15/12/2024
Pag dumating na sa puntong nakakapagbayad ka na kuryente at tubig. Paminsan minsan nailalabas muna ang iyong pamilya na kumain ng masarap sa labas at nakakabili ka na ng damit na gusto mo lalo na kapag pasko o may okasyon. Ibig lang sabihin , umuusad ka at tama ang direksyong iyong tinatahak.
Hindi kailangang engrande para masabi mong may improvement na sa buhay mo. Mahalaga, alam mong may nabago at kontento ka sa mga pagbabagong 'to. Hindi man kasing bilis na iba ang importante may paglago.