01/12/2022
๐๐๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ -๐ข๐ข๐ง๐ ๐๐ญ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ค๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐, ๐
๐จ๐จ๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐ข๐ฌ๐๐๐ฌ๐, ๐๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฌ ๐ง๐๐ข๐ญ๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฅ๐๐๐ฒ
LEGAZPI CITY, ALBAY (PIA) -- Pinag-iingat ng Department of Health - Bicol at Albay Provincial Health Office (Albay Pho) ang publiko sa tumataas na kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) sa lalawigan.
Sa press conference ng DOH Bicol CHD nitong Martes, iniulat ni APHO Epidemiology and Surveillance Unit Coordinator Jed Bailon na nasa 585 na kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) ang naitala ng Provincial Health Office (PHO) Albay mula Enero 6 - Nobyembre 26 2022.
Sa bilang na ito, nasa 400 o pinakamataas na bilang ang mula sa mga batang edad isa hanggang limang taong gulang.
Pumangalawa ang 140 na kaso ng may edad anim hanggang sampung taong gulang, 29 a 0-11 month old, 12 sa edad 11-15, tatlo sa 16-20 at isa sa 21-25. Mahigit 45% o 283 ang mga babae at 52% o 302 ang mga lalaki.
Dagdag pa ni Bailon, bayan ng Oas ang may pinakamataas na kaso sa bilang na 162. Sumunod ang Legazpi City (107), Guinobatan (73), Daraga (55), Camalig (50), Tiwi (30), Tabaco City (25), Sto. domingo (16), Polangui (16), Malilipot (16), Manito (14), Rapu rapu (13) at Ligao City (walo).
๐๐๐ฃ๐ฉ๐ค๐ข๐๐จ ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐-๐๐ฌ๐๐จ
Ayon kay DOH - CHD Bicol Infectious Disease Cluster Head Dr. Janish Alcalla Arellano, kadalasang sintomas ng HFMD ang lagnat, masakit na lalamunan, pagkawala ng ganang kumain, mga pantal sa kamay, palad, talampakan ng mga paa, at maselang bahagi ng katawan.
Aniya, kung may ganitong sintomas ay agad na komunsulta sa doktor o pinakamalapit na health center.
Kanyang pinayuhan ang publiko lalo na ang mga magulang na panatilihing malakas ang immune system ng mga bata at kumain ng masusustansya at balanseng pagkain upang malabanan di lamang ang HFMD kundi rin ang iba pang sakit.
Kanyang paalala na ugaliing mag-hugas ng kamay at paa at takpan ang ilong at bibig sa tuwing babahing upang maiwasan na mahawaan o makapang-hawa ng iba.
Source:
(SAA/CLM/PIA5/Albay)