Wow Radio Midsayap

Wow Radio Midsayap The Most Trusted and Longest Running FM Radio Station in PPALMA Alliance since 2002

Cotabato Province, naghahanda na sa muling pagbisita ng Justice on  Wheels busCENTRAL MINDANAO-Determinado ang pamunuan ...
07/02/2025

Cotabato Province, naghahanda na sa muling pagbisita ng Justice on Wheels bus

CENTRAL MINDANAO-Determinado ang pamunuan ni Gov. LALA TALINO-MENDOZA na mapabilis ang paglilitis ng mga kaso sa lalawigan sa pamamagitan ng Enhanced Justice on Wheels (EJOW) ng Korte Suprema ngayong taon na sinimulan nito noong 2012 sa tulong ng Provincial Legal Office bilang pangunahing taga-pangasiwa ng programa, katuwang ang iba pang tanggapan ng kapitolyo, at mga ahensya ng gobyerno.
Kaugnay nito, isinagawa ang 1st Coordination Meeting para pag-usapan ang mahahalagang impormasyon hinggil sa panukalang 6th EJOW sa probinsya, at ang pagpili ng bagong mga opisyales at pagtatalaga ng mga miyembrong bubuo sa komitibang tututok sa naturang programa. Dito, naihalal si Retired Judge Lily Lydia Laquindanum bilang Chairperson ng 6th EJOW habang Vice-Chairpersons naman sina Executive Judge Jose T. Tabosares, Executive Judge Rainera P. Osua, at Executive Judge Jocelyn Alibang Salud.
Ang pagpupulong ay isinagawa sa Capitol Rooftop, Gov. Rosario Diaz Building, Amas, Kidapawan City kasama ang mga hukom mula sa iba’t ibang regional at municipal trial courts, municipal trial court in cities, municipal circuit trial courts and Shari’ah courts sa lalawigan, kasama ang iba pang personalidad mula sa iba pang legal institutions or offices.(IDCD-PGO-NCOT with Garry Fuerzas)

Serbisyong Totoo Caravan isinagawa sa Brgy Sikitan Kidapawan CityCENTRAL MINDANAO-Sa idinaos na Serbisyong Totoo Caravan...
07/02/2025

Serbisyong Totoo Caravan isinagawa sa Brgy Sikitan Kidapawan City

CENTRAL MINDANAO-Sa idinaos na Serbisyong Totoo Caravan sa Brgy. Sikitan, Kidapawan City ipinaliwanag ni Gov LALA TALIÑO-MENDOZA ang kahandaan ng pamunuan nito, katuwang sina 3rd Distrct Representative Ma. Alana Samantha T. Santos at TUCP Partylist Representative / Deputy Speaker of the House Raymond Democrito C. Mendoza, na tumulong sa mga Cotabateñong nangangailangan o kabilang sa indigent families lalo na sa pangangailangang medikal na aniya ay madalas "lisod ang bayrunon" ngunit nariyan aniya ang gobyerno na handang umaalalay kaya "ayaw mo pagduha-duha sa pagduol, kinahanglan lang nga mangutana" upang matanggap ang serbisyong inilaan ng mga ito para sa mga Cotabateño.
Binigyang diin din nito na sa pagpapatupad ng pamahalaang panlalawigan ng programang "End Local Communist Armed Conflict" o ELCAC sa mga komunidad sa probinsya, ay mahigpit ang "convergence" rito sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan, national agencies, at iba pang stakeholders tulad ng PNP at AFP upang matiyak ang tagumpay ng programa sa pamamagitan ng paghahatid ng iba't ibang serbisyo, programa, at proyektong nararapat ibigay sa benepisyaryong barangay.
Ayon kay Gov. Mendoza, ang nasabing barangay ay makatatanggap ng karagdagang P5M na pondo mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), maliban pa sa P2.5M budget nito para sa infrastructure component ng programa.(IDCD-PGO-NCOT with Garry Fuerzas)

Green Energy with Torrefaction Technology Inc,iprinisenta ang kanilang proyekto kay Gov MendozaCENTRAL MINDANAO-Iprinise...
07/02/2025

Green Energy with Torrefaction Technology Inc,iprinisenta ang kanilang proyekto kay Gov Mendoza

