Heart Romances

Heart Romances Everyone's welcome...
(2)

You might be interested in the story of Franco Villanueva and Isabelle Osorio, full of secrets and suprises.THE BILLIONA...
11/02/2025

You might be interested in the story of Franco Villanueva and Isabelle Osorio, full of secrets and suprises.

THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE (Franco at Isabelle)

Available in Goodnovel

Bagong mundo sa bawat kuwento! Higit sa 500,000 magagandang online na nobela! Lahat sa GoodNovel!

Four Sandovals and I[Original Story]Written by: MaligayaKabanata 37One MonthSIMULA noong araw na ipinagtapat sa amin ni ...
11/02/2025

Four Sandovals and I
[Original Story]
Written by: Maligaya

Kabanata 37
One Month

SIMULA noong araw na ipinagtapat sa amin ni Benj ang tungkol sa kaniyang katauhan ay hindi ko na siya muling nakausap, kahit na magkaklase kami.

Iniiwasan niya ako at sa tuwing lalapitan ko naman siya ay maghahanap siya ng dahilan upang matakasan niya ako. Naging mas mailap siya sa mga tao, lalo na sa mga kababaihan. Nitong nagdaang linggo ay napapansin ko na rin ang madalas niyang pagkabalisa at pagliban sa klase.

“Hey, p3rvert, what are you thinking, huh?” Axl, Bryan’s friend asked me as he pinched my cheeks. Nawala tuloy ang aking iniisip at napunta sa kaniya ang aking atensyon.

Nakalimutan kong nandito nga pala ako sa music room at hindi ko namalayan na kanina pa pala tapos ang practice nila dahil nakatungo lamang ako at nakatulala sa kawalan.

“Stop calling her p3rvert. That's the nickname I gave her,” babala ni Bryan na nagmamadaling lumapit sa amin pagkatapos ay mabilis niyang tinanggal ang k**ay ng kaniyang kaibigan sa aking pisngi.

Mabilis naman na napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam, pero kailangan ko na talagang pigilan ang aking sarili na hindi lagyan ng ibig sabihin ang mga matatamis niyang salita pati na rin ang maliliit na bagay na kaniyang ginagawa.

“She’s better than the former and I like her,” kanta ni Kevin bago iwinasiwas ang kaniyang drumsticks sa hangin ay nagpatugtog ng drums.

Hindi ko naman naintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin dahil bigla na lamang akong narindi. Nasaway tuloy siya ni Bryan nang 'di oras.

“I like her, too and if he dumps her, I'll pick her up,” pakanta rin na dugtog ni Hans na sinimulan ang pagpi-piano. Kitang-kita kong nag-e-enjoy silang dalawa sa pagdurugtong ng kanilang kanta kaya napatawa na lamang ako.

Kukuhanin na naman sana ni Axl ang kaniyang gitara at daragdagan din ang lyrics ng kanta nang bigla na lamang silang sawayin ni Bryan.

“Stop it and leave,” tila naiiritang pahayag ni Bryan kaya napasimangot ang tatlo at itinigil nga ang ginagawa.

“Ang kill joy mo naman talaga, Bry. Paano mo ba 'to nagustuhan, Miss Palmes?” Hans asked me, making my heart beat fast. Namula ang aking magkabilang pisngi at hindi ako makahinga nang maayos.

C-crush ko ba si Bryan?

Sandali! Bakit ko naman siya magugustuhan? Ang sama-sama ng ugali sa akin ng lalaking 'to noon.

“Oo nga, Miss Palmes. Ano ba’ng nagustuhan mo sa kaibigan namin?” hirit ni Kevin na tila hindi pa rin maka-move on sa kaniyang kinakanta kanina dahil mahina pa rin siyang humihimig.

Nagkatinginan naman kami ni Bryan sandali bago ko mabilis na inilihis ang aking paningin sa kaniya. Para kasing gusto niya ring marinig ang aking sasabihin.

“A-ano. . .” Nauutal ako at hindi maituloy ang sasabihin dahil tinatalo ako ng malakas na kabog ng aking dibdib.

“I got it!” Nagulantang ako nang biglang sumigaw si Axl at tinuro niya pa ako. “I think you like my friend because he is still a virgin,” dagdag niya kaya napanganga ako at dahan-dahan pang napakurap-kurap.

Nang makabawi ay todo ang ginawa kong pag-iling at pagtanggi sa kaniyang akusasyon. Malakas na tawa lang naman ang isinagot sa akin ng tatlo kaya napalingon ako kay Bryan na hindi ko inaasahang nakatitig na pala sa akin.

“Damn you, Axl. Umalis na nga kayo!” pagtataboy niya sa kaniyang mga kaibigan na umani na naman ng kanikanilang mga reklamo.

“Hindi ka namin bati,” saad ni Hansel na dinilaan kaming dalawa ni Bryan bago sila tuluyang umalis ng music room. Ngayong kaming dalawa na lamang ang tao ay lalo akong nailang.

“I’m sorry about that,” pagpapaumanhin niya pagkatapos ay tumabi siya sa akin sa pagkakaupo sa mahabang couch. Pasimple naman akong napaisod papalayo sa kaniya, mabuti na lamang ay hindi niya napansin.

“Gumagawa ba kayo ng kanta? Maganda 'yong lyrics nila kanina,” komento ko bago ako naglakas ng loob na tumingin sa kaniyang gawi. Sumalubong naman sa akin ang kaniyang malawak na ngiti na tila nahihiya.

