The Legacy Publication - URSM

The Legacy Publication - URSM Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from The Legacy Publication - URSM, News & Media Website, J. Sumulong Street Barangay San Juan, Morong.

The 42-year-old ๐™–๐™ช๐™ฉ๐™ค๐™ฃ๐™ค๐™ข๐™ค๐™ช๐™จ and ๐™ค๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™ž๐™–๐™ก ๐™จ๐™ฉ๐™ช๐™™๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™ฅ๐™ช๐™—๐™ก๐™ž๐™˜๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ of the University of Rizal System - Morong | Member of College Editors Guild of the Philippines (CEGP)

๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | University of Rizal System Adopts 4-Day Workweek; Condensed Schedules for 2nd SemesterThe University of Rizal Sys...
06/01/2025

๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | University of Rizal System Adopts 4-Day Workweek; Condensed Schedules for 2nd Semester

The University of Rizal System, encompassing all 10 of its campuses, starts its second semester for the academic year 2024-2025 on January 6, 2025. In alignment with the new memorandum s. 01-2025, university operations have shifted to a four-day workweek, functioning from Monday to Thursday. Consequently, Fridays will see university operations closed, except for rental services and approved overtime work or campus entry.

Starting January 6, 2025, this schedule adjustment has also led to the implementation of more compact schedules for students. Classes and academic activities are now concentrated within the four operational days, aiming to maintain academic rigor while adapting to the new workweek structure. This change is expected to enhance overall efficiency and provide a more flexible environment for both students and staff.

Report by Jan Abigail Guevarra | Staff Writer
Photo by Ranuel Delos Santos | Editor-in-Chief



๐—ง๐—Ÿ ๐—ž๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐˜€ | Squid GameBagong taon, bagong pagsubok.Ready na ba ang lahat sa mala-squid game na semester?Sulat at Obra ni...
06/01/2025

๐—ง๐—Ÿ ๐—ž๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐˜€ | Squid Game

Bagong taon, bagong pagsubok.

Ready na ba ang lahat sa mala-squid game na semester?

Sulat at Obra ni Leonard Renzo Estrabo | Literary Editor




๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ-๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ, ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฏ๐—ฎ? ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ผ?Oo man o hindi, ito na ang araw na tayo'y magkikita muli sa camp...
05/01/2025

๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ-๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ, ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฏ๐—ฎ? ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ผ?

Oo man o hindi, ito na ang araw na tayo'y magkikita muli sa campus!!

Sa papasok na semestre, aking ipinapanalangin ang magaan na kalooban sa bawat isa, kapayapaan para sa bubuksang bagong aralin, at syempre ang gradong ninanais ng lahat na makamit.

Kaagapay niyo ako sa lahat ng inyong saloobin, at kabalikat ninyo ako dahil gagawin ko ang lahat para mabisang mailahad ang balitang aking nararapat na dalhin.

Hanggang sa susunod, nagseserbisyo't nagbabalita;
Minamahal niyong Legasus.

Obra ni Kristel Santos | Artist



๐—ฅ๐—œ๐—ญ๐—”๐—Ÿ ๐——๐—”๐—ฌ: The Transcending Legacy of our National Hero โ€œ๐™๐™ค ๐™›๐™ค๐™ง๐™š๐™ฉ๐™š๐™ก๐™ก ๐™ฉ๐™๐™š ๐™™๐™š๐™จ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ ๐™ค๐™› ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ, ๐™ž๐™ฉ ๐™ž๐™จ ๐™ฃ๐™š๐™˜๐™š๐™จ๐™จ๐™–๐™ง๐™ฎ ๐™ฉ๐™ค ๐™ค๐™ฅ๐™š๐™ฃ ๐™– ...
30/12/2024

๐—ฅ๐—œ๐—ญ๐—”๐—Ÿ ๐——๐—”๐—ฌ: The Transcending Legacy of our National Hero

โ€œ๐™๐™ค ๐™›๐™ค๐™ง๐™š๐™ฉ๐™š๐™ก๐™ก ๐™ฉ๐™๐™š ๐™™๐™š๐™จ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ ๐™ค๐™› ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ, ๐™ž๐™ฉ ๐™ž๐™จ ๐™ฃ๐™š๐™˜๐™š๐™จ๐™จ๐™–๐™ง๐™ฎ ๐™ฉ๐™ค ๐™ค๐™ฅ๐™š๐™ฃ ๐™– ๐™—๐™ค๐™ค๐™  ๐™ฉ๐™๐™–๐™ฉ ๐™ฉ๐™š๐™ก๐™ก๐™จ ๐™ค๐™› ๐™๐™š๐™ง ๐™ฅ๐™–๐™จ๐™ฉ.โ€ โ€” Dr. Josรฉ Rizal

Ngayong araw, Disyembre 30, ay ating kagalang-galang na ginugunita at maluwalhating binibigyang pugay ang buhay, at mga aral na iniwan ng ating dakilang pambansang bayani, Dr. Josรฉ Rizal; ang kaniyang legasiya na ipinamana at tumatak sa bawat henerasyon at dekadang nagdaan, sumasariwa sa kaniyang makabayang pagkamatay taong 1896 sa makasaysayang lugar ng Bagumbayan (Luneta Park) sa kamay ng mga manggagapi noong panahon nang pananakop.