CENTRAL MINDANAO-Iprinisenta ng Green Energy with Torrefaction Technology (GETT), Inc. sa pangunguna ni President/General Manager Ryan Hadjinasser, kay Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA ang "overview" ng isang proyektong ilulunsad nito sa lalawigan na nakasentro sa paggamit ng water hyacinth bilang Sustainable Aviation Fuel (SAF).
Ito ay kasabay ng kanilang pagbisita sa Provincial Governor's Office, Amas, Kidapawan City kung saan ipinahayag ng kompanya ang kanilang pagnanais na makakuha ng "gratuitous permit" mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na isa sa mga rekisitos upang maipatupad ang naturang proyekto.
Ang hangarin ng mga ito na maisulong ang paggamit ng renewable energy bilang bahagi ng pagbibigay proteksyon sa inang kalikasan ay siya ring layunin ni Gov. Mendoza sa ilalim ng kanyang 12-point agenda na "environment and tourism development".
Nasa naturang pagpupulong din sina Provincial Administrator Aurora P. Garcia at Atty. Jessica Pader ng Provincial Legal Office.(IDCD-PGO-NCOT with Garry Fuerzas)

06/02/2025

WOW RATSADA BALITA

Apat na nasawi sa plane crash sa Maguindanao Del Sur mga tauhan ng US MilitaryApat na mga dayuhan na pawang mga amerikan...
06/02/2025

Apat na nasawi sa plane crash sa Maguindanao Del Sur mga tauhan ng US Military

Apat na mga dayuhan na pawang mga amerikano ang nasawi sa pagbagsak ng isang private plane kahapon dakong alas 2:30 ng hapon sa Maguindanao Del Sur.
Isa sa mga nasawi ay si Brandon Dustin na taga Kansa USA.
Sinabi ni Kanishka Gangopadhyay tagapagsalita ng United States Embassy sa Metro Manila na ang eroplanong bumagsak sa Barangay Malatimon sa Ampatuan, Maguindanao del Sur ay kontratado o chartered ng US military.
Dagdag ng isang mapagkatiwalaan na source ang apat na nasawi ay mga tauhan ng US Military Intelligence.
Matatandaan na sinabi ng ilang mga residente sa hangganan ng Maguindanao Del Sur at Midsayap Cotabato na pabalik-balik ang eroplano kung saan mababa ang lipad nito.
Bigla na lamang bumagsak ang maliit na eroplano sa palayan ng Barangay Malatimon Ampatuan Maguindanao Del Sur.
Nang sumugod ang ilang mga residente nakita nila ang dalawang bangkay na naipit sa eroplano.
Nasawi rin ang dalawang kasamahan nito na tumalon bago bumagsak a ng private plane.


Nadamay rin ang isang kalabaw na nawasak ang nguso ng tamaan ng bumagsak na eroplano.
Dagdag ni Jo Apam na residente ng Brgy Malatimon na narinig nya ang malakas na tunog sa pagbagsak ng private plane.
Suwerte na anya at walang mga bahay o tao na binagsakan ng eroplano.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa Ampatuan Maguindanao Del Sur sa pagbagsak ng eroplano at agad dinala ang mga bangkay sa Maynila.(Garry Fuerzas)

Vulnerable families ng Midsayap Cotabato,nakatanggap ng bigas mula sa KapitolyoCENTRAL MINDANAO-Patuloy na namamahagi ng...
06/02/2025

Vulnerable families ng Midsayap Cotabato,nakatanggap ng bigas mula sa Kapitolyo

CENTRAL MINDANAO-Patuloy na namamahagi ng tig-sampung kilo ng bigas ang pamahalaang panlalawigan na bahagi ng adhikain ni Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA na matulungan ang mga bulnerable at higit na nangangailangang Cotabateño.
Ngayong araw ng Huwebes, Pebrero 6, 2025 ay tinungo ng mga kawani ng Provincial Social Welfare and Development (PSWDO), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at community volunteers ang sampung barangay sa bayan ng Midsayap Cotabato upang ipaabot ang ayudang bigas sa may 7,066 "vulnerable families" rito. Ito ay parte ng 16,761 kabuoang bilang ng benepisyaryo mula sa 21 barangays sa bayan kabilang ang Brgy Upper Glad 2 na nakatanggap ng bigas mula sa kapitolyo.
Nakiisa rin sa distribusyon sina boardmembers Sittie Eljorie Antao-Balisi at Roland D. Jungco bilang mga kinatawan ni Gov. Mendoza, kasama si Ella Taliño TARAY. Naroon din si Midsayap Mayor Rolly Sacdalan at mga konsehal ng bayan na nagpasalamat sa mga tulong na natatamasa ng mga Midsayapeño.(IDCD-PGO-NCOT with Garry Fuerzas)

Latest Update:Apat patay sa Private plane na bumagsak sa Maguindanao Del SurCENTRAL MINDANAO-Apat na ang naitalang nasaw...
06/02/2025

