Radyo Amigo 97.3 FM

Radyo Amigo 97.3 FM Tunay na Kaibigan Walang Iwanan
(1)

24/07/2024

UBANI SI SAYSON DALISAY; UG ATE QUEEN BEE NAKA KALOVELINES KA NA BAI!!! HAPON NA BASTA HA WALAY BIYAAY... AMIGO AMIGA TA!!






๐Ÿšฑ๐Ÿšฑ๐Ÿšฑ๐„๐Œ๐„๐‘๐†๐„๐๐‚๐˜๐Ÿšฑ๐Ÿšฑ๐Ÿšฑ๐–๐€๐“๐„๐‘ ๐’๐„๐‘๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐‘๐”๐๐“๐ˆ๐Ž๐Ang Tagum Water District nagapahibalo nga adunay emergency repair sa isa sa ato...
24/07/2024

๐Ÿšฑ๐Ÿšฑ๐Ÿšฑ๐„๐Œ๐„๐‘๐†๐„๐๐‚๐˜๐Ÿšฑ๐Ÿšฑ๐Ÿšฑ
๐–๐€๐“๐„๐‘ ๐’๐„๐‘๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐‘๐”๐๐“๐ˆ๐Ž๐

Ang Tagum Water District nagapahibalo nga adunay emergency repair sa isa sa atong pump station sa Brgy. Nueva Fuerza, Tagum City karong adlawa July 24 2024, alas 08:30 AM sa buntag hangtod sa mahuman.

๐Ÿšฐ ๐—”๐—–๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—Ÿ๐—”๐—ก:
On-going ang atung mga service crew sa pag verify sa posibleng hinungdan niing unforeseen service interruption.

๐Œ๐š๐จ ๐ค๐š๐ง๐ข ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š-๐š๐ฉ๐ž๐ค๐ญ๐ฎ๐ก๐š๐ง ๐ง๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฅ๐ฎ๐ ๐š๐ซ:
๐‹๐Ž๐– ๐๐‘๐„๐’๐’๐”๐‘๐„ ๐“๐Ž ๐๐Ž ๐–๐€๐“๐„๐‘
๐Ÿ“ŒBrgy. La Filipina
๐Ÿ“ŒNueva Fuerza
๐Ÿ“ŒCuambogan

๐„๐—๐๐„๐‚๐“ ๐–๐€๐“๐„๐‘ ๐ƒ๐ˆ๐’๐‚๐Ž๐‹๐Ž๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐€๐“
๐Ÿ“ŒOther Nearby Areas from aforementioned location

Sa dugang impormasyon mamahimong manawag sa amoang opisina sa numero nga 09633419162, (084) 216-6628 o magpadala ug mensahe sa among official FB Page sa Tagum Water District - TWD.

Daghang Salamat! ๐Ÿ’ฆ

24/07/2024
DISGRASYA SA MARILOG LOOK: Usa ka wingvan nga adunay karga na kapin kon kulang 500 sako sa feeds ang natumba sa Brgy. Ma...
24/07/2024

DISGRASYA SA MARILOG

LOOK: Usa ka wingvan nga adunay karga na kapin kon kulang 500 sako sa feeds ang natumba sa Brgy. Marilog Proper, Davao City karon lamang buntag, Hulyo 24, 2024.

Sa inisyal nga report, gikan sa Bukidnon ug padulong unta sa Darong ang truck sa dihang nawad-an kini og preno sa maong lugar. Luwas matud pa ang drayber ug helper niini luyo sa insidente.

Amping kanunay sa byahe!!
VIA DAVAO UPDATE

๐Ÿ“ธ Team Suam

24/07/2024

DPC

24/07/2024

MUSIKAHAN SA UMAGA. with KUYA RHON.

