14/10/2023
👑🕡Sabi ng Makapangyarihang Diyos 🔥⏳
🔑🔓 🔑🔓 🔑🔓 🔑🔓 🔑🔓 🔑🔓
Sa kaharian, ang napakaraming bagay na nilikha ay nagsisimulang muling mabuhay at mabawi ang kanilang lakas sa buhay. Dahil sa mga pagbabago sa kalagayan ng daigdig, ang mga hangganan sa pagitan ng isang lupain at ng isa pa ay nagsisimula ring gumalaw. Nagpropesiya na Ako na kapag ang lupain ay nahiwalay sa lupain, at ang lupain ay sumama sa lupain, ito ang panahon na dudurugin Ko ang mga bansa nang pira-piraso. Sa panahong ito, paninibaguhin Ko ang lahat ng nilikha at hahati-hatiing muli ang buong sansinukob, sa gayon ay maisasaayos ang sansinukob at ang luma ay magiging bago—ito ang Aking plano at ito ang Aking mga gawa. Kapag bumalik na lahat ang mga bansa at mga tao sa mundo sa harap ng Aking luklukan, kukunin Ko ang lahat ng kasaganaan ng langit at ibibigay ito sa mundo ng tao, upang, dahil sa Akin, ang mundong iyon ay mapuno ng walang-kapantay na kasaganaan” (“Kabanata 26” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
mula sa Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian (Mga Seleksyon I)