Ang kaniyang taglay na talino at pagkadalubhasa sa iba't-ibang larangan gamit ang pluma at papel ay ang mismong sandata ni Rizal upang matapang na iwaksi ang mga pagmamalupit, katiwalian, at panggigipit sa ating mga kapuwa Pilipino, sa ating inang bayan, ang Pilipinas. Sa mga akdang โ€˜Noli Me Tangereโ€™ at โ€˜El Filibusterismoโ€™ at kahit pa sa henupleksiyong โ€˜Sucesos de las Islas Filipinasโ€™ ay buong loob na ibinunyag ni Rizal ang baluktot na sistema ng mga mananakop na sukdulang nagpapahirap sa kalayaan ng mga Pilipino, gayundin ay itinama niya ang maling pagtingin ng mga dayuhan sa ating lahi, sa ating inang bayan.

Tunay na dakila ang legasiyang iniwan ni Dr. Josรฉ Rizal, ang kaniyang matatag na pagbibigay buhay para sa bayan ay siya ngang nagsilbing aral mula sa kasaysayan; ganundin ay naging wakas at simula nang pagkakamulat at pagkakataon upang mas maging bukas ang isipian, at magkaroon ng kritikal na pananaw ang mga Pilipino sa kahalagahan nang pagtatanggol at paggalang sa bayang ating tinubuan. Pamana ni Rizal hindi lamang ang araw na ito, kasama na rin ang kalayaan ng ating dakilang lahi at ang maraming oportunidad para sa mas magandang hinaharap, at tadhana ng bansa. Masihapyo nawa nating sariwain ang mga karunungang ito at patuloy na bigyang galang ang mga taong nagbuwis buhay at naging pundasyon ng bayan, isa na ng ating Pambansang Bayani, Dr. Josรฉ Rizal, upang makamit ang ating kalayaan.

Written by Arabella Grace Madueรฑo | Feature Editor




๐—ง๐—Ÿ ๐—ž๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐˜€ | Matanda Na"๐˜›๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข."Tuwing Pasko, palaging jackpot ang mga bata sa aginaldo! Samantala...
25/12/2024

๐—ง๐—Ÿ ๐—ž๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐˜€ | Matanda Na

"๐˜›๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข."

Tuwing Pasko, palaging jackpot ang mga bata sa aginaldo! Samantalang ang teens and above, umaasa na lang talaga sa milagro.

Sulat ni Jan Abigail Guevarra | Staff Writer
Obra ni Mark Allen Mateo | Artist




๐™ˆ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™–๐™ก๐™–-๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™ ๐™–-๐™ช๐™ ๐™ž๐™ฉ ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™—๐™–๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™™๐™ช๐™ข๐™–๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™–๐™ฎ๐™คAng "๐˜“๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ-๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜‰๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ" ay mga sulat paloob s...
24/12/2024

๐™ˆ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™–๐™ก๐™–-๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™ ๐™–-๐™ช๐™ ๐™ž๐™ฉ ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™—๐™–๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™™๐™ช๐™ข๐™–๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™–๐™ฎ๐™ค

Ang "๐˜“๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ-๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜‰๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ" ay mga sulat paloob sa tema tungkol sa mga ๐˜‰๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜š๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ, kung saan makikita na lahat ng bagay ay may ala-alang dala at istoryang tinatago.

Handog ng The Legacy Publication ang kompilasyon ng labing-dalawang sentimental na istorya na ito bago sumapit ang Pasko.

Alamin ang bawat kwento at sumubaybay sa aming page sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow.





๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 1: P**o BumbongMalagkit at dikit-dikit, ganiyan ilarawan ni nanay at tatay ang paborito naming kakanin...
24/12/2024

๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 1: P**o Bumbong

Malagkit at dikit-dikit, ganiyan ilarawan ni nanay at tatay ang paborito naming kakanin tuwing Pasko, walang iba kung โ€˜di ang p**o bumbong. Parang kami lang sa bahay: ako, sila at ang kapatid koโ€”dikit-dikit sa masikip na kwarto.

Pag-uwi ko galing eskwela ramdam ko na ang Pasko. Iba na ang simoy ng hangin at higit sa lahat may nagtitinda na ng kakanin.

โ€œ๐˜๐˜ด๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ฐ,โ€ sabi ko sa tindera.

Sapat na saโ€™min ang isang p**o bumbong, hahatiin na lang sa tag-iisang haba para kumasya. Medyo kapos pero masaya naman โ€˜pag kasama sila.

