The Educator

The Educator The Official Student Publication of the College of Education, Central Luzon State University

๐—œ๐—ฆ๐—ฆ๐—จ๐—˜ ๐—ฅ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—ฆ๐—˜ | ๐—™๐—œ๐—ฅ๐—ฆ๐—ง ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ๐—Ÿ๐—˜๐—ง๐—ง๐—˜๐—ฅ Bago tuluyang dumako sa ikalawang semestre ay inihahandog ng The Educator, Opi...
13/01/2025

๐—œ๐—ฆ๐—ฆ๐—จ๐—˜ ๐—ฅ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—ฆ๐—˜ | ๐—™๐—œ๐—ฅ๐—ฆ๐—ง ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ๐—Ÿ๐—˜๐—ง๐—ง๐—˜๐—ฅ

Bago tuluyang dumako sa ikalawang semestre ay inihahandog ng The Educator, Opisyal na Pahayagan ng Kolehiyo ng Edukasyon ang Newsletter Bolyum 1, Isyu 1 para sa unang semestre A.Y. 2024-2025.

Ating balikan ang mga ingay na nagrerepresenta sa mga boses ng sangkaestudyantehanโ€”sa bawat hinaing at tagumpay na naging kaganapan sa loob at labas ng ating kolehiyo mula Agosto hanggang Disyembre 2024.

Maaaring ma-akses at basahin ang elektronikong kopya ng Newsletter isyu na ito sa pamamagitan nang pag-click ng link na nasa ibaba:

Flipbook: https://tinyurl.com/theeducator-newsletter-vol-1-1

Google Drive: https://drive.google.com/file/d/1sJGPodRdhBA4Jw-5TAROHoSViEOwZr9w/view?usp=drivesdk

๐——๐—˜๐—ฉ๐—–๐—ข๐— ๐—  | ๐—ฃ๐˜‚๐—น๐˜€๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ: ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด ๐—ฎ๐˜ ๐— ๐—ฎ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜†Kasabay ng pagbubukas ng bagong ...
03/01/2025

๐——๐—˜๐—ฉ๐—–๐—ข๐— ๐—  | ๐—ฃ๐˜‚๐—น๐˜€๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ: ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด ๐—ฎ๐˜ ๐— ๐—ฎ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜†

Kasabay ng pagbubukas ng bagong yugto para sa ating bansa ang mga boses na patuloy ang pagtangis at kaliwa't kanang bulyawan ng iba't ibang hinaing at kahilingan. Maririing yabag ang patuloy na sumusulong upang sana'y makamtan ang isang bansang payapa at ligtas. Isang bansang taas noong maipagmamalaki.

Limang buwan na lang ay Eleksyon nanaman. Nagsisilbing susi ng isang bansang may demokrasya ang pagdadaraos ng eleksyon. Sapagkat sa isang bansang may demokrasya binibigyang daan nito ang mamamayan upang pumili at kumilatis ng mga pinunong uupo at magsisilbi para sa bayan.

๐—”๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ผ๐˜๐—ผ?

Nakatakda na gumamit ang Pilipinas ng bagong Automated Election System (AES) sa darating na National at Local na eleksyon. Sa bagong automated elections system (AES), ang mga Pilipino ay boboto gamit ang Automated Counting Machines (ACMs) sa halip na Voting Counting Machines (VCMs) na ginamit sa halalan noong 2016 at 2019.

Mayroong 110,000 ACMs ang magagamit at ito'y bahagi ng P17.99-bilyong kontrata na iginawad ng Commission on Elections (COMELEC) sa joint venture na pinangunahan ng South Korean firm na Miru Systems noong Pebrero. Ang mga ACM ay ang pinahusay na bersyon ng mga VCM. Maaari itong mag-scan ng mga balota at mayroong direct recording electronic (DRE).

Saklaw nito ang "Hybrid Voting System" kung saan magkasama ang automated ballot counting at manual verification. "Thinner Ballot Paper" sa kabila ng mas manipis na papel nito sinisigurado pa rin ang malinaw at tamang mga marka sa balota. Gayon din ang "Summary of selected candidates on a screen" at "QR codes on voter receipts". Bukod dito, ang nasabing ACM sa 2025 ay may built-in na ballot box, tinitiyak na ang lahat ng balota ay maayos na nakasalansan sa buong proseso ng pagboto.