“You did not understand it,” he simply said before he touched the back of his neck.

Kumunot ang aking noo at napatanong, “Ang alin ang hindi ko naintindihan?”

“Nothing. Iniisip mo ba si Jeremiah kanina?” pag-iiba niya ng aming topic bago sumeryoso ang kaniyang itsura. Mabilis naman akong umiling dahil iyon ang katotohanan.

Himala na sa nakaraang linggo mula noong mag-usap kami ay hindi ko naiisip si Miah. Siguro, sumasagi lang siya minsan sa aking isip, ngunit hindi rin siya nagtatagal. Sa palagay ko'y dahil kay Benj na kasalukuyan kong pinoproblema.

“Liar,” he muttered as he stood up to get his guitar. Bumalik naman agad siya sa aking tabi pagkatapos ay marahan niyang ini-strum ang instrumento.

“H-hindi nga,” pagtatanggol ko sa aking sarili bago ako suminghap ng maraming hangin. Noong nakaraan ko pa kasi gustong banggitin si Benj sa kaniya, hindi lang ako makakuha ng magandang tiyempo.

“Hindi ka pa rin ba umuuwi sa mansion?” malumanay kong tanong kaya siya napatingin sa akin. Itinigil niya ang paggigitara at itinabi iyon malapit sa couch bago siya humarap sa akin.

“I will never enter that house again. Why do you ask?” Nahimigan ko ang pait sa kaniyang tinuran kaya tila nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko pa rin ba sa kaniya ang plano ko o itatago ko na lamang.

“Why?” pag-uulit niya ng kaniyang tanong kaya hindi ko napigilan ang pagkataranta. Pakiramdam ko kasi ay magagalit siya kapag narinig niya ang aking sasabihin.

“Tungkol kay Benj. Hindi mo ba siya kukumustahin?” pauna kong saad kahit abot-abot na ang kaba sa aking dibdib.

“Why would I?” he inquired, nonchalantly as he stared deeply on my eyes. Para naman akong matutunaw sa ginagawa niyang pagtingin kaya inilihis ko ang aking mata papalayo sa kaniya.

“Iniiwasan ako ni Benj. Pakiramdam ko nahihiya siya sa mga nasabi niya sa atin.” Hindi ko napigilan ang maglabas ng saloobin sa kaniya kaya pati ang mga observation na ginawa ko kay Benj ay nakwento ko na rin.

“He should be embarrassed. Hindi niya dapat sinabi iyon sa’yo,” he told me as if he was replaying that scene in his head. “Hindi siya nag-iisip. What if your trauma triggers you and you get scared of me?” tanong niya pagkatapos ay maingat siyang umisod papalapit sa akin.

Takang-taka naman ako sa aking narinig dahil hindi ko naman nakukwento sa kaniya ang bagay na iyon. Masyado kasi 'yong madilim at ayaw ko nang balikan. Isa pa ay nahihiya ako at natatakot sa kung ano ang sasabihin niya sa akin.

“P-paano mo nalaman? Wala akong sinasabi sa’yo,” pahayag ko habang unti-unting kong tinitibayan ang aking depensa kung sakaling may sabihin siya sa akin na hindi maganda.

“I saw you before. . . that night when Jeremiah took you home,” he mentioned, making me avoid his gaze. Nagulat tuloy ako nang dumampi ang kaniyang palad sa aking k**ay.

“Benj was there, too. Siya pa nga ang hiningian ng tulong ni Jeremiah para dalhin ka sa kwarto,” pagpapatuloy niya habang nilalaro niya ang aking mga daliri sa k**ay.

“We know what exactly happened. Benj, Jeffrei and I were at the house, that night.” His voice was low and caring. Hindi ko iyon nakaringgan ng kahit anong diskrimanasyon kaya tila nabuhayan ako ng loob at kusa siyang hinanap ng aking mga mata.

“Okay lang sa’yo na kaibiganin mo pa rin ako?” May paghahamon sa aking tanong kaya noong tumango siya ay kumalampag nang sobrang lakas ang aking puso. “H-he licked my. . . my neck,” nauutal ko pang sambit habang tinitingnan ko nang maigi kung mandidiri ang kaniyang ekspresyon.

“Fvck. I will definitely kill him. Do you know his name?” Tinanggal niya sa pagkakasiklop ang aming k**ay saka kumuyom ang kaniyang k**ao. Umiling naman ako kasunod nang paglukob ng kaba sa aking dibdib.

“Sabi ni Miah, hinding-hindi na raw iyon makakalapit sa akin. Hindi ko na rin siya nakikita rito sa school pagkatapos ng nangyari,” pagpapakalma ko sa kaniya ngunit lalo lamang naningkit ang kaniyang mga mata.

Ilang segundo pa siyang pumikit habang humihinga nang malalim bago muling magtama ang aming paningin.

“I, too, will make sure that he won’t get close to you,” paninigurado niya pagkatapos ay marahan niya muling pinagsiklop ang aming mga palad. “And I’ll be more careful when I’m with you from now on,” dagdag niya na nagpabilis ng tibok ng aking puso.

“Thank you, Bryan. Akala ko si Miah lang ang—” pagpapasalamat ko na hindi niya na pinatapos noong narinig niya ang pangalan ng kaniyang pinsan.

