ibinabahagi sa amin, kundi mga aral na hindi matutumbasan at madadala namin habambuhay. ๐Ÿฅน๐Ÿ’™

Pagpapala ng Diyos ang hangad namin para sa iyo. Nawa'y huwag ding mawala ang iyong pagmamahal sa larangan ng pagsulat at patuloy mong maipakita ang iyong nakahahawang ngiti na nagbibigay-liwanag sa aming lahat. Muli, maligayang kaarawan, Ma'am Liezl! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚

๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐šAng pagbasa ay napakalaking bahagi ng buhay ng tao.  Isa ito sa mga makrong kasanayan na dapa...
12/11/2024

๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐š

Ang pagbasa ay napakalaking bahagi ng buhay ng tao. Isa ito sa mga makrong kasanayan na dapat malinang sa bawat indibidwal dahil nagsisilbi itong pundasyon ng kaalaman. Sa pagbabasa, nagkakaroon tayo ng malawak at malalim na pag-unawa sa mundo.

Ngayong Nobyembre, binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagbasa lalo na sa edukasyon sa pamamagitan ng pagdiriwang ng National Reading Month o Pambansang Buwan ng Pagbasa. Ito ay batay sa DepEd Memorandum Blg. 244, s. 2011. Layunin ng selebrasyong ito na palaganapin ang kahalagahan ng pagbasa bilang pinakamabisang paraan ng pagpapalawak ng kaalaman, pagpapaunlad ng kaisipan at paghubog ng kamalayan.

Gayundin naman, nilalayon ng pagdiriwang na mapataas ang literasi ng bansa matapos mapabilang ng Pilipinas sa isa sa mga bansang may pinakamababang nakuhang resulta sa Programme for International Student Assessment (PISA) 2022 . Batay sa resulta sa reading comprehension, nasa bottom 10 ang Pilipinas mula sa 80 bansa sa buong mundo. Dahil dito, naging panawagan ito sa mga nasa katungkulan sa Kagawaran ng Edukasyon upang mas pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral.

Kaugnay nito, may mga programa at aktibidad na isinasagawa sa bawat paaralan upang hikayatin ang mga mag-aaral na magkaroon ng interes sa pagbabasa tulad ng Read-A-Thon, Drop Everything And Read (DEAR), at Book fair. Bukod pa rito, may ilang mga paaralan din na nagsasagawa ng Book donation drive sa mga barangay upang magkaroon din ng mga babasahin ang mga kabataan lalo na yaong mga hindi nag-aaral. Patunay lamang ito na hindi nakakulong ang pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbabasa sa paaralan kundi maging sa komunidad.

Sa pagdiriwang natin ngayon ng Pambansang Buwan ng Pagbasa, lalo natin palakasin ang pagmamahal sa kasanayang ito at matuklasan pa ang kahalagahan nito sa ating buhay. Ayon nga kay Dr. Seuss, โ€œthe more that you read, the more things you will know, the more that you learn, the more places youโ€™ll go,โ€ ipinapahayag lamang nito kung gaano kahalaga ang pagbasa bilang pundasyon ng kaalaman at kung paano itong nagiging susi sa tagumpay.

Mga Salita ni Hans Xavier Templonuevo
Pubmat ni Arien Occiano

๐๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข, ๐‚๐š๐ซ๐ฅ๐š!Malugod na pagbati Carla Ellaine Gatdula mula Baitang 8, Batch Stellarius, sa pagsungkit ng ikasiyam na p...
09/11/2024

๐๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข, ๐‚๐š๐ซ๐ฅ๐š!

Malugod na pagbati Carla Ellaine Gatdula mula Baitang 8, Batch Stellarius, sa pagsungkit ng ikasiyam na puwesto sa Poomsae Individual Girls sa 2024 National Interschool Taekwondo Championships sa Ninoy Aquino Stadium, Manila, nitong Oktubre 20, 2024.

Napasakamay ni Gatdula ang kaniyang gantimpala laban sa 26 delegates na mula sa ibaโ€™t ibang paaralan sa Pilipinas.

Dagdag sa koleksiyon ng karangalan ni Gatdula ang pagkapanalong ito matapos makamtan ang tanso noong 2023 sa parehong torneo.

Ang buong komunidad ng Naga City Science High School (NCSHS) ay lubos na ipinagmamalaki ang iyong tagumpay. Muli, pagbati sa iyo, Carla!

Mga Salita ni Joaquin Sarcilla
Pubmat ni Meiyoki Isabella Orea

๐๐š๐ ๐ฎ๐ž๐ง๐ข๐š๐ง๐ฌ, ๐ง๐š๐ ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข๐ก๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐‚๐ฅ๐ž๐š๐ง ๐”๐ฉ ๐ƒ๐ซ๐ข๐ฏ๐žDahil sa pinsalang dala ng Bagyong Kristine kamakailan, nagtulong-tulong ang k...
05/11/2024

๐๐š๐ ๐ฎ๐ž๐ง๐ข๐š๐ง๐ฌ, ๐ง๐š๐ ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข๐ก๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐‚๐ฅ๐ž๐š๐ง ๐”๐ฉ ๐ƒ๐ซ๐ข๐ฏ๐ž

Dahil sa pinsalang dala ng Bagyong Kristine kamakailan, nagtulong-tulong ang komunidad ng Naga City Science High School (NCSHS) sa paglilinis at pagsasaayos ng paaralan sa isinagawang Tarabang: Schoolwide Clean-up Drive kahapon, Nobyembre 4.

Sa pangunguna ng NCSHS Supreme Students Learner Government (SSLG) katuwang ang Youth For Environment in Schools Organization (YES-O), nakiisa sa gawain ang mga mag-aaral mula Baitang 7 hanggang Baitang 12, mga magulang, teaching at non-teaching personnel, at stakeholders ng paaralan.

Ayon kay Avril Nocos, Auditor ng NCSHS SSLG, mas napadali ang paglilinis at pagsasaayos ng paaralan dahil sa bayanihan ng mga estudyante.

"Kabayanihan, camaraderie, preparation of re-opening of classes kasi matagal napabayaan ang school and opportunity ito para maglinis at tulong na rin ito para sa utilities na hindi kakayanin na linisin ang buong campus,โ€ saad ni Nocos.

Inaasahang handa na ang paaralan sa muling pagbabalik- eskwela sa Nobyembre 11.

Mga Salita ni Joenard Kiel Santiago
Mga Litrato nina Xandra Villaflor, Iyah Ventura, at Yhui Regmalos

Binabati ng Ang Naguenian si Wayne Segovia, ang aming Tagapangasiwang Patnugot, ng maligayang kaarawan!๐ŸŽŠ๐ŸŽ‚ Saludo kami sa...
04/11/2024

Binabati ng Ang Naguenian si Wayne Segovia, ang aming Tagapangasiwang Patnugot, ng maligayang kaarawan!๐ŸŽŠ๐ŸŽ‚ Saludo kami sa iyong disiplina at husay sa pamamahala ng oras. Patuloy kang maging maagap sa pagsunod at pagsumite ng mga gawain sa takdang panahon.๐Ÿ‘

Ang iyong mga idea ay nagbibigay ng direksiyon sa publikasyon na siyang nagsisilbing inspirasyon sa bawat isa sa amin. Nawaโ€™y magpatuloy ang iyong tagumpay at sipag sa mga darating na taon. Muli, maligayang kaarawan, Wayne!๐Ÿซก๐Ÿฅณ

Address

Balatas Road
Naga City
4400

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Naguenian posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share