Latest Update:
Apat patay sa Private plane na bumagsak sa Maguindanao Del Sur

CENTRAL MINDANAO-Apat na ang naitalang nasawi sa pagbagsak ng isang eroplano dakong alas 2:30 ng hapon kanina sa Maguindanao Del Sur.
Ayon kay Maguindanao Del Sur PDRRMO Chief for Operation Tim Ambolodto,apat na di pa nakilalang bangkay na pinaniniwalaang sakay ng private plane na may body number N349CA ang natagpuan malapit sa pinagbagsakan ng eroplano
Sinabi ng ilang mga residente sa hangganan ng Maguindanao Del Sur at Midsayap Cotabato na pabalik-balik ang eroplano kung saan mababa ang lipad nito.
Bigla na lamang bumagsak ang maliit na eroplano sa palayan ng Barangay Malatimon Ampatuan Maguindanao Del Sur.
Nang sumugod ang ilang mga residente sa lugar sa binagsakan ng eroplano ay nakita nila ang apat katao na wala ng buhay.
Nadamay rin ang isang kalabaw na nawasak ang mukha ng tamaan ng bumagsak na eroplano.
Dagdag ni Jo Apam na residente ng Brgy Malatimon na narinig nya ang malakas na tunog sa pagbagsak ng private plane.
Suwerte na anya at walang mga bahay o tao na binagsakan ng eroplano.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa Ampatuan Maguindanao Del Sur sa pagbagsak ng eroplano.( Garry Fuerzas)

06/02/2025

Paano nimo i-celebrate ang Valentine’s Day bisan wala partner?

9:00AM - 11:00AM

..LGU-Kabacan,Brgy Pisan  at USM nagtulungan para sa turismo ng bayanCENTRAL MINDANAO-Malaki ang paniniwala ni Kabacan C...
06/02/2025

..LGU-Kabacan,Brgy Pisan at USM nagtulungan para sa turismo ng bayan

CENTRAL MINDANAO-Malaki ang paniniwala ni Kabacan Cotabato Mayor Evangeline Pascua-Guzman sa potensyal ng bayan sa usapin ng turismo. Kung kaya, lubos ang pasasalamat nito sa Municipal Tourism Office, BLGU Pisan, at University of Southern Mindanao sa patuloy na pagbalangkas ng mga programa upang tuluyang mabuksan ang turismo sa Brgy. Pisan.
Kaugnay nito, ilang serye ng pagpaplano ang kanilang isinagawa upang talakayin ang Barangay Tourism Development Plan.
Ayon kay Tourism Operations Officer Rhosman Mamaluba, sa oras na maisapinal na ang mga protocol ay tiyak na mabubuksan na ang turismo sa bayan.
Samantala, nilinaw din ni Mamaluba sa publiko na sa mga oras na ito ay hindi parin bukas ang mga kuweba sa Brgy. Pisan ngunit mayroong ibang pasyalan dito, tulad na lamang ng mga lawa at ang talon o falls.
Hinikayat din nito ang mga turista na nais bisitahin ang Tulunan Falls na huwag agad pumunta sa area bagkus ay dapat magkaroon ng maayos na koordinisasyon sa Barangay.
Naniniwala naman si Mayor Gelyn na sa paag turn-over ni Serbisyo At Malasakit Cotabato 3rd District Representative Ma. Alana Samantha Taliño Santos ng kongkretong daan ay mas magiging maganda na ang pagbyahe ng mga turista.(Unlad Kabacan with Garry Fuerzas)

Deliberasyon ng proposed budget ng mga regional agencies sa rehiyon para sa fiscal year 2026 ipinagpatuloyCENTRAL MINDAN...
06/02/2025

Deliberasyon ng proposed budget ng mga regional agencies sa rehiyon para sa fiscal year 2026 ipinagpatuloy