23/07/2024

RADYO AMIGO BALITA KARONG ADLAWA JULY 24, 2024

KAUBAN SI KUYA JAY

6th ID may bagong commander naPormal na itinalaga nitong Martes ni Lt. Gen. Roy Galido, commander ng Philippine Army, si...
23/07/2024

6th ID may bagong commander na

Pormal na itinalaga nitong Martes ni Lt. Gen. Roy Galido, commander ng Philippine Army, si Major Gen. Antonio Nafarrete bilang bagong commander ng 6th Infantry Division, kapalit ng nag-retiro ng si Major Gen. Alex Rillera.

Ginanap ang naturang turnover ceremony sa grandstand ng 6th ID sa Camp Siongco sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, dinaluhan ng ilang mga opisyal ng Bangsamoro government at mga local executives sa Central Mindanao.

Ayon kay Galido, magtutulungan sila ni Nafarrete sa pagpapatuloy ng mga peacebuilding programs ni Rillera, nanilbihan bilang 6th ID commander mula 2023.

May malawak na kaalaman si Nafarrete sa Mindanao peace process at mga peace and security programs ng Malacaรฑang sa Bangsamoro region dahil sa naging katuwang siya sa pagpapalaganap ng mga aktibidad ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity bago siya naging isang Army general.

Sa kanyang mensahe sa naturang turnover ceremony, pinasalamatan ni Rillera, sa kanyang mensahe sa naturang turnover ceremony, ang mga opisyal at mga tropa ng lahat ng mga unit ng 6th ID sa pagsuporta sa kanyang pamumuno sa kanila, bilang sakop ng pinakamalaking Army division sa Mindanao. (July 24, 2024)

VIA JOHN UNSON, PHILIPPINE STAR

Senior citizens sa Cotabato province, tumanggap ng DSWD Social Pension Program Pinasalamatan nitong Martes, July 23, 202...
23/07/2024

Senior citizens sa Cotabato province, tumanggap ng DSWD Social Pension Program

Pinasalamatan nitong Martes, July 23, 2024, ni Cotabato Gov. Emmylo Taliรฑo Mendoza ang national government, sa pamumuno ni President Ferdinand Romualdez Marcos, Jr., ang Department of Social Welfare and Development at ang mga local government units na sakop ng kanyang tanggapan sa patuloy na pagpapatupad ng Social Pension Program sa probinsya.

Karagdagang 365 pa na mga senior citizens sa Kidapawan City, na siyang kabisera ng Cotabato, at sa mga bayan ng Alamada, Kabacan, Carmen, Mlang at Matalam ang tumanggap nito lang nakalipas na linggo ng P6,000 bawat isa kaugnay ng Special Pension Program ng DSWD.

Magkatuwang na ipinapatupad sa Cotabato province ang Social Pension Program ng DSWD-12, ng Provincial Social Welfare and Development Office at Provincial Treasurer's Office at ng mga city at municipal governments na sakop ng administrasyon ni Gov. Mendoza.

Malaking bilang na ng mga senior citizens sa probinsya ng Cotabato ang nakatanggap na ng Social Pension mula sa DSWD nitong nakalipas na ilang buwan at hindi bababa sa P2.1 million ang pondong laan para sa probinsya kaugnay ng naturang programa.

Maliban kay President Marcos at DSWD Secretary Rex Gatchalian, pinasalamatan din ni Gov. Mendoza si DSWD-12 Regional Director Loreto Cabaya, Jr. sa kanyang masigasig na pangangasiwa ng Social Pension Program sa Cotabato Province at sa iba pang mga probinsya at lungsod sa Region 12.

Si Gov. Mendoza ang siyang presiding chairperson ng Regional Development Council-12. (July 23, 2024)

VIA JOHN UNSON, PHILIPPINE STAR

Magsasaka, anak patay, 3 iba pa sugatan sa Maguindanao del Sur highway accidentPatay ang isang magsasaka at kanyang anak...
23/07/2024

Magsasaka, anak patay, 3 iba pa sugatan sa Maguindanao del Sur highway accident

Patay ang isang magsasaka at kanyang anak habang malubha ang tatlo pa nilang kapamilya ng masapol ang kanilang tricycle ng napakabilis na pampasaherong van sa isang bahagi ng national highway sa Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur nitong Lunes.

