Radyo Bandera MyFm Midsayap

Radyo Bandera MyFm Midsayap Hi !!! Greetings of Peace and Prosperity from Midsayap Cotabato! The radio station is located at 2nd Floor, Plaza Madonna Building, Quezon Ave.

The Municipality of Midsayap is one of the fast-growing municipalities in the central part of Mindanao. It is considered as the business and social hub of the surrounding municipalities like Pigcawayan, Libungan, Alamada, Aleosan, Banisilan and Datu Piang. Radyo Bandera My Fm Midsayap uses state of the art broadcast technology with a powerful 1,200 watts capacity reaching wide areas like the Provi

nce of North Cotabato, South Cotabato, Maguindanao, Sultan Kudarat and some parts of Bukidnon and Lanao. Midsayap, Cotabato, with 7 personnel who run the management and operation lead by the Station Manager (1) ,Digital Jocks (5), Technical men (2) , News writer (1)

With this , we invite and offer you for your advertisement needs with our rate for your business, programs and projects , documentations , press release and others to be plug on the airwaves.

Radyo Bandera MyFm Midsayap
07/07/2024

Radyo Bandera MyFm Midsayap

AAPRUBAHAN na ng Food and Drug Administration (FDA) Philippines sa loob ng dalawang linggo ang kauna-unahang bakuna sa b...
07/07/2024

AAPRUBAHAN na ng Food and Drug Administration (FDA) Philippines sa loob ng dalawang linggo ang kauna-unahang bakuna sa bansa kontra African swine fever (ASF) para sa commercial use, ito ang sinabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Ayon kay Laurel na ang commercial approval ng FDA ay susundan agad ng distribusyon ng naturang bakuna.

Ipinahayag ng DA Secretary na ang bakuna ay epektibo. “Ang bakuna mula sa Vietnam ay talagang epektibo. Kaya’t ito ang solusyon sa ating problema,” kanyang binigyang-diin.

Samantala, sinabi rin ni Tiu Laurel na ang Department of Agriculture ay magpopokus sa masusing pag-inspeksyon ng mga imported na produkto na pumapasok sa bansa.

Ang pagkakaroon ng ASF vaccine sa merkado ay inaasahang makapipigil sa pagkalat ng naturang sakit, ayon sa Department of Agriculture - Philippines.

Bagaman hindi delikado sa mga tao, ang ASF ay nakaapekto sa mahigit tatlong milyong baboy simula nang maitala ang unang kumpirmadong outbreak nito sa bansa noong 2019.

Pinarangalan ng Ministry of Transportation and Communications-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang mga ta...
06/07/2024

Pinarangalan ng Ministry of Transportation and Communications-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang mga tanggapan ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa mga paliparan sa lungsod ng Zamboanga, General Santos, Davao at Cagayan de Oro sa maayos na pangangalaga ng mga Muslim na nag Hajj sa Saudi Arabia bago lamang at dumaan sa naturang mga airports pauwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Iniulat nitong Sabado, July 6, 2024, ni Bangsamoro Transportation and Communications Minister Paisalin Pangandaman Tago na nagpasalamat din ang MoTC-BARMM at si Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim sa mga mga kawani ng CAAP sa pagsuporta sa "Oplan Byaheng Ayos: Hajj Sundo 2024" ng regional government na nakatuon sa kaayusan ng byahe sa pag-uwi ng mga Muslim sa Bangsamoro region mula sa kanilang pag-hajj sa Makkah, Saudi Arabia.

Ayon kay Tago, ganun din ang naging suporta ng mga kawani ng CAAP sa naturang apat na mga airports sa pagtiyak ng kaayusan sa paglisan ng mga nag-hajj mula Mindanao patungong Manila bago umalis papuntang Saudi Arabia.