“Is that the reason why you still want him? Kasi niligtas ka niya at tinanggap ka niya?” Dahan-dahan akong tumango nang mapagtanto kong iyon nga ang aking dahilan.

Miah is my prince who saved me from a monster. Sa lahat ng libro at teleserye, 'yong lalaking nagligtas ang makakatuluyan ng babae sa dulo.

Ngunit bakit hindi ko na yata matanggap ang ending ng lahat ng kwento? Naguguluhan na naman tuloy ako sa aking sarili.

“M-may naiwan pala ako sa room. Kukuhanin ko lang,” pagpapalusot ko bago ko inalayo ang aking k**ay sa kaniya pagkatapos ay mabilis akong tumayo at nagplano nang umalis.

“Why are you leaving? You’re asking about Benj because you want to help him, right?” sapul na tanong ni Bryan kaya natigilan ako at napaharap sa kaniya. Tumayo rin naman siya at tumindig sa aking harapan.

“Huhulaan ko. Nakokonsensya ka na iniwan natin siya noong nakaraan.” Tumpak na naman ang kaniyang sinabi kaya nakagat ko na lamang ang aking pang-ibabang labi.

“Mabait si Benj. Ni hindi niya ako sinupladuhan at sinungitan. Palagi rin siyang nakangiti sa tuwing mag-uusap kami kaya na-gi-guilty ako,” panimula ko kasunod ng aking pagtungo sa paghahanda na baka pagalitan niya ako.

“Nahihirapan siyang tanggapin ang sarili niya tapos parang pinangdirihan pa natin siya noong nakaraan,” dagdag ko pa na kaagad niyang hindi sinang-ayunan.

“Hindi tayo nandiri. Hindi lang tama ang hinihiling niya,” he argued as he held my chin up. Mabilis naman akong umiwas upang hindi niya mahuli ang aking mga mata.

“Nag-research ako tungkol sa mga tao na mahilig doon. Hindi naman sila masasama,” paliwanag ko bago ko idinetalye kung ano ang aking mga nalaman.

“No. You still have fear of boys, baby. Napapansin ko 'yon sa tuwing may makakasalubong tayong mga lalaki.” Hindi siya galit, kundi lamang ang pag-alala na napansin ko sa kaniyang boses.

“Pero hindi naman si Benj ang lalaki na iyon. Wala rin siyang sinabi na gagawan niya ako nang masama. Isusuot niya lang naman 'yong posas sa akin saka sasamahan mo naman ako, hindi ba? Nandoon ka naman para bantayan ako,” mahabang paliwanag ko na nagtunog pakiusap kaya tumahimik lamang siya at tinalikuran ako.

I know him. Sigurado akong nag-iisip na siya at kapag ganito na ang ginagawa niya ay alam ko nang malapit ko na siyang mapapayag.

“Please, Bryan. Kaibigan ko rin si Benj. Kung ikaw 'yong nasa sitwasyon niya, tutulungan din kita,” malambing kong salaysay bago ako pumunta sa kaniyang harapan.

“Joy, please, huwag mo akong dinadaan-daan sa mga lambing mo. Kung ako si Jeremiah, hindi kita papayagan.” He looked straight into my eyes, making me hold his arm. Nginitian ko rin siya at sinubukan ko ring magpa-cute sa kaniya.

“That’s why I am thankful that you are Bryan. Nirerespeto mo ako, iniintindi mo ako, hindi mo ako inaaway at—” Mahina siyang napamura bago niya idineklara ang kaniyang pagkatalo. Napangiti naman ako at hindi ko napigilan ang aking sarili na bigla na lang siyang yakapin.

“Talaga? Talaga? Thank you, Bryan,” tuwang-tuwa kong pagpapasalamat hanggang sa mapagtanto ko ang pwesto naming dalawa.

“Pasalamat ka, hindi kita kayang tiisin,” he whispered to my ears, making me pull away from him, however he did not let me escape.

“Tell me, ilang linggo na tayo?” pag-uusisa niya habang nakakulong pa rin ako sa kaniyang mga braso. Nahigit ko naman ang aking hininga dahil nagsisimula na namang magkagulo sa loob ng aking dibdib.

“M-mag-iisang buwan nang tayo. One month na lang, ikakasal na sila,” I answered as I tried my best to calm down.

“One month na lang,” he told me then suddenly, he asked me if he could put his head on my neck. Nang pumayag naman ako ay noon niya lang iyon ginawa pagkatapos ay niyakap niya na rin ako nang mahigpit.

Matagal kaming nasa ganoong posisyon bago niya ako inayang ihatid pauwi. Sinabi niya rin na kakausapin niya Benj kaya kinagabihan ay mahimbing na akong nakatulog.

To be Continued. . .

SEÑORITA MAFIAwritten by Lovemarian Chapter 29NAKAILANG shot na ako ng hard brandey, pero hindi pa rin mawalawala ang mg...
11/02/2025

SEÑORITA MAFIA
written by Lovemarian

Chapter 29

NAKAILANG shot na ako ng hard brandey, pero hindi pa rin mawalawala ang mga tanong at alalahanin sa isip ko. Hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko sa mga sandaling ito. Naghahalo ang takot at galit ko sa sarili ko. What will happen after all of this? Ni hindi ko alam kung paano haharapin si Alexandra. What if we lost our baby? How can I deal with it? How can I possibly handle it? Paano kung galit siya sa akin dahil nahuli ako? Paano kung sisihin niya ako? Paano kung sinukuan na pala niya ako?

