05/12/2024
Para sa aking mister,
Salamat sa pagiging mabuting ama at tagapagtaguyod ng ating pamilya. Masaya ako sa mga nararating mo at suportado kita sa mga plano mo.
Pero, parang nakalimutan mo na ako. Ako yung dating nililigawan at nagpapasaya sa'yo. Ngayon, nagbago na ako dahil sa pagiging abala sa'yo at sa ating pamilya, pero sana maalala mo pa rin ako.
Hiling ko lang, bigyan mo ako ng oras, kaunting atensyon, at simpleng surpresa. Hindi ko kailangan ng mamahaling bagay—sapat na ang maramdaman kong mahalaga pa rin ako sa'yo.