Habang naglalakad nang nakangiti pagpasok ng bahay, bigla akong kinabahan. Walang tao sa sala, kusina o banyo man. Hindi ko na alam ang gagawin ko, buti na lang tinawag ako ng kapatid ko sa likuran.

โ€œ๐˜’๐˜ถ๐˜บ๐˜ข, ๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฐ ๐˜ค๐˜ข๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ๐˜ข,โ€ saad niya.

At doon ako tinamaan, oo nga pala, โ€˜di na kami dikit-dikit ngayon. Si nanay nasa abroad na, si tatay naman may iba ng pamilya.

Ang bilis ng panahon, mabigat na sa tiyan ang p**o bumbong.

Isinulat at Obra ni Leonard Renzo Estrabo | Literary Editor and Head Artist





๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 2: Sa Hindi Mapakaling Simbang Gabi โ€œ๐˜ž๐˜ˆ๐˜๐˜๐˜!! ๐˜ž๐˜ˆ๐˜๐˜๐˜!!โ€โ€œ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ, ๐˜ด๐˜ฉ๐˜ฉ๐˜ฉ ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข,โ€ bulong ko sa kanya habang pin...
23/12/2024

๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 2: Sa Hindi Mapakaling Simbang Gabi

โ€œ๐˜ž๐˜ˆ๐˜๐˜๐˜!! ๐˜ž๐˜ˆ๐˜๐˜๐˜!!โ€

โ€œ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ, ๐˜ด๐˜ฉ๐˜ฉ๐˜ฉ ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข,โ€ bulong ko sa kanya habang pinipispisan ang kaniyang likod, at nagmamakaawang tumahimik na muna siya.

Ramdam ko ang mga tingin sa akin, mga matutulis na sibat na tumatagos hanggang sa kaibuturan ng dibdib ko. Tila nagmimistulang apoy ang bawat bulungan nila na unti-unting tinutupok ang naipon kong lakas. โ€œ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ฐ,โ€ bulong ko sa hangin, pero alam kong wala akong maririnig na sagot.

โ€œ๐˜”๐˜ˆ๐˜”๐˜ˆ!!โ€ mas lumakas ang kaniyang sigaw na malapit nang maging iyak.

"๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ, ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ด๐˜ฆ,โ€ mahinahon pero nagmamakaawa ang boses ko. Ngunit parang mas lalo siyang nagpupumiglas, para siyang ibong pilit ko na ikinukulong sa aking mga kamay. Hanggang sa hindi ko na kinayaโ€”binitiwan ko na siya kahit masakit.

โ€œ๐˜š๐˜ช๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ, ๐˜ฑ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ฆ ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข.โ€

Nanlaki ang kaniyang mga mata at nagsimula nang kumawala sa akin, sabay takbo papunta sa gitna upang makipaglaro sa ibang mga bata. Pinapanood ko siyang nakikipaglaro sa mga batang anghel sa gitna, masaya at malaya. Ngumiti siya sa akin pabalik at kumakaway, habang ako naman ay paluhang pinagmamasdan siya.

Masakit man sa aking dibdib ngunit kailangan ko na siyang pakawalan, hindi ko na siya kayang makitang naghihirap pa. Sa aking pagluhod ay humingi ako sa Diyos ng kapatawaran, kapit ang rosaryo sa isang kamay at kurdon sa kabila.

โ€œ๐˜—๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜“๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฅ, ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช.โ€

Isinulat at Obra ni Ibhraime Ammed Paz | Staff Writer





๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 3: Sandok at SabawSa lahat ng lugar na pwedeng i-share, kusina ang pinaka-ayaw ko. Weird man pakinggan...
22/12/2024

๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 3: Sandok at Sabaw

Sa lahat ng lugar na pwedeng i-share, kusina ang pinaka-ayaw ko. Weird man pakinggan, hindi naman kasi ako chef, ni hindi nga magaling maglutoโ€”sakto lang, minsan nga โ€˜di pa makain. Gayunpaman, ang kusina ay matagal ko nang naging โ€œ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ข๐˜ค๐˜ฆ,โ€ lalo na tuwing Pasko.

Siguro dahil na rin kay Papa. Siya kasi ang unang nagbigay-kulay sa silid. Kapag hindi siya nagmamaneho sa tirik ng araw, tiyak na naroroon siyaโ€”kaharap ang mauling na kawali at ang nag-aapoy na stove, hawak-hawak ang sandok na regalo pa noong kinasal sila ni Mama. Tiyak na abala siya sa paghahalo, pagbabalot ng lumpia, o pagtikim ng sabaw ng kanyang espesyal na sinigang sa malamig na gabi bago magpasko.

Ako? Tahimik lang akong uupo malapit sa tabi, hinihintay na tanungin kung gusto ko bang tumulong. Madalas, ako na rin ang maggagayat ng mga makukulay na gulay, habang si Papa naman patuloy lamang ang pagkilos. Ibang iba talaga ang sigla niya tuwing nalalapit na ang Pasko, tila ba bawat kilos ay may pagmamahal, syang di kaila ang kalansing ng sandok at ng kawali.

