01/02/2023
" Kargador ka lang "
Kargador literal , taga parking ng mga costumer , taga salansan ng mga kahon ng helmet , nagtitinda ng helmet at all around . Nakakapagod nga naman ganitong trabaho at kailangan mo ng matinding lakas para magampanan lahat ng ito .
May pagkakataon na naguumpisa ako sa trabaho na ito na nahiya ako bigla dahil nakadaupang palad ko ang isang kakilala at nakita nyang may buhat buhat akong mga kahon at inassist ko sya sa parkingan nya . Konting kamustahan at kwentuhan hanggang sa naipasok nya yung hindi ko daw tinapos yung course ko kaya ganun nangyari at mga kahon ng helmet ang binubuhat ko . Masaya ako sa kwento nya dahil maganda na ang buhay nya . Maayos na trabaho at may pamilya na . Sabi ko masaya ako sa ginagawa ko at nagpapasok ito ng maayos ng kita sa akin kahit nakakapagod naeenjoy ko mga ginagawa ko .
Ang natutunan ko sa tagpo na yun , hindi hadlang ang hindi ka nakatapos ng pag-aaral para magkaroon ka ng maayos , disente at marangal na hanapbuhay . Walang inaapakan at nilalamangan na kapwa . Bonus sa atin ang maigapang natin na makapagtapos tayo ng pag-aaral dahil ito yung pangunahing pangangailangan ng makabagong buhay natin .
Para sakin kung nababasa mo ito . Wag mo lagyan ng " Lang " ang mga bagay na kung ano ang meron ka . Kargador ka ? Maging proud ka . Dahil hindi madali ang maging kargador at likas na matikas ang hanapbuhay na yan dahil malakas ang pangangatawan mo . Kahit na anong trabaho gawin natin masaya tayo sa ginagawa natin . Pinakamasarap na pakiramdam ang pagiging masaya sa mga bagay na meron sa mundong ginagalawan natin .
Walang mahirap walang mabigat na bagay sa atin kapag grateful tayo at masaya sa ginagawa natin kahit ano pa yan . Lahat ng hirap at pawis na pumatak sa ginagawa natin magbubunga yan . Pagkatiwalaan mo lang ang sarili mo at mahalin ang ginagawa mo , magbubunga yan .
Respeto sa sarili at Pagmamahal ang isa sa mga sikreto para masabi at malaman mo ang totoong kahulugan ng pagiging masaya at kahulugan ng buhay 👌💕🫵🇵🇭
Sa Dakilang Manlilikha ang lahat ng Papuri at Pagpapala 🙏💕✨☝️