20/10/2019
Dear Radyo Natin,
Ako po si Ema, at masasabi ko pong masyado din akong naging mapaghusga sa iba! Ako po 31 yrs old na at para po mas maintindihan ninyo ang aking kwento sisimulan ko po saakin anak.
Opo Dj ligaya, meroon po akong anak na lalaki. 3 yrs old na siya..
Isang araw, nasa mall kami ni ng anak kong si Ace. At nong nagdapithapon na bago kami umuwi ih kumain muna kami sa isang Fast Food Chain.
Sa mga ilang sandali po at may napansin akong isang madungis na lalaki na kanina pa tingin ng tingin sa anak ko, medyo nainis din ako at natakot.
Kaya pagkatapos naming kumain ng anak kong si Ace ay umuwi agad kami.
Makalipas ang ilang linggo, mamamasyal ulit kami ng anak ko. At sa muli nakasalubong namin ang madungis na lalaki na nakita namin non sa Fast Food Chain.
Napatigil ako sa paglalakad Dj ligaya, dahil tumakbo bigla si Ace papunta sa madungis na lalaki at nakipaglaro.
Sumagi sa isipan ko na baka kid napper ito, kaya agad kong kinuha si Ace at inilayo sa madungis na lalaki sabay sabing "wag ka ng lalapit sa anak ko!"
Dj ligaya bakas po sa mukha ng lalaki ang labis na lungkot nong kinuha ko si Ace.
At dahil nga po sa nangyari Hindi na muna kami namasyal ng anak ko.
Pag sapit ng Gabi, pinuntahan pinuntahan ako ng kapitbahay kong dalaga, tinanong ako kung bakit ko daw sinungitan ang matandang lalaki. Sabi ko naman Hindi kasi katiwa-tiwala.
Umupo ang dalaga sa harap ko at kweninto ang buhay ng madungis na lalaki.
Ang madungis na lalaki pala ay si Tito Efren niya, na matagal ding nag trabaho sa ibang bansa at pag uwi dito sa pinas labis ang pananabik na makita ang Asawa't anak nito. Ngunit sa kasamaang palad habang magkakasama sila sa iisang sasakyan na disgrasya ito, at si Tito Efren nalang niya Ang natirang buhay.
Kaya naman labis ang depression na natamo ng kanyang tiyohin hanggang sa mabaliw ito at napabayaan na nga ang sarili.
Labis akong naawa at pinuntahan si Kuya Efren, humingi ako ng paumanhin at sinabi kona ding maligo at mag ayus ng pananamit. At ang sagot sakin ni Kuya Efren "salamat po".
Simula non, labis ang kanyang tuwa dahil nakakalaro na niya ang aking anak na si Ace.
Makalipas ang ilang buwan. Napagtanto kong may hitsura talaga itong si Kuya Efren at nasa 40+ palang naman pala ang kanyang edad. Ang tanda niya kasing tignan non dahil sa balbas niya.
At sa wakas Dj ligaya naging bahagi ako ng recovery ni Kuya Efren sa kanyang Depression. Nanumbalik din ang kanyang dating pag-uugali, napakabait niya Dj ligaya.
Makalipas pa ng mga ilang buwan nag tapat si Kuya Efren saakin, nais niya raw akong pakasalan.
Dj ligaya halos nanlaki Ang aking mga tenga at kumabog ng mabilis Ang aking puso sa sobrang gulat at saya.
Ano po Ang payo na maibibigay niyo saakin? Dahil months palang din naman ang pagkakakilala namin at matagal din naman na akong single mom.
Yes I do ba? O No I don't?
Sana ay pati narin Po ang inyong mga Taga pakinig ay makapagbigay ng advice sa aking kwento.
Salamat po! And more power sa Dear Radyo Natin.
-Ema