Masisira ang utak ko kakaisip.

Kahit saang anggulo ko tingnan kasalanan ko lahat ng ito. Nagmatigas ako eh. Wala akong ibang magawa kun'di ang magsisi na lang. Naalala ko ang mga araw na halos lumuhod siya sa harap ko para lang kausapin. Iyong panahong nahihirapan siya. Iyong nangyari sa condo niya. Oh God! She’s been through a lot while bearing our child. I can’t imagine how frustrated she was.

Tinungga ko na ang natitirang laman ng beer mug ko at inubos ang laman niyon. Pabagsak kong nilapag ang baso sa counter kasabay ng pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko. Agad ko iyong pinahid, pero patuloy pa rin ang pagtulo.

“One more, please,” utos ko sa bartender na nasa harap ko at abala sa pag-mix ng beverages na order ng ibang customer.

Agad naman niyang iniwan ang ginagawa at tumalima sa utos ko. He’s my friend.

“Nakakarami ka na, Raden. Ano ba talagang problema mo?” aniya nang ilapag ang isang malaking baso na puno na ng beer na nagbubula pa sa ibabaw.

“Nagluluksa sa katangahang nagawa ko,” sagot ko ulit sa kaniya. Kanina pa siya tanong ng tanong sa akin at ‘yon lang din ang paulit-ulit kong sinasagot.
Hindi ko kayang sabihin sa iba ang nangyari. Mamo-mroblema lang siya. Deserve kong sarilihin ito. Maghirap mag-isa kaya ng hinawa kong pagpapahirap kay Alex. She’s alone with those heartbreaks.


Hindi na ako kinulit ng kaibigan ko at gaya nang nauna ay umiling lang ulit siya at muling bumaling sa ibang customer at nagpapasikat sa mga chix na nanunuod sa kaniya habang nagmi-mix ng inumin.

Muli ay hinatid ko sa bibig ko ang baso at lumagok ng tatlong beses kaya kumalahati na ang laman ng malaking beer mug.

“Raden!”

Napalingon ako sa pamilyar na boses na tumawag sa akin.

“Ano ba! Bakit nandito ka? Brianna, needs you right now,” ani Papa nang makalapit sa akin.

Hindi ko siya nilingon at nanatili lang ang tingin ko baso ko. Hindi ko siya kayang tingnan. Naghahalo ang guilt ko dahil gusto ko siyang sisihin sa lahat. At ang galit ko na hindi ko alam kung tama bang maramdaman ko ‘to sa ama ko. Puro na lang ako naninisi sa mga nangyayari sa akin. When in the first place may sariling utak naman sana ako. Kaya ko naman sanang mag-isip ng matino at timbangin ang sitwasyon. Bakit pa ako naninisi? Pero iyon lang ang paraan mo to ease the pain I felt. Nasaktan rin ako. Nabulag rin ako ng galit, ng sakit. Natakot lang din akong magtiwala ulit.

“What do you want me to do?” walang emosyon kong sabi.

“Son, please… alam kong sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari. Pero wala kang kasalanan, ako naman ang puno’t dulo ng lahat ng ito eh. Sa akin ka magalit ‘wag sa sarili mo. Ako dapat ang naghihirap ngayon,” naiiyak niyang sabi sa akin matapos makaupo sa bakanteng stole na nasa tabi ko.

Napakuyom ako. Galit naman talaga ako sa kaniya, pero anong gagawin ko? Alangan namang patayin ko siya, kung ibang tao lang siya baka matagal na. Pero sa ayaw at sa gusto ko ama ko siya at hindi ko magagawa iyon.

Hindi ko na siya sinagot at muling tumungga lang ng alak.

“Gising na si Brianna,” mahinahon niyang sabi kaya napalingon na ako sa kaniya.

“What?” tanong ko, just to make sure na hindi ako nagk**ali ng dinig.

“Gising na si Alexandra, anak,” he repeated.

I sight saka tumayo at binitawan ang baso. Kahit na wala akong mukha na maihaharap sa kaniya ay haharapin ko pa rin siya. Kung magdudusa man ako sa guilt na nararamdaman ko ay maybe I deserve this. I deserve to be miserable.

Hindi ko na inalam kung sumunod ba si Papa sa akin or nanatili siya sa bar. Dahil nagmamadali na akong lumabas. I felt tipsy at this moment, pero tinatagan ko ang sarili ko para hindi ako sumuray. Hanggang sa makarating ako sa pina-parking-an ng sasakyan ko saka mabilis na iyong binuksan para makapasok ako sa loob. At nagmaneho na nga ako. Pinaharorot ko na ang sasakyan pabalik sa ospital.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong puso na kabahan. Mas lalo lang akong mababaliw at nadagdag sa naghahalong emosyon ko. Natutuwa ako dahil buhay siya at safe na siya at the same time natatakot na naman ako. Hindi ko alam, naguguluhan na ako. Siguro saka na ako mag-iisip ng kung ano-ano once I meet her. Handa akoang manuyo sa kaniya kung kailangan bumalik lang siya sa akin. Di baleng gawin niya ang ginawa ko sa kaniya. Ahh!!! It’s driving me crazy!