Nitong taon, 2024 mula Oktubre 1 hanggang 8 ay ang opisyal na paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) at Certification of Acceptance. Susundan ng Election Period at Gun Ban sa Enero 12 hanggang Hunyo 11, 2025. Samantala simula Pebrero 11 hanggang Marso 10, 2025 naman ang pangangampanya ng senatorial candidates at party-list groups. Kasunod nito ang pangangampanya naman ng mga kakandidato sa House of Representatives at Provincial, City at Municipal Elections mula Marso 28 hanggang Mayo 10, 2025. Magaganap ang overseas voting sa Abril 13 hanggang Mayo 12, 2025. Absentee Voting sa Abril 28 hanggang 30, 2025. Ang opisyal na Halalan sa Pilipinas ay sa Mayo 12, 2025.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ

Hindi maitatanggi na sa dinami-dami ng mga nagsusulputan na pangalang nagpapahayag ng kanilang intensyon sa politika, namumukod tangi pa rin ang mga pangalan at personalidad na may naitatag na reputasyon sa kahit ano mang larangan. Pagkakakilanlan na hindi alinlangan kung mula sa positibo o negatibong aspeto. Kaakibat nito ang palasak na tradisyon kung saan umiikot ang koneksyon ng mga kumakandito sa parehong dugo at apelyido na kanilang dinadala. Marahil hindi na ito bago pa sa ating bansa sapagkat mula noon hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pag-usad ng ganitong sistema, at walang nakikitang hudyat na ito'y matutuldukan.

Sa mga unang buwan pa lamang ng taong ito, taong 2024 hindi na makatatakas sa mata ng bawat isa ang mga karatulang isinasabit sa bawat sulok ng daanan. Nagsisilbing hudyat at nagpapabatid sa mga mamamayan ng pagtakbo ng mga kakandidato para sa kanilang mga ninanais na posisyon.

Makukulay at kaniya-kaniya ang paandar sa kung paano makukuha ang atensyon ng mga taong nakakasaksi dito. Mula sa mga malilit hanggang sa mga naglalakihang campaign posters, babalandra ang mga mukhang tila gasgas na sa dalas natin silang nakikita, gayon din naman ang mga bago at sumusubok upang magkaroon ng puwesto sa larangan ng politika. Sa pamamagigitan ng iba't ibang paandar na ito mula sa tradisyonal hanggang sa modernong pangangampanya patuloy pa rin na umiiral at lumalabas na mas matimbang ang pangalan kontra plataporma.

๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ง๐—ฒ๐—ธ๐—ป๐—ถ๐—ธ

Ang pagpili sa mga taong magiging sandigan ng ating bansa ay isang sersyosong desisyon na may kaakibat na responsibilidad. Sa panahong ganito hindi dapat pinaiiral ang kulturang nakasanayan kung saan gagamit ng teknik na ipipikit mo ang iyong mga mata at kung anong maituro ng iyong daliri ay siya ang kandidatong iyong iboboto.

Isa pa ang walang kamatayang "vote buying" na talamak pa rin hanggang ngayon. Lantaran na pagbili ng boto na animo'y bumibili lang ng toyo sa tindahan. Inihalal sila upang maglingkod at paglingkuran ang sambayanan at hindi sila ang paglilingkuran ng mamamayan. Hindi sila Boss, sila ay lingkod-bayan kung kaya't huwag aastang nasa ibaba ang mga nasasakupan at tila nag-aantay na maambunan ng awa't grasya.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐—ป, ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ผ

Ugaliing maging matalino at kilatising mabuti ang bawat kandidato na ihahalal. Sa pamamagitan ng matalinong pagpili, lulutang at lulutang ang pag-uugali at pag-iisip na dapat taglayin ng isang lider. Ang kamalian sa gobyerno ay nakasentro sa mga nahalal na namumuno rito. Sasalamin sa malawakang korapsyon na patuloy na lumalantad ang mga maling hangaring kanilang ikinukubli sa mga ngiting tila maskara. Ang pagpikit ng mata sa mga tiwaling gawain ay pagpayag na tapakan ang karapatan na mayroon ang mamamayan.

Nararapat na magkaroon ng masidhing pananagutan ang mga lider na mamumuno sa bansa sa mga aksyon na kanilang nagawa, ginagawa at gagawin. Isang lider na nagtataglay ng kaalaman na gagamitin sa tama at gagawing instrumento ang kakayahan bilang isang lider na handang makinig at aksyunan ang hinaing ng kaniyang nasasakupan. Lider na matalino, na hindi lolokohin ang kaniyang kababayan. Pipiliin kung ano man ang nakabubuti para sa bansa, hindi para sa bulsa.

๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ผ๐—น๐˜‚๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป

Iisa naman ang palaging nababanggit, iyon ay ang platapormang kaayusan, pag-unlad at pagbabago. Ngunit sa mga pangakong ito iilan nga lang ba ang tunay na natutupad. Mga pangakong sinasambit, ngunit dumadaan ang taon, dumadaan ang eleksyon pero tila ganoon pa rin. Patuloy lamang na nalulunod sa bawat pangakong lumulubog at mga binigkas na tila tinangay na ng mga alon.

Ayon sa ulat ng COMELEC nitong Nobyembre 03, 2024 nasa 68.6 milyon na ang rehistradong botante para sa 2025 National, Local, at Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections. Ang eksaktong bilang ng mga rehistradong botante ay 68,618,667, na mayroong 33,690,884 lalaking botante at 34,927,783 babaeng botante.