Mga opisyal at mga kawani ng Civil Aeronautics Board of the Bangsamoro-BARMM ang siyang naggawad kamakalawa, ayon sa direktiba ng MoTC-BARMM, ng mga parangal sa mga tanggapan ng CAAP sa mga paliparan sa mga lungsod ng Zamboanga, General Santos, Davao at Cagayan de Oro. (July 6, 2024)

Become our Kabuhayan Partner today for only ₱1,000!Sa Hiyang Lifetime Membership ✅Sa Hiyang Unli Income ✅Sa Hiyang May M...
06/07/2024

Become our Kabuhayan Partner today for only ₱1,000!
Sa Hiyang Lifetime Membership ✅
Sa Hiyang Unli Income ✅
Sa Hiyang May Monthly Incentives ✅
Sa Hiyang Ikaw ang Boss ✅
Sa Hiyang May Savings ka ✅
Sa Hiyang Gaganda kana Kikita Kapa!✅
▶️25-50% Discount on all Products
▶️10% Savings/ Ewallet
▶️Referral Commission
▶️Unilevel Commission
▶️Incentive Program

Please visit Hiyang kabuhayan depot Midsayap located @ 2nd floor Ledesma Bldg. Poblacion 4, Midsayap

Magkatuwang na inilunsad nitong Huwebes, July 4, 2024, ng Bangsamoro health ministry, ng Basilan governor’s office, at n...
06/07/2024

Magkatuwang na inilunsad nitong Huwebes, July 4, 2024, ng Bangsamoro health ministry, ng Basilan governor’s office, at ng mayor ng Sumisip ang paggunita ngayong taon ng National Nutrition Month sa probinsya, kanilang inuugnay sa pagpalaganap ng kaalaman hinggil ng kahalagahan ng tamang nutrisyon para sa lahat.

Isinagawa ang naturang programa sa Barangay Look-Bait sa ngayon ay mapayapa ng bayan ng Sumisip sa Basilan, dinaluhan ni Bangsamoro Health Minister Kadil Monera Sinolinding, Jr., ni Mayor Jul Adnan Hataman, mga representatibo ng tanggapan ni Gov. Hadjiman Salliman at mga kawani ng provincial health office at Ministry of Health-Basilan.

Sa kanyang mensahe kaugnay ng naturang okasyon, ipinaliwanag ni Health Minister Sinolinding ang kahalagahan ng tamang nutrisyon para sa magandang kalusugan ng mga residente ng Basilan.

May mataas na antas ng stunted growth, o pagka-bansot ng mga bata sa Basilan sanhi ng kakulangan ng tamang nutrisyon sa kabila ng maraming mga malalawak na sakahan sa probinsya na maaring pagtamnan ng mga masustansyang gulay upang mailuto at maihain para sa mga kabataan.

Nagkaisa sina Minister Sinolinding, si Mayor Hataman at ang administrasyon ni Gov. Salliman na magtulungan sa pagsawata ng malnutrisyon sa lahat ng panig ng Basilan, kung saan umuunlad na ang komersyo dahil mapayapa at sa maayos na pamamahala ng provincial government nito. (July 6, 2024)

Nakumpiska ng mga pulis ang abot sa P5.6 million na halaga ng imported na sigarilyo sa panibagong anti-smuggling operati...
06/07/2024

Nakumpiska ng mga pulis ang abot sa P5.6 million na halaga ng imported na sigarilyo sa panibagong anti-smuggling operation sa probinsya ng Sulu sa Bangsamoro region nitong Huwebes, July 4, 2024.

Kinumpirma nitong Biyernes ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang pagkumpiska ng mga pulis sa naturang operasyon ng 97 na malalaking kahon na naglalaman ng mga sigarilyong gawa sa Indonesia, natagpuan sa isang imbakan sa isang barangay sa Patikul, Sulu.

Naikasa ang operasyong nag-resulta sa pagkakatagpo ng naturang kontrabando at pagka-aresto ng isang lalaking nagbabantay nito sa tulong ng mga impormanteng Tausug community leaders sa Patikul, hindi kalayuan sa bayan ng Jolo, ang kabisera ng Sulu.

Ayon kay Tanggawohn ang mga imported na sigarilyong nasamsam sa naturang operasyon, magkatuwang na isinagawa ng mga kasapi ng Patikul Municipal Police Station, ng Sulu Provincial Police Office at ng mga tropa ng Regional Mobile Force Battalion ng PRO-BAR, ay nakatakda ng ipa-kustodiya sa Bureau of Customs. (July 6, 2024)

Karagdagang 19 pa ng mga miyembro ng tribong Blaan ang nagtapos ng kolehiyo sa pagtutulungan ng kanilang tribal councils...
05/07/2024

Karagdagang 19 pa ng mga miyembro ng tribong Blaan ang nagtapos ng kolehiyo sa pagtutulungan ng kanilang tribal councils, local government units at ng isang pribadong kumpanya.

