31/10/2024
Mga bagay na naiintindihan naming mag-asawa kaya we're really into business, investments, insurance, frugality and practicality:
1. Wala kaming aasahang pamana galing sa mga magulang o kahit sinong kamag-anak namin. Lahat ng naipundar ay built from ground zero at bunga ng pinagsama-samang pagsisikap, pagsisipag, disiplina, pagdarasal, delayed gratification at pagsisinop sa buhay. Pinakanararapat na pahalagahan ang mga bagay na pinagsumikapang makamit.
2. Kahit gaano kalaki ang income, hindi namin kayang magtrabaho forever. Tatanda at tatanda talaga tayo. When we stop working, the money stops coming in. Inevitable talaga yun.
Kaya ngayon palang, tinatrabaho na namin yung para sa future.
From the Bible, Noah did not wait for the storm to start building the ark.
God did not command him to take action nung andyan na yung storm 👍
3. One day, our income will stop, but the bills will continue. Idagdag pa ang medical expenses (both unexpected & anticipated) lalo kapag matatanda na kami.
How can we sustain it if we have a low pension?
Sino ang pension at financer? Anak? Relatives? Mga "Mah friend" na mauutangan?
Hopefully, not.
Lalong mahirap din naman umasa sa gobyerno. (Paano kapag pati inaasahang pension at benepisyo ay mapagtripan pa nilang pakialamanan? 🫢😅)
We know it's hard enough to provide for one's own family, so as much as possible ayaw na namin makadagdag sa alalahanin ng kahit sino lalo na sa pamilya namin.
4. Money is NOT the most important thing in this world. That's why we don't want to spend MOST of our lives, working for money. Why wait until old age para maenjoy ang time at fruits of labor kasama ang pamilya?
A big-time business owner once said,
"There's more to life than just working, paying bills, and booking vacations just because you're so stressed in life.
Wag kang pumayag na hanggang dyan ka lang.
Be grateful sa income na meron ka,
but never be complacent about building a good future."
(Inspired by & modified from Diane Reario Escanilla)