Huwag pasisilaw sa ano mang materyal na bagay na ihaharap kung kapalit naman nito ay ang iyong boto. Iwasan ang pumili sa pansariling interes lamang sapagkat nasa kamay at desisyon natin ang kahihinatnan ng kinabukasan para sa ating sarili, sa ating pamilya at sa kinabukasan ng mga susunod pang henerasyon.

Bawat tintang tatatak sa balota ay sisimbolo sa pagbabagong hinahangad para sa bansa. Ang isang bansang may matatag at mahusay na pundasyon ay makakamtan sa pamamagitan ng isang malinis na eleksyon na may kaakibat na matalinong pagpili at pagboto ng mga taong mamumuno dito.

Sa panulat ni: Francine Fabros
Kuha ni: KC Fhie
Inianyo ni: Melvin Tadeo

Mga naging batayan:

https://www.gmanetwork.com/news/specials/content/260/eleksyon-2025/

https://cebudailynews.inquirer.net/612559/2025-elections

https://www.inquirer.net/419715/comelec-registered-voters-for-2025

Mga karagdagang larawan mula sa:

https://www.rappler.com/philippines/elections/comelec-premature-campaigning-rules-apply-2025-candidates-upon-filing/?fbclid=IwY2xjawHkk4JleHRuA2FlbQIxMQABHQPevaznHfAgDkyDWOiD712UOkKf32tB3_IcsrnyWQXuyD3znhCh_94jGw_aem_EYeU8_HxYKJDv-MGHsVR_Q

https://www.rappler.com/tachyon/r3-assets/9D585109329F471FA59B016C0430E3E1/img/2BAC51577C4E4E7FB29F8DB943057815/student-mass-walkout-morayta-february-23.2018-009.jpg?resize=1400%2C933&zoom=1&fbclid=IwY2xjawHkk5ZleHRuA2FlbQIxMQABHf239PyH7CXTdLYzDtuZgJwKDypfRQ-TID0YshQq4RHchVFVcDsNpHUA4Q_aem_I_C7r20QAvKNIV-ivCin8Q

๐—˜๐——๐—จ๐—ž๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐˜€ | Pasko na, Pero...Holiday na! Pero tekaโ€”โ€œCheck portal, teh!โ€โ€”isang grade reveal ang nagpapaalala sa'yo na hin...
26/12/2024

๐—˜๐——๐—จ๐—ž๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐˜€ | Pasko na, Pero...

Holiday na! Pero tekaโ€”โ€œCheck portal, teh!โ€โ€”isang grade reveal ang nagpapaalala sa'yo na hindi pa pala tapos ang kalbaryo. Sa isang subject nakasalalay ang kapalaran mo: merry christmas or merry tresmass?

Pero bakit ka pa malulungkot kung pwede ka namang mag-focus sa operation aguinaldo? Flex mo na lang 'yang best outfit n'yo sa pagraket kay ninong at ninang, 'wag na lang sana tanungin ang grades.

Habang nanginginig sa pag-check ng portal, tandaan: ang aguinaldo, hindi nagfa-fail. At least may pambawi kaโ€”kahit sa cash na lang muna. Meron nga ba? ๐Ÿคง

P.S. Ma'am/Sir, konting grace naman. Pasko na, โ€˜di ba? ๐ŸŽ„โ›„

Guhit at Kapsyon ni Maribeth Famoso

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—œ | ๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ผ, ๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜๐—ผ ๐—บ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ผ?Sa darating na pasko, ang gusto kong matanggap na ...
24/12/2024

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—œ | ๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ผ, ๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜๐—ผ ๐—บ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ผ?

Sa darating na pasko, ang gusto kong matanggap na regalo ay hindi materyal na bagay. Hiling ko lang na mapayapang buhayโ€”banayad na pagtakbo ng bawat araw; yung panatag na gabi at walang bakas ng luha at paghikbi. Walang takot, walang pagsisisi, walang kahit anong uri ng sakit, at pag-aalala kung paano na ang bukas.

Ikaw, anong gusto mong matanggap na regalo?

Caption by JP Ilangilang
Layout and Photos by KC Fhie Sator

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—œ | ๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ผIlang araw na lamang ay pasko na, karamihan sa aming baryo ay naghahanda na para ...
20/12/2024

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—œ | ๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ผ

Ilang araw na lamang ay pasko na, karamihan sa aming baryo ay naghahanda na para sa darating na Noche Buena. May mga bata na ring nagsisimulang mangaroling upang magkaroon ng mumunting pera. Ngunit pansin koโ€™y parang may nag-ibaโ€” tila nawala ang kislap sa kanilang mga mata kahit ang kalendaryo ay nasa habi na ng disyembre at ang kampana ng simbang gabi ay mang-aanyaya na.

