08/07/2024
โ๐๐ฎ๐ฐ๐ธ-๐๐ผ-๐ฏ๐ฎ๐ฐ๐ธ ๐ง๐ข๐ฃ ๐ญ ๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐โ ๐๐ฎ โf๐ถ๐๐ฐ๐ฎ๐น m๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐โ ๐ป๐ฎ๐ถ๐๐๐ถ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ผ๐น๐๐ผ
Amas, Kidapawan City I Hulyo 8, 2024 โ Sa ilalim ng matatag na liderato ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza, ibinigay nito ang isang mabuti, tapat, malinis at matuwid na serbisyo publiko para sa mga Cotabateรฑo. Isang paninilbihang may transparensiya, may mataas na integridad at malinaw na direksyon ng pamamahala.
Bunga ng mga pagsisikap nito ay ang โback-to-back awardsโ na tinanggap ng Provincial Assessorโs Office (PASSO) at Provincial Treasurerโs Office (PTO) sa isinagawangp โFiscal Performance Awarding CY 2023 for SOCCSKSARGEN LGUsโ ngayong araw, Hulyo 8, 2024 sa Hotel de Viajera, Koronadal City, na inorganisa ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) Regional Office 12, katuwang ang Regional Association of Treasurers and Assessors of Region 12, Inc. (REGATA 12, Inc.).
Layunin ng naturang okasyon na maparangalan ang mga Local Government Units (LGUs) na nagpakita ng natatanging pagganap sa pananalapi o โfiscal managementโ para sa taong 2023. Pakay din nitong maibahagi ang mga bagong impormasyon mula sa BLGF upang magabayan ang mga LGUs sa pagpapahusay ng kanilang operasyon.
Iginawad sa PTO ang โPlaque of Recognitionโ bilang โTop 1โ sa buong rehiyon sa larangan ng โLocal Sources Revenue Year-On-Year Growth (79.66%) na sumasalamin sa mataas na kita ng kapitolyo mula sa koleksyon sa buwis sa negosyo, bayarin sa regulasyon, at iba pa. Tinanggap din nito ang โCertificate of Recognitionโ sa pagkamit ng ikalawang pwesto, kung saan kinilala ang โoutstanding and exemplary Local Treasury and Fiscal Performanceโ nito sa larangan ng sumusunod: ๐ก๐ผ๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป (Php 681,603,300.91) na tumutukoy sa kabuoang halaga ng collection nito sa Real Property Tax, Tax on Business, Other Taxes, regulatory Fees, Service/User Charges at Economic Enterprise; ๐๐ผ๐๐ฒ๐๐ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ง๐ฎ๐
๐๐น๐น๐ผ๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฒ๐ฝ๐ฒ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ (84.56%) na nagpapakita ng mataas na kakayahan ng kapitolyo na pangangasiwaan ang operasyon nito; at ๐๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ (138.70%) na sumasalamin naman sa epektibo at maayos na pangongolekta ng pondo upang magamit sa mga kinakailangang bayarin nito.
Sa kabilang banda, ibinigay naman sa PASSO ang โPlaque of Recognitionโ sa pagkakaroon nito ng โHighest Taxable Assessed Valueโ (P25,051,879,927.00) sa buong rehiyon at kasabay din ang pagkahirang nito sa ikatlong pwesto sa larangan ng โGrowth Rate of taxable and Exempt Real Property Units (0.79%),โ na tumutukoy sa porsyento ng pagtaas ng mga bagong natukoy na ari-ariang papatawan ng buwis.
Ang lahat ng โaward at recognitionโ na ito ay hayagang nangangahulugan ng sinserong dedikasyon ni Gov. Mendoza na makamit ang isang malago, malakas at progresibong Cotabato. Ang mahusay nitong โfiscal managementโ ay magiging daan sa inaasahang pagdagsa ng tuloy-tuloy na programang pangkaunlaran.
Dumalo sa naturang aktibidad sina dating Boardmember at kasalukuyang Provincial Advisory (PAC) Member Shirlyn D. Macasarte-Villanueva bilang kinatawan ni Gov. Mendoza, kasama si PTO Head Gail V. Ontal, at PASSO Acting Head Ricarlo P. Adeja.
//idcd-pgo-frigillana
/photoby:pto & passo