Si Papa kasi ang tipo ng ama na laging may espesyal na putahe tuwing Noche Buena, kahit gaano kasimple. Taon-taon, may pa-โ€œ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ช๐˜ข๐˜ญ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฒ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ตโ€ na sinasamahan ng mga paalala. Kapag masaya kasi siya sa kusina, para baang lumiliwanag ang buong bahay kahit kupas na ang Christmas tree.

Ngayon, mag-isa na lamang ako sa kusina. Wala na ang nakasanayang sabaw, tahimik na muli ang mala-instrumentong sandok. Madalang na rin ang mga oras na sabay kaming nakaupo sa lamesa. Kaya siguro, ayoko itong ibahagi sa ibaโ€”ito na lang kasi ang natitirang lugar na masasabi kong amin. Kaya sa gitna ng gabi, habang umaalingawngaw ang mga kantang pamasko, ay pilit kong isinasama sa bawat timpla, bawat halo, bawat sandok at sabaw ang paalala niyang โ€œ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ.โ€

๐˜”๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ฐ, ๐˜—๐˜ข. โ€˜๐˜‹๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ โ€˜๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ฐ, ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ-๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜จ.

Isinulat at Obra ni Ma. Eloisa San Diego | Staff Writer





๐—ง๐—Ÿ ๐—ž๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐˜€ | Grabi-Teh Grabi-teh, pagsilip sa portal hindi nag-defy ng gravity ang grades.Obra ni Leonard Renzo Estrabo |...
22/12/2024

๐—ง๐—Ÿ ๐—ž๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐˜€ | Grabi-Teh

Grabi-teh, pagsilip sa portal hindi nag-defy ng gravity ang grades.

Obra ni Leonard Renzo Estrabo | Literary Editor and Head Artist




๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 4: Panyoโ€œ๐˜‹๐˜ช๐˜ข๐˜ณ๐˜บ: ๐˜‹๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ณ 23, 2019๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ โ€˜๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ด๐˜ขโ€™๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต. ๐˜›๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ...
21/12/2024

๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 4: Panyo

โ€œ๐˜‹๐˜ช๐˜ข๐˜ณ๐˜บ: ๐˜‹๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ณ 23, 2019

๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ โ€˜๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ด๐˜ขโ€™๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต. ๐˜›๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ณ๐˜ข๐˜ง๐˜ง๐˜ญ๐˜ฆ, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ช. ๐˜๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜จ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฆ๐˜น๐˜ค๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฆ ๐˜จ๐˜ช๐˜ง๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข โ€˜๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ.

๐˜‰๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข-๐˜ธ๐˜ช๐˜ด๐˜ฉ๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ? ๐˜•๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช-๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ? โ€˜๐˜‹๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต.

๐˜ˆ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข โ€˜๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜™๐˜ฐ๐˜ฏ, ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ.โ€

Hindi ko naisip na babasahin ko โ€˜to sa harap ng maraming tao, hindi ko rin inasahan na sa sementeryo. Kung alam ko lang siguro ang hirap ng buhay mo noon baka โ€˜di ko na sinulat โ€˜yan. Kung alam ko lang na may sakit ka at hirap sa bayarin sa ospital โ€˜di na sana ako nagalit saโ€˜yo at nag-isip nang mababaw.

Pero, ang galing mo ngang pumili, kasi nagamit ko na โ€˜yung panyong bigay mo.

Isinulat at Obra ni Leonard Renzo Estrabo | Literary Editor and Head Artist





๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 5: Galit Ako kay SantaDear Santa,Galit po ako sa'yo dahil hindi mo naman tinutupad mga wish ko. Ilang ...
20/12/2024

๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 5: Galit Ako kay Santa

Dear Santa,

Galit po ako sa'yo dahil hindi mo naman tinutupad mga wish ko. Ilang taon na po ako nagwi-wish sa inyo pero ayaw mo naman po tuparin.

Nakakainggit lang kasi kapag sa ibang mga bata, tinutupad mo po yung sa kanila; matatamis na candy, toys, at bagong damit, pero kapag po sa'kin parang binabalewala mo lang.

Sabi nila kapag daw nagpakabait po ako, tutuparin mo daw po ang mga wish ko pero buong taon naman po akong nagpakabait para sa inyo. Tumutulong ako sa mga nangangailangan, gumagamit naman ako ng "po" at "opo,โ€ at higit sa lahat ay lagi po akong nakangiti.

Nakangiti kahit nagkakaroon po ng problema sa bahay, nakangiti pa rin po ako kahit pasa na ang inaabot ko kay papa, kahit lagi silang nagsisigawan ni mama. Nakangiti kahit na wala si ate at kuya, kahit ano po ang mangyari ay nananatili pa rin po akong nakangiti.