Hindi ko sila masisi sapagkat kahit akoโ€™y nawalan na rin ng sigla sa darating na pasko. Para akong nalulunod sa lungkot na kung maaari lamang ay hatakin ko na ang mga nalalabing mga araw upang matapos na ang taon ito. Said na said na ang aking sigla sa mga hamong kinaharap bago pa sumapit ang kapaskuhan. Ang parol na nakasabit sa aming tahanan wariโ€™y naging ordinaryong palamuti na lamang na kumukubli sa pagod na bumabalot sa mga taong naninirahan. Ang Christmas tree sa sala ay umiilaw kasabay ng pagtibok ng aking puso, ngunit hindi ito nagbibigay ng liwanag sa kaisipan at ng malamyos na init sa aking katawan. Tila baโ€™y nawalan na ng silbi ang mga palamuti dahil mas nangingibabaw ang aking pagdadalamhati.

Hindi ko maiwasang balikan ang mga paskong nagdaan. Ang tawanan sa hapag-kainan habang kami nina nanay at tatay ay nagkukwentuhan, ang tunog ng tansan at tambol habang ang mga bata ay nag-aawitan na siyang bumubuhay sa lansangan. Salu-salong kumakain ang bawat pamilya at sa pagsapit ng alas dose ay nagmamano sa aming loloโ€™t lola. Biruan na nagbibigay saya sa aming mukha habang inaabot ang sobre na may lamang pera.

Habang itoโ€™y aking naaalala, ang mga patak ng aking luhaโ€™y nagmamadaling mag-unahan na para bang itoโ€™y nasa isang karera. Ang paskoโ€™y wala nang ningning katulad ng dati kahit ang christmas light ay nagkalat saan man dumako ang aking mga mata. Ang sikip sa aking dibdib ay hindi mawala, tila ang pagkain na aming pagsasaluhan ay nawawalan na ng lasa dahil sa suliraning dinadala.

Marahil ang ningning ng pasko ay hindi lang mamamasdan sa dami ng palamuti na ating nakikita at sa pagkaing inihahanda. Baka hindi naman talaga nawala ang ningning, sadyang natabingan lamang ng dilim ng ating pangungulila. Sa kabila ng lahat akoโ€™y patuloy na umaasa na manumbalik ang galak sa puso ng bawat isa, at maghilom ang sugat ng kanilang dinanas ngayong taon ng sa gayon ang tunay na diwa ng paskoโ€™y muli nilang makadaupang palad; na itoโ€™y matatagpuan sa tawanan kasama ang ating kaibigan, yakap na ibinibigay ng ating mga magulang, o ang simpleng batiang โ€œMerry Christmasโ€ kahit hindi natin kilala ang bawat isa. Marahil ang darating na pasko ay magsisilbing aral sa atin na kahit ang bawat buwan ay hindi puno ng saya, sa paskoโ€™y mabubuo natin ang ating sarili para sa bagong simula. Na kahit hindi ito kasing ningning tulad ng mga nagdaan, ang mahalaga ay patuloy pa rin ang pagsiklab ng init ng puso ng bawat isa.

Sulat ni Charlyn Ann M. Rodriguez
Balangkas ni Melvin Tadeo

๐—˜๐——๐—จ๐—ž๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐˜€ | ๐—•๐˜†๐—ฒ ๐—™๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐˜€! ๐—›๐—ฒ๐—น๐—น๐—ผ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ป? Finally! Matapos puksain ng mga activities, performance task, demo at final exam ...
15/12/2024

๐—˜๐——๐—จ๐—ž๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐˜€ | ๐—•๐˜†๐—ฒ ๐—™๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐˜€! ๐—›๐—ฒ๐—น๐—น๐—ผ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ป?

Finally! Matapos puksain ng mga activities, performance task, demo at final exam ay oras naman para bumawi sa sarili. Isang tapik sa balikat para sa mga laban na iyong inilaban! Laban lang!

At dahil tapos na ang finals (hmm, tapos na nga ba talaga?),crush, tara habol sa lantern?
๐ŸŽ†๐Ÿ˜

Guhit ni Leo Cawagdan
Kapsyon ni Rocel Padre

"Success is the sum of small efforts, repeated day in and day out." โ€”Robert Collier After an arduous journey of diligent...
15/12/2024

"Success is the sum of small efforts, repeated day in and day out." โ€”Robert Collier

After an arduous journey of diligent study, sleepless nights filled with preparation, and a myriad of emotions ranging from excitement to uncertainty, the moment of triumph has finally arrived.

The Educator would like to proudly extend its heartfelt congratulations to our alumni staffers for their remarkable achievement in passing the September 2024 Licensure Examination for Professional Teachers.

As you prepare for your new roles as licensed professional teachers, we wish you every success in your endeavors. May you inspire and guide your students, as an essential bridge to their dreams and aspirations. ๐Ÿง‘โ€๐Ÿซ

๐Ÿ–‹๏ธ Uriel Ray Diaz
โœ’๏ธ Darlene Atimama, Rocel Padre

๐—˜๐——๐—จ๐—ž๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐˜€ | ๐—Ÿ๐—˜๐—ฃ๐—ง ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐—น๐˜  Umasa ka rin ba sa โ€œThe results will be released any minute nowโ€ update kahapon? Same! Matapos ...
14/12/2024

๐—˜๐——๐—จ๐—ž๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐˜€ | ๐—Ÿ๐—˜๐—ฃ๐—ง ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐—น๐˜

Umasa ka rin ba sa โ€œThe results will be released any minute nowโ€ update kahapon? Same! Matapos ang ilang buwan, oras, at minuto na paghihintay ay finally lumabas na kahapon ang resulta ng Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) na isinagawa noong Setyembre 2024!