Sa ulat nitong Martes ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Mustapha Dalandan, 25 anyos, at ang anim-na-taong gulang niyang anak na lalaki na si Moharis sanhi ng naturang aksidente.

Minamaneho ni Dalandan ang kanilang tricycle sakay ang kanyang pamilya at papaliko na sana sila sa kaliwang bahagi ng highway ng masapol ng kasalubong na rumaragasang pampasaherong van.

Nagtamo ng malubhang mga sugat at nabalian ng mga buto ang kabiyak ng nasawing si Dalandan na si Baimen, 24-anyos, at kanilang mga anak na babae na sina Sittie, walong-taong-gulang, at ang apat-na-taong gulang na si Haipa.

Ayon kay Lt. Salonga Langguyuan, hepe ng Datu Anggal Municipal Police Station, agad namang sumuko ang driver ng van na nakabundol sa tricycle ng pamilyang Dalandan, si Khadafie Guiamaludin, sa mga pulis na nagresponde sa insidente.

Makikita ang larawang mula sa isang security camera recording bago nasapol ng van ang tricycle na sakay ang buong pamilya Dalandan. (July 23, 2024)

VIA JOHN UNSON, PHILIPPINE STAR

P6.8 million halaga ng shabu nasamsam ng Sultan Kudarat municipal policeNakumpiska ng mga pulis ang abot sa P6.8 million...
23/07/2024

P6.8 million halaga ng shabu nasamsam ng Sultan Kudarat municipal police

Nakumpiska ng mga pulis ang abot sa P6.8 million na halaga na shabu sa isang dealer na na-entrap sa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Martes.

Sa inisyal na pahayag ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, agad na inaresto ng mga operatiba ng Sultan Kudarat Municipal Police Station ang suspect, ang 30-anyos na si Morsalon Bual Tantong, matapos silang bentahan nito ng isang kilong shabu, nagkakahalaga ng P6.8 million.

Unang nai-plano ng mga kasapi ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, pinamumunuan ni Lt. Col. Esmael Madin, na sa Barangay Salimbao sa naturang bayan isagawa ang entrapment operation, ngunit nalipat sa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat sa kahilingan ni Tantong na taga Barangay Dalapang sa Labangan, Zamboanga del Sur.

Ayon kay Tanggawohn, maliban sa shabu, nakumpiska din ng grupo nila Madin at mga miyembro ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station ang kotseng gamit ni Tantong, isang kulay blue na Toyota Vios na may plakang GAV 7231.

Nakakulong na si Tantong at nahaharap na sa kasJong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon kay Tanggawonh. (July 23, 2024)

VIA JOHN UNSON, PHILIPPINE STAR

Sundalo patay, kasama sugatan sa atake ng Dawlah IslamiyaPatay ang isang sundalo habang sugatan naman ang isa pa sa pag-...
22/07/2024

Sundalo patay, kasama sugatan sa atake ng Dawlah Islamiya

Patay ang isang sundalo habang sugatan naman ang isa pa sa pag-atake ng mga teroristang Dawlah Islamiya sa kanilang detachment sa Barangay Pagatin 1 sa Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur nitong Sabado.

Sa hiwalay na pahayag nitong Lunes ng Shariff Saydona Mustapha Municipal Police Station at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, pumanaw sanhi ng mga tama ng bala si Private 1st Class Rosendo Gannaban ng 99th Infantry Battalion na kanyang natamo sa naturang insidente na nagresulta din sa pagkasugat ng isa niyang kasamang si Private First Class Lexter Lizardo.

Si Gannaban ay taga Barangay Divisoria sa bayan ng Enrile sa probinsya ng Cagayan sa Luzon at nakatakda ng ihatid ng kanyang mga kasama ang kanyang bangkay sa kanyang pamilya.
Sa inisyal na ulat ng mga barangay officials sa Pagatin 1, pinalibutan ng mga teroristang pinamumunuan ni Ben Harris Salamat ang detachment nila Gannaban at pinaputukan ng M14 at M16 assault rifles, kaya nagkapalitan ng putok na nagdulot din ng takot sa mga pamilyang Moro na nakatira sa kapaligiran.