Kinumpirma nitong Sabado, July 6, 2024, nila Mayor Joel Calma ng Kiblawan, Davao del Sur at mga municipal officials, mga tribal leaders sa Tampakan, South Cotabato, isa sa kanila si Domingo Collado na Indigenous People’s Mandatory Representative sa konseho ng naturang bayan, ang pag-graduate sa kolehiyo nitong 2023-2024 school year ng 19 na mga Blaan sa pamamagitan ng scholarship program ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI).

Abot na sa 801 ang nagtapos ng kolehiyo mula sa Kiblawan, sa Tampakan at dalawa pang mga bayan, ang Columbio sa Sultan Kudarat at Malungon sa Sarangani, nito lang nakalipas na pitong taon sa pagtutulungan ng mga tribal leaders, mga LGUs, at ng SMI na hindi pa man nakakapag-simula ng Tampakan Copper-Gold Project ay gumastos na ng mahigit P2 billion para sa mga humanitarian projects nito sa naturang apat na mga bayan.

Mismong Malacañang ang nagbigay ng pahintulot sa SMI na magsasagawa simula sa susunod na taon ng Tampakan Copper-Gold Project sa mga Blaan ancestral lands sa Tampakan na may ganap na pagsang-ayon ng Blaan tribal councils at National Commission on Indigenous Peoples. (July 6, 2024)

NAGTALA ng kaso ng African Swine Fever (ASF) sa apat na bayan sa Cotabato. Ito ang kinumpirma ng pamahalaang panlalawiga...
05/07/2024

NAGTALA ng kaso ng African Swine Fever (ASF) sa apat na bayan sa Cotabato. Ito ang kinumpirma ng pamahalaang panlalawigan na may mga kaso ng ASF na naitala sa Barangay Poblacion at Brgy. Magsaysay sa Antipas; San Vicente sa Makilala; Barangay Idaoman at Poblacion sa President Roxas at Barangay Malagakit at New Panay naman sa Pigcawayan.

Ito ay batay sa resulta ng mga laboratory tests na isinagawa ng awtoridad sa mga baboy sa lugar.

Kaugnay nito, isang consultative meeting ang naganap kasama ang mga alkalde ng iba't ibang bayan at isang city sa probinsya kasama ang kanilang mga municipal agriculturists, kung saan napagkasunduan ang ilang rekomendasyon upang maiwasan ang pagkalat pa ng ASF.

Kabilang dito ang pagsuspinde sa paglabas at pagpasok ng mga baboy sa loob ng limang-kilometrong radius mula sa “ground zero” o mga apektadong lugar at pagbabawal sa pagkatay, pagbebenta, at paglipat ng buhay o karneng baboy kabilang ang iba pang produktong baboy sa loob ng 500 metrong radius mula sa mga nabanggit na bayan.

Dahil dito, naglabas si Mayor Rolly Sacdalan ng Executive Order 2024-044, An order implementing a temporary prohibition of the entry of swine, its products, and by-products for the prevention of african swine fever (ASF) and activation of ASF incident management team in the municipality of Midsayap, Province of Cotabato. Ito ay isang hakbang ng lokal na pamahalaan ng Midsayap upang maiwasan ang pagpasok ng ASF.
Magkakaroon din ng mga information education campaign at paiigtingin ang monitoring at surveillance sa bawat boundary ng Midsayap.

Kasabay nito ay ipatutupad ng Veterinary Quarantine Service Centers ng lalawigan ang mahigpit na border control sa mga checkpoint.

Inatasan naman ni Gobernadora Emmylou Taliño-Mendoza ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na bumuo ng Provincial Area Command Team (ACT) na magsisilbing ‘tagapagbantay’ ng Incident Management Teams (IMTs) na binuo sa iba't ibang bayan upang tugunan ang banta ng ASF sa Cotabato province.

Abangan simula ngayong lunes... ang programang Mr. Public Service, Kasama si Mr.  Alan Ry Mostrales. Programang kaagapay...
05/07/2024

Abangan simula ngayong lunes... ang programang Mr. Public Service, Kasama si Mr. Alan Ry Mostrales. Programang kaagapay nyo sa mga mainit na usapin sa lipunan, programang magiging tulay nyo sa mga posibleng tulong mula sa pamahalaan, mga non government organizations at iba pa.

