25/01/2025
Masarap mamuhay ng payapa at matiwasay.
Yung sa simpleng bagay ay kontento na sa buhay.
Mga anak na mababait ang karamay.
Mga magulang na maaruga ay laging nakaagapay.
Mga huni ng ibon ang musika sa tenga.
Mga pagaspas ng dahon humahalina.
Biyayang galing sa Dios na dakila.
Buhay nila'y ating pahalagahan tuwina.
Sulat ni: Riezel Vitanzos