Ang Dawlah Islamiya at kaalyadong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ay parehong kilala sa pagpapalaganap ng galit sa mga hindi Muslim at pambobomba ng mga establisemento at mga sasakyang pampubliko na ayaw magbigay ng โ€œprotectionโ€ money ang mga may-ari. (July 22, 2024)

VIA JOHN UNSON, PHILIPPINE STAR

Trailer truck gumulong, tumihaya sa gilid ng highwayNaisugod sa pagamutan ang driver at pahinante ng isang prime mover t...
22/07/2024

Trailer truck gumulong, tumihaya sa gilid ng highway

Naisugod sa pagamutan ang driver at pahinante ng isang prime mover truck na may hatak na mahabang trailer na gumulong at lumagpak ng patihaya sa gilid ng isang uphill stretch ng Kidapawan-Davao Highway sa Barangay Malasila sa bayan ng Makilala sa probinsya ng Cotabato nitong umaga ng Lunes, July 22, 2024.

Galing sa Davao City ang trailer truck na may lulang dalawang 20-footer container van na may lamang energy drink na ihahatid sana sa mga negosyante sa ilang mga bayan sa Central Mindanao.

Ang lugar kung saan naganap ang aksidente at kilalang accident prone area kung saan napakarami ng vehicular accidents, may mga nasawi pa, ang nangyari, batay sa tala ng pulisya at ng Makilala local government unit.

Inaantabayanan pa ang ulat ng Makilala Municipal Police Station hinggil sa insidente. (July 22, 2024, handout photo)

VIA JOHN UNSON, PHILIPPINE STAR

Dalawang lalaki natagpuang patay, nakagapos mga kamayDalawang mga lalaking inaalam pa ng mga police investigators kung s...
22/07/2024

Dalawang lalaki natagpuang patay, nakagapos mga kamay

Dalawang mga lalaking inaalam pa ng mga police investigators kung sino, parehong wala ng buhay, nakagapos ang mga kamay at may mga tama ng bala, ang natagpuan sa isang bakanteng lote sa Barangay Mamawan sa bayan ng Baliguian sa Zamboanga del Norte nitong Linggo, July 21, 2024.

Ayon sa mga residente ng naturang barangay at mga imbestigador ng Baliguian Municipal Police Station, may mga basyo ng pistol cartidges sa kung saan natagpuan ang bangkay ng hindi pa nakilalang dalawang lalaki.

May isang motorsiklo din na natagpuan sa crime scene na pinaniniwalaang pag-aari ng dalawang malinaw na biktima ng pamamaslang. (July 22, 2024)

VIA JOHN UNSON, PHILIPPINE STAR

22/07/2024

WEATHER, JULY 22, MONDAY

Severe Tropical Storm {GAEMI} - 5:00 AM Update July 22, 2024 - Monday

DOST-PAGASA Weather Specialist: Rhea Torres



Bangsamoro barangays sa Cotabato province, may health office naMagkatuwang na nagtatag ang liderato ng Bangsamoro region...
22/07/2024

Bangsamoro barangays sa Cotabato province, may health office na

Magkatuwang na nagtatag ang liderato ng Bangsamoro regional government at ang tanggapan ni Regional Health Minister Kadil Monera Sinolinding, Jr. ng isang field health office para sa mga residente ng Special Geographic Area, o SGA sa probinsya ng Cotabato sa Region 12.

Ang Bangsamoro field health office sa Batulawan sa bayan ng Pikit sa probinsya ng Cotabato ay pangangasiwaan ng mga health workers na sakop ng Ministry of Health-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Bagamaโ€™t nasa teritoryo ng Cotabato province na sakop ng Administrative Region 12, naging parte ng BARMM ang 63 SGA barangays sa ibat-ibang mga bayan sa probinsya ng bomoto ang mga botante sa naturang mga barangay ng pabor sa panukalang ipapasailalim ang kanikanilang mga barangay sa Bangsamoro region sa pamamagitan ng isang plebisito noong 2019.