Hindi naman nagtagal ay pinarada ko na ang sasakyan ko sa parking area ng ospital saka hinanap ang room ni Alexandra. At nang mahanap ko ay agad na akong pumasok sa loob and there she is, nakatingin sa bintana ng kuwarto niya. Malayo ang tingin, kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mukha. Na animo rin pinipilipit ang puso ko dahil sa nakikita ko. I felt her sadness from beyond.

“A-Alexandra…” sambit ko sa pangalan niya na hindi ko alam kung naririnig ba niya dahil tila tinakasan na ako ng sarili kong boses. Halos pumiyok na kasi ang boses ko dahil sa panghihinang naramdaman ko sa loob ko.

Mukhang narinig naman niya ang pagtawag ko dahil unti-unti siyang lumingon sa akin. Bumalatay pa ang gulat sa kaniyang mga mata nang mapagtantong nandito ako. Pero nawala ang gulat na iyon at namungay ang kaniyang mga mata kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha at mahihina niyang hikbi.

Halos liparin ko na ang pagitan namin para lapitan siya at sabay na niyakap. Mas lalo lang siyang humagulgol nang nasa bisig ko na siya. Hindi ko man alam ang dahilan ng mga hikbi niyang iyon pero isa lang ang nasisiguro ko. Sobrang lungkot ng nadarama niya at nahawa ako kaya tumulo na rin ang luha ko na kahit anong pigil ko animo may sarili iyong isip.

“M-my ba…by is gone,” aniya sa pagitan ng mga hikbi niya. “Wala na siya… hindi ko kaya!”

Mariin akong napapikit dahil sa narinig ko. Our baby is gone. Our baby didn’t make it. And it’s all my fault. My damn fault!

“I’m sorry, honey. I’m really sorry, it’s all my fault. I’m the one who must blame on,” sabi ko sa garalgal na boses habang hindi pa rin ako kumakalas mula sa pagkakayakap sa kaniya.

“Yeah…because you’re damn hard hearted. I wonder what you’re doing here. You hate me so much from here to hell,” malamig niyang sabi sa akin na kinatigil ko. Pero hindi ko pa rin siya binitawan mas lalo ko pa siyang niyakap ng mahigpit.

I am afraid. Pakiramdam ko anumang oras mawawala siya sa akin.

“Just hate me, blame me but please stay with me, Alexandra. Please, stay. I love you so much… I love you so damn much,” buong puso kong sabi sa kaniya.

Pero pagkatapos nang mga salita kong iyon ay wala na akong narinig na sinabi niya. Hindi rin naman niya ako tinulak habang nakayakap sa kaniya. Pero wala pa ring katugon ang yakap kong iyon sa kaniya.

But it’s okay. As long as she’s here with me, it’s okay. Naisip kong kumalas na para mapagmasdan ko ang mukha niya. Kinulong ko ang mukha niya gamit ang dalawa kong palad. Saka inangat ang mukha niya para pagmasdan siya. Pero parang may punyal na tumarak sa puso ko nang makita kong hindi siya tumitingin sa akin. Nasa iisang direction lang ang mga mata niya. Sa kawalan. Nakakadurog rin ng puso ang mga pasang nakikita ko sa mukha niya. At mga sugat dahil sa pakikipaglaban niya para protektahan kami ng ama ko na hindi na dapat niya ginawa. Sumungaw ang luha sa bintana ng mga mata ko.

Hinalikan ko siya sa noo, sa tuktok ng kaniyang ulo at sa tungki ng kaniyang ilong.

“Mahal na mahal kita, Alexandra. Patawarin mo naman ako sa nagawa ko sa ‘yo, oh. Patawarin mo ako kung ang tigas-tigas ko. Alexandra…” pagsusumamo ko sa kaniya.

Pero nanatili lang siyang walang kibo. Parang hindi niya naririnig ang mga sinasabi ko.

"Amoy alak ka," bigla niyang sabi na kinagulat at the same time kinasiya ko. Dahil nagsalita na siya at tumingin na sa akin.

Ngumiti ako ng matamis sa kaniya.

"P-pasensiya ka na, hindi ko lang kasi alam ang gagawin ko. Wala akong ibang maisip kun'di magpakalasing," sagot ko sa kaniya.

Pinilit ko pa ring ngumiti kahit na gumuhit ang sakit sa puso ko. Oo nga't nakatingin siya sa akin, sinasalubong niya ang mga mata ko. Pero nakikita ko ang dating Alexandra sa mga mata niya. Walang emosyon, blanko. Hindi mo masasabi kung ano ang susunod niyang gagawin. She looks like a stranger staring at me.

Bumuntonghininga siya at nag-iwas ng tingin sa akin saka tinabig ang k**ay kong nakahawak sa braso niya. Saka humiga sa k**a niya at tinalikuran ako. Ayos lang… ayos lang. Susuyuin ko na lang ulit siya. Susuyuin ko kahit pa sobrang tagal. Kahit habang buhay.

"Hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa 'yo, Alexandra. Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako napapatawad. Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabalik sa akin…."

"Just get out. I need more time to rest," malamig niyang sabi nang putulin niya ang susunod ko sanang sasabihin.

Tumango ako, kahit hindi naman niya ako nakikita. Tinalikuran ko siya, pero hindi ibig sabihin no'n sumusuko na ako. Bibigyan ko lang siya ng oras na mag-isip. Alam kong kailangan niya iyon. Pero babalikan ko pa rin siya at dadamayan sa pighating nararamdaman niya sa pagkawala ng anak namin.