Mapapakinggan tuwing araw ng Lunes, Myerkules at Byernes mula alas 9 hanggang alas 10 ng umaga dito lamang sa 100.5 Radyo Bandera Midsayap.

Patay ang isang 80-anyos na lola at ang kanyang manugang na magsasaka na pinagtulungang barilin ng mga salarin sa isang ...
05/07/2024

Patay ang isang 80-anyos na lola at ang kanyang manugang na magsasaka na pinagtulungang barilin ng mga salarin sa isang liblib na lugar sa Barangay Poblacion sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao del Sur nitong Huwebes.

Sa ulat nitong Biyernes ng Ampatuan Municipal Police Station kay Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, agad na namatay sa mga tama ng bala sina Kael Nandang, 48-anyos, at ang kanyang biyanang babae na si Kalmo Butatek.

Nasa kanilang bakuran sa Purok 4 sa Barangay Poblacion, Ampatuan ang mag-biyanan ng lapitan at paputukan ng mga lalaking mabilis na nakatakas.

Parehong patay na sina Nandang at Butatek ng datnan ng mga kasapi ng Ampatuan MPS at mga barangay tanod na nag-responde sa insidente. (July 5, 2024)

Nagkasundo ang mayor ng Cotabato City, ang city fiscal at ang director sa Bangsamoro region ng Philippine Drug Enforceme...
04/07/2024

Nagkasundo ang mayor ng Cotabato City, ang city fiscal at ang director sa Bangsamoro region ng Philippine Drug Enforcement Agency na magtulungan sa pagpapalawig ng anti-narcotics program ng pahamalaan sa 37 na mga barangay sa lungsod habang isinagawa ang selebrasyon ng 22nd founding anniversary ng PDEA nitong Huwebes.

Tiniyak din nila Cotabato City Mayor Mohammad Ali Matabalao, ni City Fiscal Mariam Veloso Mastura at ni Regional Director Gil Cesario Castro ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang kanilang patuloy na suporta sa mga inisyatibo ng local communities at ng Christian at Muslim religious sectors na masawata ang illegal drug trafficking sa 37 na mga barangay sa lungsod.

Pinangunahan ng tatlong opisyal ang pag-gunita sa 22nd founding anniversary ng PDEA sa Bangsamoro regional office nito sa Pedro Colina Hill Complex sa Cotabato City at tampok sa naturang okasyon ang pag-gawad ng mga special citations sa mga PDEA-BARMM agents na may kinalaman sa pagkaaresto ng big-time drug dealers at pagkakumpiska ng hindi bababa sa P50 million na halaga ng shabu sa mga serye ng operasyon sa Cotabato City at mga karatig na probinsya nito lang nakalipas na ilang mga buwan.

Kinilala ng PDEA central office ang PDEA-BARMM na pinaka-top performing regional offices na ahensya kaugnay ng pag-gunita ng 22nd founding anniversary nito. (July 5, 2024)

04/07/2024

LIVE | July 05, 2024
MORNING BULABOG naaa!
kauban si TITA GWAPA ug PAPA WINSTON. atangi ang Mga Gapnud Sa Kinabuhi.

04/07/2024

BANDERA BALITA NGAYON
with MARK LEISTER JOROLAN
|JULY 05 ,2024
Radyo Bandera 100.5 My FM Midsayap



Email us at [email protected]
&Don't forget to Subscribe to Our Youtube: https://www.youtube.com/

𝘼𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙩𝙤 𝙖𝙮 𝙝𝙖𝙩𝙞𝙙 𝙨𝙖 𝙞𝙣𝙮𝙤 𝙣𝙜:
👉Magnum-C herbal coffee
👉Magnum-C massage gel
👉Mutya kojic papaya
👉Mutya Glowing Set
👉ELCOMBATE

𝙈𝙖𝙖𝙖𝙧𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜-𝙤𝙧𝙙𝙚𝙧 𝙨𝙖:
🛒Tiktok: tiktok.com/
🛒Lazada: lazada.com.ph/shop/magnum-c-philippines
📞 09338125818/09512442724

04/07/2024

Address

2nd Floor, Ledesma Building, Poblacion 4
Midsayap
9410

Telephone

+639778339516

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo Bandera MyFm Midsayap posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Radyo Bandera MyFm Midsayap:

Videos

Share