Sakop na ang 63 barangays ng walong mga BARMM municipalities na itinatag ng Bangsamoro parliament bago lamang.

Ayon kay BARMM Health Minister Sinolinding, isang physician-ophthalmologist na kasapi ng Bangsamoro parliament na may 80 na mga miyembro, ang kanilang pagtatag ng field health office, nasa Barangay Batulawan sa Pikit at para sa mga residente ng SGA barangays, ay ayon sa direktiba ni Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim.

Makikita sa larawan sina Health Minister Sinolinding at ang isa pang mataas na opisyal din ng MoH-BARMM, ang kapwa niyang doctor of medicine na si Zul Qarneyn Abas. (July 22, 2024)

VIA JOHN UNSON, PHILIPPINE STAR

UBJP party ng M**F sasabak na sa 2025 halalanLalahok ang Moro Islamic Liberation Front sa kaunaunahang parliamentary ele...
22/07/2024

UBJP party ng M**F sasabak na sa 2025 halalan

Lalahok ang Moro Islamic Liberation Front sa kaunaunahang parliamentary elections sa autonomous region sa 2025 upang maipagpatuloy ang mga programang nagsusulong ng Mindanao peace process na posible diumanong mapapabayaan kung mga traditional politicians ang siyang mailuklok sa puwesto.

Sa hiwalay na pahayag nitong Sabado, July 20, 2024, ni Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim at ni Regional Speaker Ali Pangalian Balindong, handa na ang United Bangsamoro Justice Party ng M**F para sa parliamentary elections sa autonomous region sa susunod na taon na lalahukan din ng mga traditional politicians na may mga grupo ng tatapatan ang mga kandidato ng UBJP ng M**F.

Ayon kay Balindong, kanilang naipaliwag sa libo-libong mga kasapi ng UBJP, mula sa ibat-ibang lugar sa Lanao del Sur, sa isang pagtitipon nitong Miyerkules sa bayan ng Malabang sa naturang probinsya, na isa sa layunin ng kanilang partido, pinamumunuan ni Ebrahim na siyang chairman ng M**F central committee, ang maipagpatuloy ang mga programa nilang kaugnay ng Mindanao peace process.

Ayon kay Balindong, masasayang ang mga magagandang bunga ng peace agreement ng Malacaรฑang at M**F kung ang regional parliament ay napasailalim sa kontrol ng mga traditional politicians.

Ipinaliwanag ni Ebrahim sa mga reporters nitong Sabado na tanging ang Mindanao peace process lang ng Malacaรฑang at ng M**F ang siyang solusyon sa ilang dekada ng โ€œMoro issueโ€ sa Mindanao na siyang ring dahilan kaya nagkaroon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na itinatag noong 2019 batay 2014 government-M**F peace agreement. (JULY 21, 2024)

VIA JOHN UNSON, PHILIPPINE STAR

MNLF Bapa Party assembly sa Lanao del Sur matagumpayMalaking bilang ng mga Maranao ang dumalo sa ginawang provincial ass...
22/07/2024

MNLF Bapa Party assembly sa Lanao del Sur matagumpay

Malaking bilang ng mga Maranao ang dumalo sa ginawang provincial assembly ng Bangsamoro Party (BAPA) ng Moro National Liberation Front Front sa Masiu, Lanao del Sur nitong Sabado, July 20, 2024, bilang paghahanda sa nalalapit na 2025 parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Halinhinang ipinaliwanag nila Bangsamoro Labor and Employment Minister Muslimin Sema, presidente ng BAPA Party, at iba pang mga opisyal ng MNLF na dumalo sa naturang assembly, na isa sa layunin ng partido ay ang maipagpatuloy ang pagsulong ng mga programa ng pamahaalan na naglalayong ganap ng maging mapayapa ang Bangsamoro region na saklaw ng peace process ng Malacaรฑang at mga Moro communities.