Hindi dapat ako sumuko. Mahal ko siya, mahal na mahal pero gago nga lang ako.

Itutuloy…

A/N: Deserved🙄🙄

ONE MISTAKE, TURNS TO LOVE(Aila Montenegro: Quadruplets Sisters Series 1)Written by: RoxxChapter 10MABILIS na bumaba si ...
11/02/2025

ONE MISTAKE, TURNS TO LOVE
(Aila Montenegro: Quadruplets Sisters Series 1)
Written by: Roxx

Chapter 10

MABILIS na bumaba si Aila sa sasakyan nang marating niya ang kanilang bahay. Naiirita na talaga siya sa suot niyang diaper. Pakiramdam niya'y ginawa siyang katatawanan ni Doc. Ken at naiinis siya sa isiping iyon.

"Urgh! Ang sama-sama mo talaga!"inis niyang turan.

Akmang bubuksan niya ang kanilang maindoor ang siya namang saktong pagbukas ng kaniyang ama.

"Ngayon ka lang umuwi?"nagtatakang tanong nito.

Hindi maititig ni Aila ang kaniyang mga mata sa ama. Matino at mataas ang tingin ng ama sa kaniya. Panigurado siyang kung sasabihin niya dito na galing siya kila Doc. Ken at doon siya natulog ay iisipin nitong isinuko na niya ang sarili dito. Isa pa, paano niya sasabihin dito na sumakit ang tiyan niya dahil sa katakawan niya at nagtae siya at si Doc. Ken ang nag-asikaso at nagsuot ng diaper sa kaniya? Paano niya sasabihin dito na nakita na ng lalaking iyon ang kaniyang pinakaiingatang, PECHAY?

"Tinatanong kita, hija. Saan ka galing? Mula kahapon na umalis ka at pumunta sa date niyo ni Doc. Ken ay ngayon lamang kita nakitang umuwi. Anong nangyari? Isa pa, para kang bagong gising lamang."patuloy na pag-uusisa ng ama.

"Ahmn, dad, opo kakagising ko nga lang. Nagmamadali akong umuwi, kasi kailangan kong pumasok. Kagabi kasi sumakit tiyan ko kaya dumiretso na ako kila Tanya at doon na po ako natulog."kaniyang pagsisinungaling. Bilang lamang ang mga pagkakataong nagsisinungaling siya sa ama dahil hindi siya sanay sa gawaing iyon.

Tumango-tango na lamang ang kaniyang ama, ngunit pansin niyang sinundan siya ng tingin habang naglalakad siya patungo sa kaniyang kwarto.

"That man! I hate him so much! Hindi talaga ako makapaniwalang nangyari ang lahat ng nangyari! Ang tanga tanga ko talaga at nagpatangay ako sa mga patibong niya! Grrrrr!"inis na turan ni Aila nang makarating siya sa kaniyang kwarto at inaalis ang kaniyang suot na diaper.

"See! Wala namang pupu, gusto lang niya talagang pagsamantalahan ang pechay ko!"kanya pang patuloy. Naiinis talaga siya sa isiping nakita na ng lalaking iyon ang kaniyang pechay. Sigurado siyang nagpyesta ang mga mata nito habang wala siyang malay.

"Urgh!"

Tinatamad siyang pumasok sa opisina, pero mas gugustuhin na niyang maging abala sa trabaho kesa magmukmok sa kaniyang kawarto dahil maiisip lamang niya ang lahat ng kaniyang k**alasan sa k**ay ng doctor wakwak na iyon. Hindi siya papayag na wakwakin nito ang buong buhay niya, tama na ang minsang winakwak nito ang kaniyang pechay at hinding hindi na siya papayag na mangyari pa ulit iyon.

*********

NAGTAXI na lamang si Doc Ken na pumasok sa kaniyang clinic. Nagpasiya siyang maya I'mng hapon na lamang niya puntahan si Aila at babawiin niya ang kaniyang sasakyan dito.

"Kakaiba yata ang dating mo ngayon bro, ah."puna agad ni Doc. Jake sa kaniya."Successful ba ang date niyo ni Aila?"patuloy pa nito.

Napatingin dito si Doc. Ken. Oo, kakaiba talaga ang sayang nararamdaman niya ngayon. Masaya siyang nakasama niya ng buong gabi ang dalaga kahit pa walang ibang ginawa ito kundi ang umutot ng umutot. At ang date nila? Well, masasabi niyang successful parin dahil batid niyang nagustuhan iyon ng dalaga lalo na ang inihanda niyang pagkain na sinadya pa niyang tanungin ang kaibigan nitong si Tanya para maipaghanda niya ang mga paborito nito. Hindi naman niya kasi inakalang makakakain ng ganoon kadami ang dalaga na siyang dahilan ng pagtatae nito.

"Huwag mo nalang akong pansinin, okey? By the way, thank's again bro, kung hindi dahil sa tulong mo ay hindi magiging successful ang date namin ni Aila."aniya.

"So, successful nga. For sure may kasunod pa iyan at tuloy tuloy na. Congrats, bro. Finally, magkakagirlfriend ka narin."

Napailing at pangiti-ngiti na lamang si Ken habang tinutungo ang kaniyang clinic. Sobrang mailap ang dalaga sa kanya at sigurado siyang lalo pa ngayon dahil sa nangyari. Kung bakit ba kasi gustong-gusto niya itong nakikitang naiinis sa kaniya na sa huli'y kaniya ring pinagsisisihan.