Pagbati sa mga bagong g**o ng bayan! Gayundin, pagpupugay sa lahat ng mga sumubok na hindi pinalad. Nawaโ€™y hindi magwakas sa araw na ito ang inyong pag-asa na sa susunod ay kayo naman. Laban lang Maโ€™am and Sir. Lagiโ€™t lagi, para sa bayan!


Guhit ni Leo Cawagdan
Kapsyon ni Rocel Padre

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | CLSU CEd kabilang sa Top Ten Performing Schools: Ika-apat sa Elementarya; Ika-siyam sa SekondaryaMuling pinatun...
13/12/2024

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | CLSU CEd kabilang sa Top Ten Performing Schools: Ika-apat sa Elementarya; Ika-siyam sa Sekondarya

Muling pinatunayan ng Kolehiyo ng Edukasyon ng Central Luzon State University (CLSU) ang pagiging center of excellence nang ilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta sa Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) na ginanap noong ika-29 ng Setyembre 2024 kanina lamang Disyembre 13.

Ang Kolehiyo ng Edukasyon ng CLSU ay nakakuha ng passing rate na 93.20% para sa Elementary level na nagkamit ng ika-apat na pwesto sa national rank. Samantala, ang Secondary level naman ay nakakuha ng passing rate na 83.19% na nagkamit ng national rank 9.

Sumakatuwid, ang kolehiyo ay nakapagtala ng kabuuang 297 na mga bagong g**o sa sekondarya at 96 naman sa elementarya sa katatapos na LEPT.

Ayon sa PRC, sa pagtatapos ng taon ay naitala ang 68,900 na LEPT passer na may katumbas na 53.03% mula sa 129,928 kabuuang examinees.

Pagpupugay sa mga bagong g**o ng Bayan!

Ulat nina: Ma. Ashlyn Miguel, Rocel Padre
Inianyo ni: Rocel Padre

PRE-REGISTRATION IS NOW CLOSED.
07/12/2024

PRE-REGISTRATION IS NOW CLOSED.

๐—”๐—ก๐—ก๐—ข๐—จ๐—ก๐—–๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง | PRE-REGISTRATION FORM FOR THE EDUCATOR QUALIFYING EXAM IS NOW OPEN ONCE AGAIN!

The Educator, the official student publication of the College of Education (CEd), once again opens the door to all journalists and aspiring journalists under CEd to join our team. ๐—ช๐—ฒ ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ป๐—ฒ๐˜„๐˜€ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—ฐ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐˜€, ๐—ถ๐—น๐—น๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜€, ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ต๐—ถ๐—ฐ/๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐˜€๐˜๐˜€, ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฝ๐—ต๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ท๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜๐˜€.

For interested applicants, ๐—ฆ๐—ถ๐—ด๐—ป ๐˜‚๐—ฝ ๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—–๐—Ÿ๐—ฆ๐—จ ๐—ฒ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐—น ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐˜ and fill out the Google form through the link given below:

https://forms.gle/WCc7s4Dcm75MZurz7
https://forms.gle/WCc7s4Dcm75MZurz7
https://forms.gle/WCc7s4Dcm75MZurz7

The application period will remain open until December 7, 2024 (Saturday) 10:00 PM. Meanwhile, instructions for the workshop/qualifying exam will be announced through this page once we finalize the list of all applicants.

For any inquiries or clarifications, please don't hesitate to reach out to us via email: [email protected]

Illustration and Layout by: KC Fhie Sator

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Kauna-unahang Paskuhan ng Kolehiyo ng Edukasyon, inilunsadAng Kolehiyo ng Edukasyon ay pinasimulan ang pagpapai...
06/12/2024

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Kauna-unahang Paskuhan ng Kolehiyo ng Edukasyon, inilunsad

Ang Kolehiyo ng Edukasyon ay pinasimulan ang pagpapailaw ng mga parol ngayong ika-6 ng Disyembre sa CEd Old Building. Ang mga nagpapakadalubhasa sa iba't ibang larangan sa kolehiyo ay gumawa ng kani-kaniyang parol na gawa sa mga lokal, katutubo, at nareresiklong materyales na akma sa temang "PAG-IBIG: Tibok ng Paskong CLSU."

Pinasimulan ang pailaw sa pag-aalay ng kanta ng dalawang estudyante na sina Mon Beaver Marigmen at Kimberly Tiburcio. Sumunod ang pag-ikot at pag kilatis sa mga parol ng iba't-ibang g**o at propesor mula sa Kolehiyo ng Edukasyon kasama and Dean ng Kolehiyo na si Dr. Florante P. Ibarra.

