
14/09/2024
MGA BAGAY NA HINDI DAPAT SINASABI SA IBANG TAO
BIG PLAN
- una ito, dahil minsan masyado tayong na Madaldal at lahat ay sinasabi natin. Ito ang problema sa mga kwentong plano mo lahat yun ay expected nilang mangyayari at kapag di nila nakita yung part na yun babasahin nila yun as a failure, dahil yun ang magiging sukatan nila na hindi ka nagiging successful. Hindi mo naman sila kaya ng paliwanag ang lahat.
LOVELIFE MO
- ang relasyon mo sa pagitan ng karelasyon mo ay sa inyo lang. Private yun! sa inyo lang yun! Huwag masyadong mag kwento lalo na masyado ng pribado ang mga bagay sa inyo. Kahit na bestfriend mo, mas mainam na rin na may mga boundaries kayo.
SWELDO MO
- kultura na Focus dito, sa bagay, madalang naman yata sa Pilipinas na nagkwento ng kanilang salary every month o mga benefits sa opisina o sa Negosyo mo. Pero hangga't maaari iwasan ang magkwento tungkol dito lalo na hindi naman kayo pare-parehas ng kalagayan sa buhay.
MGA SUSUNOD MONG GAGAWIN O NEXT MOVE MO
- sa bawat ginagawa kasi natin sa buhay Lalo na kapag may problema tayo, mas magandang itago na lang natin to sa ating mga sarili o kaya personal na lang talaga dapat ang mga bagay na ito.
FAMILY ISSUES
- eto pa isa, mas maiging manatiling na sa loob ng pamilya ang mga isyung pampamilya. Isa pa, hindi mo naman kayang ikwento ang lahat ng parts ng pangyayari. Ang mahirap pa baka hindi mo na mabalik ka ng mga taong pinag kwentuhan mo at sooner or later ikaw na at ang pamilya mo ang susunod na topic ng kwentuhan nila.
PROBLEMA SA TRABAHO
- ang sabi ng mga eksperto mas mainam itago nalang ang mga problema mo sa boss mo, iisipin kasi ng kaKwentuhan mo na hindi ka masaya sa buhay mo o sa trabaho mo. Again, hindi mo naman lahat sila mababalikan para bigyan ng update sa kung ano ang mga nangyari.
KWENTONG NARINIG MO SA IBA
- uulitin ko kapag hindi mo alam kung ano ang buong kwento, hindi mo alam ang lahat ng facts, wala kang karapatan ikwento ang mga nakita at nalaman mo o yung mga kwentong narinig mo lang sa iba.
"Do not let any unwholesome talk come out of your mom but only What is Opo for building others up according to their needs that may benefit those who listen."