Sa tantya ng mga lokal na kinauukulan at ng mga MNLF officials sa Lanao del Sur, hindi bababa sa 10,000 ang mga dumalong kasapi at supporter ng BAPA Party sa assembly nito sa bayan ng Masiu sa unang distrito ng Lanao del Sur.

Maliban kay Labor and Employment Minister Sema, dumalo din sa naturang assembly sina Bangsamoro Trade Minister Abuamri Tadik, sina Bangsamoro parliament members Adzfar Usman, Muslimin Jakilan, Hatimil Hassan, Romeo Sema, Yasser Sema, Ali Babao, at mga MNLF officials na sina Abduljabbar โ€œAfrikaโ€ Mamoclo at Giobay Diocolano.

Sa kanilang mga hiwalay na mensahe sa mga dumalo sa assembly, nanawagan ang naturang mga MNLF officials ng patuloy na pagtangkilik at suporta sa Mindanao peace process at pagbigay halaga sa mga mabubuting bunga ng September 2, 1996 peace agreement ng MNLF at ng pamahalaan at ng hiwalay na kasunduang pangkapayapaan ng Malacaรฑang at ng Moro Islamic Liberation Front. (July 21, 2024)

VIA JOHN UNSON, PHILIPPINE STAR

Tatlong nagnakaw ng motorsiklo, arestadoMaagap na naaresto ng mga kasapi ng Esperanza Municipal Police Station at mga ba...
22/07/2024

Tatlong nagnakaw ng motorsiklo, arestado

Maagap na naaresto ng mga kasapi ng Esperanza Municipal Police Station at mga barangay officials ang tatlong suspects sa pagnakaw ng isang motorsiklo sa isang barangay sa Esperanza sa probinsya ng Sultan Kudarat nitong gabi ng Biyernes, July 19, 2024.

Katuwang na mga miyembro ng Esperanza MPS at ng mga operatiba ng Sultan Kudarat Provincial Police Office ang mga tropa ng 7th Infantry Battalion ng Philippine Army sa pursuit operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong suspects, nahaharap na sa kaukulang kaso. (July 21, 2024)

VIA JOHN UNSON, PHILIPPINE STAR

Dalawang bayan sa Maguindanao del Sur nagka-water purifier device mula sa provincial governmentTumanggap nito lang nakal...
22/07/2024

Dalawang bayan sa Maguindanao del Sur nagka-water purifier device mula sa provincial government

Tumanggap nito lang nakalipas na linggo ang mga local government units ng Pagalungan at Montawal sa Maguindanao del Sur ng mga portable water purifiers na maaring magamit sa pag-proseso ng malinis na tubig inumin ng mga residenteng apektado ng malawakang pagbaha sa naturang dalawang mga bayan.

Mismong si Ameer Jehad Ambolodto, tagapamahala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang siyang naghatid ng naturang water purifier devices sa Pagalungan at Montawal na ayuda mula sa tanggapan ni Maguindanao del Sur Gov. Mariam Sangki Mangudadatu.

Daan-daang mga pamilya sa dalawang nabanggit na mga bayan ang apektado ng malawakang pagbaha nitong nakalipas na linggo sanhi ng malakas, paulit-ulit na ulan sa kapaligiran dulot ng sama ng panahon. (July 22, 2024, Contributed Report)

VIA JOHN UNSON, PHILIPPINE STAR

21/07/2024

NAG UNANG MGA BALITA KARONG BUNTAGA 22 JULY 2024

KAUBAN SI KUYA JAY

Pick-up truck sapol punongkahoy, siraNasapol ng isang pick-up truck ang isang punongkahoy sa gilid ng kalye sa Barangay ...
20/07/2024

Pick-up truck sapol punongkahoy, sira

Nasapol ng isang pick-up truck ang isang punongkahoy sa gilid ng kalye sa Barangay Cabobo sa Lamitan City, Basilan nitong Sabado, July 20, 2024.