Isinaad ni John Michael Dayag, CEd Governor na, "This initiative ay pinangunahan ni Dean together with CEd-SC. Isa sa sinusulong ni Dean together with CEd-SC ay united CEd or One CEd or One Heart, One CEd. So yung initiative na ito ay mahalaga para makita ang pagtutulungan ng bawat majors at laboratory school natin, ng CLTL-USHS. Yung main goal niya ay to improve collaboration at pagsasama-sama ngayong pasko."

Isa sa mga mag-aaral ng Kolehiyo ang nagbahagi ng kanilang ispirasyon sa kanilang parol. Ayon kay Andrew Macasose ng BSEd Math, "Yung sinisymbolize ng x and y ay ang coordinates. Kami ay coordinates. Parang CLSU at ang estudyante, hindi mapaghihiwalay and sabay silang magt-thrive for betterment. Then, yung mga ginupit na picture na lumilitaw sa may ilaw, sinisymbolize noon yung apat na kandila sa advent reads sa ngayong kapaskuhan na love, peace, joy and hope."

Dagdag pa rito, may magaganap na online posting upang tukuyin kung sino ang mananalo sa CEd Lantern Making. Ito ay malalaman sa Martes, Disyembre 9, 2024 na isasapubliko ng CEd-SC sa kanilang page.

Ulat ni: Charlyn Rodriguez
Kuha ni: KC Fhie Sator
Inianyo ni: Melvin Tadeo

๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | CEd celebrates the 6-Peat Championship of the CollegeIn the recently concluded 58th Intramurals of Central Luzon ...
04/12/2024

๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | CEd celebrates the 6-Peat Championship of the College

In the recently concluded 58th Intramurals of Central Luzon State University (CLSU), the College of Education's (CEd) Golden Fighting Lynx emerges victorious claiming their 6-peat championship title. In contrast, the members of the College organized a victory party at the New Building of CEd, on December 4.

The event is organized to show gratitude to everyone participating in the intramurals. Moreover, hundreds of students from different departments of CEd joined the victory party as they feasted on the food and sang at the Karaoke.

Report by: Lan Arwen Salmo
Photo by: Hadrick James Santua
Layout by: Hannah Facun

๐—”๐—ก๐—ก๐—ข๐—จ๐—ก๐—–๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง | PRE-REGISTRATION FORM FOR THE EDUCATOR QUALIFYING EXAM IS NOW OPEN ONCE AGAIN! The Educator, the official...
03/12/2024

๐—”๐—ก๐—ก๐—ข๐—จ๐—ก๐—–๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง | PRE-REGISTRATION FORM FOR THE EDUCATOR QUALIFYING EXAM IS NOW OPEN ONCE AGAIN!

The Educator, the official student publication of the College of Education (CEd), once again opens the door to all journalists and aspiring journalists under CEd to join our team. ๐—ช๐—ฒ ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ป๐—ฒ๐˜„๐˜€ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—ฐ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐˜€, ๐—ถ๐—น๐—น๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜€, ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ต๐—ถ๐—ฐ/๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐˜€๐˜๐˜€, ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฝ๐—ต๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ท๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜๐˜€.

For interested applicants, ๐—ฆ๐—ถ๐—ด๐—ป ๐˜‚๐—ฝ ๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—–๐—Ÿ๐—ฆ๐—จ ๐—ฒ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐—น ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐˜ and fill out the Google form through the link given below:

https://forms.gle/WCc7s4Dcm75MZurz7
https://forms.gle/WCc7s4Dcm75MZurz7
https://forms.gle/WCc7s4Dcm75MZurz7

The application period will remain open until December 7, 2024 (Saturday) 10:00 PM. Meanwhile, instructions for the workshop/qualifying exam will be announced through this page once we finalize the list of all applicants.

For any inquiries or clarifications, please don't hesitate to reach out to us via email: [email protected]

Illustration and Layout by: KC Fhie Sator

๐—œ๐—–๐—ฌ๐— ๐—œ | The Educator Wins 3 Awards at the 1st CLSU College Press Awards The Educator, the Official Publication of the Co...
02/12/2024

๐—œ๐—–๐—ฌ๐— ๐—œ | The Educator Wins 3 Awards at the 1st CLSU College Press Awards

The Educator, the Official Publication of the College of Education, showcased an outstanding performance at the first-ever CLSU College Press Awards during Campus Press Freedom (CPF) Week 2024 held on December 1.

This event aimed to recognize the outstanding works of college publications, with participants submitting their top entries in various categories that are posted online between January 1 and November 29, 2024.

Out of 11 categories, The Educator proudly secured awards in the following:

โ€ข Best Feature Article (2nd Place): "Faces of Eduk: Iginuhit na Pangarap" by Rocel Padre

โ€ข Best Infographics (2nd Place): "CEd-SC Halalan 2024: Mga Bagong Halal na Opisyal" layout by Melvin Tadeo

โ€ข Best News Article (3rd Place): "74.31% Voters Turnout, Naitala sa CEd SC Halalan 2024" by Maribeth Famoso

This success is proof of the dedication of every staffer, despite tough competition. The Educator will continue to serve the people with truth and integrity.