CENTRAL MINDANAO-Ipinagpatuloy ng Regional Development Council (RDC) XII sa pangunguna ng Chairman nito na si Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA kasama ang National Economic Development Authority (NEDA) sa pamumuno naman ni Regional Director Phlorita Ridao ang deliberasyon ng panukalang pondo ng iba't ibang regional line agencies, state universities and colleges and other national line instrumentalities ng rehiyon XII sa ginanap na Consultation and Review of Priority Programs and Projects para sa taong 2026 sa NEDA Regional Office, Koronadal City.
Kabilang sa mga ahensyang naglatag ng kanilang panukalang pondo ang economic and social sectors ng rehiyon. Layunin ng nabanggit na pagtitipon na pag-usapan ang prayoridad na programa ng bawat government line agencies sa SOCCSKSARGEN Region na nakaangkla sa pagkamit ng Philippine Development Plan (2023-2028), 2030 Sustainable Development Goals, Ambisyon Natin 2040 at 8-point socioeconomic agenda ng kasalukuyang administrasyon na nakasentro sa matibay na ekonomiya, inklusibo at matatag na komunidad.
Kung matatandaan nitong ika-28 ng Enero, isinagawa ang isang Joint RDC XII Advisory Committee (AdCom) and Executive Committee (ExeCom) Review kung saan naging lead convenor nito si 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos na isinagawa naman sa Batasan Complex, Diliman, Quezon City na dinaluhan din ng mga kongresista ng rehiyon, local chief executives at piling mga ahensya na nagprisenta rin ng kanilang mga panukalang programa at proyekto.(IDCD-PGO-NCOT with Garry Fuerzas)

National Immunization Program Year start meeting,isinagawa ng kapitolyoCENTRAL MINDANAO-Nagtipon ang ilang City/Municipa...
06/02/2025

National Immunization Program Year start meeting,isinagawa ng kapitolyo

CENTRAL MINDANAO-Nagtipon ang ilang City/Municipal National Immunization Program (NIP) Coordinators, City/Municipal Vaccine Accountability Managers, at Provincial Department of Health Office (PDOHO) Pharmacists, upang pag-usapan ang mga gagawing hakbang sa pagpapaunlad at pagpapalakas ng immunization program sa probinsya sa pangunguna ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) na pinamamahalaan ni IPHO Head Dr. Eva C. Rabaya.
Sentro ng talakayan ang mga sumusunod: karagdagang rekomendasyon para sa implementasyon ng programa batay sa pinal at opisyal na datos ng Field Health Services Information System (FHSIS); feedback mula sa taunang Wall-to-Wall Vaccine Inventory & Cold Chain Management Monitoring; paglalaan ng bakuna sa mga pribado at pampublikong health facilities; at introduksyon para sa bagong reporting forms ng Vaccine Accountability Managers.
Ang hakbang na ito ng pamahalaang panlalawigan ay alinsunod sa isinusulong ng pamunuan ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA na paigtingin ang programang pangkalusugan upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga Cotabateño laban sa iba't ibang nakakahawang sakit sa pamamagitan ng pagpapatupad ng nasabing programa. Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa IPHO Multi-purpose Hall, Amas, Kidapawan City.(IDCD-PGO-NCOT with Garry Fuerzas)

Private plane bumagsak sa Maguindanao Del SurCENTRAL MINDANAO-Bumulusok sa palayan ang isang Private Plane dakong alas 2...
06/02/2025

Private plane bumagsak sa Maguindanao Del Sur

CENTRAL MINDANAO-Bumulusok sa palayan ang isang Private Plane dakong alas 2:30 kanina ng hapon sa Maguindanao Del Sur.
Nakakita ng ilang mga residente sa hangganan ng Maguindanao Del Sur at Midsayap Cotabato na pabalik-balik ang eroplano kung saan mababa ang lipad nito.
Bigla na lamang bumagsak ang maliit na eroplano sa palayan ng Barangay Malatimon Ampatuan Maguindanao Del Sur.
Nang sumugod ang ilang mga residente sa lugar sa binagsakan ng eroplano ay nakita nila ang dalawang katawan ng tao na hindi pa matiyak kung buhay o patay.
Nadamay rin ang isang kalabaw na nawasak ang mukha ng tamaan ng bumagsak na eroplano.
Dagdag ni Jo Apam na residente ng Brgy Malatimon na narinig nya ang malakas na tunog sa pagbagsak ng private plane.
Suwerte na anya at walang mga bahay o tao na binagsakan ng eroplano.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa Ampatuan Maguindanao Del Sur sa pagbagsak ng eroplano.(Garry Fuerzas)

Mayor ng Bangsamoro town, escorts nakunan ng mga baril Agad na nadetine ang appointed mayor ng Nabalawag municipality ng...
05/02/2025

Mayor ng Bangsamoro town, escorts nakunan ng mga baril

Agad na nadetine ang appointed mayor ng Nabalawag municipality ng Bangsamoro region at tatlong kasama matapos makumpiskahan ng mga baril sa isang police-military gun ban checkpoint sa Sirawan sa Toril, Davao City nitong gabi ng Martes, February 4, 2025.

Nasa kustodiya na ng Davao City Police Office si Anwar Saluwang, appointed mayor ng Nabalawag, isa sa walong bagong tatag na Bangsamoro municipality sa probinsya ng Cotabato sa Region 12 at ang kanyang tatlong security escorts.