โ€ฆ

Sampung taon na ang lumipas Santa, hindi mo pa rin tinutupad hiling ko. Galit pa rin ako sayo.

- bunso

Isinulat at Obra ni Ibhraime Ammed Paz | Staff Writer





๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 6: Mom's CharmIn tender hands, a gift so fine,My mom's last words, forever divine."In my absence, let ...
19/12/2024

๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 6: Mom's Charm

In tender hands, a gift so fine,
My mom's last words, forever divine.
"In my absence, let this be your star,"
She whispered softly, near and far.

With trembling fingers, she handed it with care.
This tiny Santa, with an adorable hair
A symbol of Christmas, joyful and bright,
Granting wishes roam on endless nights.

When winter comes and cold I feel,
With mom's warm hugs, Iโ€™m suddenly healed.
Her eyes, like stars shone bright with love,
With guidance sent from the heavens above.

Even when her time with me was fleeting fast,
This little ornament will forever last.
Each Christmas, I hang him high,
A glimpse of memories made a tear in my eye.

Tears fall, yet smiles are made
For with this tiny Santa, her love remains
This tiny friend, a true reminder,
Of her love that will last forever.

Looking at this I hear her voice,
Whispering "I'm proud for your every choice."
Now I understand why this gift is pure,
For when I lost her it was my cure.

For every tiny Santa are seconds of laughter,
I cherished those moments when we were together.
And now, as I hang this ornament in December,
I will take my time and remember.

Written by Noel Rebato Jr. | Staff Writer
Artwork by Vince Jethro Clarito | Artist





๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 7: Isang Liboโ€œ๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ,โ€ sabi ng lalaki kagat ang kutsa...
18/12/2024

๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 7: Isang Libo

โ€œ๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ,โ€ sabi ng lalaki kagat ang kutsarang pilak sa bibig.

Hindi ko na pinapakinggan ang mga kwentong noche buena, dahil para saโ€™kin isang araw lang ulit ang Pasko para kumalam ang sikmura ko. Sana nga ganoโ€™n lang kadaling magsaya katulad ng sabi niya, pero ang hirap tumawa kapag wala kang nginunguya.

โ€˜Di tulad ng iba, walang sopresang dumarating saโ€™kinโ€”lahat pangkaraniwan. Pati magulang at kapatid ko patuloy lang sa araw-araw na gawain kahit naghihiyawan na ang mga tao sa kalsada. Kayaโ€™t alam kong dadaan lang ulit ang pasko ngayong taonโ€”walang bago.

Dala ang barya-barya sa wallet ko, lumabas ako sa tahimik naming bahay. โ€˜Di ko maiwasang makaramdam ng inggit sa mga tao habang pinapanood silang magbukas ng mga regalo. Hindi ko lubos matanggap na kailangan kong makuntento na lang, magtrabaho pa, o lakasan ulit ang loob.

Sa pakiramdam na kahit anong gawin ko ay walang nangyayari, kasalanan bang magbakasakali? Ang hirap magpakumbaba kapag wala kang pera, ang hirap maging handa sa noche buenang wala naman akong handa.

Papunta sa tindahan ng pastil, pumatak ang luha ko kasabay ng hanging malamig. At sa hindi inaasahan, nakakita ako ng sorpresang hinding-hindi ko maiisip na darating. Sa paa ko ay may isang libo, hindi ko alam kung kanino, pero agad kong kinuha โ€˜to.

Habang nagliliyab ang emosyon ko sa hindi patas na mundo, naisip ko ang mga pwede kong gawin sa perang hawak ko. Wala naman sigurong masama kung ako naman, ako naman muna ngayong Pasko.

Hindi ako sentimental na tao at wala namang sentimental sa pera. Pero dahil sa isang libo, nagkaroon ako ng isang daang rason para magsaya sa noche buenang hindi kayang bilhin ng sampung piso ko.

Isinulat at Obra ni Leonard Renzo Estrabo | Literary Editor/Head Artist





๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 8: MinutoTahimik, pero malamig ang paligid. Tanging tunog ng orasan sa dingding ang bumabasag sa katah...
17/12/2024

๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 8: Minuto

Tahimik, pero malamig ang paligid. Tanging tunog ng orasan sa dingding ang bumabasag sa katahimikan. Sa bawat minutong lumilipas, may ala-alang pumapasok sa aking isipan, para bang nakatira kami sa magkaibang planeta.

Siya, ginustong mag-abogasya, laging abala sa kanyang mga basahin, pagsusulit, at proyekto; ako naman, inaakyat pa rin ang bundok ng mga trabaho at responsibilidad. Parang naging banyaga na kami sa isaโ€™t-isa, dahil hindi namin alam ang nangyayari sa lugar kung nasaan man ang isa pa.

Kaninang umaga, isang mensahe ang dumating saโ€™kin: โ€œ๐˜“๐˜ช๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ๐˜ข? ๐˜‰๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ!โ€

Walang pagdadalawang isip, agad-agad akong sumagot. Madali namang habulin ang mga gawain, at dahil minsan na lang magtugma ang aming kalayaan hindi ko na pinalampas ang pagkakataong makasama siya.