Report by: Valery Villanueva
Layout by: Melvin Tadeo

๐—–๐—”๐— ๐—ฃ๐—จ๐—ฆ ๐—ฃ๐—จ๐—• ๐—›๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—ฌ | Celebrating the enduring legacy of seven college-based publications in Central Luzon State Universi...
01/12/2024

๐—–๐—”๐— ๐—ฃ๐—จ๐—ฆ ๐—ฃ๐—จ๐—• ๐—›๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—ฌ | Celebrating the enduring legacy of seven college-based publications in Central Luzon State University (CLSU), each serving as a steadfast voice for the student body, a defender of truth, and a champion of press freedom. Through the years of their dedication, these publications have not only amplified the stories and struggles of the CLSU Community but have also stood firm in their mandate to uphold the journalistic practices.

As we celebrate Campus Press Freedom Week, we honor their unwavering pursuit of the truth and their significant role in empowering the voices of the students.

For the free press!







https://www.facebook.com/share/p/19Ydv8cs4T/?mibextid=oFDknk

๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ

๐—˜๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—•๐—ผ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ: https://web.facebook.com/share/p/15PRt9QKW8/

The journey toward the establishment of the College of Education's (CEd) official student publication, The Educator, dates back to the 1990s during the term of Dr. Danilo G. Tan, a former CEd dean. The publication reached its peak in the mid-2000s, regularly releasing newsletters under the title Peryodikit. In 2006, The Educator launched First Draft, a campus journalism training seminar that aimed to be an annual event, though it was eventually discontinued. Today, The Educator continues to share its journalistic expertise off-campus, with Asst. Professor Coreen T. Frias serving as the current technical adviser. The publication is led by Editor-in-Chief Rocel Padre (4th year, BSEd Major in Social Studies) and Associate Editor Miko Rydolf Bandril (3rd year, BSEd Major in Filipino).

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | CEd welcomes Batch 10 of SEA Teachers from Indonesia On November 29, the College of Education (CEd) hosted a welc...
01/12/2024

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | CEd welcomes Batch 10 of SEA Teachers from Indonesia

On November 29, the College of Education (CEd) hosted a welcoming presentation for Southeast Asian Teachers (SEA Teachers) Batch 10 from Universitas Muhammadiyah Sumatera Utara (UMSU), Indonesia which took place at CEd Old Building, Room 304, from 9:00 a.m. to 12:00 p.m.

Dwi Oktavianti and Fadhilatul Husna from UMSU, showcased Indonesia's rich cultural diversity, highlighting cities, mosques, traditional cuisines, famous attractions, traditional items, and indigenous dances. They also shared insights about their university's curriculum.

Furthermore, CEd students captivated the guests with impressive performances.

The Department of Language, Culture, and Arts Education (DLCAED), introduced by Dr. Emily Astrero, prepared three performances: Francine Rean Suyatโ€™s storytelling, Reyniel Tomasโ€™ spoken poetry, and Mon Angelo Biasbasโ€™ trumpet solo.

Similarly, the Department of Early Childhood and Elementary Education (DECEE), introduced by Ma'am Diane Joy Buisel, performed the โ€œPresentation of Book Charactersโ€: Roshane Jercel Lardizabal, Kimberly Idago, Diana Ann Grace Pascua, and Dane Francine Rivera for Goldilocks and the Three Bears; Jaycee Bohol and C-jay Bohol for Cinderella and Rosemarie Y. Robles and Arlene Joy Espiritu for Diwayen before the Spanish came.

Additionally, the Department of Policy and Practice (DEPP) introduced by Ma'am Elaisa Juan, presented the contemporary dance by Precious Lyneth Sampayan, Joanah Lee Cruz, and Rodolfo Granadozo.

After the event, Dr. Ma. Catalina Cadiz, the manager of the CLSU SEA Teachers Exchange Program under the College of Education, talked about their preparations.

"Sa umpisa pa lang ay mayroon na kaming calendar of activities sa kanila dahil alam namin yung kanilang pagdating, tapos ininclude talaga namin ang bawat department para may participation ang lahat ng estudyante para sa kanila. Tapos sila din, nagprepare talaga sila kaya ito ay prepared talaga na event dahil ito ay event ng SEA Teachers,โ€ Dr. Cadiz stated.

Dr. Cadiz also mentioned that the SEA Teachers are deployed in DepEd-CLSU Elementary (Lab.) School and are designated in Grades 5 and 6 where they teach Science.

โ€œI really enjoyed here because many people are so very kind and it's so very enjoyable, so we enjoyed it and I think, this place is so really peaceful, very fresh, very many trees and I really like to look at all of the students because they are very stylish and beautiful,โ€ said Oktavianti.

