14/07/2024
"Tip bago ka pumasok sa Buhay Negosyante💵
"Dapat handa ka ma stress.
Dapat handa ka mapuyat.
Dapat handa ka sa pagod.
Dapat madami kang Calculator.
Dapat may Notes ka specially Ballpen.
Dapat Iwasan ang bisyo.
Matutong magpakumbaba.
Babaan ang Pride.
at “KUNG NEGOSYANTE KA, MAKAKARELATE KA”
Madalas kasi nakikita lang ng karamihan YUNG SUCESS NG ISANG TAO. Na, “ay marami tong raket, marami tong pera”. My Business yan madaming pera yan.
Hindi nila nakikita yung laki ng “PRESSURE” ,"PAGOD", "SAKRIPISYO", " BATTLE MO SA SARILI MO". Yung times na umiiyak kana lang sa pagod at Pressure. Yung hanggang madaling araw nag cocompute ka. Hanggang Gabi nag Gri-Grind ka para sa pangarap mo. Yung bawat negosyante pagkakasyahin ang maliit na kapital na hawak niya, kung pano papaikutin.. Hindi nila nakikita lahat ng Burden na nangyayari sa sarili mo at sa negosyo mo.
Ang nakikita lang nila yung Na establish mo na Business ok na. Na kapag hindi mo sila napag bigyan akala nila madamot kana, na nagmamataas kana. Pero hindi nila alam na pinapaikot mo lang puhunan mo kaya hindi mo sila mapagbigyan. Hindi nila nakikita mga expenses sa business at sa personal mo.
"Napansin ko din, na ang daming online sellers na biglang nawawala. I mean, nag lalie-low. Biglang hindi mo na sila nakikita na dumadaan sa wall mo. Weeks, months. Tapos makikita mo nalang, magpopost sila ng "I'm back!" then meron din ako mga nakikitang posts na "kaya nakakasawa nadin eh." "kaya nakakapagod nadin talaga."
"Nakakalungkot 'to. Yes po! Kahit kaming mga online seller, dumadating din talaga sa panahon na pinang hihinaan na ng loob. Panahon na gusto ng isuko lahat ng naumpisahan at pinag hirapan sa linya na 'to.
"And that's valid! Minsan kase, kailangan din naten mag refresh. And clear our thoughts. Kung, ito ba talaga gusto namin tahakin na hanapuhay. Kung para dito ba talaga kami.
"Maraming struggles sa negosyo. Maliit man yan o malaki. Kung titignan, parang ang dali lang ng buhay online seller. Madaling