Nagkita kami kung saan kami laging nagkikita, iinom ng kape at kukumustahin ang isaโ€™t-isa. Patuloy ang pagtakbo ng usapanโ€”mula sa simpleng kwento ng araw-araw, hanggang sa mga paksang โ€˜di kilala na madalas napupunta sa mga hilig naming ginagawa.

โ€œ๐˜”๐˜ช๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฑ ๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต? ๐˜‰๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ด ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข,โ€ sabi niya, habang iniikot ang kutsarita sa tasa.

Matagal ko na rin โ€˜yong iniisip, simula nang mag-kolehiyo kami, ilang beses kada taon ko na lang siya makita. Nasa Maynila ako, habang naiwan siya sa probinsya. Pero โ€˜di na โ€˜yon mahalaga bastaโ€™t kahit papaano, nagkikita kami at nagkakasama.

Napatingin ako sa aking relo at naalalang may kailangan pa akong puntahan. Ang bawat segundo, tila kumakapit sa huling piraso ng sandaling magkasama kami.

Ayaw ko mang umalis ngunit sinabi ko habang hawak ang kamay niya โ€œ๐˜๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ.โ€ Hinalikan ko ang kanyang kamay bago ko inumin ang natirang kape sa aking tasa. At bago pa man ako makatayo, hinawakan niya ko nang mahigpit dala ang lungkot sa kanyang mga mata. Ngunit, kahit gusto niya kong pigilan ay bumitaw siya, dahil alam niyang mahalaga ang oras ko.

Sa paglabas ko ng pintuan, muling bumalik ang tunog ng orasan. Sa bawat hakbang palayo ramdam ang bigat sa dibdib ko, hindi dahil sa lamig ng panahon kung hindi sa lamig ng pakiramdam na iniwan ng aming muling pagkakalayo.

Pagdating ko sa aking pupuntahan, kahit maraming tao, maingay ang paligid ngunit ramdam ko ang pagiging mag-isa. Mabagal ang takbo ng oras habang naghihintay, pero mabilis ang minuto โ€˜pag magkasama kaming dalawa.

Isinulat ni Justine Anievas | DevCom Editor





๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 9: Palangganang Ulo โ€œ๐˜‰๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ฐ ๐˜ฃ๐˜ข?โ€ tanong ni Jaja na siyang sinagot kaagad ni ate."๐˜‰๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ ๐˜ด๐˜ช ...
16/12/2024

๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 9: Palangganang Ulo

โ€œ๐˜‰๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ฐ ๐˜ฃ๐˜ข?โ€ tanong ni Jaja na siyang sinagot kaagad ni ate.

"๐˜‰๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ ๐˜ด๐˜ช ๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ. ๐˜‘๐˜ข๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ฉ๐˜ข," turo niya sa akin habang bitbit ang palanggana na kaniyang ipapasan.

Nakailang bilang na ng isda ang ginawa ko ngunit wala pa ring dumarating, sabi nโ€™ya ay maghintay lamang ako at bumilang ng isang isda sa tuwing tatapat ang mahabang kamay sa isa sa mga numero. Simula sa taas hanggang tumapat sa ika-pito, ngunit nasa ikawalong isda na ako at wala pa rin si ate.

Malapit na akong bumilang sa ika-siyam na isda nang may kumatok sa pinto. Aking pinagbuksan at bumungad sa akin ang mukha ni ateng pagod at pawisan.

...

Sa tuwing umaalis si ate ay mabigat ang kaniyang dala, puno ng responsibilidad at takot, puno ng mga bumabagabag na katanungan kung paano mairaraos ang pang araw-araw na buhay sa Maynila. Sa kaniyang pag-uwi, doon na lamang siya nakakapagpahingaโ€”kung saan natutupad ang panandaliang hiling na gumaan ang pasan niya.

Ngunit, iba ang aming kahilingan, ayun ay ang umuwi siyang mabigat pa rin ang dala.

Hilig kong pagmasdan ang palanggana na kaniyang binibitbit bago umalis. Humihiling na kahit isang beses ay umuwi siyang mabigat pa rin ang laman, katulad ng timbang sa tuwing lilisan siya ng bahay. Humihiling na maging sapat ang bilang ng isda para sa aming tatlo, nang hindi kumakanta ang mga sikmura dahil sa kakulangan.

Malansa man ang amoy ngunit masarap sa pakiramdam sa tuwing maaabutan namin siyang may laman pa rin. Tanging ang kanyang palanggana ang bumubuhay sa aming tatlo, ngunit sapat na ba kung uuwi siyang laman din ay hindi aabot sa tatlo?

...