Report by: Gina Acosta and Clarisse Pearl Cano
Photo by: Charlene Mae Nidoy
Layout by: Melvin Tadeo

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | GNHS invites The Educator staffers as speakers for school-based pressconSelected staffers of The Educator, the of...
24/11/2024

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | GNHS invites The Educator staffers as speakers for school-based presscon

Selected staffers of The Educator, the official student publication of the College of Education (CEd) in Central Luzon State University (CLSU), are invited as resource speakers for the school-based press conference held at Ganduz National High School (GNHS) yesterday, November 23.

The event is spearheaded by Karen Gumpad, GNHS's School Paper Adviser, to further enhance their students' journalism skills in various categories.

Among those who are present are Rocel Padre, Editor-in-Chief; Miko Rydolf Bandril, Associate Editor; Ressandra Lyn Mozo, Managing Editor; Lan Arwen Salmo, News Editor; King John Christian Quinto, Feature Editor; Patrick Madrid, Sports Editor; Francine Danlee Fabros, Developmental Communication Editor; Melvin Tadeo, Head Layout Artist; Jovelyn Bayaban, Senior Opinion Writer; Jay Mark de Guzman, and Keisha Garcia, Probationary Staffers. Ohnie Garcia and Wendy Peralta, The Educator's former Editor-in-Chief and Circulations Manager, are also present together with the publication's adviser, Assistant Professor Ma. Francesca Coreen T. Frias-Almirol.

News writing, Feature writing, Editorial writing, Column writing, Science and Health writing, Sports writing, Copyreading and Headline writing, Literary writing, Photojournalism, Collaborative Desktop Publishing, and Radio Broadcasting are among the offered categories both in Filipino and English medium.

A total of 63 participants registered for various journalism categories, whereas only 33 students compete.

"Feeling proud and grateful that our Educator staffers stepped up again to answer the call of service! Beyond the technical finesse, itโ€™s their unwavering passion for writing that continues to inspire and uplift. After the challenges and postponement due to the weather, we're happy that it finally pushed through," said by Frias-Almirol in an interview.

The event was postponed twice due to the several typhoons that hit Nueva Ecija in the recent weeks.

Winners of various categories are set to have extensive training led by Gumpad to prepare the students of GNHS for their upcoming participation in the Congressional District (CD) II press conference to be held on December 10.

Report by: Lan Arwen Salmo and Miko Rydolf Bandril
Photos by: Ressandra Lyn Mozo and Coreen Frias-Almirol
Layout by: Miko Rydolf Bandril

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | VPAAโ€”evacuate dorms amid Super Typhoon Pepito; 447 residents evacuateAs a response to Super Typhoon Pepito's near...
17/11/2024

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | VPAAโ€”evacuate dorms amid Super Typhoon Pepito; 447 residents evacuate

As a response to Super Typhoon Pepito's nearing landfall, Dr. Ravelina R. Velasco, the Vice President for Academic Affairs (VPAA), orders the evacuation of selected dormitories to CLSU ICT Research Development and Training Center (CLIRDEC) early Sunday morning, November 17.

Residents of Male Dormitories 8 & 9 (Acacia Residence) 10 & 11 (Mahogany Residence), as well as Athlete's Dormitory, Ladies Dormitories 4 and 5 Main, were asked to vacate their premises by quarter to 1 pm.

As per the initial head count, there are currently 447 dorm residents who were evacuated on CLIRDEC.

The decision to evacuate came after safety assessments indicated potential risks due to the super typhoonโ€™s trajectory and accompanying heavy rains.

Moreover, other dormitories in the area remain safe and have not been included in the evacuation.

An evacuee was asked in an interview about their preparations and expectations to their evacuation area.

"Ang una po naming ginawa ay nag ayos po ng gamit naligo po kasi limited lang po ang resources [sa evacuation area] at nagluto po ng kanina simula tanghali hanggang gabihan. At saka sinundo kami ng CLSU bus at diniretso kami sa CLIRDEC. Ang inexpect po namin dito at isang room per dorm at hindi po siya mainit atsaka may aircon at hindi siya crowded," the evacuee states.

The evacuee adds that it's better in CLIRDEC because electricity and water is available, contrary to the dormitories, where their safety can also be compromised.

As of 5:54 pm, the relief food promised by Central Luzon State University (CLSU) President Evaristo Abella arrived to feed the evacuees at the CLIRDEC. Abella visited the site during the evacuation period.

Meanwhile, as per the latest updates, water levels of rivers in Bagong Sikat remain stable, with no signs of rising.

Super Typhoon Pepito made its landfall in Dipaculao, Aurora at 3:20 PM, bringing heavy rains and strong winds as it traverses Central and Northern Luzon, including the upland terrains of the Sierra Madre and Caraballo mountain ranges, before emerging over the coastal waters of Pangasinan or La Union by early tomorrow morning.

Additionally, Super Typhoon Pepito may exit the Philippine Area of Responsibility (PAR) by Monday morning, November 18.

Report by: Maribeth Famoso
Photos by: KC Fhie Sator
Layout by: Miko Rydolf Bandril

Address

Muรฑoz
3120

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Educator posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Educator:

Share