"Hindi kita susukuan Miss Aila."aniya't inilapag ang nakapaper bag na gamit ni Aila. Ibabalik niya iyon mamaya kapalit ng kaniyang sasakyan. Parang hindi na nga siya makapaghintay na makita ito ulit. Hanggang sa biglang pumasok si Malan sa kaniyang opisina at ang mukha nito'y halatang kakaiba na naman.

"Tinatawagan kita kagabi, pero hindi mo man lang ako sinasagot."anito na sa tinig ay may bahid na pagtatampo.

"I'm sorry, marami kasi akong ginagawa kagabi."

Napakunot noo si Doc. Malan. Kahit pa alam niyang walang nararamdaman si Ken sa kaniya ay hindi naman siya ito dinedeadma kapag tinatawagan niya ito. Mahal niya ang binata, mahal na mahal kaya hindi niya maiwasang masaktan sa nalamang may dinedate at napupusuan ng ibang babae ang binata.

"Dahil ba sa kaniya?"

"Please, Malan. Marami pa akong dapat gawin. Mamaya na lang tayo mag-usap."naiiritang turan ni Ken. Oo, mahalaga sa kaniya si Malan, pero bilang isang kaibigan lamang o nakakabatang kapatid.

Sa halip na umalis ang dalaga ay nilapitan niya ang paper na nasa likuran ng binata. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit at makita ang laman ni'yon ay mabilis na kinuha ng binata ang panty ni Aila at itinago sa kaniyang bulsa.

"Kanino ang dress na ito?"kunot noong tanong ng dalaga na talagang kinalkal pa ang paper bag.

"S-Sa kapatid ko. Binili ko para sa kaniya."kaniyang pagpapalusot. Kapag sasabihin niyang kay Aila iyon, siguradong hahaba pa ang usapan nilang dalawa.

Nagdududa man si Doc. Malan ay wala siyang nagawa kundi ang ibalik na ang dress sa paper bag.

Hanggang sa dumating ang kaniyang secretary at sinasabi nitong may meeting daw silang lahat na mga doctors in 10minutes.

"Okey, sige. May aayusin lang ako, tapos pupunta na ako sa conferrence room."aniya't sinundan na lamang ng tingin si Malan na paalis.

Nang makarating si Doc. Ken sa conferrence room ay naroon na lahat at siya na lamang ang hinihintay.

"Sorry for waiting."aniya.

"It's okey. Anyway, ang meeting na ito ay para sa gagawing medical mission ng ating hospital sa iba't ibang probinsiya. Ang ilan sa inyo ay idedestino ko sa mga probinsyang napili."Saad ni Doc. Matin Dee na siyang may ari ng Hospital na iyon.

Napatingin si Doc. Malan Dee kay Doc. Ken. Ito na ang pinakahihintay niya, ang makasama ito sa isang malayong lugar at sisiguraduhin niyang sa pagkakataong ito ay mahuhulog ang loob ng binata sa kaniya. Gagawin niya ang lahat mahalin lamang siya nito.

"Doc. Ken, pumili ka na ng isang doctor na siyang makakasama mo."

Napatingin si Doc. Ken kay Doc. Jake, ito ang gusto niyang makasama. Pero bago pa man niya sabihin na ito ang kaniyang napili ay nagsalita si Doc. Malan.

"Ako ang makakasama ni Doc. Ken."nakangiting turan nito.

"Are you sure?"takang turan ni Jake.

"Yes! Kahit saang probinsya pa kami mapadpad ay sasamahan ko siya."

Sa narinig ni Doc. Ken ay napaubo ito ng napaubo na tila ba biglang nasamid na wala namang kahit anong iniinom o kinakain.

"Are you okey, brod?"

"Yeah, I'm okey."aniya't inilabas ang panyo mula sa kaniyang bulsa at tinakpan ang bunganga. Hindi niya napansin na ang kaniyang nailabas at ginamit ay ang panty ni Aila kanina na kaniyang itinago.

"Brod, kailan mo pa ginawang panyo ang panty?"pabulong na turan ni Jake nang mapansin iyon.

Mabilis na napatingin si Doc. Ken sa kaniyang hawak.

"Sh*t!"napamura siya't agad na ibinulsa ang panty. Mabuti na lamang at walang ibang nakapansin maliban kay Doc. Jake na kaniyang kaibigan.

Wala ng nagawa si Doc. Ken sa suhestyon ni Doc. Malan na ito ang kaniyang makakasama. Sa isiping mga ilang araw siyang mawawala ay namimis na niya agad si Aila. Tila gusto pa mandin niya itong makita araw-araw.

***********

MABILIS na sinalubong ni Tanya si Aila nang makita niyang dumating ito. Pababa pataas ang tingin niya sa kaibigan.

"Bakit pumasok ka na? Hindi ka ba nilagnat?"aniya.

"Bakit naman ako lalagnatin?"

"Sabi nila, kapag daw ang isang babae ay naisuko na ang pagka-V ay nilalagnat ito sa unang araw. Tell me, masakit ba? Malaki ba ang kaniyang bayag? Este, talong?"

Sa narinig ni Aila ay napatigil ito sa paglalakad at sinabunutan ang kaibigan.

"Siraulo ka talaga. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi mo! May hang-over ka pa yata sa kakapanood mo ng porn."aniya't ipinagpatuloy ang paglalakad.