Nawalan diumano ng control ang driver ng sasakyan kaya nabangga nito ang punongkahoy na bahagya lang na natanggalan ng mga balat, o bark sa wikang English.

May usap-usapang kumalat sa Lamitan City posibleng mabilis ang takbo ng sasakyan at lumihis, o posible diumanong nasa impluwensya ng alak ang driver nito kaya naganap and aksidente Wala pa namang ulat ang Lamitan City Police Station hinggil sa pangyayari. (July 20, 2024, handout photos)

VIA JOHN UNSON, PHILIPPINE STAR

Barangay Meti  sa Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte binahaHagip ng rumaragasang baha mula sa mga karatig na mga k...
20/07/2024

Barangay Meti sa Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte binaha

Hagip ng rumaragasang baha mula sa mga karatig na mga kabundukan ang Barangay Meti, nasa tabing dagat, sa bayan ng Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao del Norte kamakalawa.

Ang pagbaha sa naturang barangay ay kasunod ng malakas, paulit-ulit na ulan sa kapaligiran.

Agad namang tumugon sa naturang kalamidad ang Datu Blah Sinsuat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office. (July 20, 2024, handout photo)

VIA JOHN UNSON, PHIILIPPNE STAR

20/07/2024

Big shout out to my newest top fans! ๐Ÿ’Ž Iligan Dante, Angel Guadalupe Fernandez, Jhon Robles Perenio, Nabuksan Kalahati Naubos, Judy Dumangin Dilag, Olegario Jr Chico Banac, Eyeseelyn Aiikoglabda, Rosalie Navarro Orravan, Zul Silaya, Junlร fs Gasco Gasco Lafuente, Marjorie Reboton Rosalinda, Paquito Maca, Amelito Perasol, Ate Gha, Michael Guibao, Robert Lapuz Reoja, Jepte Banghal, Chantin Mejos, Esterlita Layagan, Ian Dagante Pan, Aiza M. Bardon, Mario Orias, Ya Yan, Aries Manlapit, Arnel Estrada Cabz, Ronald Bediot, Miradores Tongco Felisa, Aim Khriss Catingub, Janma Rino, Jennifer Pasuit, Vil Yams, Scarlet Khate Zy Sandoval, Ruby Rabanes Caldino, Veronica Abacan Catalan, Mace Ko, Jecebelle Arcenal Requina, Thelma Caballero, Maria Edelyn Sirue Ladera, Angel Sabilla DELOS Santos, Jelly Ohm's

Drop a comment to welcome them to our community,

19/07/2024

WATCH | Eastern Mindanao Command (EastMinCom) accorded traditional military honors to the newly promoted Commander, LtGen. Luis Rex D. Bergante PA held at the Headquarters EastMinCom, Naval Station Felix Apolinario, Panacan, Davao City on July 19.




Mga banyagang kapitalista nais mag-negosyo sa Cotabato provinceTatlong Chinese investors ang nais na mag-negosyo sa prob...
19/07/2024

Mga banyagang kapitalista nais mag-negosyo sa Cotabato province

Tatlong Chinese investors ang nais na mag-negosyo sa probinsya ng Cotabato upang makatulong sa lokal na ekonomiya at makapagbigay ng trabaho sa mga residente ng mga bayan na maaring pagtayuan ng ibat-ibang industriya.

Nagpulong nitong Huwebes, July 18, 2024, sa Cotabato Provincial Capitol sa Kidapawan City sina Provincial Administrator Aurora Garcia, ang chairman ng Emandarin Ventures Incorporated (EVI) na si Thomas Yen, at mga kapwa negosyanteng sina Anderson Wong at Bob Yan kung saan kanilang tinalakay ang investment potentials ng probinsya, kilalang โ€œnew investment hubโ€ ng Region 12.

Sa pahayag nitong Biyernes, kinumpirma ni Cotabato Gov. Emmylou Taliรฑo Mendoza ang mithiin ng tatlong mga banyagang kapitalista na maglagak ng pondo para sa agriculture, industrial technology at manufacturing industries sa probinsya na may 17 na mga bayan at mahigit 40 na mga barangays dito sa Kidapawan City na siyang kabisera nito.