Bumukas ang pinto at mukha niya ang bumungad saโ€™min, kaniyang inupo ang katawang hindi nararanasan ang ginhawa sabay abot sa akin ng kaniyang palanggana. Kukunin ko na sana ngunit akoโ€™y binalaan niya.

Sa kaniyang mga binigkas ay nanlaki ang aking mga mata, kasabay ang hindi maipaliwanag na mga ngiti. Sigurado ako na itong bisperas ng pasko ang hindi ko makalilimutan, dahil ito ang unang beses na umuwi siya at sinabingโ€”

โ€œ๐˜๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜‘๐˜ข๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฏ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ต โ€˜๐˜ต๐˜ฐ.โ€

Isinulat at Obra ni Ibrhaime Ammed Paz | Staff Writer





๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 10: Nawawalang mga BituinNoong bata pa ako, sapat na ang parol para maramdaman ang diwa ng Pasko. Maku...
15/12/2024

๐—ง๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | Day 10: Nawawalang mga Bituin

Noong bata pa ako, sapat na ang parol para maramdaman ang diwa ng Pasko.

Makulay at maliwanag, isang payak na palamuti na nagdadala ng ilaw sa dilim. Ito ang simbolo ng Paskoโ€”ang panahon ng bakasyon, mangaroling sa kalsada kasama ang mga kaibigan, at sama-samang kumain ang buong pamilya.

Ngunit bawat taon, tila kumukupas ang mga bituinโ€”iilan na lang ang nakasabit.
Ang dating makukulay at maliwanag na parol, ngayoโ€™y nagkukupas, nag-iipon ng alikabok.

Ngayong Disyembre, naging mas tahimik ang Pasko at habang tumatanda parang nawawala ang hiwaga nito.

Datiโ€™y sapat na ang kaligayahang dala ng kislap ng mga parol, pero ngayon, ang tanong na ay paano mababayaran ang kuryente sa Enero.

Hinahanap ko pa rin ang liwanag. Hindi ng parol, kundi ang mga simpleng arawโ€”mga panahon na walang inaabala kundi kumain at mamasko tuwing Pasko.

Ang dating batang tumutuwang sa bawat kislap ng parol ay lumaki na. Hindi ko man muli maramdaman ang saya ng bakasyon dahil sa trabaho, o makasama muli ang mga dati kong kaibigan.

Napagtanto ko na ang liwanag ng Pasko ay hindi na nasusukat sa palamuti at dekorasyon kundi sa mga mas tahimik ngunit mas malalalim na halaga: Isang pagkakataong magpasalamat sa bawat taon na dala ng diwa nito at ang pagtanggap na ang pagbabago ay bahagi ng buhay.

At siguro, sa ganitong paraan natutunan kong sabihing, hindi man kasing liwanag ng dati ang paligid, hindi pa rin nawala ang diwa ng Pasko.

Isinulat at Obra ni Armand Aragones | Staff Writer





๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | Honoring Educators, URS hosts the 31st Guronasyon  The University of Rizal System (URS) hosted the 2024 Guronasyo...
14/12/2024

๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | Honoring Educators, URS hosts the 31st Guronasyon

The University of Rizal System (URS) hosted the 2024 Guronasyon Awards on December 13, 2024, at the Casimiro Ynares Sr. Auditorium in Binangonan, Rizal.

Sponsored by the Guronasyon Foundation Inc., the event themed โ€œTaas Noo, Gurong Rizalenyo: Biyaya sa Pag-Ugit ng Mayamang Kultura at Kasaysayanโ€ aimed to honor the provinceโ€™s most outstanding elementary and secondary educators, school principals, TESDA Tek-bok trainers, and tertiary level faculty and heads from DepEd Antipolo, DepEd Rizal, and across the province.

This annual celebration, now in its 31st year, has seen URS as the host for the past three consecutive years. The event continues to spotlight the significant contributions of educators in shaping the rich culture and history of the province of Rizal.

Highlighting the cultural theme, the Morong Inrayog De Moro Dancers, along with the Hiyas ng Rizal - Antipolo Dance Troupe, performed a series of traditional and festival dances as the event's opening salvo. Their graceful movements, depicting the rich cultural heritage of the region, captured the audience. Singers from different URS campuses also participated, enhancing the event with their harmonious voices.

Following the captivating cultural performances, the finalists from various schools were introduced. As the opening segment concluded, a succession of messages came to the stage. Dr. Nancy T. Pascual started the night with her heartfelt welcome address.