Mabilis siyang sinundan ni Tanya hanggang sa kaniyang opisina.

"Ang sungit sungit mo! Wala naman sigurong babaeng natira lang kagabi, tapos kinabukasan ay naglilihi na agad!"saad ni Tanya.

"Sa akin ka pa maglihim. Bestfriend mo ako."patuloy pa nito.

"Oo, bestfriend nga kita. Pero parang gusto ko ng pagsisihan na may bestfriend akong malibog ang bunganga!"

"Halla siya! Ako pa talaga ang malibog? Ikaw nga diyan eh. Isinuko mo agad ang pechay mo kay doc. Mabayag na iyon."

Nanlaki ang mga mata ni Aila sa narinig.

"At sinong may sabi saiyo na isinuko ko? Oo, nakalkal niya. Pero hindi ko isinuko!"

"What? Pinakalkal mo pero hindi mo isinuko? Beshy, dinig na dinig ko ang lahat. Grabe pa nga ang ungol mo eh! Baka gusto mong gayahin ko pa."

"Ginito oh....Ahhhh...Uhmmmmnnn..Ang sakit.."ganyan. Ganyan na ganyan 'yung narinig ko."patuloy ni Tanya.

"What? Nababaliw ka na ba talaga hah?"kunot noong turan ni Aila.

"Huwag ka na kasing magdeny beshy. Napuyat nga ako dahil sa mga narinig kong ginagawa niyong milagro ni Doc. Mabayag eh. Iniisip ko kung ano kaya ang pakiramdam. Dinig na dinig ko pa nga kung paano ka niya pinanganga at pinasubo. Sabi mo, ang laki. Tapos after no'n ay sinabi niya na "AKO NAMAN ANG KAKAIN."Tapos, bigla ka namang umungol. Umungol ng umungol."mahabang saad nito na tila enjoy na enjoy sa pagkukwento.

"Stop it! Napakadumi mo talagang mag-isip kahit kailan. Ang lahat ng sinasabi mo ay imagination mo lamang, okey?! Walang nangyari sa amin. Oo, sinabi ko lahat ng sinabi mo at umungol ako. Pero hindi dahil sa may ginawa kaming milagro kundi dahil sa sumakit ang tiyan ko at inalagaan niya ako.'Yung sinasabi kong malaki ay 'yung gamot."

Natahimik si Tanya sa narinig at napatitig sa kaibigan."S-Sigurado ka?"aniya.

"Oo! Sa kanila ako nakatulog kagabi, pero walang nangyari sa amin. Kaso nga lang,..."

"Kaso ano?"

"Nakita na niya ang pechay ko kasi habang wala akong malay sinuutan niya ako ng diaper. Kung bakit ba kasi bigla nalang akong nagtae."

"W-What? As in?!"

"Oo nga! Nakakainis nga siya eh. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Nahihiya ako na nagagalit sa kaniya."aniya't may kinuha sa kaniyang bag.

"Can you do me a favor?"

"Anything."

"Nasa akin kasi 'yung sasakyan niya. Plano ko sana na pahirapan siya bago ibalik iyon. Pero nagbago na ang isip ko. Gusto ko ikaw nalang ang magbalik sa kaniya. After lunch kukunin mo iyon sa bahay at dalhin mo sa kaniya sa hospital."aniya.

Ayaw na talaga niyang magpakita pa sa binata.

"Aayusin ko ang lahat ng dapat kong ayusin dito sa company. Tutal nandito nan si Angel, siya na muna ang bahala sa lahat."kanya pang patuloy.

"Saan ka pupunta? Aalis ka?"

"Yes. Gusto ko munang magbakasyon. Napag-isip isip ko na kailangan kong lumayo para makalimutan ko ang nangyari. Sigurado kasi akong hindi ako titigilan ng Doc. Mabayag na iyon, eh. Pupunta na muna ako sa probinsya ni yaya Odet. Nakapunta na ako doon dati. Maganda doon kaya alam kong makakarelax ako."aniya.

"Ang layo doon ah. Hindi ba sa Iba Zambales iyon?"

"Yup! Pero huwag na huwag mong sasabihin kay Doc. Mabayag na naroon ako, hah? Kahit anong mangyari huwag kang magsasalita. Mangako ka."

"Okey. Pangako."tila mabait na batang tugon ni Tanya.

"Pero, kailangan mo ba talagang umalis?"patuloy nito.

Hindi rin naman sigurado si Aila sa kaniyang desisyon, pero gusto niya talagang gawin iyon. Hindi lamang dahil sa hiya o wala siyang mukhang maihaharap kay Doc. Ken, kundi dahil sa gusto niyang magpakalayo na muna dahil natatakot siyang baka kapag hindi siya tigilan ng binata ay tuluyang mahuhulog ang loob niya dito. Oo, inaamin niya na tila may sumisibol na na pagtingin niya sa binata at gusto niyang bago pa lumala iyon ay kaniya ng papatayin. Hindi pa talaga siya handa na pumasok sa isang relasyon at magkaroon ng obligasyon at sa nakikita niya ay talagang hindi siya titigilan ni Doc. Ken, kaya uunahan na niya ito. Lalayo siya't pipiliting kalimutan ito.

Itutuloy...

Address

Zone 6
Naga City
4400

Telephone

+639065775057

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Heart Romances posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Heart Romances:

Videos

Share