Sa kanilang dayalogo kay Garcia at mga opisyal ng ibat-ibang tanggapan sa Cotabato governorโ€™s office, ipinaliwanag nila Yen, Wong at Yan na ang pagiging mapayapa ng Cotabato at ang masigasig na mga programa ni Mendoza na isinusulong ang lokal na komersyo at industriya ang nakaengganyo sa kanilang magtayo ng ibat-ibang negosyo sa probinsya.

Ayon kay Mendoza, chairperson ng multi-sector Regional Development Council-12, magtutulungan ang mga local government units sa probinsya, ang Cotabato Provincial Police Office at ang militar sa pagpapanatili ng kapayapaan sa mga lugar kung saan nais magtayo ng mga negosyo ang mga kapitalistang mula sa ibat-ibang rehiyon at sa ibat-ibang bansa. (July 19, 2024, JFU)

VIA JOHN UNSON, PHILIPPINE STAR.

Pamilya ng nalunod sa baha, may ayuda mula sa Maguindanao del Sur governorโ€™s officeNagpaabot ng ayuda kamakalawa ang tan...
19/07/2024

Pamilya ng nalunod sa baha, may ayuda mula sa Maguindanao del Sur governorโ€™s office

Nagpaabot ng ayuda kamakalawa ang tanggapan ni Gov. Mariam Sangki Mangudadatu sa pamilya ng nasawi na si Alimudin Manampan na nalunod sa rumaragasang baha na tumama sa Barangay Damalasak sa bayan ng Pagalungan nito lang nakalipas na linggo.

Mismong si Ameer Jehad Ambolodto, tagapamahala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang siyang nag-hatid sa pamilya ng biktima ng cash assistance mula sa Maguindanao del Sur provincial government.

Daan-daang mga residente ng magkatabing mga bayan ng Pagalungan at Montawal sa Maguindanao del Sur ang apektado ng pagbaha sanhi ng malakas na ulan sa kapaligiran. (July 19, 2024)

VIA JOHN UNSON, PHILIPPINE STAR

Bangsamoro transportation & communications ministry nag-ayuda sa mga binahaNamigay ng ayuda kamakalawa sa mga binaha sa ...
19/07/2024

Bangsamoro transportation & communications ministry nag-ayuda sa mga binaha

Namigay ng ayuda kamakalawa sa mga binaha sa dalawang Bangsamoro barangays --- ang Kadigasan at Damatulan --- sa bayan ng Midsayap sa probinsya ng Cotabato and mga kawani ng ibat-ibang ahensya ng Ministry of Transportation and Communications-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Mismong si BARMM Transportation and Communications Minister Paisalin Pangandaman Tago ang personal na namahala ng naturang relief operations, katuwang ang mga opisyales ng mga ahensyang sakop ng kanyang tanggapan --- ang Bangsamoro Airport Authority, Civil Aeronautics Board of the Bangsamoro, Bangsamoro Land Transportation Office, Bangsamoro Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Bangsamoro Ports Management Authority, Bangsamoro Maritime Industry Authority at ang Bangsamoro Telecommunications Commission.

Ayon kay Minister Tago, ang naturang humanitarian mission ay suporta nila sa mga relief operations na isinasagawa ng mga health at social services ministries ng BARMM batay sa kautusan ni Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim.

Namigay sina Minister Tago at mga kawani ng pitong mga ahensya na sakop ng kanyang tanggapan ng hygiene kits, distilled water, mga de-latang pagkain, mga balde at iba pang mga mga relief supplies sa daan-daang residente ng Kadigasan at Damutalan na binaha sanhi ng malakas at paulit-ulit na ulan sa kapaligiran. (July 19, 2024)

VIA JOHN UNSON, PHILIPPINE STAR

Address

Mawab
8802

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo Amigo 97.3 FM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Radyo Amigo 97.3 FM:

Videos

Share

Category

Nearby media companies


Other Mawab media companies

Show All