29/08/2025
๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ผ๐ฟ๐ผ๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐: ๐๐ฒ๐น๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด, ๐๐ฎ๐ด๐ถ ๐๐ฎ ๐ ๐ฟ. ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ ๐. ๐๐๐ฃ ๐ ๐ฒ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ
MEYCAUAYAN, BULACAN โ Tagisan ng ganda, talino, at husay sa pagrampa ang ipinamalas ng mga kandidato at kandidata sa katatapos na Mr. and Ms. Immaculate Conception Polytechnic (ICP) Meycauayan 2025, na ginanap sa Meycauayan Sports Complex, pasado ala-una ng hapon.
Mainit ang naging simula ng patimpalak, hindi lamang dahil sa panahon kundi higit sa lahat dahil sa masiglang suporta ng mga manonood. Rumagasa ang hiyawan at palakpakan nang ipakita ng mga kalahok ang kanilang opening number at pagpapakilala. Kasunod nito, ipinamalas nila ang kani-kanilang istilo at kumpiyansa sa pagrampa sa sportswear competition, na agad namang sinundan ng maringal at eleganteng pagrampa sa kanilang formal attire.
Nagbigay aliw din ang mga g**o ng ICPMY na sina G. Zyreel Liquiran, Bb. Julie Ann Victoriano, Bb. Jian Santiago, at Bb. Cherielyn Surio, na nagpamalas ng kanilang husay sa pagkanta bilang intermisyon bago ang pinakainaabangang bahagi ng programa.
Matapos ang intermisyon, inanunsyo ang limang natatanging kalahok mula sa bawat panig na pumasok sa Top 5. Para sa mga kalalakihan, kabilang sina Francis Yuan Donesa, Jiro Kyle Padero, Glen Lagata, Jean Daniel Del Rosario, at Johnny Feliciano. Samantala, para sa mga kababaihan, nakapasok naman sina Jhana Lyka Aguilar, Iannah Versoza, Princess Joy Marimla, Kristhea Chelsea Alojado, at Alyssa Banag.
Dumaan ang mga napiling kalahok sa mahigpit na question-and-answer portion, kung saan sinubok ang kanilang talino, paninindigan, at husay sa pagsagot sa maiinit na tanong.
Sa huli, itinanghal na Mr. ICP Meycauayan 2025 si Johnny Feliciano, na sumungkit ng korona sa kanyang ikalawang pagkakataon. Pinarangalan din sina Jean Daniel Del Rosario bilang unang pwesto, sinundan ni Glen Lagata sa ikalawang pwesto, Jiro Kyle Padero sa ikatlong pwesto, at Francis Yuan Donesa sa ika-apat na pwesto.
Sa panig naman ng mga kababaihan, matagumpay na nakamit ni Alyssa Banag ang pinakaaasam na titulo bilang Ms. ICP Meycauayan 2025. Kasunod niya sa unang pwesto si Kristhea Chelsea Alojado, sinundan ni Princess Joy Marimla sa ikalawang pwesto, habang ikatlong pwesto ang nakuha ni Iannah Versoza, at ika-apat na pwesto naman kay Jhana Lyka Aguilar.
Sa pagtatapos ng patimpalak, sinalubong ng masigabong palakpakan at maiinit na pagbati mula sa kanilang mga tagasuporta ang lahat ng kalahok, na nagpatunay na ang ICP Meycauayan ay hindi lamang tahanan ng talino at ganda, kundi maging ng talento, dedikasyon at inspirasyon na tunay na maipagmamalaki ng bawat ICONs.
โโโโ
Para matignan ang lahat ng larawan, bisitahin ang link sa ibaba:
https://drive.google.com/drive/folders/1E5TLzfCZJAtKrqwXQ6joWh_ZQXugZU-Y
Isinulat ni: David Joenr Traqueรฑa, Punong Patnugot ng Lawiswis Publication
Idinisenyo ni: Jenmark S. Santos, Editor-In-Chief ng La Icona Publication
Larawan nina: Chryzelle Shaine Antonio, Punong Tagakuha ng Larawan ng Lawisiws Publication at Jeremy Marabe, Tagakuha ng Larawan ng Lawiswis Publication.