Magkasama sa isang sasakyan si Saluwang at tatlong mga kasama, patungo sa sentro ng Davao City, ng mapuna ng mga pulis at sundalo sa checkpoint sa Sirawan na sila ay may dalang mga baril.

Sa inisyal na ulat ng Davao City Police Office, wala silang
maipakitang mga lisensya at exemption sa gun ban na ipinapatupad ng Commission on Elections mula pa nitong January 12, naglalayong maging mapayapa ang gagawing local at senatorial elections ngayong May 2025..

Nahaharap na sa kasong illegal possession of fi****ms at paglabag sa Comelec gun ban si Saluwang at kanyang mga kasama. Sila ay nasa kustodiya na ng Davao City Police Office.

Mayor na wanted sa panggagahasa, arestadoNatunton ng mga pulis nitong gabi ng Linggo sa Compostela, Davao de Oro ang nag...
05/02/2025

Mayor na wanted sa panggagahasa, arestado

Natunton ng mga pulis nitong gabi ng Linggo sa Compostela, Davao de Oro ang nagtatagong mayor ng Pangantucan sa Bukidnon na wanted sa kanilang probinsya sa kasong panggagahasa ng menor-de-edad.

Kinumpirma nitong Martes ng Davao de Oro Provincial Police Office at ng Police Regional Office-11 ang pagkaaresto kay Mayor Miguel Ariola Silva ng Pangantucan, nasukol ng mga pulis sa tulong ng kanyang mga kababayan sa Purok 1 sa Barangay Poblacion sa Compostela.

Magkatuwang na hinanap si Silva sa Davao de Oro sa Region 11 ng mga operatiba ng PRO-11 at ng Bukidnon Provincial Police Office, pinamumunuan ni Col. Jovit Culaway, matapos makatanggap ng ulat mula sa mga residente ng Pangantucan hinggil sa kanyang pagtatago ng sa naturang probinsya.

Wanted si Silva sa kasong panggahasa ng batang babae, naisampa sa Regional Trial Court Branch 9 sa Malabalay City sa Bukidnon.

Sa inisyal ulat ng Compostela Municipal Police Station nitong Lunes, hindi na pumalag ang wanted na si Silva ng pakitaan ng warrant of arrest ng mga pulis mula sa Bukidnon at mga units ng PRO-11, inilabas ng korte nitong nakalipas na taon at walang piyansang nirekomenda sa kanyang pansamantalang paglaya.

05/02/2025

Nganong sayon nalang karon ang mag cheat?

9:00AM - 11:00AM

3 nasawi sa vehicular accident sa Aleosan CotabatoCENTRAL MINDANAO-Tatlo ang nasawi sa banggaan ng motorsiklo at deliver...
05/02/2025

3 nasawi sa vehicular accident sa Aleosan Cotabato

CENTRAL MINDANAO-Tatlo ang nasawi sa banggaan ng motorsiklo at delivery van sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang mga nasawi na sina Benito Alcajero, 19 anyos, estudyante, nakatira sa Barangay Tupig Carmen Cotabato, alyas Reggy, 15, residente ng Purok 5 Barangay New Panay Aleosan Cotabato at alyas Gil, 13 anyos na nakatira sa Barangay Tupig Carmen Cotabato.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Office (CPPO) Director Colonel Gilberto Tuzon, sakay ng motorsiklo ang mga biktima sa Provincial road ng Purok 4 Barangay New Panay Aleosan Cotabato.
Pagdating ng mga biktima sa matarik na bahagi ng kalsada,nag-overshoot ito at binangga ang kasalubong ng closed van na minamaneho ni Garry Ado ng Puregold.
Dahil sa lakas ng impak ng banggaan, tumilapon ang mga biktima mula sa motorsiklo kung saan dead on the spot ang dalawa habang ang isa ay dinala sa ospital ngunit binawian din ng buhay.
Ayon sa mga nakakita sa insidente, napakabilis ng takbo ng motorsiklo,gumigiwang-giwang at nag-overshoot kung saan bumangga ito sa delivery van.
Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng closed van habang iniimbestigahan ang insidente (Garry Fuerzas)

Address

2nd Floor, Tenorio Bldg. , Sto. Niño Street , Poblacion 1
Midsayap
9410

Opening Hours

Monday 3am - 10pm
Tuesday 3am - 10pm
Wednesday 3am - 10pm
Thursday 3am - 10pm
Friday 3am - 10pm
Saturday 3am - 10pm
Sunday 3am - 9pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Wow Radio Midsayap posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Wow Radio Midsayap:

Videos

Share

Category