Paalam Marky Miranda 🕊️
🕊️Ngayon na ang huling gabi ni Marky Miranda, ang bigat ng nararamdaman ng buong pamilya ni marky at ng kaniyang mga kaibigan ay ganon na lamang.
HUSTISYA ang panalangin ng bawat isa,
Hustisya na dapat makamit at dapat managot ang suspek.
Patuloy na ipagdadasal ng komunidad ng Sapang Kawayan ang hustisyang para sa batang musmos na winakasan ang buhay 🙏
Ipanalangin natin ang kaluluwa ng kababaryo nating si Marky Miranda, 🕊️
Context: Si marky miranda ay nabangga ng isang bangka, pero imbes na ito ay tulungan, hinayaang malaglag sa bangka, malunod sa ilog at mamatay. Kinailangan pang gumamit ng maraming bangka para makuha ang katawan ng bata. Hustisya ang hiling ng pamilya, dahil sa isang iglap nawala at tuluyang natulog na ang mga pangarap na binubuo pa lamang ni marky, tuluyan ng nawalan ng isang masipag at mabait na anak ang kaniyang mga magulang, isang mapagmahal at malambing na apo, pinsan, kapatid at pamangkin. Isang masayahing kaibigan, kaklase at estudyante. Sana ay habagin ng konsensya ang sinumang gumawa nito sa kanya. 🙏 Sabay-sabay nating ipanalangin na maawa at mahabag ang nakagawa nito sa kanya, sinasadya man o hindi, kailangan managot sa batas at mabigyan ng hustisya ang pagkawala ni Marky Miranda ⚖️
Mapagpalang pagdating po sa aming munting baryo 🤍
Santo Cristo del Pedron at La Virgen de los Remedios de Pampanga 🤍
Gabayan at pagpalain niyo po ang aking mamayan.
Basbasan nyo po ang hanap-buhay ng aming mahal na sapang kawayan.
3-24-2023
Sandal, para sa semana santa.