In her message, Dr. Pascual emphasized the importance of recognizing and appreciating the dedication of educators who have tirelessly worked to shape the minds of the future generation. "๐˜ผ๐™จ ๐™ฌ๐™š ๐™œ๐™ง๐™ค๐™ฌ ๐™ฉ๐™ค๐™œ๐™š๐™ฉ๐™๐™š๐™ง ๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™˜๐™ ๐™ฃ๐™ค๐™ฌ๐™ก๐™š๐™™๐™œ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™๐™ค๐™ฃ๐™ค๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ค๐™ช๐™ง ๐™š๐™™๐™ช๐™˜๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ง๐™จ, ๐™ก๐™š๐™ฉ ๐™ช๐™จ ๐™œ๐™ž๐™ซ๐™š ๐™˜๐™ง๐™š๐™™๐™ž๐™ฉ ๐™ฉ๐™ค ๐™ฉ๐™๐™ค๐™จ๐™š ๐™ฌ๐™๐™ค ๐™๐™–๐™ซ๐™š ๐™˜๐™ค๐™ฃ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™ช๐™š๐™™ ๐™ฉ๐™ค ๐™จ๐™๐™–๐™ฅ๐™š ๐™ฉ๐™๐™š ๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™™๐™จ ๐™ค๐™› ๐™ค๐™ช๐™ง ๐™›๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™š," she said, setting a tone of gratitude and celebration for the event.

Following the tone of appreciation that Dr. Pascual instilled, Mayor of Binangonan, Engr. Cesar M. Ynares expounded on the scope of the teacher and how it transcends beyond the knowledge needed to develop in the classroom. โ€œ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™œ๐™ช๐™ง๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™–๐™œ๐™–๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™ช๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ฉ๐™–๐™œ๐™–๐™ฅ๐™–๐™œ-๐™จ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™ช๐™ก๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™–โ€˜๐™ฉ ๐™ฉ๐™ง๐™–๐™™๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ,โ€ he said, aligning the relevancy of the theme towards the role of the teachers; furthermore, exemplifying his praise and thanks to those who continue to strive to serve quality education.

Multiple quotes regarding the impact of education on the facets of public service that every speaker is immersed in were uttered:

Mayor of Antipolo, Hon. Casimiro "Jun" Ynares III M.D. likened teachers to a precious gift, alongside that giving the three qualities of such memento: something that entails rarity, a value that appreciates with time, and ultimately unrivaled in its preciousness. His words make the relationship stronger, as all attributes that are onto something so priceless envelop the significance of these public servants in our daily lives.

โ€œ๐™†๐™–๐™ฎ๐™ค [๐™ฉ๐™š๐™–๐™˜๐™๐™š๐™ง๐™จ ๐™ค๐™› ๐™๐™ž๐™ฏ๐™–๐™ก] ๐™ฅ๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™ ๐™ค๐™ฎ ๐™ ๐™ค, ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™ฅ๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™จ๐™– ๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ ๐™–๐™ข๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™™๐™–๐™๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™ ๐™ช๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™ ๐™ž๐™ฉ ๐™ ๐™–๐™–๐™ ๐™ž๐™ฉ-๐™–๐™ ๐™ž๐™ฉ ๐™ฉ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™—๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™ง๐™ค๐™—๐™ž๐™ฃ๐™จ๐™ฎ๐™–.โ€ Governor of Rizal, Hon. Nina Ricci A. Ynares expressed how much the development of quality education has improved the appeal of the province of Rizal on its competitive streak. She shared that investors and businesses see value in the province due to its development in the people that are cultivated in our classrooms.

Vice President of Finance and Administration, Dr. Marvin P. Amoin further signified the recognizance of our mentors as modern day heroes. In his words he implied that the era of fast paced change is founded by how rich our education is, and how that imbues innovation.

As Hon. Michael John โ€œJackโ€ R. Duavit introduced the guest speaker, Ms. Ma. Jessica A. Soho, he expressed his personal experiences in mentorship and how, throughout his role in public service, it never once went away, integrating itself as a part of his life inside and outside the office.

โ€œ๐™ƒ๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™จ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™™๐™–๐™ ๐™ž๐™ก๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™ž ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™ข๐™–๐™ž๐™ก๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™๐™–๐™ก๐™–๐™œ๐™– ๐™จ๐™–๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ฉ ๐™ฌ๐™–๐™ก๐™– ๐™ ๐™–๐™ข๐™ž ๐™ง๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™ ๐™ช๐™ฃ๐™œ ๐™ฌ๐™–๐™ก๐™– ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค.โ€ Among all words, she captured the way of thanks with how educators were the pillars of development and how not only herself but everyone before her would not be where they stand if it was not for them.

Following the stream of gratitude, the awards for Most Outstanding Elementary School Teacher, Most Outstanding Secondary School Teacher, Most Outstanding Elementary Principal, and Most Outstanding Secondary Principal were handed out by Hon. Casimiro "Jun" Ynares III M.D., Engr. Cesar M. Ynares, Hon. Michael John โ€œJackโ€ R. Duavit, Dr. Nancy T. Pascual, and Hon. Nina Ricci A. Ynares.

Report by Jan Abigail Guevarra | Staff Writer, Ranuel Delos Santos | Editor-in-Chief

Photo by Ranuel Delos Santos | Editor-in-Chief



Address

J. Sumulong Street Barangay San Juan
Morong

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Legacy Publication - URSM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Legacy Publication - URSM:

Videos

Share